You are on page 1of 3

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

BAITANG 10
DISYEMBRE 9, 2021

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.

Pamantayan sa Pagaganap: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri


sa mga isinagawang critique tungkol sa alinmang pampanitikang Mediterranean.

I. LAYUNIN
Matapos ang talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Nailalarawan ang pangunahing tauhan sa Epikong tinalakay, Epiko ng
Manobo Tulalang.
b) Naiuugnay ang sariling karanasan sa mga pangyayari na naganap sa
buhay ni Tulalang.
c) Nakasusulat ng sanaysay hinggil sa pagpapahalaga ng sariling kultura at
paniniwala.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Epiko Ng Manobo
Tulalang
Sanggunian: Sangwikaan Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na
Paaralan, nina: Bro. Andrew Gonzalez et al., pahina 170-175
Kagamitan: Printed handouts ng Epiko para sa kopya ng mag-aaral, Bidyu
Klip ng mga kilalang superhero para sa Pagganyak, Kahon ng regalo para sa
Paghawan ng Sagabal, Larawan ng isang bayani para sa Abstraksiyon,
Projector at Laptop
Kasanayan: Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, Pagsulat at Panonood.
Pagpapahalaga: Pagbibigay importansiya sa buhay ng isang tao at ang
kakayahan na huwag sumuko sa hamon ng buhay.

III. PAMAMARAAN: (4A’S)


1. PANIMULANG GAWAIN
• Pagbati
• Panalangin
• Pagpulot ng mga kalat sa sahig at pagsasaayos ng mga upuan.
• Pagtala ng liban sa klase
• Pagwawasto ng Takdang-Aralin

2. PAGGANYAK
• May ipapanood ang guro na isang bidyu klip ng mga kilalang superhero.

3. PAGLALAHAD NG ARALIN
• Pahapyaw na babanggitin ng guro ang paksa kalakip nito ang inihandang
layunin na magiging batayan ng pagkatuto ng mag-aaraal.

4. PAGHAWAN NG SAGABAL
Bibigyang ng kasingkahulgan ng mga mag-aaral ang mga salitang nasa
kahon.
Balaraw Silain Torohan Nilaslas

5. PAGTALAKAY

A. AKTIBITI
• Magtatanong ang guro mula sa ginawang Pagganyak.
✓ Ano sa tingin niyo ang taglay na katangian ng isang bayani?

• Ilalahad ng guro ang paksang tatalakayin at ibibigay sa mga mag-aaral


ang kopya ng Epiko ni Tulalang.

B. ANALISIS

• Ano ang mga katangian na tinataglay ni Tulalang?


• Ano ang katayuan ng buhay ni Tulalang?
• Ano kaya ang naging epekto ng pagiging isang masipag at matulungin ni
Tulalang?
• Maituturing bang mabuting pinuno si Tulalang?
• Ano ang napansin niyo sa ugali ni Tulalang kapag may lumulusob na
kalaban?
• Kung ikaw si Tulalang, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa kahit na
maaari nitong wakasan ang iyong buhay?

C. ABSTRAKSYON

• Magpapakita ang guro ng isang larawan ng bayani at ito ay susuriin ng


mga mag-aaral.

✓ Ano ang inyong mapapansin sa larawang nakadikit sa pisara?


✓ Kung ikaw ay magiging isang katulad ni Tulalang, anong katangian
ang mayroon ka para maipakita ang pagiging isang bayani?
✓ Ano kaya sa tingin niyo ang paniniwala ng mga taga Manobo na
inilarawan ng epiko?

• Magtatanong ang guro kung naintindihan ang paksang tinalakay.

✓ Maari niyo bang ibahagi ang inyong natutuhan.

D. APLIKASYON

(INDIBIDUWAL NA GAWAIN)

• Ang bawat mag-aaral ay gagawang isang sanaysay patungkol sa


pagpapahalaga ng sariling kultura at paniniwala.
• Ang awtput ay mamarkahan sa pamamagitan ng sumusunod na
Pamantayan:
Kaugnayan sa Tema 40%
Organisasyon ng Idea 30%
Gramar at Palabantasan 20%
Kakanyahan 10%
Kabuoan: 100%

IV. PAGLALAHAT

Ipapaliwanag ng guro ang kahalagahan ng buhay ng isang tao at ang hindi


pagsuko sa hamon ng buhay.

V. PAGTATAYA

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa isang malinis na kalahating
papel.

1) Ito ay epiko na nagsasalaysay ng buhay ni Tulalang?


a. Ifugao b. Bicol c. Manobo
2) Siya ang panganay na anak ng mag-asawang mahirap?
a. Lam-ang b. Tulalang c. Darangen
3) Ilan ang kapatid na babae ni Tulalang?
a. Isa b. Dalawa c. Tatlo
4) Sino ang Heneral ng Kulaman?
a. Tulalang b. Sarimbar c. Agio
5) Ano ang naging sandata ni Tulalang upang mapatay si Agio?
a. Espada b. Kutsilyo c. Sibat

VI. TAKDANG-ARALIN

A. Tanong para sa Pag-Unawa

PANUTO: Sagutan ang bawat tanong. Isulat ito sa inyong mga kuwaderno.

1. Kung maaari mong payuhan si Tulalang, ano ang babaguhin mo sa


kaniyang ugali? Bakit?
2. Alin sa mga paniniwala ng mga taga-Manobo ang maaaring
masabing maka-Kristuyano?

B. Simulan ng basahin at pag-aralan ang mga Pokus ng Pandiwa. Sangwikaan


Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na Paaralan nina: Bro. Andrew
Gonzalez et al., pahina 176-178.

Gabay na Tanong:

1. Ano ang Pandiwa?


2. Magbigay ng mga halimbawa ng Pandiwa.

Inihanda ni:
Shela Marie M. Vega
BSE 3 FILIPINO

You might also like