You are on page 1of 8

HOLY CROSS COLLEGE

STA. LUCIA, STA. ANA, PAMPANGA


COLLEGE DEPARTMENT
ISANG MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO
I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng pagtalakay ng aralin, ang mga mag-aaral/tagapakinig ay
inaasahang:
a. Nauunawaan ang kaisipan ng akdang tinalakay,
b. Nailalahad ang sariling damdamin batay sa napanood na alamat, at
c. Napapahalagahan ang mga mensaheng ipinapahatid ng alamat, “Alamat ng
Pinya”.

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: “Alamat ng Pinya”
b. Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=WUnXFfFjuTQ ,
https://memoesperienze.comune.modena.it/crescere.tra.tante.lingue/index_htm_
files/Alamat%20ng%20Pinya_filippino.pdf
c. Mga Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, online bidyo (Youtube).

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


a. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Isang mapagpalang umaga/hapon sa
inyong lahat Grade 7- Esekiel! Mapagpalang umaga/hapon
din po!
Kumpleto na ba kayong lahat? Kung
hindi pa, bibigyan pa natin sila ng
karagdagang limang (5) minute para
makahabol at makapasok.

Siguro, sapat na ang inilaan nating oras


para sa inyong kamag-aral. Diba? Kaya’t
maaari na tayong magsimula sa ating
talakayan? Opo! Ma’am!

2. Pambungad na panalangin
Sige. Bago natin pormal na simulan ang
ating talakayan ay nararapat lamang na
hingin natin ang gabay at presensiya ng
Panginoon.

Ipikit ninyo ang inyong mga mata at (Magdadarasal ang mga


makinig sa pambungad na panalangin. Mag-aaral)

https://www.youtube.com/watch?v=Ad7_I23LeYc
HOLY CROSS COLLEGE
STA. LUCIA, STA. ANA, PAMPANGA
COLLEGE DEPARTMENT

3. Pagsasaayos ng silid-aralan

Ngayon, maari niyo na bang buksan na


ang inyong mga kamera?
At kung maaari, panatilihin po sana
natin itong bukas hanggas matapos ang
ating talakayan. At saka, panatilihing
naka mute ang inyong mga mikropono,
i-unmute lamang ito kung kayo ay Opo, Ma’am!
inaasahang sasagot o magbabasa.
Nakakasunod ba?

4. Pagtatala sa mga lumiban sa klase.


Bukod kay Sir Robin, maaari ba akong
makakuha ng tala sa mga lumiban sa
klase upang sa gayon ay may sarili
akong tala sa inyo mga Grade 7- Ezekiel
upang malaman ko kung sino talaga
yung mga lumiban sa klase, mga
parang multo at ang mga nag o on at
off ng kanilang mga mikropono.

Nagkakaintindihan ba?

Opo!
b. Pagtatalakay sa mga Layunin

Atin munang talakayin an gating mga


layunin sa araw na ito.

Maaari bang isa sa inyo ang magbasa n Ako po Ma’am


gating mga layunin sa ating talakayan Sa pagtatapos ng
ngayon? pagtalakay ng aralin, ang
mga mag-aaral/tagapakinig
ay inaasahang:

a. Nauunawaan
ang kaisipan
ng akdang
tinalakay
b. Napapahalaga
han ang
mensaheng
ipinapahatid
ng maikling
kwentong,
“Sandaang
Damit”
c. Nailalahad
ang sariling
HOLY CROSS COLLEGE
STA. LUCIA, STA. ANA, PAMPANGA
COLLEGE DEPARTMENT
damdamin
batay sa
Salamat sa magandang pagkakabasa! napanood na
Ezekiel, ang mga layunin na binasa ng maikling
inyong kamag-aral ay pagpapahiwatig ito sa kwento
ating talakayan na ating pag-uusapan sa
araw na ito .

c. Pagganyak
Maaari naba tayo magsimula?

Handa na ba ang lahat?

Opo!
Kung talagang handa na kayong lahat, nais
ko munang makita ang mga reaksyon Opo!
ninyo. Maaari ko bang makita ang thumbs-
up emoji upang malaman ko kung tunay
nga na kayo’y handa?

