You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY-ARALIN

Elizabeth C. Butchayo

BSED 2-A FILIPINO

I. LAYUNIN:
Sa loob ng isang oras na talakayan, 80% sa mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nabibigyang pagpapakahulugan ang mga mahihirap na salita at


nagagamit ito sa pangungusap;

b. Nailalahad ang paksa ng kabanata 6 na may pamagat na “Latak ng


Lipunan” mula sa nobelang “Bulaklak ng Maynila”;

c. Nakaguguhit ng simbolo para sa “Latak ng Lipunan”

d. Naipapamalas ang pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagsasadula


tungkol sa hinihinging sitwasyon.

II. PAKSANG ARALIN

PAKSA: Nobela: "Bulaklak ng Maynila" ni Domingo G. Landicho

SANGGUNIAN: karapatang-arin 1995 ng Ateneo Manila University at ni Domingo G.


Landicho

MATERYAL:, projector, laptop, manila paper, flashcard, at mga larawan

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN

1. PANALANGIN -Panginoon, salamat po sa panibagong araw na


Bella, maari mo bang pangunahan ang ito. Hinihiling po namin ang inyong gabay sa
panalangin sa araw na ito. bawat isa sa amin na rito at patnubay sa aming
guro na siyang magtuturo sa amin sa araw na
ito bigyan niyo po kami ng katalinuhan upang
maintindihan naming ang aming aralin sa araw
na ito. Panginoon patawaran niyo po kami sa
aming nagawang pagkakasala. Ito ang aming
samo’t dalangin sa araw na ito at muli po ay
binabalik naming sayo ang papuri at pagsamba
sa pangalan ni Hesus. Amen.

2. PAGBATI -Magandang Umaga/Hapon din po


Magandang Umaga/Hapon klas! Bb.Butchayo

3. PAGSASAAYOS SA SILID-
ARALAN
Bago kayo umupo, pulutin niyo muna ang mga -Opo Ma’am
kalat sa ibaba ng inyong upuan at ayusin ang
inyong mga upuan.

4. PAGTALA NG LUMIBAN
Sa ating sekretarya paki tala ang mga lumiban -Opo, Ma’am
sa ating klase ngayon.
5. PAGBABALIK-ARAL
Kahapon ang ating tinalakay ay tungkol sa -Ang nobela ay isang mahabang kathang
kahulugan ng nobela at uri ng nobela pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay
Ano na nga muli ang Nobela? na pagbabalangkas. Ito ay nahahati sa mga
kabanata Ma’am.
Maaari mo bang ibahagi ang kahulugan nito.
Mahusay!

Ano nman ang mga uri ng nobela? -Ang mga uri po ng Nobela ay
Magaling! Nobela ng Kasaysayan, Nobela ng Pagbabago,
Nobela ng Pag-ibig, Nobela ng Panlipunan at
Nobela ng Tauhan Ma’am.

6. PAGGANYAK

-okay klas, May mga larawan ako dito na


ipapakita sa inyo at ipapahula kung ano ito. -Opo Ma'am.
Maliwanag ba klas
*Pamilya *Pamilya
*Kahirapan *Kahirapan
*Karahasan *Karahasan
*Bangketa *Bangketa
*Pangarap *Pangarap
*Pag-ibig *Pag-ibig
Okay. Tungkol saan ang mga larawan inyong
hinulaan klas? -Tungkol po sa kahirapan sa ating lipunan.

-Tungkol po sa karahasan at krimen

-Tungkol po sa paglaban ng pangarap para sa


buhay Ma’am
-Tungkol po sa pamilya.
-Tungkol po sa buhay na nasa bangketa
-Tungkol po sa Pag-ibig Ma’am.

