You are on page 1of 10

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

BAITANG 9
Disyembre 14, 2021

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa


isang obra maestrang pampanitikan ng Pilipinas.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang


storyboard tungkol sa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga katangian
(dekonstruksiyon).

I. LAYUNIN
Matapos ang talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalahad ang kalagayan ng estado sa buhay ng pangunahing
tauhan sa kabanatang tinalakay, Kabanata 16: Si Sisa.
b. Naihahambing ang sitwasyon ng mga kababaihan sa nakalipas at
kasalukuyang panahon.
c. Nakasusulat ng isang maikling adbokasiya laban sa pang-aabuso sa
mga kababaihan.

II. PAKSANG – ARALIN


Paksa: NOLI ME TANGERE - Kabanata 16: Si Sisa
Sanggunian: Obra Maestra Ikaapat na Edisyon nina Gina P. Canlas et. al,
Pahina 94-95
Kagamitan: Printed Handouts ng Kabanata 16 para sa kopya ng mag-
aaral, Bidyu Klip ng Kabanata 16 para sa pagtalakay ng aralin, Mga larawan
para sa pagganyak, Larawan ni Sisa para sa paglalahad ng paksa, Papel
na may hugis apa para sa Paghawan ng Sagabal, Laptop, Projector at
Ispiker
Kasanayan: Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, Pagsulat at Panonood.
Pagpapahalaga: Ang pagkakaroon ng pagmamahal at paggalang sa
kababaihan.

III. PAMAMARAAN (4A’S)


GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

1. PANIMULANG GAWAIN

Magandang Araw, klas.


Magandang Araw din po Ginoo/Binibini.
Kumusta ang bawat isa?
Maayos at masaya naman po.
Mabuti naman kung ganon.

Mangyari lamang na tumayo ang lahat


para sa panalangin. Pangunahan mo,
Glenda.
Opo. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng
Espiritu Santo. Amen...
Bago umupo ay pakiayos ng hanay ng
inyong mga upuan at pulutin ang mga
piraso ng papel sa sahig.
(Inayos ang hanay ng upuan at pinulot ang
mga kalat)
Maaari na kayong umupo.
Salamat po, Ginoo/Binibini.
Mayroon bang liban ngayon sa klase ating
Kalihim?
Wala po, Ginoo/Binibini.
Mahusay, natutuwa ako dahil kompleto
tayong muli.

Kung hindi ako nagkakamali ay nagbigay


ako sainyo ng Takdang-Aralin kahapon.
Tama po ba?
Opo, Ginoo/Binibini.
Bueno, ipasa na po ang inyong Takdang-
Aralin.
Sige po, Ginoo/Binibini.
(Pinasa sa unahan ang Takdang-aralin)

2. PAGGANYAK

Pamilyar ba kayo sa larong 4 pics 1 word,


Klas?
Opo, Ginoo/Binibini.
Sinong nakapaglaro na nito?
Ako po Ginoo/Binibini.
(Nagsitaasan ng kamay)
Mabuti naman sapagkat ang ating
gagawing laro ngayong araw ay may
kaugnayan sa larong 4 pics 1 word at ito ay
ating tatawaging “Hularawan”.
Panuto: Pansinin ang dalawang larawan
na inyong makikita. Pag-ugnayin ang mga
larawang ito upang makabuo ng salita
mula rito.

1.)

Sagot: Babae

2.)

Sagot: Pang-aabuso

3.)

Sagot: Pamilya
Napakagaling niyo naman klas. Ipagpatuloy
niyo lamang ang inyong kahusayan.
Maraming Salamat po Ginoo/Binibini.

3. PAGLALAHAD NG ARALIN

Sa araw na ito, ating tatalakayin ang


ikalabing-anim na kabanata sa Noli Me
Tangere kung saan ito ay pinamagatang Si
Sisa. Ang mga sumusunod na layunin ay
magsisilbi nating gabay sa pagtahak ng
aralin. Maari mo ba itong basahin, James.
Matapos ang talakayan, ang mga mag-
aaral ay inaasahang;
a. Nailahad ang kalagayan ng estado
sa buhay ng pangunahing tauhan
sa kabanatang tinalakay, Kabanata
16: Si Sisa.
b. Naihambing ang sitwasyon ng mga
kababaihan sa nakalipas at
kasalukuyang panahon.
c. Nakasusulat ng isang maikling
adbokasiya laban sa pang-aabuso
sa mga kababaihan.
Maraming salamat sa masigasig na
pagbabasa, James.

