You are on page 1of 12

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN:

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;

a. Nabibigyang pagpapakahulugan ang salita ayon sa sitwasyong


pinanggagamitan.

b. Naiuugnay ang mga pangyayari mula sa kwento sa totoong buhay.

C. Naipamamalas ang pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagsasadula


tungkol sa hinihinging sitwasyon.

II. PAKSANG ARALIN

PAKSA: Maikling Kwento: "Ang Kwento ni Mabuti" ni Genoveva Matute

SANGGUNIAN: BANTAYOG III, Pahina 113-114

MATERYAL: Powerpoint presentation, video

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

*PAGBATI
Magandang Umaga/Hapon klas! -Magandang Umaga/Hapon din po Ma’am.

*PANALANGIN
*PAGTALA NG LUMIBAN
*PAGGANYAK

-okay klas, May ipanonood akong maikling


video sa inyo. Manood kayong mabuti kasi
may mga itatanong ako mamaya tungkol sa
inyong napanood. Naiintindihan klas? -Opo Ma'am.
-(pagkatapos panoorin) Okay. Tungkol saan
ang napanood niyo klas? -Tungkol po sa estudyanteng naiinis sa
kaniyang guro.

-Tungkol po sa pagmamalasakit ng guro sa


mga mag-aaral nito.

-Tungkol po sa pangarap ng guro para sa mga


batang hinuhubog niya.

-Tungkol po sa dedikasyon ng guro sa


kanyang propesyon.
Magaling. Tungkol sa pagiging isang guro na
walang hinangad kundi ang kabutihan lamang
ng kinabukasan ng mga bata.

Ngayon, Ano ang nahihinuha niyo na ating


paksang tatalakayin?
-Tungkol po sa Guro Ma'am.
- Tungkol po sa mga pangarap ng kabataan
ma'am.
-May kaugnayan po sa Guro na may
pagpapahalaga sa mag-aaral at propesyon
nito.
*PAGLALAHAD
-Okay. Magagaling! Ang ating pag-aaralan
ngayon ay isang kwento na pinamagatang
"Ang Kwento ni Mabuti" ni Genoveva Edroza
Matute na may kinalaman sa dedikasyon ng
isang guro sa kaniyang propesyon.
-Opo Ma'am.
Handa na ba kayong Magbasa klas?

*PAG-ALIS NG SAGABAL

Pero bago natin basahin ay, bibigyang


kahulugan muna natin ang mga talasalitaan sa
kwento, upang mas maintindihan niyong
mabuti.

Buuin ang mga letra para makuha ang


kasingkahulugan ng mga salitang
nasalungguhitan sa pangungusap.

1. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng


buhay.
2. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging
salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.
3. Napatda ako na napaupong bigla sa
katapat na luklukan.
4. Nakasasaling ng damdamin.
5. Bawat aralin naming sa panitikan ay naging
isang pagtighaw sa kauhawan naming sa
kagandahan at ako’y humanga.

ANG KWENTO NI MABUTI NI GENOVEVA


EDROZA-MATUTE

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi


nilang naroroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang
una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga
lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng
lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang,
doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang
maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa
siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang
-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng
karunungan sa kanya ko lamang natutuhan.
Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay.
Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa
isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikit
a ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang
anumang maganda sa kanyang anyo… at sa
kanyang buhay…
 Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro
noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang
ng pansin. Mula sa kanyang pananamit
hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng
mga panunugutan sa paaralan, walang
masasabing anumang pangkaraniwan sa
kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti
kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang
simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita.
Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya
maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa
mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang
paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri
ng paniniwala sa buhay.
 “Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y
magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t
umabot tay
o sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”
 Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang
ng anuman kung di lamang nahuli niya akong
minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha
ng bata kong puso ang pambata ring
suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa
pabugs
u-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa
pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan,
ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang
tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong
lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon
niya ako natagpuan.
 “Mabuti’t may tao pala

