You are on page 1of 13

Koda ng Kurso: Filipino 200

Panimulang Lingguwistika

Yugto ng Aralin Instruksyon


READ/ BASA-UNAWA: Basahin ang teksto at pansinin ang estilo
ng pagtalakay sa ilang bahagi na nasa anyo ng pagbuo
PAGBASA ng anotasyon. Magiging gabay ito sa mga naghihintay na
pagsasanay.

Kadikit ng pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang


panahon hatid ng mass media at makabagong teknolohiya,
lalong lumaganap ang paggamit ng cellphone, ipad, tablet, at
marami pang iba sa buong mundo maging sa Pilipinas
(Nuncio at Nuncio, 2014). Sa ganitong kalakaran, lumitaw
ang iba’t ibang isyu sa kalakaran ng pagtuturo at pagkatuto.

Kasabay ng lumalawak na ugnayang kalakaran at isyu


sa pagtuturo at pagkatuto, malaki ang panawagang isulong
ang ika-21 siglong edukasyon na nagbibigay-pansin sa
pagpapahusay sa mga mag-aaral na paigtingin ang 4C’s
(communication, collaboration, critical thinking, and creativity)
o 4K (komunikasyon, kolaborasyon, kritikal na pag-iisip, at
kasiningan at pagkamalikhain). Sa ganitong kalakaran at
isyu, marapat na maihanda ang mga guro at mag-aaral na
sumasailalim sa pag-aaral at pagkatuto ng/sa Filipino bilang
larangan sa edukasyong pangwika na linangin ang
kahusayan sa pasalita at pasulat na komunikasyon,
pakikilahok sa pangkatang gawain, makapaghain ng mga
inobatibo at di-karaniwang idea sa mga problemang
haharapin ukol sa personal, propesyonal, at panlipunang
bahagi ng buhay.

Ugnayang Isyu at Kalakaran

Ugat ng Isyu at Kalakaran sa Edukasyong Pangwika


Ang dahilan ng iba’t ibang isyu at kalakaran sa
edukasyong pangwika ay kaugnay ng iba’t ibang aspekto
na mahalagang mabigyang ng pansin. Nagkakaugnay
nagtatagpo ang mga epekto para mabigyang-hugis at linaw
ang mga isyu at kalakaran sa edukasyong pangwika.

• Historikal

Masalimuot ang kasaysayan ng wika kaugnay ng pambansang pagpaplano nito


(Demeterio III, 2012). Kaniyang ibinigay ang mahahalagang puntos sa pag-aaral na
pinamagatang “Sistematikong Multilingguwalismo: Lunsaran ng mas Mataas na
Wikang Pambansa/ Systematic
Multilingualism: Foundation for a More Effective National Language. Kaniyang
komprehensibong inisa-isa ang ugnayan ng wika, yugto ng wika, at programang
pangwika. Naging sentro ng kaniyang talakay ang sumusunod na mahalagang kaisipan
ukol sa wika at mga konseptong nakapaloob dito gaya ng sumusunod:

Wikang Ingles Naging ugat ng Amerikanisasyon sapagkat ipinalaganap sa


pampublikong paaralan at kalaunan sa pribadong edukasyon noong
1901.
Unang Yugto ng Unang pinangalanang wikang Pambansa noong 1935.
Wikang Tagalog - Ito ay Tagalog
Ikalawang Yugto ng Unang ginawang akademikong asignatura noong 1940.
Wikang Tagalog - Ang tagal bago talagang pinag-aralan ang wikang Tagalog!
Unang Yugto ng Ang yugto ng wikang pambasa kung kailan ang pangalang
Wikang Pilipino “Tagalog” ay pinalitan ng “Pilipino” noong 1959.
Ikalawang Yugto ng Ang yugto ng wikang pambasa kung kailan pinanatili itong wikang
Wikang Pilipino opisyal at wikang pangakademiko ngunit tinangggalan ng katayuan
bilang wikang Pambansa noong 1973.
Unang Wikang Ang artipisyal na wika na balak buoin ng 1973 na Konstitusyon at
Filipino papalit sa wikang Pilipino bilang wikang Pambansa.
Ikalawang Wikang Ang yugto ng wikang Pambansa kung kailan ang wikang Filipino ay
Filipino kinilala muli bilang wikang opisyal, pang-akademiko, at Pambansa na
pinangalanang “Filipino” ng 1987 na Konstitusyon.

