You are on page 1of 4

Banghay Aralin

Sa
Filipino VI

I. Layunin
Pagkatapos ng klase, ang mga bata ay inaasahang:
a. naibibigay ang kahulugan ng salitang biro, bugtong at palaisipan;
b. natatalakay ang mga ibat-ibang halimbawa ng biro, bugtong at palaisipan; at
c. nakasusulat ng sariling halimbawa ng biro, bugtong at palaisipan.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Pagsulat ng isang malinis na biro,bugtong at palaisipan
B. Sanggunian:
C. Kagamitan: Halimbawa ng biro, bugtong at palaisipan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Teachers Activity Pupils Activity
1. Balitaan
Magbigay ng mga pick-up lines o mga biro na
Ginagamit ni Sen. Miriam Santiago noong inin-
Terbyu nila si Janette Napoles.

2. Balik-aral
Inyong tinalakay noong isang araw ang kahulu-
gan ng sanaynay.
Ano ang ibig sabihin ng sanaysay?
Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin
kung saan ipinapahayag ang sariling
saloobin base sa tekstong nabasa o
napanood.
Magbigay ng mga halimbawa ng biro, bugtong,
O palaisipan na alam ninyo.
B.Pagganyak
Anu- ano ang mga halimbawa ng biro, bugtong,
o palaisipan na alam ninyo?
(Halimbawa ng biro,bugtong, at
palaisipan)

C. Paglalahad
Bago tayo dumako sa iba pang halimbawa
ng biro,bugtong at palaisipan, atin munang
alamin ang kahulugan ng biro, bugtong,at
palaisipan.
Ano ang kahulugan ng biro?
(Kahulugan ng biro)
Ano naman ang kahulugan ng bugtong?
(Kahulugan ng bugtong)
Tama.
Naintindihan niyo na ba ang pagkakaiba
ng biro at bugtong klas?
Opo maam.
Ngayon, atin naming bigyang katwiran ang la-
rawang ito.
(Pagpapakita ng larawan)
Magbigay nga kayo ng mga halimbawa ng bi-
ro base sa larawang ito.
(Pagbibigay ng halimbawa ng biro)
At base naman sa mga salitang ilalahad ko,
gawa kayo ng halimbawa ng bugtong.
Baka * Alitaptap
Elepante * Langaw
Unggoy * Uod
Paniki * Loro
Lamok * Langgam

(Pagbibigay ng halimbawa ng
bugtong sa mga salitang inilahad)
D. Paglalahat
Ano ang kahulugan ng salitang biro?
(Pagpapakahulugan ng salitang biro)
Ano naman ang kahulugan ng salitang bug-
tong?
(Pagpapakahulugan sa salitang
bugtong)
Magbigay ng halimbawa ng biro.
Mr: Ako ay malapit ng mamatay.
Ipagtapat mo sa akin kung sino ang
ama ng bunso nating anak dahil siya
lang ang pangit sa siyam natiing
anak.
Mrs: Huwag kang galit! Siya lang
ang tunay mong ANAK!
At halimbawa ng bugtong.
Pag muntiy may buntot, paglaki ay
punggok. (palaka)
Tumatanda na ang nuno,hindi parin
naliligo. (pusa)
E. Paglalapat
Gumuhit ng isang halimbawa ng isyu sa a-
ting bansa ngayon. Iguhit ito sa paraang
nagbibigay- katawan sa iba. Pagkatapos,
gumawa ng diyalogo kung saan ang halim-
bawa nitoy nagbabatuhan ng biro ang mga
tao sa larawan.

IV. Pagtataya
Tukuyin kung paano kung ano ang tinatanong sa pangungusap.
1. Kung kailan mo pinatay saka pa humaba pa ang buhay
2. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
3. Maliit pa si kumara, marunong nang humuni.
4. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
5. Naglalakad ako sa lupa, nakalangoy din ako sa sapa, nakalilipad din ako ng kusa.
6. Heto na si Ingkong, bubulong-bulong.
7. Isdang parang ahas, sa karagatan pumapagaspas.
8. Isda ko sa tabang, pag nasa lupa ay gumagapang.
9. Kung manahiy nagbabaging, sa gitnay tumitigil.
10. ibon kong saan mang makarating, makababalik kung saan nanggaling.

V. Takdang Aralin
Magbigay ng tiglimang halimbawa ng biro, bugtong, at palaisipan.

You might also like