Magaling! Ang mga larawang inyong nakita ay


bahagi sa kabanata ng Nobelang “Bulaklak ng
Maynila”ni Domingo G. Landicho na
nagpapakita sa pagiging matatag at matibay sa
pagharap ng hamon ng buhay sa kahirapang
nararanasan

Ngayon, Ano ang nahihinuha niyo na ating


paksang tatalakayin?
-Tungkol po sa Pangarap Ma’am.
- Tungkol po sa mga pamilya ma'am.
-May kaugnayan po sa kahirapang kinakaharap
sa ating lipunan Ma’am.
B. PAGLALAHAD
-Okay. Magagaling! Ang ating pag-aaralan
ngayon ay isang nobela na pinamagatang
"Bulaklak ng Maynila" ni Domingo G.
Landicho at ang kabanatang ating pagtutuunan
ng pansin ay ang ika-anim na kabanata na may
pamagat na “Latak ng Lipunan” ito ay may
kinalaman sa pamilya, pangarap, kahirapan at
pag-ibig.

Bago tayo dumako sa nobela atin munang


kilalanin ang buhay ng may-akda na si - Si Domingo “domeng” Goan Landicho ay
Domingo G. Landicho. ipinanganak noong Agosto 4, 1939 sa Luntal
Taal, Batangas. Makata, kuwentista,
Maaari ka bang tumayo at basahin ang nasa mananaysay, editor, kolumnista, nobelista at
telebisyon. dramatista. Isa siyang artista sa tanghalan at
telebisyon at pelikula at isang Broadcaster sa
Radio Veritas, bukod sa kanyang pagiging
Execom Member ng National Commission For
Culture And Arts, at editorial Consultant.

-Karapatang-ari 1995 ng Ateneo de Manila


University at ni Domingo G. Landicho
Unang Limbag 1995/Ikalawang Limbag
1998/Ikatlong Limbag 2000/Ikaapat na Limbag
2002
-Nakilala na natin ang talambuhay ng may-
akda ngayon - ang isa niyang nobela “ Bulaklak ng
Maynila” ay nagkamit ng Dakilang Gantimpala
sa Carlos Palanca Memorial Awards for
Literature ay ginawang premyadong pelikula.

-Opo, Ma’am
Handa na ba kayong magbasa klas?

C. PAG-ALIS NG SAGABAL  Makating dila- Taong hindi marunong


magtago ng sikreto at hindi
Pero bago natin simulan ang pagbabasa ay, mapagkakatiwalaan.
bibigyang kahulugan muna natin ang mga
talasalitaan na ating mababasa na nasa nobela, -Ang mga ibang tao sa amin ay may makating
upang mas maintindihan niyong mabuti ang dila.
nilalaman nito.
 Manikluhod-
-May mga flashcard ako rito sa harapan bawat Nagmamakaawa,humihingi ng
isa nito ay may mga salita, babasahin niyo ito kababaang-loob, pagsusumamo,
at hahanapin niyo ang kahulugan nito sa pakikiusap
idinikit kong manila paper na may mga salita
-Si Mang Tomas ay nag manikluhod sa mga
sa ating pisara. Pagkatpos mabigyan ng
taong may malasakit para maipagamot
kahulugan gamitin niyo ito sa pangungusap
kanyang anak na may sakit.
upang mas lalo niyo pang maintindihan ang
ibig bitong sabihin.  Maralita- mahirap ang buhay

-Maaari kabang pumaharap at kumuha sa ating -Ako ay isang maralita.


flashcard
 Buto’t-balat- payat na payat
-Gamitin mo ito sa pangungusap. -Ang mga batang nasa lansangan ay mga
buto’t-balat dulot ng walang makain.
-Magagaling!
 Magpatianod-Sumabay sa agos,
magpadala, bumigay, dumaloy,
bumalisbis, tumalaytay,dumaluydoy
-Magpatianod na lang tayo sa buhay na
mayroon tayo.
D. MGA GABAY NA TANONG
Okay! Bago tuluyang basahin ang nobela,
ibibigay ko muna ang mga katanungang
kailangang masagutan pagkatapos magbasa.

