You are on page 1of 4

Ateneo De Davao University

Roxas Avenue, Davao City 

LESSON PLAN FILIPINO 5

Ika 10 na Marso 2020

Kasanayan:

A. Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang alamat. (F5PN-IIIc-e-


3.1)

Unang Araw

I. Layunin

         Sa pagtatapos ng sesyon, inaasahan na ang mga estudyante ay:

 nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa Alamat ng Perlas sa Mindanao


 nabibigyang halaga ang mga aral sa kuwentong Alamat ng Perlas sa Mindanao
 nakakaguhit ng simbolo tungkol sa pagiibigan ng dalwang tauhan sa napakinggang
alamat.

II. Subject Matter

A. Paksa: Alamat

         B. Sanggunian: https://www.wikakids.com/filipino/alamat/alamat-ng-perlas-sa-mindanao/

         C. Materyales: Kartolina, Papel, Libro, Mga litrato

III. Mga aktibidad sa pag-aaral

         A. Unang hakbang

                     a. Panalangin

                     b. Pagbati

                     c. Pagsusuri sa dalo at sa kalinisan ng silid-aralan

         B. Aktibasyon

Paganyak

Ayusin ang scrambled letters ayon sa mga tanong.

1. Buuin ang isang titolo ng kuwento gamit ang mga katanungan.


a. Unang salit- ito ay isang uuri ng panitikan.

L A M T A A N G
b. Pangalwang salita- Ito ay isang bagay na nanggagaling sa dagat.

P E N A R S L G
c. Pangatlong salita- Ito ay isa sa bumubuo sa Pilipinas.

A M I D S A O N N

C. Acquisition

Alamat ng Perlas sa Mindanao

Isang binatang mangingisda ang nagkaroon ng kasintahang dalagang Muslim sa isang pook sa
Mindanao noong unang panahon. Ang magkasintaha’y nagsumpaang magpapakasal pagsapit
nila sa ika-dalawampu’t isang taon. Limang taon pa silang maghihintay.

Tuwing sila’y mag-uusap, ipinaaalala ng isa’t isa na huwag makalimot sa sumpaan. Laging
nangangako ang binata na ang dalaga lamang ang tanging pakaiibigin.

“Pinakamamahal kita Leoniza,” ang magiliw na sabi ng binata. “Ikaw lamang ang babaing iibigin
ko habang buhay. Gugustuhin ko pa ang kamatayan kung hindi rin lamang ikaw ang aking
magiging kapalaran.”

“Salamat, mahal ko,” natutuwang tugon ni Leoniza. “Napaka-dakila ng iyong pag-ibig. Sana’y
palarin ka sa iyong paghahanap-buhay upang makapag-impok tayo para sa ating pag-iisang-
dibdib. Huwag ka sanang magpapabaya sa iyong kalusugan. Mag-ingat kay sa iyong
paglalayag,” dugtong pa.

“Maraming salamat, mahal ko, sa iyong mga paalaala,” tugon ng binata, sabay paalam.

Laging nagsusunuran at walang pagkukulang ang magkasintahan sa isa’t-isa. Kapuwa sila


tapat sa sumpa. Walang madilim na panginorin sa kanilang pag-ibig. Laging bukang-liwayway.
Walang pagmamaliw ang kanilang pagtitinginan. Subali’t mapagbiro ang tadhana. Biglang
nawala ang binata at hindi na napakita sa kanyang kasintahan.

Parang mababaliw si Leoniza. Araw at gabi’y nasa daungan upang magba-sakaling magkita sila
ng kanyang minamahal. Umulan at umaraw ay nananatili siyang nag-aabang sa daungan,
hanggang sa iluwal sa maliwanag ang bunga ng kanilang pagkakasala.

Naging tulala ang dalaga. Sa tuwina’y nakatayong walang kibo na animo’y isang rebulto.
Walang katinag-tinag na napako ang paningin sa laot ng dagat. Minsa’y maluha, minsa’y
humahalakhak. Dumating ang saglit na hindi sukat asahan. Siya’y naging isang taong-bato.

Diumano, isang araw ay nakita ng mga nagmamasid na lumuluha ng perlas ang taong-bato.
Biglang lumaganap ang balita. Ang taong-bato ay dinumog ng mga tao upang sila’y manlimot
ng perlas.

Isang inang dukha ang nagtiyagang naghintay ng iluluhang perlas. Kasama niya ang anak na
pipituhing taong gulang. Yumakap sa rebulto ang ina’t nagmakaawa, “Bigyan mo kami ng iyong
perlas.” Nang ang ina ay bumitaw sa pagkakayakap sa rebulto ay hindi niya makita ang
kanyang anak. Hanap dini, hanap doon. Inabot ng dilim ang ina sa paghahanap subali’t
nawalan ng saysay.

Nang magsawa ang bata sa paglalaro sa may dalampasigan, saka pa niya naalaala ang
kanyang ina. Kanyang pinagbalikan at tinalunton ang kinaroroonan ng taong-bato. Hindi niya
naratnan doon ang kanyang ina.

