You are on page 1of 4

Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Baitang 7)

I. Layunin

1. Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa isang akda batay sa kontekstuwal na


pahiwatig.
2. Nakapagbibigay ng hinuha sa kahihinatnan ng mga pangyayari sa akda.
3. Nasisinsin ang mga ideya at pangyayari upang makuha ang nilalaman nito.

II. Paksa

Aralin: Alamat ng Waling-Waling Ni Gaudencio V. Aquino


Kagamitan: Larawang guhit, Pantulong na biswal
Sanggunian: Filipino Baitang 7, Learning Pakage pp. 55-57

III. Pamamaraan

Proseso ng Pagkatuto
Gawain ng Guro

Panimulang Gawain

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa Sa ngalan ng Ama ..
panalangin. Amen.

2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong Magandang Umaga rin po.
lahat.

3. Pagtatala ng Liban sa Klase Wala pong liban sa klase.


Sino ang kalihim ng klase? Maaari
mo bang iulat kung sino ang liba sa
klase? Ang mga mag-aaral ay aktibong makikilahok
sa energizer.
4. Energizer

5. Takdang Aralin
Kahapon ay nagbigay ako ng
takdang aralin. Mangyaring ipasa ito
pauna upang maiwasto.

6. Pagbabalik Aral
Bago tayo dumako sa ating
panibagong aralin ay magbalik
tanaw mo na tayo sa mga tinalakay
natin kahapon.

A. Aktibiti

a. Motibasyon

Ang guro ay tatanungin ang


mga mag-aaral ng kanilang
paboritong bulaklak at kung bakit
nila ito paborito.

Talasalitaan

Bago ang lahat ay nais ko muna


kayong bigyan ng mga kaalamang mas
makatutulong pa sa inyo upang sa gayon
ay mas mapadali ninyo ang inyong pag-
unawa at pag-intindi sa akdang ating pag-
aaralan.

1. Sundang Ibang katawagan sa itak.

2. Harem Nakahiwalay na silid ng mga babaeng


muslim.

3. Karimarimarim Di kanaisnais na pangyayari o baga

4. Maharlika Isang tao na may mataas na katungkulan o


ranggo.

5. Umaalingawngaw. Malakas na tunog na naririnig ng karamihan

B. Analisis

Tahimik na ipapabasa ng guro ang


alamat ng waling-waling at pagkatapos ay
sasagutin ng mga mag-aaral ang ilang
katanungan hinggil sa alamat.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa


alamat? Ang mga tauhan pos a alamat ay sina
Waling-Waling, Rajah Solaiman at Bali-do

2. Ano ang ibinigay ni Bal-Lido kay


Rajah Solaiman upang
mapagtagumpayan nya ang lahat ng
digmaan? Ang ibinigay po ni balido kay Rajah Solaiman
upang mapagtagumpayan ang mga digmaan
ay ang mahiwagang sundang

3. Sa tingin nyo, karapat-dapat ba na si


Rajah Solaiman ang binigyan ni bali-
do ng mahiwagang sundang?
Hindi po sapagkat nang makamit nya ang
mga tagumpay sa digmaan ay naging
mapagmataas siya.
4. Sa anong katangian kinamumuhian
at kinasusuklaman hindi lamang ng
kanyang mga kaaway kundi pati
narin ng kanyang mga taga sunod si
Rajah Solaiman? Kinamumuhian at kinasusuklaman hindi
lamang ng kanyang mga kaaway kundi pati
narin ng kanyang mga taga sunod si Rajah
Solaiman dahil po sa kanyang kabagsikan sa
mga kababaihan.

5. Tama ba ang pagtatagong ginawa


ng mangingisda kay Waling-Waling Para po sakin tama po ang ginawa ng ama ni
mailayo lang ito sa mabagsik na Waling-Waling sapagkat wala naman pong
Rajah? ibang hinangad ang ating mga magulang
kundi mapabuti ang kanilang mga anak.
C. Abstraksyon

Ngayon ay tatalakayin natin ang


pagkakaiba ng dalawang kasarian. Aalamin
natin kung sino nga ba ang laging mukang
mas makapangyarihan lalaki ba o babae?

D. Aplikasyon

Pangkatang Gawain

Pangkat 1

Ipakita ang kasakiman sa pamamagitan ng


isang dula.

Pangkat 2

Ipakakita ang kagandahan sa


pamamagitan ng isang dula.

Pangkat 3

Ipakita ang katapangan sa pamamagitan


ng isang dula.

Ikaapat na Pangkat

Gumawa ng isang slogan tungkol sa


pagkakapantay ng dalawang kasarian.

Ikalimang Pangkat

Gumawa ng isang slogan tungkol sa hindi


pagkakapantay ng dalawang kasarian.

Ebalwasyon

Ang klase ay magsasagawa ng isang


debate tungkol sa kung sino nga ba ang
mas makapangyarihan o mas malakas
lalaki ba o babae?

Takdang Aralin

Magsaliksik ang impormasyon tungkol sa


bulaklak na waling-waling.

Inihanda ni:
WELSON A. CUEVAS
Gurong Nagsasanay

You might also like