4. PAGHAWAN NG SAGABAL

Kailangan ng guro ng mga mag-aaral na


magbibigay ng kasingkahulugan ng mga
salitang ipapakita sa klase.
Panuto: Sa bahaging ito, hahatiin ko kayo
klas sa 4 na pangkat. Magpapakita ako
sainyo ng mga salita na nasa hugis apa.
Ilalagay niyo ang kasingkahulugan ng
salita na sa tingin niyo ay angkop sa
salitang ipinakita. Gagawin ito sa loob ng
2 minuto.
Ang inyong 2 minuto ay magsisimula na.

SAKIM NAMUMUROK

Gahaman Namamaga

SUKAB MAITUSTOS

Taksil Maisustento

Napakahusay ng ipinimalas niyong galing


sa pagbibigay ng salitang may kaugnayan
sa ipinakitang salita. Tandaan ang mga
salitang iyan sapagkat mamaya ay
maririnig niyo iyan sa ating talakayan.
Opo, Ginoo/Binibini.

5. PAGTALAKAY
a. AKTIBITI (Indibiduwal)

Bago natin simulan ang talakayan ay


manood muna tayo ng isang maikling
bidyu.

Naintindihan ba klas?
Opo, Ginoo/Binibini.

(Ipapanuod ang bidyu ng isang ina na


nakaranas ng pag-aabuso)
Ano ang isa sa mga napansin niyo sa
bidyung napanuod? Sige nga Shawn.
Ang isa po sa napansin ko ay tungkol ito
sa mga babaeng nakaranas ng pag-
aabuso.
Magaling Shawn, ipinakita sa bidyu
ang isang babaeng tila nahihirapan sa
kaniyang sitwasyon sa buhay. Marahil
ito ay dala na rin ng pagod o mas higit
pa roon.

Ano pa, Abby.


Napansin ko rin po doon kung paano
magmahal ang isang ina sa kaniyang mga
anak.
Mahusay na pagpapaliwanag, Abby.
Tunay nga na ang ina ay lubos kung
magmahal sa kaniyang mga anak.

Sa inyong buhay, sino-sino ang


maituturing niyong pinakamahalagang
babae, Shania.
Ang mga mahahalagang babae sa aking
buhay ay ang aking lola, nanay at mga
kapatid na babae.
Maraming salamat sa iyong sagot
Shaina. Ang ating mga nanay, lola at
kapatid na babae ang siyang ating
maituturing na yaman sa buhay.

Mayroon na ba kayong idea sa ating


tatalakayin, Kyle.
Opo, Ginoo/Binibini. Sa tingin ko po ito ay
patungkol sa mga isang
babae/kababaihan na dumanas ng pang-
aabuso.
Tumpak. Ngayong araw ating
tatalakayin ang Kabanata 16 ng Noli
Me Tangere, Si Sisa.

Handa na ba klas?
Opo, Ginoo/Binibini.
Mainam. Simulan na natin.
(Ipapanuod ang bidyu ng Kabanata 16, Si
Sisa)
Naunawaan ba ang inyong napanuod,
klas?
Opo, Ginoo/Binibini.

b. ANALISIS

Ano ang mga katangian ni Sisa, Rixa.


Ang mga katangian niya po ay ang mga
mata niya po ay mapupungay, ang kulay
niya po ay kayumanggi at matangos ang
kaniyang ilong.
Mahusay, tunay nga na parang dalaga
pa si Sisa kahit na may mga anak na.
Siya ay kaakit-akit ‘di ba klas?
Opo, Ginoo/Binibini.
Sinong humahanga sa taglay na
ganda at busilak na kalooban ni Sisa?
(Nagtaasan ng kamay)
Bakit ka naman humanga kay Sisa,
Shaira.
Maliban po sa mga pisikal na katangian,
humanga po ako sa kaniya sapagkat
handa siyang magtiis, magtiyaga at
magmahal sa kaniyang asawa at mga
anak, tulad ng binanggit po sa kabanata.
Magaling na pag-uu-Sisa, Shaira.

