You are on page 1of 5

Kakayahang Diskorsal: Tungo sa Paglikha ng

Makabuluhang Pahayag
Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay nangangahulugan ng
pagsasamasama at pag-uugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng
makabuluhang pahayag.

Maaaring ang mga pahayag ay naipapamalas sa ugnayan ng dalawa o higit


pang taong nag-uusap. Maaaring magpahayag din nang mag-isa, gaya sa mga
interbyu, talumpati, o pagkukuwento. Samakatuwid, ang mataas na kasanayan sa
wika ng isang tao ay pinatutunayan din sa kaniyang kapasidad na makilahok sa mga
kumbersasyon at makalikha ng mga naratibo.

Ano ang kakayahang Diskorsal?

Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang diskurso ay nangangahulugan ng


"pag-uusap at palitan ng kuro" (2010). Mula rito, mahihinuha na ang kakayahang
diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak
na wika. Dalawa sa karaniwang uri ng kakayahang diskorsal ay ang kakayahang
tekstuwal at ang kakayahang retorikal. Tumutukoy ang kakayahang tekstuwal sa
kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng iba't ibang teksto gaya
ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal, transkripsiyon, at iba pang
pasulat na komunikasyon.

Sa kabilang banda, ang kakayahang retorikal ay tumutukoy naman sa


kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa kumbersasyon. Kasama rito ang
kakayahang unawain angiba't ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga
pananaw o opinyon.

Filres 1 || Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino || Taylan – Petras – Geronimo- Batnag
A.Y 2021-2022
Kung ang isang bisita sa programang pantelebisyon ay sumasagot lamang
nang paisaisang salita sa mga tanong ng tagapanayam, mahuhusgahan siyang
mahina sa kakayahang diskorsal, partikular sa kakayahang retorikal, at malamang ay
hindi na muling maimbitahan. Gayundin naman, ang isang taong hindi binibigyan ng
pagkakataon ang iba na magsalita o palagiang nagpapahayag hinggil sa paksang
taliwas sa pinag-uusapan ay masasabi ring may suliranin sa ganitong kakayahan. Ayon
kay Grice (1957, 1975; sipi kay Hoff 2001), may dalawang batayang panuntunan sa
pakikipagtalastasan. Ang unang tuntunin ay ang pagkilala sa pagpapalitan ng
pahayag. Ang ikalawa naman ay ang pakikiisa, na kinapapalooban ng mga
panuntunan hinggil sa kantidad, kalidad, relasyon, at paraan ng kumbersasyon:

Sa pagtamo ng mataas na kakayahang diskorsal, mahalagang sangkap sa paglikha


ng mga pahayag ang kaugnayan at kaisahan. Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung
paanong napagdidikit ang kahulugan ng mga pangungusap o pahayag sa paraang
pasalita o pasulat. Tingnan ang halimbawa:

A: Ang kalat naman dito!

B: Aayusin ko lang ang mga libro.

Mapapansin sa senaryo na walang pang-ugnay na gramatikal o leksikal ang mga


pahayag. Gayunman, ang palitan ng pahayag ay may kaugnayan dahil naunawaan
ni B ang pagkadismaya ni A at mula rito ay tumugon nang nararapat.

Filres 1 || Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino || Taylan – Petras – Geronimo- Batnag
A.Y 2021-2022
Tumutukoy ang kaisahan sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa
lingguwistikong paraan. Nakapaloob dito ang paggamit ng mga panghalip
(halimbawa: siya, sila, ito) bilang panghalili sa mga natukoy na sa simula ng pahayag at
pagdaragdag ng mga kataga, panuring, at kumplemento upang pahabain ang mga
pangungusap. Gayundin, maaari ding pagtambalin ang mga payak na pangungusap
o sugnay.

Pagpapahaba sa Pangungusap

1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga napahahaba ang pangungusap sa


pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala, at iba pa.
Halimbawa:
May ulam.

May ulam ba?

May ulam pa.

May ulam pa ba?

May ulam pa nga pala.

May ulam naman pala.

2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring - napahahaba ang pangungusap


sa tulong ng mga panuring na na at ng.
Halimbawa:

Siya ay anak.
Siya ay anak na babae.
Siya ay anak na bunsong babae.
3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento - napahahaba ang
pangungusap sa pamamagitan ng komplemento o ang bahagi ng panaguri na
nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa. Ang iba't ibang uri ng komplemento ng
pandiwa ay tagaganap, tagatanggap, ganapan, dahilan o sanhi, layon, at
kagamitan.

A. Komplementong tagaganap - isinasaad ang gumagawa ng kilos.


Pinangungunahan ng panandang ng, ni, at panghalip.
Halimbawa:
Ibinalot ni Jay ang mga tirang pagkain.
Ibinalot niya ang mga tirang pagkain.

Filres 1 || Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino || Taylan – Petras – Geronimo- Batnag
A.Y 2021-2022
Ibinalot ng kaniyang kaibigan ang mga tirang pagkain.
B. Komplementong tagatanggap - isinasaad kung sino ang nakikinabang sa
kilos. Pinangungunahan ng mga pang-ukol na para sa, para kay, at para
kina.
Halimbawa:
Naghanda ng regalo si Thea para sa kaniyang kapatid.
Bumili ng laruan si Bryan para kay Jave.
Nagpaluto ng pansit si Will para kina Eugene at Elyrah.

C. Komplementong ganapan - isinasaad ang pinangyarihan ng kilos.


Pinangungunahan ng panandang sa at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Namalagi sila sa evacuation area.
Namalagi sila rito.
Namalagi sila roon.

D. Komplementong sanhi - isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng kilos.


Pinangungunahan ng panandang dahil sa o kay at mga panghalili nito.
Halimbawa:
Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakalulong sa sugal.
Dahil kay Alvin, naparusahan ni Michelle.
E. Komplementong layon - isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng pandiwa.
Pinangungunahan ng panandang ng.
Halimbawa:
Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.
Naglalako ng turon si Aling Pising tuwing hapon.
F. Komplementong kagamitan - isinasaad ang instrumentong ginamit upang
maisakatuparan ang kilos. Pinangungunahan ng pariralang sa pamamagitan
ng at mga panghalili nito.

Halimbawa:
Sa pamamagitan ng Internet, napapabilis ang pagkuha ng
impormasyon.
Magkakasundo lamang sila sa pamamagitan mo.

4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal - napagtatambal ang


dalawang payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga pangatnig na at,
ngunit, datapwat, subalit, saka, at iba pa. Ang mabubuong pangungusap ay
tinatawag na tambalang pangungusap.

Filres 1 || Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino || Taylan – Petras – Geronimo- Batnag
A.Y 2021-2022
Halimbawa:
Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda sa
palengke ang kaniyang nanay.

Matagal siyang mag-aral ng aralin subalit tiyak namang matataas


ang kaniyang marka sa mga pagsusulit.

Filres 1 || Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino || Taylan – Petras – Geronimo- Batnag
A.Y 2021-2022

You might also like