Dati ang may teknikal na pagsulat (Sulating pormal at Impormal)


Ngayon ay wala na, pero may: Pag-unawa – Pagpapaunawa – Pagkaunawa sa
teksto
• Edukasyonal

Kaakibat ng umiiral na daloy ng kasaysayan ang mga programang


edukasyonal na may malaking epekto sa pagtuturo at pagkatuto ng Filipino bilang
mahalagang disiplina at asignatura. Sa mga paraalan umusbong at umiral ang ibat
ibang kalakaran at isyung kadikit ng mga programang ipinatupad na nagbigay-
hugis sa sitwasyon at kalagayang pangwika sa bansa.
Ang sumusunod ang mga kaisipan na may kaugnay sa konseptong pangwika
ukol sa mga kaisipan pangyayaring naganap at naipatupad sa iba’t ibang antas
paaralan.

Monolingguwalismong Sinimulan at ipinataw sa mga kabataang Pilipino


Ingles noong 1901 dahil ayaw ng mga Amerikanong
ipagpatuloy ang paggamit ng wikang Espanyol
sapagkat walang isang makitang katutubong wika na
maaaring gamitin sa mga pampublikong edukasyon.
Naging daan ang monolingguwalismong Ingles para
hubugin ang wika at kultura ng Estados Unidos sa
Pilipinas.
Unang Noong 1939, kalihim ng
Bilingguwalismo Pampublikong Instruksiyon na maaaring gamitin ang
unang wika bilang auxiliary na wikang panturo lalo sa
mga mag-aaral sa Unang Baitang. Binubuo ito ng
Ingles at isa sa ating mga unang wika.
Ikalawang Noong 1970 naglabas ng kautusan na tanging
Bilingguwalismo wikang Pilipino na lamang ang gagamiting midyum
sa pagtuturo sa lahat ng antas. Dahil nakasanayan
nang gamitin ang unang wika bilang auxiliary sa
pagtuturo sa mabababang baitang, itinuturing itong
bilingguwalismo sa aktuwal na pangyayari na
binubuo ng wikang Pilipino at isa sa ating mga unang
wika. Sa panahong ito ginamit ang Pilipino bilang
wikang panturo sa buong kapuluan ng bansa.
Unang Ipinatupad noong 1973 at nag-utos na gamitin ang
Multilinggwalismo mga unang wika bilang midyum ng pagtuturo
hanggang ikalawang baitang na susundan naman ng
paggamit ng wikang Pilipino at Ingles na nakabatay
sa Dep.Ed Order 9, Series of 1973, 1.a.
Ikatlong Ipinatupad noong 1974 at nag-utos na gamitin ang
Bilingguwalismo mga wikang Ingles at Filipino na nagsantabi naman
sa mga unang wika. Ito ang ipinakilalang
programang bilingguwalismo sa ating bansa dahil
hindi katulad sa unang bilingguwalismo sumasaklaw
ito sa lahat ng antas pang-akademiko at di tulad ng
ikalawang bilingguwalismo na umiral nang mahigit
isang dekada at naging batayan para sa kasunod
nitong programang pangwika.
Ikalawang Ipinatupad noong panunungkulan ni Pangulong
Multilinggwalismo Corazon Aquino na pinagsamang unang
multilingguwalismo at ikatlong bilingguwalismo. Dito
pinagtibay ang paggamit ng wikang Filipino at wikang
Ingles at muling kinilala ang ang kahalagahan ng
mga unang wika bilang auxiliary na wika sa
pagtuturo
Ikatlong Ang kasalukuyan nating pambansang patakarang
Multilinggwalismo pangwika na ipinatupad noong 2009 na nakabatay
sa sistematikong pananaliksik tungkol sa
multilingguwalismo. Hindi tulad sa naunang
dalawang multilingguwalismo, oral, at tekstuwal na
paggamit sa mga unang wika sa loob ng mas
mahabang panahon ang inuutos ng kasalukuyan
nating programang multilingguwal.