Biro lamang po, klas. Ibang klaseng


pagmamahal ang ipinaramdam ni Sisa
sa kaniyang asawa at anak.

Sino ang mga anak at asawa ni Sisa,


Cristel.
Nabanggit po sa bidyung napanood ko
kanina na ang pangalan ng anak ni Sisa
ay sina Basilio at Crispin, at ang kaniya
naman pong asawa ay si Pedro.
Tumpak Cristel. Ang kaniyang anak ay
sina Basilio at Crispin at ang asawa
naman nito ay si Pedro na labis niyang
mahal.

Bakit kaya labis ang pagmamahal ni


Sisa sa kaniyang asawa at mga anak,
Cedrick.
Ganoon na lamang po ang kaniyang
pagmamahal sa kaniyang asawa at mga
anak dahil itinuturing niya pong Diyos ang
kaniyang asawa at mga anghel naman
ang kaniyang mga anak.
Magaling, Nagmahal ka na rin ba,
Sheryl.
Opo, Ginoo/Binibini.
Sa kabila ng pagmamahal na
ibinibigay ni Sisa sa kaniyang asawa at
mga anak. Ano kaya ang tunay niyang
kalagayan at nararamdaman sa pang
araw-araw na pamumuhay, Benedix.
Isa po sa kalagayan at nararanasan ni
Sisa ay ang pagbubuhat ng kamay ng
kaniyang asawa sa tuwing wala itong
maibigay na pera.
Mahusay, Benedix. Tunay nga na
naging masalimuot ang buhay ni Sisa
sa piling ng kaniyang asawa.
Gayunpaman, masasabi niya na siya
ay maswerte sa kaniyang mga anak.

Paano kaya nalampasan ni Sisa ang


araw-araw na pananakit ng kaniyang
asawa, Haira.
Nalampasan niya po ang mga iyon sa
pamamagitan ng pag-iyak, pagtitiis,
pagkanta at panalangin sa Poong
Maykapal.
Maraming Salamat Haira. Tunay nga
na sa kabila ng paghihirap natin ay
may Diyos na handang tumulong sa
ating buhay, tulad ni Sisa, nanalig siya,
kumapit lang at hindi nawalan ng pag-
asa.
Ginoo/Binibini.
May idaragdag ka ba Lea?
May idaragdag lamang po ako. Isa pa po
sa dahilan ng hindi niya pagsuko sa buhay
ay dahil sa kaniyang pagmamahal sa mga
anak.
Maraming Salamat Lea. Dahil nga
labis ang pagmamahal ni Sisa sa
kaniyang anak, minabuti na lamang
niya na magtiis kaysa naman iwanan
ang kaniyang mga anak sa asawa.

c. ABSTRAKSIYON

Tumungo naman tayo ngayon sa


larawang ito at ating suriin.

Ano ang iyong napansin sa larawang


nakadikit, Shazam.
Ang aking napansin po ay pare-pareho
itong may kaugnayan sa mga kababaihan.
Mahusay na pagsusuri, Shazam.

Ibahagi mo ang iyong napansin sa


larawan, Sharlene.
Ang mga larawan po ay nagpapakita ng
iba’t ibang klase ng kababaihan na kung
saan napansin ko na nagpapakita ito ng
iba’t ibang uri ng estado sa buhay. Higit pa
rito, tinutukoy rin ng larawan ang
pagkakaiba ng mga kababaihan noon at
ngayon.
Magaling Sharlene. Tunay nga na ang
larawan ay kakikitaan ng mga
katangian at sitwasyon ng mga
kababaihan. Sa apat na babae, kanino
niyo maihahambing ang katangian na
mayroon si Sisa, Mae.
Sa ikatlong babae po Ginoo/Binibini.
Bakit mo naman nasabi na si Sisa ay
maihahalintulad mo sa ikatlong
babae?
Nasabi ko po na katulad si Sisa ng nasa
ikatlong babae sapagkat po kung ating
pagmamasdan bakas po sa mukha ng
babae ang pagod at hirap na siya ring
naranasan ni Sisa.
Magaling na paghahalintulad Mae.
Sapat ng batayan ang sinasabi ng
mukha sa larawan para matukoy natin
ang katangian at karanasan ni Sisa.