rito,” wika niyang ikinukubli ang pag


-aagam-
agam sa narinig. “Tila may suliranin .. mabuti
sana kung makakatulong ako.”
 Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang
bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan ay
ibinilang kong kahihiyan ay kababaan ang
pagkikita pa naming muli sa hinaharap,
pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong
iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi
niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong
bigla sa katapat na luklukan.
 “Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito
ako upang umiyak din.”
 Hindi ako nakapangusap sa katapatang
naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang
kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-
maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa
kanyang labi. Tinanganan niya ang aking mga
kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa
pagtatapat sa
suliraning sa palagay ko noo’y siya nang
pinakamabigat.Nakinig siya sa akin, at
ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y
nagtataka ako kung paanong napigil niya ang
paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay.
Ngunit, siya’y nakinig nang buong

pagkaunawa, at alam ko na ang


pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.
 Lumabas kaming magkasabay sa paaralan.
Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay
natatanaw na nang bigla akong makaalala.

 “Siya nga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala?


Ano ho iyong ipinunta ni
nyo sa sulok na iyo na
… iniiyakan ko?”

Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga


salitang iyon; “ang sulok na iyon na …
iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang
marahang halakhak sa kanyang tinig: “sana’y
masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin..
kailanman. Ang ibig kong sabihin ay …
maging higit na mabuti sana sa iyo ang …
buhay.”

Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa


akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita
niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot,
sa pagngiti niyang mabagal at mahiyain
niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng
kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot,
naririnig kong muli ang mga yabag na palapit
sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na
iyon,..
 “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong
iyon. At habang tumataginting sa
silid
naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y
 hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng
pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-
aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa
siya
roon, sa aming sulok na iyong… aming
dalawa…
 At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang
iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong
magmasid, maghintay ng mga bakas ng
kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa
tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang
taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya
ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at
ng mga tunog ang aming pandinig at
natutuhan naming unti-unti ang kagandahan
ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay
naging
isang pagtighaw sa kauhawan naming sa
kagandahan at ako’y humanga.
 Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa
aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa
amin ang kagandahan ng buhay sa aming
aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na
ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng
pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang
pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa
sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga
pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling
ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang
iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan
sa mga bagay na karaniwan na lamang sa
amin ay walang kabuluhan. Hindi siya
bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang
sarili sa buong panahon ng pag-aaral naming
sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa
kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak.
.. nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit
sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang
iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-
aral naming ang nakababatid na siya’y
hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat
ng bagay at pangarap niyang maririkit ay
nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya
sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang
mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin
niyon sa buhay. Minsan, tila hindi
namamalayang nakapagpapahayag ang
aming guro ng isang pangamba ang
pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa
matatayog na pangarap ng kanyang anak.
Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit
niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa
lamang ang mga bagay na
 “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang
paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat
pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng
kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo
na sa
aking isipan ang isang hinala. Sa kanyang
magandang salaysay, ay nalalaman ang
tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang
bagong kasuotan niyong may malaking lasong
pula sa baywang, ang mga kaibigan
niyong mga bata rin, ang kanilang mga
handog. Ang anak niya’y anim na taong
gulang na.
Sa susunod na taon siya’y magsisimula na
iyong mag
-aral. At ibig ng guro naming maging
manggagamot ang kanyang anak- at isang
mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon
ang pagsasalita ng aming guro nang isang
bata sa aking likuran ang
bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”

Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon


ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.

 “Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya.


 Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha
habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa
kanyang labi. Iyon ang una at huling
pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa
ama ng batang may kaarawan. Matitiyak ko
noong may isang bagay ngang malisya sa
buhay niya. Malisya nang ganoon na lamang.
At habang nakaupo ako sa aking luklukan,
may dalawang dipa lamang ang layo sa
kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang
lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga
kamay gaya ng gingawa niya nang hapong
iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging
magbukas ng dibdib sa akin. Marahil,
makagagaan sa kanyang damdamin kung may
mapagtatapatan siyang isang taong man
lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa
kong yaon; ang mga kamag-aral kong
nakikinig ng walang anumang malasakit sa
kanyang sinasa
bing, “Oo,

gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas


ang dugo sa kanyang mukha.
 Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko
makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako
ng buong tapang na pinipigil ang panginginig
ng mga labi at sinabi ang ganito :
 “Mabuti…mabuti ga
ya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang
nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang
maaaring makakilala ng mga lihim na
kaligayahan. Mabuti, at ngayon,
magsimula sa ating aralin…”
 Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko
ngayon na hindi akin ang pangungusap na
iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking
mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig
siya sa akin ng umagang iyon, habang
sinasabi niya ang pangungusap na iyon,
nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay
bahagi ng mga nilalang na sapagkat
nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay
nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan. At
minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-
unting bumabalik ang dating kulay ng kanyang
mukha, muli niyang ipinamalas ang mga
nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa
Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang
kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay
ng buhay. At ngayon, ilang araw lamang ang
nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang
tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na
iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay
magiging isang manggagamot din balang
araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi
at dalawang araw sa isang bahay na hindi
siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak.
At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na
katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon
ay naunawaan ko ang lahat.

*Ano ang dahilan kung bakit Mabuti ang tawag


nila sa guro?
*Sa dinami dami ng salita, bakit kaya Mabuti
ang laging sinasambit ng guro?
*Anong aral ang napulot niyo sa kwento?
-(pagkatapos basahin) Nagustuhan niyo ba
ang akda klas? -Opo Ma'am.
Mabuti naman kung ganun. Sinu-sino ang mga
tauhan sa kwento? -Fe at si Mabuti ma'am.
Okay. Ano nga ba ang dahilan kung bakit
Mabuti ang tawag nila sa guro? -Kasi po sa bawat pagbanggit niya ng kanyang
mga sasabihin sa klase ay may kasamang
"mabuti".
-Kasi po sa tuwing may nakakalimutan siyang
sasabihin, "mabuti" ang binabanggit nito.
Tama! Sa lahat ng binabanggit niya, hindi
nawawala ang salitang "mabuti". Na hindi
naman naiiwasan ng isang guro, Kumbaga
ekspresyon na niya ito.

Okay. Sa tingin niyo klas, Sa dinami dami ng


salita, bakit kaya Mabuti ang laging sinasambit
ng guro? -Para sa akin po, ito ay may kinalaman sa
kanyang personal na buhay.

Paano mo naman iyan nasabi? -Kasi sa buhay niya po, hindi maganda ang
dinaranas niya at ayaw niya pong matulad sa
Maaari. Ano pa klas? kanya ang mga bata, kaya lagi niyang
ipinapasok sa utak nila ang "mabuti", para
maging mabuti ang mga ito.
Maari din. At maaari din namang gusto niyang
maging mabuti ang impresyon ng mga bata sa -Maaari din pong, gusto niyang ikubli sa mga
kanya bilang guro. Di ba? bata ang mga karanasan niyang di maganda
sa pamamagitan ng pagsasabi lagi ng
"mabuti".

-Opo.

Okay. Ano nga ba ang problema ni Mabuti


bakit nabanggit niya kay Fe sa kanilang
pagtatagpo sa sulok na doon din siya umiiyak? -Base po sa kwento ma'am, mukhang broken
family po si Mabuti.
Paano mo naman nasabi yan? -Kasi po nung namatay yung asawa niya,
dalawang araw at gabi na ibinurol sa ibang
bahay.

Tama. Maaari. Ano pa? -Maaari din pong kabit siya o di kaya ay may
kabit ang asawa nito.
Maaari din naman. Hindi man saktong
binanggit sa kwento, si mabuti ay may
problema tungkol sa kanyang pamilya. -Opo Ma'am.
Sa tingin niyo klas, ano ang magandang
katangian ni Mabuti bilang isang guro? -May malasakit po siya sa mga mag-aaral.
-Hindi po niya dinadala sa loob ng klase ang
personal na suliranin.
-Isa po siyang inspirasyon sa mga bata.
-Kahit may kinakaharap siyang problema,
hindi naging hadlang iyon para magampanan
ng mabuti ang kanyang propesyon.
Tama lahat ng binanggit niyo klas. Dapat ang
isang guro ay maging huwarang modelo sa
mga mag-aaral. Dahil siya ang humuhubog sa
karunungan ng mga ito para sa magandang
kinabukasan.