• Panlipunan

Kaugnay ng kasaysayan ang kaganapang panlipunan na inihahain ng iba’t ibang


salik. Kadikit ng mga kalakaran at isyung panlipunan ang umuusbong at umiiral na mga
bagong usong wika na hatid ng iba’t ibang salik dulot ng pandarayuhan, pagyabong ng
midya at makabagong teknolohiya, paglawak ng malilikhaing mamamayan mula sa iba’t
ibang domeyn ng wika na nakakaimluwensiya sa mga gumagamit nito sa loob at labas
ng paaralan.
Ang sumusunod ang mga kaisipang pangwika na may tuwirang epekto sa
mapanghamong kalakaran sa pagtuturo ng Filipino bilang kabilang sa edukasyong
pangwika.

• Umuusbong na Wika/Gramatika (Emerging Grammar)

Ayon sa pananaliksik ni Batnag (2008) pinamagatang “Sumisibol na Gramatika sa


Filipino: Ilang Obserbasyon sa mga Bagong Kalakaran/Pagbabago sa
Wika,” kaniyang inilahad ang mga naging obserbasyon patungkol sa mga pagbabagong
nagaganap sa wika mula sa kaniyang namasdan, narinig, at mga ibinahaging
pagmamasid din ng mga naging mag-aaral. Ilan sa mga nailahad na pagbabago ng
wika ang: “Hindi ko siya alam.” ( ang sinabi ni Manilyn Reynes nang hindi maibigay ang
lyrics ng kanta sa programang Singing Bee.) “Ipindot mo, ihinto ko.”
(Karatula sa Jeep).Tanong: “Ano’ng ginagawa mo rito?” Sagot: “Dito kaya ako
nakatira.” “Masaya ako kasi kikitain ko na bukas ang matagal ko nang ka-chat.”
“Ipinatawag siya ni Senate Finance Committee Chair Juan Ponce Enrile.” “Noon kasi,
although kilala na siya, hindi raw siya tinitilian, So nagsikap siya para mas sumikat pa.”
“Matatalino ang mga students ko ngayon.”
Mula sa mga naitalang halimbawa, masinsing ipinaliwanag n’ya ang sumisibol na
gramatika na katumbas ng pagbabago sa wika. Ayos sa kaniya kapansin-pansin ang
pagbabago sa wika batay sa pagbigkas ng mga salita, pagpapalitan o tila papilipit na
bigkas ng mga tunog at salita, pagtanggap sa dating di-katanggap-tanggap na mga
salita mula sa nakasanayang pag-aaral sa gramatika, anyo ng paglalapi, bagong
pahayag, at marami pang iba. Mula sa mga naitala at naging datos ng pag-aaral,
naging realisasyon at hamon ang pagpapasiya na dapat magmula sa mas masinsin
pang pag-aaral at pananaliksik.

NOOD-NILAY: Panoorin ang dokumentasyon ng IWitness ni Howie Severino


(2009) para pagnilayan at unawain ang sumusunod na paksa:
• Superyor VS Imperyor (Mataas Laban sa Mababang Wika)
(Nagiging mababa ang pagtingin sa wikang Filipino at mataas naman ang Ingles)
• Pagpapalit-Koda
(Naging ganito kung minsan ang pagtuturo para lang maunawaan ng mga bata
ang itinuturong Ingles)
• Nauusong Wika
(Ingles ang nauusong wika, wika ng elite, wika ng pagbabago)
• Kahalagahan ng Unang Wika sa Pagkatuto
(MLE – Ipinatupad sa ilang paaralan para matuto ang mga bata)
(Mali ang konsepto na ang wikang Ingles na ginagamit sa pagsasalita at
pagtuturo ay magbubunga ng pagkatuto nito. Kaya wala pa rin tayo hanggang
ngayong English speaking community)
SHARE/ MAG-ISIP. MAGBAHAGI. MAGPASYA: Pansinin ang mga
larawan at isagawa ang mga hanay ng gawain.
PAGBABAHAGI
Larawan 1:

Gawain 1 ROS: Bumuo ng #sa naging reaksiyon,


MAG-ISIP opinyon, at saloobin:
Reaksiyon Opinyon Saloobin
#Filipino #SONAGets #Proudtobea
SONA Ko! Filipino
Gawain 2 Humanap ng kapareha at ipaliwanag ang
MAGPARES sumusunod batay sa gabay na tanong:

1. Bakit ito ang iyong naging sagot na #?


Para sa aking #FilipinoSONA, ang salitang
“Filipino” ay sumisimbolo sa dugong
nananalaytay sa Dating Pangulong Aquino at
sa mga mamamayan ng Pilipinas, gayundin
ang wikang ginamit sa nasabing SONA.

