You are on page 1of 5

A.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring


pakikinig at pagunawa sa napakinggan.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Naisasagawa ang mga hakbang o panutong
napakinggan
C. KOMPETENSI Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng
pahapyaw na pagbasa.
F6EP-IIIg-11
I. LAYUNIN 1. Natutukoy ang kahalagahan ng pagbasa.
2. Nasusulat ang mga mahalagang impormasyon
tungkol sa binasang teksto.
3. Napapahalagahan ang pag-unawa sa sitwasyon
o tekstong binasa.
II. PAKSANG-ARALIN Pagkuha ng Impormasyon sa Pahapyaw na Pagbasa
III. MGA KAGAMITAN SA PAMPAGKATUTO
1. SANGGUNIAN Filipino 6 Ikatlong Markahan – Modyul 7
2. KAGAMITAN Powerpoint Presentation, Visual Aids, Strips.
IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. BALIK-ARAL Ano ang mga uri ng pangungusap?
Ano ang paturol o pasalaysay na pangungusap?
Ano ang patanong na pangungusap?
Ano ang pautos o pakiusap na
pangungusap?
Red
Magpakita ang Green guro ng mga
2. PAGGANYAK pangalan ng Orange kulay at
ipabigkas ito sa Blue kanila.
Yellow
Violet
Red
Green
Orange
Blue
Yellow
Violet

Pagkatapos nilang bigkasin ang mga pangalan ng


tamang kulay ay ipapabasa ng guro ang pangalan ng
kulay na may mali na kulay.

B. PAGLALAHAD
1. GAWAIN Basahin at sagutin ang teksto.
Alam ba ninyong may mga kakaibang laro ang
mga batang taga-Mindanao? Isang laro nila ay
mag lurap-lurap. Ito ay isang laro sa tubig na
ginagamitan ng mga lata o isda. Sa hudyat na
simula, ang kalahok ay sisisid sa tubig at kukunin
ang mga lata o isda. Ang may pinakamaraming
kuha ay panalo.

1. Tungkol saan ang iyong binasang teksto?

A. Iba’t-ibang laro sa Mindanao


B. Kakaibang laro sa taga Mindanao
C. Kakaibang laro ng mga batang taga-Mindanao
D. Iba’t-ibang laro ng mga bata

2. Batay sa binasang teksto, saan ba nagmula ang


larong lurap-lurap?

A. Luzon
B. Visayas
C. Mindanao
D. Masbate

3. Saan isinasagawa ang paglalaro ng larong lurap-


lurap?

A. sa ilalim ng tubig
B. sa loob ng bahay
C. sa gitna ng kalsada
D. sa itaas ng bundok

4. Papaano ba nilalaro ang larong lurap-lurap?

A. kukunin ang lata mula sa kalsada, may maraming


nakkuha
panalo
B. kukunin ang lata o isda sa ilalinm ng tubig, may
kakaunting
makuha panalo
C. Sisisid sa tubig, kukunin ang lata o isda,may
maraming
nakukuha siyang panalo
D. kukunin sa loob ng bahay ang lata , ang may
kakaunting
nakukuha syang panalo

5. Ano ang angkop na pamagat sa iyong nabasa?

A. Ang Lurap lurap


B. Ang Taga Mindanao na Laro
C. Ang Kakaibang Laro ng mga Taga-Mindanao
D. Ang mga taga Mindanao

Ayon kay James Dee Valentine, pagbabasa ang pinaka


pagkain ng ating utak at sa maraming pagkakataon,
napatunayan nating marami sa mga nagtatagumpay na
2. PAGSUSURI tao ang mahilig magbasa.

Kahalagahan ng Pagbasa

• Nadaragdagan ang ating kaalaman.


- sa pamamagitan ng pagbasa ay napapalalim
natin ang ating konsepto o kaalaman sa isang
bagay.

• Napapayaman at napapalawak ang talasalitaan.


- sa tuwing tayo ay nagbabasa ay kaharap natin
ang mga salita. Hindi lahat ng salita ay
mayroon tayong konsepto kung kaya tayo sa
sasangguni sa mga aklat tulad ng diksyunaryo,
sa oras na maunawaan natin ang kahulugan ng
salita ay sabay na yumayaman ang kaalaman
natin sa mga bagay-bagay at napapalawak nito
ang ating talasalitaan.