Ano naman ang hindi magandang katangian


nito? Meron ba? -Meron po. Sana di niya binigyan si Fe ng
agam agam na may dinaranas din itong
problema dahil mas naging curious ang bata.
Baka hindi makapagpokus ito at iisipin nalang
kung ano ang problema ng guro niya.
Okay. Kung maaari, bilang isang guro, wag
ipahalata sa mga bata na may suliranin kang
kinakaharap. Makakaapekto ito sa iyong
pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. -Opo.

Ano kaya ang ibig ipahiwatig ni Mabuti sa


katagang ito: " lyon lamang nakararanas ng
mga lihim na kalungkutan ang maaaring
-Ang mga taong may lihim na problema, ang
makakilala ng mga lihim na kaligayahan."
nagkakaroon ng lihim na kalungkutan o
sinasarili ang lungkot at sila rin yung taong
nakararanas ng kasiyahan na palihim.
Tama. Kung sinasarili natin ang mga suliranin
sa buhay, sarili lang din natin ang
makaramdam ng lungkot at saya ng patago.

Bilang guro, dahil nga lalabas na kayo para


magturo, ano ang mga katangiang dapat
taglayin ng isang mabuti at epektibong guro? -Malawak ang kaalaman sa paksang itinuturo.
-May haplos personal
-malikhain
-Masayahin
-Pantay pantay ang trato sa mag-aaral.
-Mapagmahal
-May respeto
-Marunong makisalamuha sa mga mag-aaral
-Walang iyinatangi
-Maging modelo sa lahat ng bagay.
Tama. At ano naman ang dapat iwasang
gawin ng isang huwarang guro? -Iwasang ihalo ang personal na buhay sa loob
ng klase
-Iwasang gumawa ng kahiya hiya sa harapan
ng mga mag-aaral
-Iwasang sumali sa mga sugal
-Iwasan ang mga masasamang gamot.
Okay. Magaling. Bilang mga pangalawang
magulang ng mga estudyante sa loob ng
paaralan, ang mga guro ay dapat maging
maunawain, pasensyosa, mapagbigay at
maalalahanin. Ituring nila ang mga bata na
parang sarili nilang mga anak at ituro sa kanila
ang dapat nilang matutunan bilang
paghahanda sa kanilang kinabukasan. Ang
propesyon ng isang guro ay sinasabing ang
pinaka- NOBLE na trabaho dahil sila ang
humuhubog, naghahanda at nagtuturo ng
tamang pag-uuagali, kaalaman at kabuuan ng
pagkatao ng isang bata at mga kabataan.
Kaya dapat nilang makuha ang atensyon,
respeto sa kanila at pagmamahal ng kanilang
mga estudyante para sila matuto at maniwala
sa mga guro.
Naiintindihan niyo ba mga guro sa hinaharap? -Opo.
*PAGPAPAHALAGA
Ano naman ang aral na napulot niyo sa
kwento klas? -Sa lahat ng problema na dinaranas sa buhay,
mayroon at mayroong isang tao na
makakaintindi sa iyo.
-Kung may pananalig sa Diyos, malalampasan
lahat.
-Lahat ng tao may problema, nasa tao kung
paano ito haharapin.
-Bilang isang guro, maging isang huwaran
parin sa kabila ng problemang kinakaharap.
Ikaw, bilang isang guro, ano ang taglay mong
katangian na magiging sandata mo para
maging epektibo ka sa pagtuturo? -Pagiging masiyahin ko po ma'am.
-May kaalaman ako sa asignaturang aking
ituturo ma'am.
-Ang pagiging malikhain ko ma'am.
-May sense of humor po ako ma'am
-Madali po akong makisalamuha ma'am.

