You are on page 1of 5

Asignatura: Filipino Baitang: Ika-anim

Guro: Mara Mitz P. Mari Sinuri ni: Rosienette A. Miot


Petsa:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo,sabayang
bigkas, reader’s theatre o dula-dulaan.
C. KOMPETENSI Nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang
bahagi ng pananalita.
(F6WG- 1vb- I- 10)
I. LAYUNIN 1. Nakatutukoy ng bahagi ng pananalita.
2. Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng pananalita
sa patalastas.
3. Napapahalagahan ang paggamit ng iba’t ibang
bahagi ng pananalita sa pangungusap.
II. PAKSANG-ARALIN Bahagi ng Pananalita
III. MGA KAGAMITAN SA
PAMPAGKATUTO
1. SANGGUNIAN Filipino 6 Ikaapat na Markahan – Modyul 1,
2. KAGAMITAN
IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. BALIK-ARAL Ano ang tinalakay natin noong nakaraan?
Ano ba ang sanaysay na naglalarawan?

2. PAGGANYAK
B. PAGLALAHAD
1. GAWAIN Panuto: Ayusin ang mga ginulo na mga salita. Pipili ang
guro ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng bola at tugtug
para ayusin ang mga ginulo na mga salita.

panglannga - pangngalan
ngaplipha - panghalip
diwapan - pandiwa
ngap-uri - pang-uri
gnap-yaba - pang-abay
ngap-lobu - pang-ukol
ngatpanig - pangatnig
ngap-kopang - pang-angkop

Tanong:
 Ano ba ang mga salitang nabuo?
 May ideya ba kayo kung ano ang mga bahagi ng
pananalita?
2. PAGSUSURI Bahagi ng Pananalita

1. Pangngalan – Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao,


bagay, hayop, pook o pangyayari.

(pagpakita ng larawan ng tao, bagay, hayop, lugar,


pangyayari)
2. Panghalip – tumutukoy sa pangngalan na panghalili
sa pangngalan upang hindi ito paulit-ulit sa
pangungusap.

Halimbawa:

Ako, Ikaw, Siya, Tayo, Kami.

“Si Juan ay Tamad. Si Juan ay inuutusan ng kanyang ina,


pero ayaw ni Juan sumunod.”

“Si Juan ay Tamad. Siya ay inuutusan ng kanyang ina, pero


ayaw niyang sumunod.”

3. Pandiwa – ito ay tumutukoy sa mga salitang aksiyon


sa mga pangungusap.

Halimbawa:

Nagtatanim ang mga bata.

Iba pang halimbawa:


umiinom, kumakain, sumasayaw, naglalaro, nag-aaral

4. Pang-uri – ito ay nagbibigay larawan sa ngalan ng


tao, bagay, pook, pangyayari o ideya.

Halimbawa:

Si Janna ay Maganda.
Ang panahon ay mainit.

5. Pang-abay – ito ay bahagi ng pananalita na


nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa
pang-abay.

Halimbawa:
 Kumain ng mabilis si Rocel upang hindi mahuli sa
kanyang klase.
 Talagang mabagal ang umunlad ang taong tamad.
 Taimtim na nanalangin an gang mga tao.

6. Pang-ukol – Bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa


pangngalan, panghalip, pandiwa, at pang-abay na
pinag-uukulan ng kilos, gawa, o maging layunin.
Halimbawa: Halimbawa:
 Ayon sa PAGASA, uulanin daw ang ating probinsiya
bukas.
Iba pang mga halimbawa:
Tungkol kay, ukol kay, hinggil kay, alinsunod kay, at
iba pa.

7. Pangatnig – Ito ay nag-uugnay sa isang salita sa


kapwa nito salita, parilala sa parilala, at maging
pangungusap at pangungusap.

Halimbawa:
 Nakapagtapos siya nang kolehiyo; nag-aral siya ng
mabuti.
 Nakapagtapos siya nang kolehiyo dahil nag-aral siya
ng mabuti.

Ang ilan pa sa pangatnig ay: ngunit, kaya, subalit, at.