Ayan. Talaga nga naman handa na ang (pipindutin at magpapakita


mga estudyante ng Grade- 7 Ezekiel! ng thumbs-up emoji ang
mga mag-aaral)

Bago ang lahat, magsisimula muna tayo sa


pagganyak na aktibidad.

May ipapakita akong mga tanong sa screen


at sasagot lang kayo kung Tama o Mali.
Naiintindihan ba?

(Magpapasagot si Teacher)

Opo!

Mahusay! Ibahagi sa amin kung ano ang


paboritong Alamat.
(sasagot ang mga mag-
“Ano ang gusto mong ulit-ulitin na basahin aaral)
sa mga alamat?”

Ayan, kagaya ng mga paborito ninyong


mga alamat, mamaya tatalakayin natin ang
isang alamat na siguradong kapupulutan Ayan, marami pala sainyo
ninyo ng aral at tiyak na magugustuhan ang gusto magbasa sa mga
niinyo. alamat.
d. Paglalahad ng paksa
HOLY CROSS COLLEGE
STA. LUCIA, STA. ANA, PAMPANGA
COLLEGE DEPARTMENT

Kung gayo’y, ibabahagi ko sa inyo ang ating


kwento sa araw na ito. Maari na ba?
Opo!
Ang ikukwento ko sainyo ay isa sa pinaka-
sikat at kapupulutan ng aral, ito ay ang
“Alamat ng Pinya”

Siguro naman karamihan sa inyo ay alam


ang Alamat ng Pinya?

Opo/Hindi po!
e. Paglinang ng Talasalitaan
Bago tayo tumungo sa ating mismong
pagtalakay, atin munang bigyang
kahulugan ang mga salitang ‘di pamilyar sa
inyo na maaring magbigay ng kalituan
habang binabasa ang paksa.

Sa ipapakita ko ay may nakikita kayong


apat na pangungusap na may
nakasalungguhit na salita. Ang bawat
salitang nakasalungguhit ay sasabihin ninyo
kung alin sa mga salitang nabanngit kanina
ang may pagka-kaugnay.Maaari kayong
magtaas ng kamay gamit ang cellphone o
laptop na gamit ninyo upang makasagot.
Maliwanag ba?

Opo!
Ang unang salita ay:
Ibigay ang kasing-kahulugan ng salitang
Layaw?
(Magtatawag ng mag-aaral upang ibigay
ang tamang sagot sa tanong.)

Ito po ay ang Luho.


Tama!

Ibigay ang tamang sagot.


“Ano ang kabaligtaran ng salitang Tamad?

Masipag.
Magaling!

Ngayon, para saan naman ginagamit ang


palayok?
Ano ang tamang sagot?
HOLY CROSS COLLEGE
STA. LUCIA, STA. ANA, PAMPANGA
COLLEGE DEPARTMENT

Ako po Ma’am, Ito po ay


ginagamit para sa pangluto
Mahusay! ng kanin okaya ulam.

Para saan naman ginagamit ang mga


Kutsara’t Tinidor?

Tama! Para po ito sa pang-kain!

Ano ang nangyari kay Pinang sa kwento ng


Alamat ng Pinya?

Naging pinya po siya para


Tama! hindi po siya maging tamad.

Ngayon, nauunawaan niyo na ba ang ating


mga tanong?

Kung gayo’y dumako na tayo sa ating Opo!


pagtalakay sa paksa.
f. Pagtalakay sa paksa

Handa na ba kayo panoorin ang “Alamat ng


Pinya”
Opo!
Sige, kung ganoon atin na itong panoorin!

https://www.youtube.com/watch?
v=WUnXFfFjuTQ

Ayan, naiintindihan ba nang malinaw ang


ating kwentong napanood? Opo!

Para naman sa mga nagkakaroon ng


internet connection problem o pagkakaroon
ng paputol-putol na signal sa kanilang lugar
ay ibinuod ko ang kwento at ngayon ay
making kayong mabuti.