*PAGLALAHAT
Asahan ko ang lahat ng mga yan klas a.
Ngayon naman, Mayroon akong dalawang
tsart dito at pupunan niyo ng mga datos na
hinihingi sa pamamagitan ng pagsulat sa
-Opo.
Manila paper. Naintindihan klas?

*EBALWASYON
Okay. Magaling. Ngayon naman klas ay
Papangkatin ko kayo sa tatlong pangkat. Mula
sa grupong inyong kinabibilangan, sagutin ang
mga katanungang hininihingi sa pamamagitan
ng pagsasadula:

Unang Pangkat– Ikaw ay naging isang guro sa


isang paaralang malayo sa kabihasnan.
Walang sapat na mapagkukunan ng
panibagong kaalaman, walang maayos na
palikuran at kulang ang mga kagamitang
pampagtuturo. Nasanay ka na sa mga
marurusing at maiingay na mga estudyante sa
paaralang iyon. Isang araw ay inalok ka ng
isang kilala at pampribadong institusyon sa
bayan.
Tatanggapin mo ba ang magandang
oportunidad o mananatili sa piling ng mga
batang nangangailangan sa iyo bilang isang
pangalawang ina?

Pangalawang Pangkat – Narinig mong


nag-uusap ang mga kaklase mo tungkol sa isa
niyong guro. Nalaman mong usap-usapan na
sa bayan ang pagpapakasal niya sa nobyo
niyang German. Balak daw nilang manirahan
na sa ibang bansa. Ang gurong iyon pa naman
ang pinakamalapit sa iyong puso. Marami CRITERIA:
kayong mga bagay na pinagkakaisahan at
natutunan sa isa’t isa. Ano ang gagawin mo Kaakmaan sa Paksa---- 50%
kung totoo nga ang mga narinig mo? Kaayusan---- 20%
Pagganap----30%
Pangatlong Pangkat– Magreretiro na sa Kabuuan-----100%
serbisyo ang inyong guro. Ilang beses ka na
niyang pinagalitan sa klase. Magdaraos ang
buong klase ng isang malaking salu-salo.
Linapitan ka niya bago ang araw ng
pagdiriwang ng naturang okasyon. Kinausap
ka niya na pumunta ngunit may lakad sana
ang buong pamilya sa araw na iyon, ang
unang pagkakataong mamamasyal ang
pamliya niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang
iyong guro sapagkat minsan lamang siya kung
mang-imbita ngunit nakatakda rin ang
pamamasyal ng inyong pamilya. Saan ka
dadalo? Sa salu-salo o sa pamamasyal?

Mahuhusay. Nawa'y may napulot kayo sa


ating aralin na pwedeng iugnay sa inyong
nalalapit na practicum. Sana'y magtagumpay
kayo sa inyong tatahaking landas.

IV. PAGTATAYA
Tama o Mali. Sagutin kung tama ba o mali ang isinasaad ng sumusunod na mga
pangungusap.

1. Siya’y tinatawag naming lahat na Mabuti kung siya’y nakatalikod.


2. Ang ama ng batang may kaarawan ay konduktor.
3. Tagpuan ang tawag sa pangunahing ideya o paniniwala ng kwento.
4. Si Mabuti ay balo.
5. Ang may akda ng kwento ay si Jose Corazon de Jesus.
6. Anim na taong gulang na ang anak ni Mabuti.
7. “Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga
lihim na kaligayahan” ay pangungusap ni Mabuti.
8. Ang tagpuan ay sa kusina kung saan siya nakita ni Mautiing kumakain.
9. Ibig nilang maging manggagamot ang anak ng kanilang guro.
10. Ang salitang mabuti ay palaging binabanggit ng guro.

V. TAKDANG ARALIN
– Gumawa o gumuhit ng isang larawan ng gurong nagpapakita ng katangiang gusting-gusto mo
sa isang guro. Idikit o iguhit ito sa isang malinis na puting papel (bond paper). Tukuyin ang
katangian at ipaliwanag kung bakit iyon ang katangiang gusto mo sa isang guro.

Inihanda ni:

Bb. Norol-in O. Sabacan

You might also like