You are on page 1of 7

Masusing Banghay –Aralin sa Panitikan 9

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Pangnilalaman
1. Naisasalaysay ko nang may pagkakasunod ng mga pangyayari ng isang maikling kuwentong makabanghay
2. Naihahambing ang karanasan ng pangunahing tauhan sa totoong pangyayari sa tunay na buhay.
3. Nakagagawa ng Graphic Organizer tungkol sa akda.
b. Padamdamin
1. Nauunawaan at natutuklasan ang kahalagahan at gintong aral ng kwento.
c. Pangkasanayan
1. Naibibigay ang kahulugan ng mga matatalinhagang salita na nakasaad.
2. Nalilinang ang kaisipan at nauunawaan ang mga pangyayari sa kuwento.
3. Nasusuri ang isang kuwentong makabanghay batay sa mga proseso sa paglikha nito.
II. PAKSANG ARALIN
a. Paksa: “Ang Ama” Maikling Kuwentong Makabanghay-
Singapore (Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)
b. Sanggunian: https://www.academia.edu/8412775/
Filipino_Learner_s_Module_Grade_9
c. Kagamitan: Laptop(PPT), projector, papel
d. Pagpapahalaga: Kaalaman sa tamang paglalahad ng kuwentong nabasa
sa pamamagitan ng yugto-yugtong pagbuo.
III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL INILAANG
MINUTO
RIKISITOS: Paglalahad ng alituntunin sa gagawing talakayan(gagawin bago magsimula ang klase). 1 Minuto
A. PANILUMANG GAWAIN
1. Panalangin 5 Minuto
 Magandang umaga sa inyong lahat, bago natin  (Ilalahad ang panalangin)
simulan ang ating talakayan sa araw na ito maaari
bang mayroong isa sa inyo ang magsagawa ng isang
panalangin?

 Ana maaari bang ikaw ang manguna para sa


panimulang panalangin.
 Magandang umaga rin po
2. Pagbati
Ma’am! Ayos lang naman po
 Magandang umaga ulit sa inyong lahat! Kamusta
kami!
naman ang araw nyo?

3. Pagtatala ng liban
 Mabuti naman kung ganon.
 Andito naman po ang lahat
 Sabel, bilang kalihim ng ating klase maaari mo
Ma’am.
bang itala kung sino ang mga nandito at mga
lumiban sa ating klase?
 (Katahimikan)
 Opo Ma’am ngunit di pa namin ito
nababasa ng buo.

B. PAGANYAK
 Bago natin simulan ang ating talakayan, nais ko  Opo Ma’am ngunit di pa namin ito 5 Minuto
muna kayong tanungin kung nabasa niyo na ba nababasa ng buo.
ang pinapahanap kong maikling kuwento bilang
inyong takdang aralin.

 Mabuti naman at kahit paano ay binasa nyo ito ngunit  Ma’am! Ang pamagat po ng
matanong ko lang kayo, ano nga ulit ang pamagat ng maikling kwento ay “Ang Ama” at
pinapahanap kong maikling kwento. ito ay nagmula sa bansang
Singapore

 At dahil hindi nyo pa gaanong nabasa ang kwento, ito


ay ating tatalakayin ngayon upang ito’y inyong
maunwaan.

C. PAGLALAHAD
5 Minuto
 Sino dito ang nangalahati na sa pagbasa ng maikling  (Tumaas ng kamay ang kalahati ng
kwento? klase)
 Mabuti naman at mukhang marami sa inyo ang  Syempre naman Ma’am
nakapagbasa ngunit matanong ko lang alam nyo ba
ang mga katangiang tinataglay ng isang ama?  Masipag!
 Sige nga magbigay ng katangian ng na tinataglay ng
isang haligi ng tahanan.  Mapagmahal!

 Gumagabay at sandigan ng
pamilya!

 Mahusay at sa tingin ko ito ang nakikita niyong


katangian ng isang ama base sa inyong personal na
karanasan.
 Ngunit, base sa inyong binasa ito ba ang katangiang  Hindi po!
tinataglay ng isang ama na tinutukoy sa kwento?
D. PAGBASA/PAKIKINIG
 At dahil nasabi niyong ang mga binigay niyong 5 Minuto
katangian ng isang ay salungat sa katangian ng isang
ama sa kwento, atin itong babasahin at uunawain
ngayon.

 Ang kwento ay nahahati sa tatlong pahina kaya naman


kukuha ako ng tatlo sa inyo na maaaring magbasa sa
unahan ng kwento upang mapakinggan at maunwaan
ito ng bawat isa.