• Nakararating sa mga pook o lugar na hindi pa


nararating.
- sa pamamagitan ng paglalarawan o pagbibigay
ng mga impormasyong may kinalaman sa
lugar na hindi pa natin napupuntahan.

• Nakakukuha ng mga mahahalagang impormasyon.


- nakakalap tayo ng mga pinakabago at mga
lumang impormasyong maaaring makatulong
sa atin sa pag-uunawa ng mundong ating
ginagalawan.

• Nakatutulong sa mabibigat na suliraning


pangkaisipan at pandamdamin.
- nakapagbibigay ng aliw at panandaliang
makaalis sa pukos sa pag-iisip ng suliranin na
siya naming nagpapagaan ng ating
pakiramdam.

Ipasulat sa mga mag-aaral kung para sa kanila ano


kahalagahan ng pagbabasa.

Kahalagahan ng Pagbasa

• Nadaragdagan ang ating kaalaman.


• Napapayaman at napapalawak ang talasalitaan.
3. PAGTATALAKAY NG ARALIN
• Nakararating sa mga pook o lugar na hindi pa
nararating.

4. PAGLALAHAT • Nakakukuha ng mga mahahalagang impormasyon.

• Nakatutulong sa mabibigat na suliraning


pangkaisipan at
pandamdamin.

C. PAGLALAPAT Pangkatang Gawain

Panuto: Basahin at intindihing maigi ang maikling


teksto na nasa loob ng kahon. Talakayin bilang isang
grupo ang tekso.

Si Ateng
ni: Rhealia N. Pamat

Si Ateng ay isang batang mahilig sa chichiria


at matatamis na pagkain.
Sapat na sa kaniya na buong maghapon niya itong
kinakain. Ayaw na ayaw
niyang kumain ng gulay, prutas at iba pang
masustansiyang pagkain dahil ayon
sa kaniya ito ay hindi masarap. Sa tuwing ito ang
inihahain ng ina niya sa
kanilang hapag-kainan, ay ni hindi siya tumitikim o
tumitingin man lang dito at
nawawalan siya ng ganang kumain.
Isang araw, biglang sumakit ang kaniyang tiyan.
Iyak siya nang iyak. Siya
ay nagsuka nang nagsuka nang dahil sa kakakain
niya ng kung ano-anong
pagkain. Doon palang niya napagtanto na dapat ay
sinusunod ang payo ng
kaniyang ina tungkol sa pagkain ng masusustansya
at nakalulusog na pagkain.
Dahil para rin naman sa ikabubuti niya ang sabi ng
kaniyang ina. Wala naman
sigurong ina na nagpapayo ng masama para sa
kanilang mga anak.
Kaya simula sa araw na iyon, nagsisi na siya.
Masustansiyang pagkain na
ang kanyang kinakain gaya ng gulay, isda at prutas.
Tuluyan na siyang nagbago
at naging malusog.

1. Anong pagkain ang paboritong kainin ni Ateng?


2. Bakit ayaw na ayaw niyang kumain ng
gulay, prutas at iba pangmasustansiyang
pagkain?
3. Sa paanong paraan nagbago ang ugali ni Ateng?
4. Ano ang napagtanto ng pangunahing tauhan sa
binasangteksto?
V. PAGTATAYA Basahin at unawain ang bawat kilos, gawi at
pananalita ng mga sumusunodna tauhan at piliin ang
maaaring kahulugan nito.

1. Kawawa ka naman. May tinik palang


nakabaon sa paa mo.
A. mapagmalaki
B. mayabang
C.maawain

2. Pinunit niya ang kanyang kamisadentro at ginawang


bendahe sa sugat.
A. walang mudo
B. maparaan
C. bulagsak

3. Nakatingin lamang ang leon na parang


nagmamakaawa.
A. maamo
B. mabangis
C. gutom
4. Mabuti pa kaya ihinto na natin ang paghahanap.
Wala siguro dito
ang aliping iyon.
A. sumusuko kaagad
B. tamad
C. matalino

5. Hindi! Kabilin-bilinan ng Emperador na hulihin ang


alipin. Hanggang hindi natinsiya makikita, hindi tayo
hihinto.
A. Determinado
B. Mayabang
C. mahusay
VI. TAKDANG-ARALIN Magbasa ng mga balita at isulat ang sariling opinyon o
reaksyon mula sa impormasyong nakuha sa nabasang
balita.

You might also like