Professional Documents
Culture Documents
SA EDUKASYON:
LAGOM
Arrogancia, Catipon
Konstitusyon ng 1935
lilinang ng isang wikang pambansa batay sa isa sa
umiiral na katutubong wika sa bansa.
1937
inirekomenda ng Surian ng Wikang Pambansa
(SWP), na Tagalog ang maging batayan sa paglinang
ng pambansang wika.
KT Blg. 134
nagdedeklarang Tagalog ang batayan ng
pambansang wika nilagdaan ng dating Pangulong
Quezon
25%
KT Blg.75%263 (Abril 1940)
nag-uutos ng pagtuturo ng pambansang wika sa
lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa
bansa.
Abril 8, 1940
Isang Kautusang Pangkagawaran
naman ang pinalabas ng Kalihim ng
Pampublikong Instruksyon
para iimplementa ang nabanggit na
Kautusang Tagapagpaganap.
Bureau of Education Circular Blg.
26, s.1940 (Hunyo 19, 1940)
ituturo ang pambansang wika nang apatnapung (40)
minuto araw-araw bilang regular at kailanganing kurso
sa dalawang semester
Ipapalit ang pambansang wika sa isang elektiv sa bawat
semestre ng ikalawang taon sa mga paaralang normal at
magiging dagdag na asignatura sa lahat ng paaralang
sekondarya.
1942
higit na naging masigla ang pagpapalaganap sa wikang pambansa
nang sakupin ng mga Hapones ang bansa
Ipinag-utos ng Punong Komander ng Japanese Imperial Forces ang
pagbabawal sa paggamit ng Ingles at ang pagdepende ng mga
mamamayang Pilipino sa mga bansang kanluranin lalo na ang Estados
Unidos at Gran Britanya.
Idineklara ang Tagalog bilang opisyal na wika at midyum ng pagtuturo
sa mga paaralan noong panahon ng Hapon. (Gayunpaman, sinasabing
patuloy na ginamit sa pagtuturo ng mga gurong sanay sa Ingles ang
wikang Ingles.)
KT Blg. 10
ipinalabas ni Pangulong Laure noong 1943
nag-uutos ng mga reformang edukasyonal.
Kabilang dito ang pagtuturo ng pambansang
wika sa lahat ng paaralang elementaryang
publiko at pribado, gayundin ang
pagsasanay ng lahat ng mga guro ng
pambansang wika simula sa pagbubukas ng
taong panuruang 1944-1945.
1944
nagbukas ng Tagalog Institute, kung saan sinimulan ang pagtuturo
ng Tagalog sa mga gurong di- katutubong tagapagsalita.
Nilagdaan din ni Pangulong Laurel ang KT Blg. 44 para ilahad ang
mga patakarang pang-edukasyon. Kabilang dito ang restorasyon ng
Unibersidad ng Pilipinas, na naatasang magsulong ng
nasyonalismong Pilipino at luminang ng wikang pambansa. Bilang
pag-alinsunod sa probisyong ito, kabilang ang pambansang wika
bilang isa sa mga kailanganing kurso sa mga kurikulum ng lalong
mataas na edukasyon.
Nireorganisa ang sistemang pampaaralan
nang palayain ng mga Americano ang mga
Pilipino sa pananakop ng mga Hapon. Muli,
Ingles ang naging pangunahing midyum ng
pagtuturo at ang Tagalog ay itinuro bilang
isa sa kailanganing kurso sa mga antas
elementarya at sekondarya.
1957
Isang bagong patakarang pangwika ang
pinairal sa mga paaralan sa Pilipinas
bunga ng intensibong pananaliksik at
eksperimentasyon sa kung anong wika
ang higit na mabisang gamitin bilang
midyum ng pagtuturo.
Lupon ng Pambansang Edukasyon
(Board of National Education)
isang ahensyang nagtatakda ng mga patakarang
pang- edukasyon
na ang midyum ng pagtuturo sa unang dalawang
taon ng paaralang elementarya ay ang lokal na
vernakular at ang pambansang wika (tinawag na
Pilipino noong 1959) ay ituturo nang impormal
simula sa unang baitang at bibigyan ng tuon bilang
asignatura sa higit na mataas na grado;
ituturo ang Ingles bilang asignatura sa Greyd 1 at
2, at gagamiting midyum ng pagtuturo simula sa
Greyd 3.
Memorandum Blg. 04
“siyam na yunit ang kailanganing Filipino para sa mga kursong
HUSOCOM at anim na yunit naman para sa ibang kurso.”
Kailangang pagtuunan ng pansin:
1. Ang Kurikulum ng Filipino
Ang mga kurikulum ng Filipino sa iba't ibang antas ng
edukasyon sa bansa ay may
layuning luminang ng kakayahang komunikatibo ng mag-
aaral tungo sa pagiging mabisang komyunikaytor.
Kahingian ng mga kurikula ang pagiging multi-disiplinary,
integrity, multi- media at may focus sa mag-aaral.
Magkaiba ang kailanganing pangwika ng pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan at ng akademikong pag-
aaral.
Binigyang-linaw na para sa araw-araw na pakikipamuhay
sa lipunan, kakailanganin ang mga batayang kasanayang
interpersonal (Basic Interpersonal Communication Skills
o BICS).
Sa pagtatamo ng BICS, hindi nangangahulugan na
magtatagumpay na ang mga mag-aaral sa kanyang mga
gawaing akademiko.
Ang pag-unawa sa mga araling pangnilalaman ay
nangangailangan ng kognitibo- akademikong
kasanayang pangwika na tinatawag na CALP
(Cognitive-Academic Language Proficiency).
Medyo matagal malinang ang CALP at ayon sa mga
pag-aaral sa naisagawa na, nangangailangan ng
mga lima hanggang pitong taon para malinang ito.
Hindi halos nalilinang sa mag-aaral ang mga
kasanayang kailangan sa malalim na pag-unawa sa
mga araling pangnilalaman at sa pagpapahayag ng
iniisip.
Hindi kataka-taka na mababa ang resulta ng mga
pambansang pagsusulit sa mga asignaturang
pangnilalaman tulad ng Araling Panlipunan,
Agham, Matematika at iba pa.
2. Kahandaang Pedagojikal ng
mga Guro ng Wika
Ilan sa mga suliranin sa guro ay ang mababang
antas ng kahusayan sa wika (Filipino o Ingles),
kawalan ng masteri ng nilalaman ng asignaturang
itinuturo (sa kasong ito, Filipino), kakulangan ng
malikhaing pag-iisip at disposisyon, at ang
kailangang kaalaman sa mga teknolohiyang
instruksyonal.
Sa pananaw ni Bro. Andrew Gonzalez, hindi gaanong
nakatutulong sa pagpapataas ng kasanayang pampag-
tuturo. Higit na mainam ang mga short-term course sa mga
lawak na natukoy na mahalaga para sa higit na efektibong
pagtuturo.Task Name
Apat na key result areas ang tinatarget ng PCER (2000,
Task Name
ibid.) para mapaunlad ang kasanayan ng mga guro:
kasanayan sa pagbasa, kasanayan sa kritikal na pag-iisip,
Task Name