“Inay, inay, narito ako…! Saan ka naroon?” ang sigaw ng bata, tuloy yakap sa paanan ng
rebulto.

Naantig ang damdamin ng taong-bato. Kanyang naalaala ang kanyang yumaong anak. Ang
kanyang mga mata’y dinaluyan ng masaganang luha.
Kinabukasan, ang ina ay nagbalik sa lunan ng taong-bato. Natuklasan niyang nagkalat ang mga
perlas sa paligid ng rebulto. Siya’y nanlimot ng perlas. Kinamaya-maya’y dumating ang nawalay
na anak.

“Saan ka nanggaling? Kahapon pa kita hinahanap! Hanggang ngayon ikaw ay aking hihintay!”

“Akopo’y nanlimot ng kabibi. Nagbalik po ako sa rebulto, ngunit kayo’y wala na roon!”

“Bakit hindi ka umuwi sa atin?”

“Hindi ko alam ang daan sa pag-uwi. Sa bahay po ng kaibigan ko ako natulog. Ako’y kanyang
ipinagsama nang makitang iyak kayo nang iyak!”

“Tulungan mo akong manlimot ng perlas. Pagkatapos ay uuwi na tayo.”

Nang malaunan ang kinatatayuan ng taong-bato ay nakarating ng talpukan ng alon. Ang rebulto
ay tinangay ng alon. Ito’y napalaot sa pusod ng dagat hanggang sa nawala.

Ang luha ng dalagang nabigo sa pag-ibig ang pinagmulan ng maraming perlas sa dagat ng
Mindanao.

Prosesong tanong:

1. Tungkol saan ang kuwentong inyong napakinggan?


2. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
3. Ano ang kanilang nagging papel sa kuwento?

   D. Aplikasyon

Bukod sa perlas, gumuhit ng isang bagay na nagsisimbolo sa pagmamahalan ni


Leoniza at ng binata. Ilagay ito sa manila paper at isa sa Inyong grupo ay
magpapaliwanag kung bakit ito ang inyong napiling simbolo.

         E. Pagpapahalaga 

1. Nasubukan mo bang naiwanan ng mahal sa buhay? Kung oo, ano ang nagging
rason at paano mo nalampasan ang epekto nito sayo?
2. Anong mahalagang aral ang natutunan mo sa kuwento?

         G. Pagbubuo 

1. Saan ang tagpuan ng kuwento?


2. Paano nagsimula ang kuwento?
3. Ano ang nagging suliranin?
4. Ano ang nagging wakas?

          H. Pagtatasa    

Sagutan ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng kuwentong Alamat ng Perlas sa


Mindanao. Ang unsa (1) ang siyang pinakauna at ika-sampo (10) ang pinakahuling
pangyayari.

_____. “Hindi ko alam ang daan sa pag-uwi. Sa bahay po ng kaibigan ko ako natulog.
Ako’y kanyang ipinagsama nang makitang iyak kayo nang iyak!”

_____. Parang mababaliw si Leoniza. Araw at gabi’y nasa daungan upang magba-
sakaling magkita sila ng kanyang minamahal. Umulan at umaraw ay nananatili siyang
nag-aabang sa daungan, hanggang sa iluwal sa maliwanag ang bunga ng kanilang
pagkakasala.
_____. Isang inang dukha ang nagtiyagang naghintay ng iluluhang perlas. Kasama niya
ang anak na pipituhing taong gulang. Yumakap sa rebulto ang ina’t nagmakaawa,
“Bigyan mo kami ng iyong perlas.”

_____. “Tulungan mo akong manlimot ng perlas. Pagkatapos ay uuwi na tayo.”

_____. Naantig ang damdamin ng taong-bato. Kanyang naalaala ang kanyang yumaong
anak. Ang kanyang mga mata’y dinaluyan ng masaganang luha.

_____. Diumano, isang araw ay nakita ng mga nagmamasid na lumuluha ng perlas ang
taong-bato. Biglang lumaganap ang balita. Ang taong-bato ay dinumog ng mga tao
upang sila’y manlimot ng perlas.

_____.” Pinakamamahal kita Leoniza,” ang magiliw na sabi ng binata. “Ikaw lamang ang
babaing iibigin ko habang buhay. Gugustuhin ko pa ang kamatayan kung hindi rin
lamang ikaw ang aking magiging kapalaran.”

_____. Kinabukasan, ang ina ay nagbalik sa lunan ng taong-bato. Natuklasan niyang


nagkalat ang mga perlas sa paligid ng rebulto. Siya’y nanlimot ng perlas. Kinamaya-
maya’y dumating ang nawalay na anak.

_____. Nang malaunan ang kinatatayuan ng taong-bato ay nakarating ng talpukan ng


alon. Ang rebulto ay tinangay ng alon. Ito’y napalaot sa pusod ng dagat hanggang sa
nawala.

_____. Ang luha ng dalagang nabigo sa pag-ibig ang pinagmulan ng maraming perlas
sa dagat ng Mindanao.

IV. Takdang Aralin

Sa loob ng isang bond paper, gumuhit ng bagay na nagsisimbolo sa


pagmamahal mo sa mga taong importante sayo.

You might also like