May karagdagan pa ba, Klas?


Wala na po Ginoo/Binibini.
Kung ganoon ay magpatuloy na tayo.
Ngayon, paano mo mailalarawan ang
katangian ng mga babae noong unang
panahon, Sizzel.
Tulad po ni Sisa mapapansin po na sila ay
walang kakayahan at hindi gaanong
pinagtutuunang pansin ng lipunan.
Madalas na sila ay nasa bahay lamang at
ginagampanan ang mga gawaing bahay.
Tumpak, ganoon ituring ang mga
babae noon, dagdag pa nito, walang
karapatang mag-aral mga ito at panay
pag-aalaga lamang sa mga anak nila.

Sa kabilang banda naman, ano ang


mapapansin sa kababaihan sa
kasalukuyang panahon, Sassy.
Ngayon naman po ay kahit papaano ay
nagkakaroon na ng boses, karapatan at
kapangyarihan ang mga babae.
Pinapakinggan na rin ang kanilang mga
paniniwala at kakayahan.
Mahusay na tugon Sassy. Ika nga nila,
“Kung kaya mo, kaya ko rin” ito ay
nangangahulugang may mga gawaing
kaya ng kalalakihan na kaya rin ng
kababaihan.

Sa mga balita, ano ang madalas


niyong napupuna tungkol sa mga
kababaihan, Shakira.
Madalas po na sangkot ang kababaihan
sa mga pang-aabuso at diskriminasyon ng
ating lipunan. Hindi pa rin po talaga
maiwasan na magkaroon ng mga krimen
na may mga biktimang babae tulad ng
rape, sexual harassment at iba pa.
Magaling na paghihimay-himay,
Shakira. Nakakalungkot mang isipin,
ngunit ito ay totoo at nangyayari sa
modernong lipunan kahit noon pa man.

Sa tingin ninyo, ano kaya ang mga


samahan at batas na pumoprotekta sa
mga kababaihan at mga bata, Shye.
Ang isa sa mga pumoprotektang
organisasyon at sa mga bata ay ang
Gabriela kung saan ito ay pambansang
organisasyon na karamihan ay mga babae
na naglalayong supilin ang pang-aabuso
at diskriminasyon sa mga babae.
Tumpak at totoo ang iyong sinabi,
Shye. Isa ang Gabriela sa mga
samahan ng kababaihan na nagiging
boses at sandigan ng bawat babae.
Gayundin ay may mga batas na
pumuprotekta sa kanila.

Nabanggit kanina sa Kabanata na


kaya nagtitiis si Sisa ay dahil sa
pagmamahal niya sa kaniyang asawa.
Sapat bang dahilan ito para hindi siya
lumaban sa mabuting paraan?
Hindi po Ginoo/Binibini.
Kung ikaw si Sisa, ano kaya ang maari
mong gawin kung nakararanas ka ng
pang-aabuso, Sky.
Para po sa akin, may hangganan ang
pagmamahal ng tao, hindi po sapat na
dahilan ang salitang pag-ibig. Kung ako po
ang nasa posisyon ni Sisa na nabubuhay
na kasalukuyang panahon ay agad ko po
itong ipagbibigay alam sa kinauukulan
tulad ng pagsusumbong sa pulis at opisyal
ng barangay.
Magaling na pagpapaliwanag, Sky.
Yaman din lamang na may batas na
tayo sa kasalakuyang panahon bilang
si Sisa ay maari nating sampahan ng
kaso ang sino mang umabuso o
lumapastangan sa ating pagkatao.
May punto rin na dapat ay hindi tayo
nabubulag o nabibingi ng salitang pag-
ibig sapagkat kaakibat nito ang
responsibilidad.

Kung nasa katayuan ka ni Sisa,


ipaglalaban mo pa ba ang iyong pag-
ibig para sa iyong asawa o susuko ka
na dahil masakit na, Dendi.
Para po sa akin guro, kung ako ay si Sisa,
ipaglalaban ko po ang aking asawa dahil
bahagi ng pag-ibig ang masaktan.
May punto ka diyan Dendi. Tunay na
ang pag-ibig ay masasaktan talaga
tayo paminsan-minsan para mas
lumago at maging matibay sa paglipas
ng panahon. Kaya nga nagsusumpaan
ang dalawang tao hindi po ba, dahil sa
hirap at ginhawa ay magsasama.