Basahin ng sabay-sabay ang mga tanong na


nasa telebisyon;

1. Ano ang paksa ng kabanata anim mula sa


nobelang binasa. Ipaliwanag.
2. Bakit pinamagatang “Latak ng Lipunan” ang
kabanata anim sa nobelang binasa . Ipaliwanag.
3. Anu-ano ang mga “Latak ng Lipunan” na
makikita sa nobela?
4. Kung ikaw ay nakakita ng mga pulubi, bulag
at lumpo sa mga gilid ng daan ano ang iyong
gagawin? Ipaliwanag.
5. Magbigay ng sariling reaksiyon sa pahayag
na “Ang pangarap ang bumubuhay sa tao”

Maraming salamat sa pagbabasa.

Ngayon simulan na natin ang pagbabasa.


Maaari habang kayo ay nagbabasa ay
tumahimik upang maintintihan niyo ng maayos
ang nilalaman ng nobela. Pagkatapos niyong
magbasa ay atin nang sasagutan ang mga
gabay na tanong.
Maaari niyo nang umpisahana ang pagbabasa.
E. PAGTALAKAY
-(pagkatapos basahin ang bahagi ng nobela)
Nagustuhan niyo ba ang akda klas? -Opo Ma'am.
Mabuti naman kung ganun. Ngayon ating
balikan ang mga gabay na tanong para atin na -tungkol sa madilim at mapanganib na realidad
itong sagutin. ng buhay ng mga mahihirap at kung papaano
1. . Ano ang paksa ng kabanata anim mula sa sila mas magiging matatag sa buhay.
nobelang binasa. Ipaliwanag. Nagpapakita rin ito ng maraming kahulugan
lalong-lalo na sa ating mga Pilipino. Sapagkat
Napakahusay! tayo ay nakakaranas ng parehong sitwasyon na
ipinakita sa nobela.
2. Bakit pinamagatang “Latak ng Lipunan” ang -“Latak ng Lipuanan” sapagkat mababasa sa
kabanata anim sa nobelang binasa . Ipaliwanag. kabanata anim ang mga samo’t-saring latak na
makikita sa ating lipunan. Latak na kailanman
hindi na maaalis dahil patuloy ang paghihirap
Napakagaling ng iyong paliwang. na ating nararanasan sa ating lipunang
ginagalawan.
3. Anu-ano ang mga “Latak ng Lipunan” na - Ang mga latak ng lipunan na makikita sa
makikita sa nobela? nobela ay kahirapan, mga pulubing huminingi
ng limos sa mga kararampot na barya upang
-Tama sila ay may ipambili ng makakain

4. . Kung ikaw ay nakakita ng mga pulubi,


bulag at lumpo sa mga gilid ng daan ano ang -Para sa akin po, magbibigaya ko ng pagkain
iyong gagawin? Ipaliwanag. sa kanila imbes na pera dahil po kung pera ang
aking ibibigay baka sa iba mapunta kaya
-Mahusay! naman bibigyan ko sila ng makakain na meron
ako.
5. Magbigay ng sariling reaksiyon sa pahayag - Ang lahat ay nabubuhay at nagpupursige para
na “Ang pangarap ang bumubuhay sa tao” sa pangarap, pinatotoo ito ang katagang “ Libre
lang ang mangarap”. Wala kang sariling buhay
Mahusay ang pagpapaliwanag. kung wala kang pangarap at hindi mo
matututuhan ang totoong hamon ng buhay
kung walang pangarap na bumubuhay sayo.
Sino pa ang magbibigay ng sariling reaksyon?
-“Ang pangarap ang bumubuhay sa tao” dahil
Magaling! Salamat sa inyong pagbabahagi ng dito siya humuhugot ng lakas ng loob upang
inyong kasagutan sa mga tanong. harapin ang lahat ng hamon sa kaniyang buhay.
Ito ang kaniyang sandalan sa lahat ng
paghihirap, patuloy nabubuhay ang tao dahil
patuloy itong nangangarap sa kung paano niya
ito tutuparin.

