You are on page 1of 5

GUIGUINTO NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL

SECOND QUARTER
KOMMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Setyembre 16-20, 2019

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO:


Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika hindi sapat na alam ang tuntuning pang-gramatika. -Ang
pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito ng wasto sa mga angkop na sitwasyon,
maipahatid ang tamang mensahe at magkaunawaan ng lubos ang dalawang taong nag-uusap.

Ito ay kakayahan sa paggamit ng wika hindi lamang sa pagkakaroon ng kakayahang


linggwistika o gramatika sa epektibong makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din malaman ang
paraan ng wika ng lingguwistikang komunidad na gumagamit nito upang matugunan at maisagawa ito
nang
naayon sa kanyang layunin.

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO:
 Nangangahulugan naming abilidad sa angkop na paggamit ng mga
pangungusapbatay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal.

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO O COMMUNICATIVE COMPETENCE:


Ano ba ang kakayahang pangkomunikatibo?
 Kakayahang Pangkomunikatibo Nagmula ito sa isang linguist, sociolinguist,
anthropologist,
at folklorist mula sa Portland Oregon na si “Dell Hymes (1966)”
 Kakayahang Pangkomunikatibo Nilinang nila ni “John J. Gumperz” ang konseptong ito
bilang tugon sa kakayahang lingguwistika.
 Kakayahang Pangkomunikatibo Bilang reaksyon sa kakayahang lingguwistika
(lingguistic
competence) ni “Noam Chomsky noong 1965.”
 Kakayahang Pangkomunikatibo “Ayon kay Hymes” sa nagsasalita ay hindi sapat ang
magkaroon ng kakayahang lingguwistika upang epektibong makipagtalastasan gamit ang
wika.

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
 Abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang
pangungusap.
 Ang kakayahang linggwistiko ay tumutukoy sa kakayahan o abilidad ng isa na
makapagsalita iba't ibang mga lenggwahe, wika, at dayalekto.
 Nakakatulong ito upang mas mapadali ang pakikipagtalastasan gayundin ang
komunikasyon sa iba.
 Ang kakayahang lingwistiko ay isang kakayahan o katalinuhan sa larangan ng isang
lingwahi. 
 Ang lingwistikong kakayahan ay nag binubuo ng kakayahan nito sa isang wika sa tamang
pag bigkas, pag sulat. May malalim na kaalam sa isang wika sa pag sulat at sa pag bigkas,
na may taglay ng tamang gramatika.

KAKAYAHANG ISTRUKTURAL
Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan
sa mga balita sa radyo at telebisyon. Sa madaling salita, nakukuha ang mga pananalita sa pamamagitan
ng mga instrumenta kagaya ng radyo, kapag nakikinig tayo at telebisyon, kapag nanunood tayo.

MGA BAHAGI NG PANANALITA (Parts of Speech)


A. SALITANG PANGNILALAMAN (Content Words)
1. MGA NOMINAL
I. PANGNGALAN (Noun) - nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o
pangyayari.
II. PANGHALIP (Pronoun) - panghalili sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop,
pangyayari.
a. Panao o personal -
ako ikaw siya
tayo kayo sila
b. Pamatlig o Demonstratibo
ito iyon iyon niyan
noon dito diyan doon
c. Pananong o Interogtibo
sino kanino ano saan ilan
d. Panaklaw o Indefinete
sino man ano man alin man gaano man paano man

2. PANDIWA (Verb) - Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o
galaw (lakad, takbo, dala), isang pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, umiral)
May tatlong aspekto ito.
a. Perpektibo o tapos na
b. Imperpektibo o ginaganap pa
c Kontemplatibo o gaganapin pa lamang
Mga pokus
a. Aktor
Tumula ng isang madamdaming piyesa si Franceska.
b. Layon
Tinula ni Franceska ang isang madamdaming piyesa .
c. Benepaktibo
Idinalaw ni Kylie ang anak sa kaniyang ama.
d. Direksyunal
Tinunton ni Kyeli ng anak niya ang landas patungo sa liblib ng gubat.
e. Lakatibo
Pinag-enrolan ni Vian ang Unibersida ng Pilipinas para sa kaniyang
araling graduwado ang naipong pera.
f. Instrumental
Ipinang-enrol ni Vian sa Unibersidad ng Pilipinas para sa kanyang araling
graduwado ang naipong pera.
g. Kosatibo
Ikinatuwa ni Lyndon ang pagdalaw ni Kenneth.
h. Resiprokal
Sa pagdalaw ni Lyndon kay Kenneth, nagkatuwaan sila.

3. MGA PANURING (Modifiers)


A. Pang-uri (Adjective) - salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan
a. lantay
b. pahambing
c. pasukdol

B. Pang-abay (Adverb)- naglalarawan sa panguri, pandiwa o kapwa pang-bay


a. pamanahon
b. panlunan
c. pamamaraan
BAHAGI NG PANANALITA: MGA SALITANG PANGKAYARIAN (Function
Words)
1. MGA PANG-UGNAY (Connectives)
Mga Pang-ugnay
a. Pangatnig (Conjuction) – salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay.
Halimbawa at, pati, ni, sublit, ngunit, dahil, sapagkat, datapwat,bagaman, habang,
b. Pang-ankop (Ligature)- katagang naguugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
Halimbawa: na, ng, g,
c. Pang-ukol (Preposition) - Inuugnay nito ang isang pangngalan sa iba pang salita.
Halimbawa: Ang sa,ng , ay mga
2. PANANDA (Markers)
a. Pantukoy (Article/determiner) - Ito ang mga salitang laging nagunguna sa
pangngalan o
panghalip . Kabilang dito ang si, sina, ang at ang mga.
b. Pangawing (linker) - Ito ang mga salitang nagkakawing ng paksa o simuno at
pangyayari.
sa Filipino ang ay isang pangawing na salita.