Kaya nga ako, hindi ko siya iniwan,


biro lamang, klas.

Paano naman kung sobrang sakit na,


iyong umaabot na sa pang-aabuso at
pananakit, Berna.
Sa tingin ko po guro, kapag ganoon ay
nararapat na lamang sukuan dahil kung
tunay na pag-ibig iyon ay iisipin niya rin
ang nararamdaman ko. Dapat alam niya
na nasasaktan na rin ako.
Magaling. Mukhang may
pinanghuhugutan ang Alex natin. May
diin rin ang iyong punto. Kung ganoon
talaga ay nararapat ng wakasan, dahil
ang pag-ibig ay nararapat na
marunong makiramdam sa kung ano
ang nararamdaman ng kaniyang
kabiyak, hindi sapat na mahal mo lang,
dapat marunong din tayong umunawa
at umintindi ng sitwasyon ng bawat isa.

Naunawaan ba klas?
Opo, Ginoo/Binibini.
Mayroon po bang nais itanong o
paglilinaw?
Wala naman po, Ginoo/Binibini
Mabuti naman kung ganoon.

d. APLIKASYON (Pangkatan)

Handa na ba ang lahat para sa ating


Pangkatang gawain klas?
Opo, Ginoo/Binibini.
Batid kong may sapat na kayong
kaalaman para sa ating gawain.

Sa puntong ito ay magkakaroon tayo


ng isang gawain. Isulat ang inyong
awtput sa isang buong malinis na
papel. Gagawin ito sa loob ng 2 minuto
at 3 minuto naman para sa inyong
pagbabahagi sa klase.

G na ba?
G na g na po, Ginoo/Binibini.

Panuto: Ang bawat pangkat ay may


kaniya-kaniyang paksa na gagawan ng
isang maikling adbokasiya. Kinakailangan
na masalamin sa adbokasiya ang paksang
nakuha.

Ang mga sumusunod ay ang mga paksa:


Unang Pangkat - Kababaihang Inaabuso
Ikalawang Pangkat - Paggalang sa
Kababaihan
Ikatlong Pangkat - Lakas ng Kababaihan
Ikaapat na Pangkat - Pagmamahal sa
Kababaihan

Ang inyong awtput ay pagbabatayan ang


sumusunod na Pamantayan:

Nilalaman 40%
Organisasyon 30%
Kaugnayan sa Paksa 20%
Presentasyon 10%
Kabuoan 100%

Bilang gantimpala ng bawat isa,


palakpakan ang ating mga sarili klas.
(Palakpakan ang buong klase)

IV. PAGLALAHAT

Ang kababaihan ay nararapat na igalang, mahalin at bigyan ng pantay na


karapatan na tulad ng kalalakihan. Sa kasalukuyan, nariyan sina, Gng. Leni
Robredo, Gng. Leila De Lima, Gng. Nora Aunor at marami pang iba, na
nagsisilbing tanglaw upang ipakita ang talento ng mga kababaihan upang
maipaglaban ang kanilang mga karapatan.

V. PAGTATAYA

PANUTO: Gumawa ng isang makabuluhang monologo "FLEX KO LANG" ukol sa


gusto mong sabihin sa iyong ina kung kasama mo siya ngayon sa silid-aralan na
ito.

VI. TAKDANG-ARALIN

I. Panuto: Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa isang buong


malinis na papel.

1) Naniniwala ka ba sa sinasabi ng karamihan na “Love is blind”?


Panindigan ang iyong sagot sa loob ng tatlong pangungusap.

2) Anong pipiliin mo, taken pero nasasaktan o single pero masaya?


Bigyang punto ang iyong sagot.

II. Basahin at pag-aralan ang Kabanata 17: Si Basilio, Obra Maestra: Noli Me
Tangere, nina Gina P. Canlas et. al, pahina 102-108.

Sagutan ang mga tanong sa ibaba sa inyong kuwaderno.

1) Sino si Basilio? Kilalanin siyang mabuti at magbigay ng mga


katangian na mayroon siya.
2) Ano ang pangarap ni Basilio para sa kaniyang pamilya?

Inihanda Nina:

Raquion, Adrian
Vega, Shela Marie M.

You might also like