Para naman sa #SONAGetsKo!, isang


makasaysayang pangyayari ang SONA ng
Pangulo, subalit mas naging makasaysayan
ito sapagkat bukod sa paggamit ng wikang
Filipino, ay ito na marahil ang unang SONA
na nakatawid at nakatugon sa kanyang tunay
na layunin, ang maipaabot ang mensahe ng
Pangulo sa mga ordinaryong mamamayan ng
ating bayan.
Para naman sa #ProudtobeaFilipino,
nakadama ako ng kiliti sa kaibuturan ng aking
puso. Na sa dinami-dami na ng SONA na pilit
ipinanood sa akin mula pa man noong nasa
Elementarya ako, hanggang ngayong maging
isa nang ganap na guro, ay iba pala talaga
ang dating ng wikang Filipino. Iba ang tikas
nito lalo’t higit kung gagamiting wasto sa
pakikipagtalastasan. Nakadama ako ng galak
na sa wakas, may SONA akong hindi lamang
nangungusap ng mga plano ng pamahalaan
kundi nagpakita rin ng kariktan ng wikang
sariling atin.

2. Paano masasalamin ang kasagutan sa


kalakaran at isyung pangwika?
Ang pangulo ay iniluklok ng mamamayan
upang mamuno sa buong bansa. Ang isang
pangulo ay nasa pedestal ng kritisismo
sapagkat ang kaniyang antas sa lipunan ay
higit na nakatataas sa kalakhan. Sa ating
bayan na ang tingin sa mga taong
nakapagsasalita ng Ingles ay elite at
matatalino, samantalang ang gumagamit ng
wikang Filipino bagaman sariling atin ay
mababa at/o mangmang. Isang malaking
pagpapatotoo ito sa kamalian ng
paniniwalang ito. Kung ang presidente nga na
itinuturing na matalino, may mataas na pinag-
aralan, paanong naging pam”bobo” ang
wikang Filipino? Dahil dito nagkaroon ng
pagbabago sa di magandang pagtingin sa
wikang Filipino. Kumbaga ay naisilang muli
ang wikang Filipino.

3. Paano nakatulong at nakaapekto ang


trivia/larawan sa daloy ng kasaysayan:
noon, ngayon, at bukas?
Makatutulong at nakaapekto ang ginawang
ito ng dating Pangulong Aquino sa daloy ng
kasaysayan noon- na ang wikang Ingles ay
inirereserba sa mga mataas na pagpupulong
o opisyal na gawain lamang. Ngayon at bukas
ay maaari na nating magamit ang wikang
Filipino sa ating mga komperensiya, mataas
na talumpati, at iba pang opisyal na gawain o
pagpupulong. Hindi na ikahihiya ang wikang
Filipino.
Gawain 3 3-2-1: Bumuo ng sumusunod:
MAGPASYA ● 3 - Sanhi/isyu ng kaugnay na larawan
1. Mataas na pagtingin sa wikang Ingles.
2. Pag-uugnay ng wikang Filipino sa
kababaan o kahinaan.
3. Maling akala na ang wikang Ingles at
paggamit nito sa pang-araw-araw na
pamumuhay ay ang susi sa pag-unlad
ng bayan.

● 2 - Epekto/bunga sa kalagayang
panlipunan at edukasyon
1. Pagkamulat ng ilang mga kabataan sa
wikang Ingles bilang kanilang sinusong
wika imbis na Tagalog o kung ano pa
mang wika sa kanilang lugar.
2. Pagpilit sa mga mag-aaral na
pagtuonan ng pansin ang wikang
Ingles kumpara sa Filipino magmula
sa mga kagamitang pampagtuturo,
paraan ng pagtuturo, hanggang sa
ilang pagdiriwang at lugar na
inaasahang Ingles lamang ang
maaaring gamiting wika.