PAGBUO NG MGA SALITA:


1. Paglalapi - Tumutukoy ang prosesong ito sa paggamait ng panlapi upang makabuo ng bagong
salita.
a. pag-uunalapi nagtapos
b. Paggigitlapi tinapos
c. Paghuhulapi tapusin
d. Paglalaping kabilaan nagpuntahan
e. Paglalaping laguhan nagsumigawan

2. Pag-uulit - tumutukoy ang prosesong ito sa pag-uulit sa salita o bahagi ng salita.


a. Pag-uulit na Di-ganap
sasayaw,uuwi , tatakbo
b. Pag-uulit na Ganap
bahay-bahayan
c. Haluang Pag-uulit
Sasayaw-sayaw

3. Pagtatambal- tumutukoy ang prosesong ito sa pagbubuo ng bagong salita mula sa dalawang
magkaibang salita.
Halimbawa: Pataygutom bahaghari

KAKAYAHANG GRAMATIKAL
Ayon kina CANALE AT SWAIN, ito ay ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa
ponolohiya, morpolohiya, sintaks, sematika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya.
 GRAMATIKAL - Kakayahang Gramatikal Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang pag-unawa
at paggamit sa kasanayan sa

A. Morpolohiya
B. Sintaks
C. Semantika
D. Ortograpiya.
 Kakayahang Gramatikal Ang komponent na ito ay magbibigay kakayahan sa taong
nagsasalita upang magamit ang kaalamn at kasanayan sa pag- unawa at pagpapahayag sa
literal na kahulugan ng mga salita.
 May malalim na kaalam sa isang wika sa pag sulat at sa pag bigkas, na may taglay ng
tamang gramatika.

A. PONOLOHIYA O PALATUNUGAN – Ang Pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto


(juncture), pagtaas at pagbaba ng mga pintig (pitch), diin (stress), at pagpapahaba ng tunog
(prolonging/lengthening).
PONEMA
Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog.

2 Uri ng Ponema:
1. Ponemang Segmental ay binubuo ng katinig at patinig.
 May 25 ang orihinal na kasama sa palabaybayin ngunit isinima ang impit na tunog o
glottal stop (?) sapagkat at ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil nagpapabago
nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating ng bigkas nito ay malumi o maragsa.
o 16 ang katinig – b, d, f, g, h, j, k, l, m, n, /p, r, s, t, v, w, y/, z, ?, ŋ
o Hal:. Tu: bo – pipe tub : bo? – profit
 5 naman ang patinig – a, e, i, o, u
 May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit
hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.
o Hal: babae – babai lalake – lalaki
 May mga salitang itinuturing na hiwalay
o Hal: babae – babai lalake – lalaki

Halimbawa: patinig, katinig, salita, dipthong

MORPEMA
Ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at nagpagsama-sama ng mga ito upang makabuo
ng salita.
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat
salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-
samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita. May tatlong uri ng morpema: ang morpemang di-
malaya (kilala rin bilang panlapi), angmorpemang malaya (kilala rin bilangsalitang ugat), at
ang morpemang di-malaya na may kasamang salitang ugat.
Halimbawa: pangalan, panghalip, pandiwa, pangatnig, pang-ukol

MORPEMANG DI MALAYA
Ang uring ito ng morpema ay binubuo ng pangngalan, pang-uri, pandiwa o panghalip at ang
pang-abay kasama ang pangatnig na may sariling diwa at katuturing ipinahahayag. Halimbawa ng
morpemang malaya o salitang ugat ay ang galing, sipag, linis, linaw, dilim, at dasal at iba pa.
Halimbawa: ng morpemang di-malaya o panlapi ang mga unlaping ma-, mag-, gitlaping -um, at
hulaping -an at iba pa.

MORPEMANG MALAYA
Halimbawa ng tambalang ito ang mga sumusunod
Unlaping nag- + salitang ugat na dasal = nagdasal
Gitlaping –um- + salitang ugat na bili = bumili
Hulaping -in + salitang ugat na linis = linisin

MORPEMANG DI- MALAYA AT SALITANG UGAT

C. SINTAKS- Pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan.


 Estraktura ng pangungusap
 Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
 Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos, etc.)
 Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan)
 Pagpapalawak ng pangungusap

SINTAKS
Ang kombinasyon ng mga salita upang makabuo ng mga phrase at ang pagsasama-sama ng mga
phrase upang ito ay makabuo ng pangungusap. Ang Sintaksis ay ang estruktura ng mga pangungusap
na nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng kawastuhan ng pangungusap.
Halimbawa: Bahagi ng Pangungusap = simuno, paksa

Uri ng Pangungusap ayon sa gamit = pasalaysay, pataong, pautos, padamdam

SIMUNO O PAKSA
Ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. ang paksa o
simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan
ng kilos ng pandiwa.
PANAGURI
Bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. ito ay
naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.

ESTRUKTURA NG PANGUNGUSAP
PASALAYSAY O PATUROL
Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok.
Halimbawa: Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.

PATANONG
Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong (?) ang bantas
sa hulihan nito.
Halimbawa: Saan makukuha ang libreng inumin?

PADAMDAM
Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lingkot, pagkagulat, paghanga,
panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos io sa tandang padamdam (!).
Halimbawa: Ay! Tama pala ang sagot ko.

PAUTOS O PAKIUSAP
Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap
aynagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos sa tuldok.

You might also like