8. Pang-angkop – Ito ang “na” at “ng”. Ginagamit ang


mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan
at inilalarawan.
Ang “na” ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig.
Halimbawa:
Mabagal na pagong.
Ang “ng” naman ay ginagamit kung ang sinusundang salita
ay nagtatapos sa patinig at sa letrang n.
Halimbawa: Malalaking puno.
Mayamang tao.

3. PAGTATALAKAY NG ARALIN Panuto. Suriin ang bawat salitang may salungguhit sa


pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ba ay isang
halimbawa ng Pangalan, Panghalip, Pandiwa, Pang-uri,
Pang-abay, Pang-ukol, Pangatnig, o Pang-angkop.

__________1. Siya ay dating tamad na mag-aaral.


__________2. Naglalaro sina Chased at Santino sa bukid.
__________3. Ayon sa balita, isang tren ng MRT ang
tumirik na naman.
__________4. Si Maria ay mahusay sumayaw.
__________5. Malulusog ang tanim ni lolo at lola.

Ano-ano ang mga bahagi ng pananalita?


4. PAGLALAHAT
Bakit kinakilangang malaman natin ang iba’t ibang bahagi
ng pananalita?

C. PAGLALAPAT Pangkatang Gawain


Panuto: Mag-uunahan ang dalawang mag-aaral sa pagbaba
ng kamay sa mesa upang makasagot kung anong bahagi ng
pananalita ang tinutukoy ng guro.
Papangkatin ang mga mag-aaral sa anim.
Bawat pangkat ay pipili ng isang representatib para sa laro.

1 vs 2
ito ay nagbibigay larawan sa ngalan ng tao, bagay, pook,
pangyayari o ideya. (Pang-uri)

3 vs 4
Ito ay tumutukoy sa mga salitang aksiyon sa mga
pangungusap. (Pandiwa)

5 vs 6
Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o
pangyayari. (Pangngalan)

V. PAGTATAYA __________1. Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,


hayop, pook o pangyayari. Halimbawa: Santino

a. Pangngalan c. Pang-uri
b. Pang-abay d. Pandiwa

__________2. Ito ay nagbibigay larawan sa ngalan ng tao,


bagay, pook, pangyayari o ideya. Halimbawa:Maganda

a. Pangngalan c. Pang-uri
b. Pang-abay d. Pandiwa

__________3. Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay


turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
Halimbawa:Mabilis

a. Pangngalan c. Pang-uri
b. Pang-abay d. Pandiwa

__________4. ito ay tumutukoy sa mga salitang aksiyon sa


mga pangungusap. Halimbawa:Kumakain

a. Pangngalan c. Pang-uri
b. Pang-abay d. Pandiwa

__________5. tumutukoy sa pangngalan na panghalili sa


pangngalan upang hindi ito paulit-ulit sa pangungusap.
Halimbawa: Tayo
a. Pang-angkop c. Pangatnig
b. Pang-ukol d. Panghalip

__________6. Bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa


pangngalan, panghalip, pandiwa, at pang-abay na pinag-
uukulan ng kilos, gawa, o maging layunin. Halimbawa:
Tungkol kay

a. Pang-angkop c. Pangatnig
b. Pang-ukol d. Panghalip

__________7. Ito ang “na” at “ng”. Ginagamit ang mga


ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at
inilalarawan.

a. Pang-angkop c. Pangatnig
b. Pang-ukol d. Panghalip

__________8. Ito ay nag-uugnay sa isang salita sa kapwa


nito salita, parilala sa parilala, at maging pangungusap at
pangungusap.
Halimbawa: Dahil

a. Pang-angkop c. Pangatnig
b. Pang-ukol d. Panghalip

VI. TAKDANG-ARALIN Manood ng isang patalastas o adverstisement sa telebesyon


o youtube. Isulat kung anong produkto ito at kung ano ang
mahahalagang impormasyon na nakuha sa patalastas.

Inihanda ni:
MARA MITZ P. MARI
Student Teacher

Sinuri ni: ROSIENETTE A. MIOT


Cooperating Teacher

You might also like