Sa tingin niyo klas, may pag-asa pa bang - sa tingin ko Ma’am hindi na po dahil talamak
malutasan ang mga latak na meron sa ating na ang kahirapan sa ating lipunan, ngunit
lipunan? mababawasan lamang ito kung gagamitin natin
ang sarili natin upang iangat ang buhay o
Mahusay! kahirapang dinaranas natin.

Sino pa ang makapagbabahagi -sa aking palagay Ma’am malulutasan ito kung
tulong-tulong tayong babangon mula sa
Magaling! kahirapan dahil kung magsusumukap ka sa
iyong buhay may mararating ka at kung ikaw
Salamat sa pagbabahagi niyo ng kaisipan at ay may tiyaga at sipag tiyak ikaw ay
kasagutan klas. magtatagumpay.
F. PAGPAPAHALAGA Meron po Ma’am
Para sa inyo klas ano ang aral na mapupulot sa 1. “Nagsisimula ang lahat
nobelanginyong binasa? Meron ba nang hindi pantay”
Ang lahat ay nagsisimula nang hindi pantay at
Sana lahat ng mga aral na inyong napulot nasa atin na iyon kung paano natin ito
ngayon ay magamit niyo ito sa inyong pang- gagawing produktibo.
araw araw na buhay at magbigay sa inyo ng
inspirasyon upang lumaban sa buhay. 2. “Ang pangarap ang
bumubuhay sa tao”
Ang lahat ay nabubuhay at nagpupursige para
sa pangarap, pinatotoo ito ang katagang “ Libre
lang ang mangarap”. Wala kang sariling buhay
kung wala kang pangarap at hindi mo
matututuhan ang totoong hamon ng buhay
kung walang pangarap na bumubuhay sayo.

G. EBALWASYON
Okay. Magaling. Ngayon naman klas ay
Papangkatin ko kayo sa tatlong pangkat. Mula
sa grupong inyong kinabibilangan, batay sa
ating nobelang binasa bigyang buhay ang
nangyayari tungkol sa ating LIPUNAN,
PAMILYA, at KAHIRAPAN sa pamamagitan
ng pagsasadula:
Bawat pangkat ay bibigyan ko nang tig-aanim CRITERIA:
na minutos upang ipakita ang kanilang
inihanda. Kaakmaan sa Paksa---- 50%
Kaayusan---- 20%
Unang Pangkat– LIPUNAN Pagganap----30%
Pangalawang Pangkat-PAMILYA Kabuuan-----100%
Pangatlong Pangkat-KAHIRAPAN

Ating palakpakan ang ating mga sarili.


Mahuhusay ang bawat pangkat.

H. PAGLALAHAT
Mahuhusay. Nawa'y may napulot kayo sa ating
aralin na pwedeng iugnay sa inyong buhay at
gamitin itong inspirasyon. Sana'y
magtagumpay kayo sa inyong tatahaking
landas. -Opo.
I. PAGTATAYA
Maglabas ng isang buong bahagi ng papel at
gumuhit ng isang larawang sumisimbolo sa
“Latak ng Lipunan” ipaliwang ito kung bakit
ito ang napiling larawan na iginuhit at iugnay
ito sa totoong pangyayari sa buhay. Maaaring
inyong naranasan o nasaksihan.

-Ipasa na ninyo ang inyong ginawa at kopyahin -Sige po Ma’am


ang nakasulat sa pisara ilagay ito sa inyong
takdang-aralin na kwaderno.

J. TAKDANG ARALIN
– Basahin ang ikapitong kabanata na nasa
pahina 62-79 na may pamagat na “Pagbibinyag
sa Silakbo”. Kumuha ng lima (5) na malalalim
na salita at gamitin ito sa pangungusap bawat
salita ay dalawa ang pangungusa na gagawin.
Ito ay ipapasa niyo bukas.

Maliwanag ba klas? -Opo Ma’am

Paalam klas!
-Paalam po Bb. Butchayo

You might also like