 Sino sa inyo ang nais magbasa?  “Ma’am ako po”- Sabel


 “Ma’am kami din po ni Nica”-
Roma
 (Nagbasa ang tatlong estudyante)

E. PAGTATALAKAY
 Upang masubok ang inyong kakayahan sa pakikinig at 5 Minuto
pag-unawa mula sa binasang kwento, magbibigay ako
ng isang katanungan at ito ay inyong sasagutan sa
kalahating papel.
 Ang inyong kasagutan ay dapat naksaad sa limang
pangungusap, maaari rin kayong kumuha ng inyong
makaka-partner sa pagsasagot at maaari rin namang
hindi, kayo rin ay hahayaan ko sa pagpili kung sino ang
inyong nais na makapareha.
 Kung tapos na ang lahat sa pagsasagot ipapasa nyo
ang inyong mga papel at bubunot ako ng tatlong mag-
lalahad ng kanilang kasagutan sa unahan.
 Handa na ba ang lahat?  “Opo Ma’am”
 Kung ganon maaari nyo ng sagutan ang katanungang  (Sinimulan ang pagsasagot)
nakasaad sa powerpoint presentation. Mayroon
lamang kayong 10 minuto upang sagutan ang
katanungan, maaari na kayong magsimula.
“Ano ang mga katangian at responsibilidad ng isang
ama? Ito ba ay nagagampanan ng inyong itinuturing
na haligi ng tahanan? Ipaliwanag.
 Tapos na ang oras na aking ibinigay, maaari niyo ng  (Ipinasa ang papel)
ipasa sa ang inyong mga papel.
 Ngayon bubunot na ako, Jamaica, Andy at Jhonlar  (Sinimulan ang paglalahad ng
kayo ang maglalahad sa unahan. kasagutan sa unahan)
F. PAGLALAHAT
 Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa  “Ma’am nagsimula pong magbago 5 Minuto
di-mabuting pag-uugali ng ama? ang kanilang ama noong namatay
ang anak nitong si Mui Mui dahil
 Mahusay Krischane! Tunay ngang naunawaan mo ang pinagsisihan na niya ang kaniyang
mensahe at aral ng kwentong ating binasa at mga kasalanan at pagkukulang
pinakinggan dahil nabanggit mo kung paano binago ng niya bilang ama noong nakita niya
isang masalimuot na pangyayari ang buhay ng isang ang malamig na bangkay ng
ama na tinutukoy sa kwento. kaniyang anak.”-Krischane

G. PAGPAPAHALAGA
 Sa Antas ng Iyong Pag-unawa 10 Minuto
Sagutin ang mga gabay na tanong. (Nakasaad sa
PowerPoint)
 Paalala, basahing mabuti ang bawat katanungan upang  (Nagsimulang magsagot ang mga
higit niyo itong maunawaan. Maaari na kayong estudyante)
magsimula.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


2. Ano-anong katangian ng ama ang nangibabaw sa
kuwento? Anong bahagi o pangyayari sa kuwento
ang nagpapakita ng mga nabanggit na katangian?

Katangian ng Ama Bahagi/Pangyayaring


nagpapatunay

3. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal


sa kaniyang anak?
4. Paano nagwakas ang kuwento?
5. Anong kultura ng mga taga-Singapore ang
masasalamin sa kuwentong ito?
6. Paano naman ipinakikita ng mga Pilipino ang
pagmamahal sa mga namatay na mahal sa buhay?
Sa ibang bansa sa Asya?

H. PAGLALAPAT
 Paglinang ng Talasalitaan 5 Minuto
Bigyang kahulugan ang mga sinalungguhitang pahayag
ayon sa pahiwatig nito sa pangungusap. (Nakasaad sa
PowerPoint)

 Nauunawaan niyo ang panuto? Kung sakaling kayo ay  Opo Ma’am.


may mga katanungan, maaari kayong lumapit sa akin.
1. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang
okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-
palad nito.
2. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-
dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y
magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila
ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito
upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.
3. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang
kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y
nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon
huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin
iyon nang buong lakas.
4. Ang balita tungkol sa malungkot niyang
kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang
amo, isang matigas ang loob pero mabait na
tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa
kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak.
5. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang
wagas na pagmamahal sa patay na bata.

IV. PAGTATAYA/ EBALWASYON


 Fan-Fact Analyzer 10 Minuto
Kopyahin ang kasunod na graphic organizer sa iyong papel
at punan ng mga pangyayari mula sa binasang kuwento
ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Tukuyin ang tagpuan,
tauhan, at kahalagahang pangkatauhan. Iklian lamang ang
mga pangungusap na ilalagay sa bawat pangyayari.
(Nakasaad sa PowerPoint)  (Nagsimulang magsagot ang mga
 Mayroon lamang kayong 10 minuto upang sagutang estudyante)
ito, maaari na kayong magsimula.

V. KASUNDUAN
 Gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo sa isang 5 Minuto
“Ama” at ilahad sa susunod na araw ng talakayan
kung bakit ito ang iyong napili, ano ang kahulugan nito
at kung bakit ito sumisimbolo sa isang “Ama”.
Inilahad ni:
MA. JULIE-FLOR S. MACASAET
BSE-FIL-3A

Ipinasa kay:
Bb. ELIZABETH TALOSIG

You might also like