You are on page 1of 4

Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo

Monolingguwalismo
Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa
tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South Korea, Hapon, at
iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan
iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersiyo, wika ng negosyo, at wika ng
pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay.

Sa dahilang napakaraming umiiral na mga wika at wikain sa ating bansa, ang


Pilipinas ay maituturing na multilingguwal kaya't mahihirapang umiral sa ating
sistema ang pagiging monolingguwal.

Bilingguwalismo
Matatawag mo ba ang sarili mong bilingguwal? Bakit? Anong pagpapakahulugan ang maibibigay
mo para sa salitang bilingguwalismo?
Binigyang-pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield (1935), isang Amerikanong lingguwista ang
bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wikang tila ba ang dalawang ito ay
kanyang katutubong wika. Ang pagpapakahulugang ito ni Bloomfield na maaaring mai-kategorya sa
tawag na "perpektong bilingguwal” ay kinontra ng pagpapakahulugan ni John Macnamara
(1967), isa pa ring lingguwistang nagsabing ang bilingguwal ay isang taong
may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika
maliban sa kanyang unang wika. Sa pagitan ng dalawang magkasalungat
pagpapakahulugang ito ay may iba pang pagpapakahulugan ang naibigay tulad
ng kay Uriel Weinreich (1953), isang lingguwistang Polish-American, na
nagsasabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag
na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal. May
mga tanong sa ganitong pagpapakahulugan ni Weinreich dahil hindi nabanggit
kung gaano ba dapat kadalas o kung gaano ba dapat kahusay ang isang tao sa
ikalawang wika upang maituring siyang bilingguwal (Cook at Singleton: 2014).
Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang
wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon. Sa pananaw na ito, dapat magamit ng mga bilingguwal ang
dalawang wika nang halos hindi na matutukoy kung alin sa dalawa ang una at ang pangalawang wika.
Balanced bilingual ang tawag sa mga taong nakagagawa nang ganito at sila'y mahirap mahanap dahil
karaniwang nagagamit ng mga bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa sitwasyon at sa taong kausap
(Cook at Singleton: 2014).

Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon natin ng inter-
aksiyon, maging sa mga taong may naiibang wika. Sa ganitong mga inter-aksiyon nagkakaroon ng
pangangailangan ang tao upang matutuhan ang bagong wika at nang makaangkop siya sa panibagong

Filres 1 || Sanggunian: Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino || Alma M. Dayag; Mary Grace G. del
Rosario
A.Y 2021-2022
lipunang ito. Sa pauli-ulit na exposure o pakikinig sa mga nagsasalita ng wika, unti-unti'y natututuhan
niya ang bagong wika hanggang sa hindi niya namamalayang matatas na siya rito at nagagamit na niya
nang mabisa ang bagong wika sa pakikipag-usap at sa paglalahad ng kanyang mga personal na
pangangailangan. Sa puntong ito'y masasabing bilingguwal na siya.

Bilingguwalismo sa Wikang Panturo

Makikita sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang


probisyon para sa bilingguwalismo o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa
mga paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa
pamahalaan man o sa kalakalan.

"Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na


paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga't hindi binabago ang batas, ang Ingles at Filipino
ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.” -Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng
1973

Ayon kay Ponciano B. P. Pineda (2004:159) ang probisyong ito sa Saligang Batas
ang naging basehan ng Surian ng Wikang Pambansa sa pagharap sa Kalihim ng
Edukasyon at Kultura ng kahilingang ipatupad ang patakarang bilingual instruction
na pinagtibay ng Board of National Education (BNE) bago pa umiral ang Martial
Law. Ang patakarang iyon ay alinsunod sa Executive Order No. 202 na bubuo ng
Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) tungkol sa dapat
maging katayuan ng Pilipino at ng Ingles bilang mga wikang panturo sa paaralan.
Dahil sa pagsusumikap ng Surian ng Wikang Pambansa ay nilagdaan ang isang
makasaysayang patakaran tungkol sa bilingual education sa bisa ng Resolusyon
Bilang 73–7 na nagsasaad na “ang Ingles at Pilipino ay magiging midyum ng
pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula Grade 1 hanggang antas
unibersidad sa lahat ng paaralan, publiko o pribado man.”