● 1 - Tiyak na solusyon bilang guro,


dalubguro, ulong guro
1. Simulan ang pagbabago sa tamang
edukasyon. Linangin ang edukasyong
nakatuon hindi lamang sa teknikal na
pagtuturo ng wika at panitikang Filipino, kundi
ang mas malalim na pagtingin dito. Na ito ay
lunsaran upang masuri, at masolusyunan ang
mga isyung panlipunan. Na ito ay hindi
lamang isang wika kundi sagisag ng
pagkakaisa at hindi nasa ibaba ng wikang
banyaga. Kinakailangang marebisa ang mga
akdang tatalakayin gayundin ang mga isyung
panlipunang nakakabit dito. Marapat lamang
din na mahubog ang mga guro bilang hindi
lamang gurong nagtuturo kundi gurong
nagmamalasakit kaya’t bibo, at imba sa klase.

Larawan 2
Gawain 1 TANONG-TUGON: Bumuo ng sariling
MAG-ISIP tanong at bigyan din ito ng sariling tugon
na pinagtibay ng pananaliksik.

Tanong Bakit nga ba ang nakaraan at


kasalukuyang administrasyon
maliban kay Dating Pangulong
Aquino ay mas piniling gamitin ang
wikang Ingles sa kanilang SONA?
Bakit tila mas pinapaboran ang
wikang Ingles kumpara sa Filipino
maging sa ating pagtuturo?
Tugon Sa simula’t simula pa lamang ng
SONA na ating kinamulatan sa
kasalukuyan, ay naitatag na ito
habang nakasanlig sa wikang
Ingles. Sa Panahon ng
Commonwealth, sa ilalim ng 1935
Konstitusyon, Artikulo VII, Seksyon
5, unang pinagtibay ang
pagkakaroon ng SONA. Ang unang
Pangulong nagsagawa nito ay si
dating Pangulong Manuel L.
Quezon, at dahil sa impluwensiya
ng Amerika na noon ay ilang dekada
pa lamang na pinapalaya ang
Pilipinas ay pinapaboran ang wikang
Ingles higit sa kung ano pa mang
wika, bagay na masasalamin sa
kaniyang SONA na nasa wikang ito.

Sa paglipas ng maraming
panahon at Pangulo ay patuloy na
ginagamit at pinapaboran ang
Gawain 2 Humanap ng tatlong makakasama sa maliit na pangkat at pag-
MAGPARES usapan ang inyong naging tanong at tugon batay sa:
• Nilalaman
- Naging ganito ang aking tanong at tugon sapagkat naging
palaisipan para sa akin ang kasaysayan ng SONA.

• Kaisipan
- Nilalayon ng tanong at tugon na aking ginawa na
maipaliwanag ang pinagmulan ng SONA upang magkaroon ng
kalinawan ang dahilan kung bakit sa tinagal tagal ng panahon
ay noong 2010 lamang ginanap ito sa wikang Filipino.

• Kaugnayan sa edukasyong pangwika


- Mula sa pagpapakita ng katotohanang ang wikang Filipino ay
isinusulong ng dating pangulong Aquino, ay naging mas
masidhi ang kaisipan upang ipaglaban ang wikang ito bilang
wika ng pagtuturo. Nasaksikan ng milyon-milyong Pilipino ang
paggamit ng wikang Filipino sa isang pormal at pinagpipitagang
kaganapan sa ating bansa, dahil dito ay may ilang namulat sa
katotohanang ang wikang sariling atin ay hindi mababa kaysa
Ingles.
Gawain 3 PAYO sa PANGULO: Bumuo ng tatlong payo mula sa nasaliksik
MAGPASYA na artikulo, babasahin, at iba pang sanggunian ukol sa nabasang
panawagan. Huwag kalimutang gawain ang pagbabalik banggit.