Ito ay tungkol sa mag-ina na sina Pinang at


Aling Rose.
Kung saan si Pinang ay ang bata na sunod
sa layaw sa kaniyang ina. At ito ay
hinayaan ng kaniyang Ina dahil daw sa ito
ay bata pa lamang, pero nagkamali siya.
Hindi natuto ang kanyang anak. Bagkus,
HOLY CROSS COLLEGE
STA. LUCIA, STA. ANA, PAMPANGA
COLLEGE DEPARTMENT
naging tamad at ang alam lang niyang
gawin ay kumain, mamintana, maglaro,
maligo at matulog.
Palagi din siyang nangangatwiran na siya ay
pagod tuwing nauutusan ng kaniyang ina o
kaya ay hindi mahanap ang dapat hanapin.
Mahal ni Aling Rosa ang kaniyang anak
kaya naman siya na lamang ang gumagawa
ng gawaing bahay.
Pero isang araw nagkasakit ang kaniyang
ina at humiling siya sa kaniyang anak
upang ipagluto ng lugaw, ngunit ito ay
nasunog dahil hindi nabantayan ng
kaniyang anak.
Minsa’y nagluto si Pinang ngunit umiral ang
kaniyang katamaran at bawat hanapin niya
ay tinatanong niya muna sa kaniyang ina.
Tanong ni Pinang “Nanay, nasaan ang
palayok?”, “Nanay nasaan ang kutsara’t
tinidor?”
Pasigaw na sagot ni Aling Rosa “Magkaroon
k asana ng maraming mata,para Makita mo
ang hinahanap mo!!”
Lumipas ang mga oras ay nabahala si Aling
Rosa dahil hindi niya ito nakikita at naririnig
na magsalita.
Isang araw, lumabas siya sa kanilang
bakuran at napansin niya ang halaman na
lagi niyang dinidiligan ay bigla na lamang
namunga at nagulat siya na ito ay may
maraming mata.

Naiintindihan na ba ang napanood ninyo at


binasa kong buod para sainyo? Opo!

Mabuti naman!

Ngayon, upang makasigurado ako na may


naintindihan talaga kayo mula sa napanood
at napakinggan ninyo ay magtatanong ako
at inyo itong sasagutin.

Handa na ba kayo?
Opo!
Para sa unang tanong,
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento? Ang mga tauhan po ay ang
mag-inang sina Aling Rosa
at Pinang.

2. Ano ang nangyari kay Pinang?


Siya po ay naging Pinya.
HOLY CROSS COLLEGE
STA. LUCIA, STA. ANA, PAMPANGA
COLLEGE DEPARTMENT

3. Sino ang nagkasakit sa mga tauhan?


Si aling rosa po.

4. Ano ang naging aral ng kwento sainyo?

Ang naging aral po sa akin


ay huwag maging tamad. At
gamitin ang mata sa
paghahanap ng mga bagay
na hinahanap at hindi ang
bibig.

g. Paglalahat

Para sa ating paglalahat, nais kong


margining ang inyong mga sentimyento sa
ating kwento o kung ano ba ang inyong Napagtanto kopo sa
natutuhan at ano ang naging aral para sa kwentong aming
inyo? napakinggan at napanood
ay pahalagahan ang mga
(Magtatawag ng mag-aaral upang sagutin aral na sinasabi ng ating
ang tanong ng guro) mga magulang. At huwag
maging pasaway.

Magaling!
Bigyan siya ng tatlong palakpak.

Lubos niyo na talagang nauunawaan ang


ating aralin ngayong araw na ito. Ngayon
kayo ay magkakaroon na ng isang maikling
pagsusulit.

Tandaan ninyo, maging mabait at


masunurin sa ating mga magulang dahil
ang mga paalala nila sa atin ay para sa
ating ikabubuti.
HOLY CROSS COLLEGE
STA. LUCIA, STA. ANA, PAMPANGA
COLLEGE DEPARTMENT

IV. PAGTATAYA NG ARALIN


Para sa inyong pagsusulit, magbibigay ako ng link kung saan makikita ang
aking inihandang pagsusulit para sainyo. Bibigyan ko kayo ng sampung (10)
minuto para tapusin ang inyong pagsusulit.

V. KASUNDUAN
Kunin ninyo ang inyong mga kwaderno sa Eduskasyon sa Pagpapakatao at
isulat ang ating kasunduan.

Para sa inyong takdang-aralin. Sa inyong tahanan o paligid, obserbahan ang


kanilang mga naging pagpapasya at pagkilos? Para sa susunod na klase ay pag-uusapan natin
ito.

Inihanda ni:

___Bb. Raquel L. Musni___


Estudyante

___Robin Edward Ingal Castro___


Cooperating Teacher

You might also like