Noong Hunyo 19, 1974, ang Department of Education ay naglabas ng guidelines o mga
panuntunan sa pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa bisa
ng Department Order No. 25, s. 1974. Ang ilan sa mahahalagang probisyon sa
nasabing kautusan ay ang sumusunod:

 Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa mga wikang


Pilipino at Ingles.
 Ang pariralang bilingual education ay binigyang-katuturan sa magka hiwalay na
paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo mula
Grade 1 pataas sa mga tiyak na asignatura. Ang mga asignatura o araling

Filres 1 || Sanggunian: Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino || Alma M. Dayag; Mary Grace G. del
Rosario
A.Y 2021-2022
dapat ituro sa Pilipino ay Social Studies/Social Science, Work Education, Character
Education, Health Education, at Physical Education.
Ingles naman ang magiging wikang panturo sa Science at Mathematics. Ang Pilipino
at Ingles, bukod sa gagamiting mga wikang panturo, ay ituturo pa rin ang mga
asignaturang pangwika. Wala sa patakaran subalit itinatakda ng mga panuntunang
magagamit na pantulong na wikang panturo ang bernakular sa pook o lugar na
kinaroroonan ng paaralan.

Multilingguwalismo
Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150
wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal. Karamihan
sa atin, lalo na sa mga nakatira sa labas ng Katagalugan, ay nakapagsasalita at
nakauunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo na karaniwang
ang wika o mga wikang kinagisnan. Sa kabila nito, sa loob ng mahabang panahon,
ang wikang Filipino at wikang Ingles ang ginagamit na wikang panturo sa mga
paaralan.
Gayumpama'y nananatiling laganap sa nakararaming batang Pilipino ang
paggamit ng unang wika sa halip na Filipino at Ingles. Kaya, sa pagpapatupad
ng DepEd ng K to 12 Curiculum, kasabay na ipinatupad ang probisyon para sa
magiging wikang panturo partikular sa kindergarten at sa Grades 1, 2, at 3. Tinawag
itong MTB-MLE O Mother Tongue Based-Multilinggual Education.

Ang mga pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakasaad sa DO 16, s. 2012


na kilala rin bilang Guidelines on the Implementation of the Mother TongueBased-Multilingual
Education (MTBMLE). Nakalahad ditong simula sa araling taon 2012 at 2013, ipatutupad ang MTB-
MLE sa mga paaralan. Naaayon ito sa maraming pag-aaral
na nagsasabing mas epektibo ang pagkatuto ng mga batà kung unang
wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral.

Sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang
wikang panturo sa mga unang taon ng pag-aaral. Ayon sa kanila, mahalaga ang unang wika sa
panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa
pagkatuto ng pangalawang wika. Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE unang nagtalaga ang
DepEd ng walong pangunahing wika o lingua franca at apat na iba pang wikain sa bansa upang gamiting
wikang panturo at ituturo din bilang hiwalay na asignatura.

Ang walong pangunahing wika ay ang sumusunod: Tagalog, Kapampangan,


Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, at ang apat na iba pang
wikain ay ang Tausug, Maguindanaoan, Mëranao, at Chavacano. Pagkalipas ng
isang taon, noong 2013 ay nagdagdag ng pitong wikain kaya't naging labinsiyam
na ang wikang ginagamit sa MTB-MLE. Ito ay ang sumusunod: Ybanag para sa
mga mag-aaral sa Tuguegarao City, Cagayan, at Isabela; Ivatan para sa mga tagaBatanes; Sambal sa
Filres 1 || Sanggunian: Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino || Alma M. Dayag; Mary Grace G. del
Rosario
A.Y 2021-2022
Zambales; Aklanon sa Aklan, Capiz; Kinaray-a sa Antique;
Yakan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao; at ang Surigaonon para sa
lungsod ng Surigao City at mga karatig-lalawigan nito.

Maliban sa mga nasabing unang wika (L1), ang Filipino (L2) at ang Ingles (L3) ay itinuturo din
bilang hiwalay na asignaturang pangwika sa mga nasabing antas. Sa mas mataas na antas ng elementarya,
gayundin sa high school at sa kolehiyo, mananatiling Filipino at Ingles ang mga pangunahing wikang
panturo. Isang malaking hakbang ang ginawa ng ating bansa sa pagkakaroon ng pambansang polisiya
para sa multilingguwal na edukasyon. Ito ay isang magandang modelo ng pagtuturo para sa isang bansang
tulad nating may heograpiyang pinaghiwa-hiwalay ng mga pulo at mga kabundukan at may umiiral na
napakaraming pangkat at mga wikain sapagkat mapalalakas muna nito ang pagkatuto ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang unang wika. Inaasahang higit nilang mauunawaan at kalulugdan ang mga aralin kung
ito'y ituturo sa wikang matatas na silá at lubos na nilang nauunawaan. Ito ngayon ang magiging bridge o
tulay upang
kasunod na mapalakas at mapalusog ang pagkatuto ng ating wikang pambansa, ang
Filipino at gayundin ang wikang Ingles. Sabi nga ni Pangulong Benigno Aquino
III, "We should become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to
the World. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your dialect and
connect to your heritage.”

Filres 1 || Sanggunian: Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino || Alma M. Dayag; Mary Grace G. del
Rosario
A.Y 2021-2022

You might also like