Panawagan para sa SONA ng bayan (Paggamit ng ating sariling


wika)
1. Ayon kay Dr. Fortunato Sevilla III (2015), “Nagsimula akong
gumamit ng Filipino sa aking pagtuturo pagkabalik galing sa aking
pag-aaral sa UK. Nakita ko doon na ang aking mga kapwa
estudyanteng banyaga ay may librong teknikal sa wika nila. Nag-
isip ako kung bakit walang librong teknikal na nakasulat sa
Filipino. Isa sa mga dahilan na naisip ko ay ang hindi paggamit ng
Filipino sa pagtuturo ng teknikal na kurso.” Mula sa kanyang
naging pahayag ay kumbinsido akong nararapat lamang na
maisulong ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sa Kolehiyo.
2. Para kay Gng. Desiree Reyno, Filipino Subject Area
Coordinator ng Ateneo Grade School (2018), “Sa ganang akin,
ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay higit sa pagtuturo
lamang ng kaalamang balarila o gramatika at pag-unawa sa
akdang binasa. Hindi nagtatapos ang kaalaman sa pagbuo ng
wasto at makabuluhang pangungusap at pagsagot sa mga
kasanayan sa pagbasa. Ang FILIPINO bilang asignatura ay
pagpapalalim ng ating wika at kultura.” Sa kanyang naging
pahayag na ito ay lubos kong pinaniniwalaan na dapat ngang mas
paigtingin pa ang pagtuturo ng Filipino sapagkat ito ay siyang
daan sa paghubog ng isang makabayang mamamayan.
3. Mula sa pag-aaral ni Divinia K. Dominguez (2022) ng MJSIR,
ipinahayag na “Ang discourse analysis ay nagamit upang masuri
ang paggamit ng wikang Filipino sa talakayan sa klase. Sa
pagsusuri sa pahayag ng mga guro, lumabas na ang wikang
Filipino ay ginagamit bilang estratehiyang pangkomunikasyon,
wikang pantulong at panlinaw sa mga katawagang teknikal. Ang
persepsyon naman ng mga guro sa paggamit ng wikang Filipino
ay lumabas ang mga tema na madaling maintindihan ang paksa,
madaling ipahayag ang ideya, mas masigla ang interaksyon at
mas malalim ang mga ideyang ibinabahagi. Ayon naman sa mga
mag-aaral ay mas madaling maintindihan ang mga katawagang
teknikal, malayang naipapahayag at naibabahagi ang mga ideya
at mas madaling naipapaliwanag ng mga guro ang paksa. Sa
kabuuan, naipakita sa pag-aaral na nagagamit ang wikang Filipino
sa mga talakayan sa agrikultura; may pagkakahawig ang
persepsyon ng guro at mag-aaral; at kapwa sila naniniwala na
nakatutulong ang wikang Filipino sa kanilang talakayan.”
Kumbinsido akong nararapat lamang na ipagpatuloy at mas pag-
ibayuhin pa ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo upang
magkaroon ng mas makabuluhang pagkatuto ang mga mag-aaral.

VALUE/ BINTANA ng PAG-UNAWA: Gamiting gabay ang 4N sa


pagpapamalas ng iba’t ibang pagpapahalaga sa
PAGPAPAHALAG natutuhan sa aralin.
A
Aking nadama matapos ang aralin na…
ang katotohanan at kinakailangan upang mapagtibay
ang paggamit sa wikang Filipino bilang wikang pangturo, ay
nakasanlig sa isang pinunong nakatuon dito. Kung ang lider
ng bansa ay magsusulong ng ganitong pagbabago, malaki
ang magiging ambag nito sa pagpapatibay ng wikang Filipino
bilang wikang panturo.

Batay sa danas, namasdan kong…


ang mga Pilipino ay uhaw sa wikang Filipino! Kakatwa ito
pero totoo. Nakalulungkot isipin na sa dinami-dami na ng mga
SONA na nagdaan, ay inabot pa ng mahigit 75 taon bago ito
maipahayag sa wikang sariling atin. Tumimo tuloy sa aking
isipan ang mga katagang- “SONA para sa mga Pilipino pero
hindi nasa wikang Filipino!”. Nakababaliw, pero totoo.

Sa tulong ng aralin at gawain, napagnilayan kong…


bilang isang guro ng wika, kinakailangan kong pangunahan
ang pagpapahalaga sa ating wikang pambansa. Kailangan
kong pasimulan ang pagsusulong sa wikang Filipino bilang
wikang pangturo, hindi lamang dahil sa ang asignaturang
itinuturo ko ay Filipino, kundi dahil ito ang tunay na susi ng
pagkatuto ng mga mag-aaral at pag-unlad ng ating bayan.

Lubos akong natuto kaya naiplano kong…


magsagawa ng pagpapayaman pa sa aking sariling kaalaman
at kakayahan sa pagtuturo gamit ang wikang Filipino.
Sisikapin ko ring ibahagi ang mga natutunan kong ito sa
aking mga kapwa guro ng wikang Filipino, gayundin sa iba
pang mga guro na maaaring makakuha ng benepisyo mula
rito.

You might also like