You are on page 1of 8

Camitan, Rosalie B

BSED ll

Maikling Banghay Aralin

I.Layunin

a. Nasusuri ang nilalaman ng kwento kabilang na ang tauhan, tagpuan, suliranin at


kaisipang nakapaloob.
b. Nauunawaan ang aral na nais ipabatid ng kwentong binasa.
c. Nakapaglalahad ng sariling damdamin batay sa pangyayaring naganap sa
binasang kwento.
II. Paksang Aralin
Paksa : Ambo ( Maikling Kwento )
Sanggunian: PLUMA IV WIKA at Panitikan

III. Pamamaraan
A. Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagsasaayos ng silid aralan
d. Pagpapasa ng takdang aralin

B. Balik Aral
1. Sino ang pangunahing tauhan sa binasang kwento
2. Ano ang pamagat ng kwento

Mga kagamitan : Kopya ng kwento , Larawan, Laptop


Camitan, Rosalie B
BSED- ll

Mala- Masusing Banghay- Aralin Filipino

I. Layunin

Sa pamamagitan ng pagtakay sa maikling kwento ang mga sumusunod ay


inaasahan na sa mag-aaral.

a. Nasusuri ang nilalaman ng kwento kabilang na ang tauhan, tagpuan,


suliranin, at kaisipan ng kwento.
b. Nagiging matalino sa pagpili at pag gawa ng sariling desisyon sa buhay
c. Nakasusulat ng sariling saloobin hinggil sa isang sitwasyong
nangangailangan ng sariling pagpapasiya.

II. Paksang Aralin


Paksa – Ambo ( Maikling Kwento ni Wilfredo Pa. Virtusio )
Sanggunian- PLUMA IV Wika at Panitikan
Kagamitan - Kopya ng Kwento, mga larawan, at tsart

III. Istratehiya

A. Panimulang Gawain :

a. Panalangin
b. Pagsasaayos ng lugar o silid aralan
c. Pagbati
d. Pagbabalik- aral
Tatawag ang guro ng dalwang mag aaral para magbigay ng rebuy sa paksa ng
nakaraang talakayan.

B. Pagganyak ( Pagpili ng Larawan )

1. Magpapakita ang guro ng larawang nagsasalungatan o nangangailangan ng


pagpapasiya mula sa mag-aaral
2. Papipiliin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay
3. Titimbangin ng guro ang nagging sagot ng mag-aaral at tatawag ng ilang mag-
aaral upang hingin ang kanilang panig kung bakit ito ang kanilang nagging
pagpapasiya.

C. Paglalahad ng Paksang at layunin

Sasabihin ng guro sa buong klase ang magiging paksa.

D. Pagtalakay

1. Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang basahin ang buod ng maikling
kwento
2. Pagkatapos basahin ay susuriin ang nilalaman nito sa pamamagitan ng
inihandang mga tanong.

Mga Gabay na tanong ;


1. Sino si Ambo ? Ilarawan ang kanyang katangian .
2. Saan ang nagging tagpuan ng kwento ?
3. Sino si Marta ? Ano ang kanyang papel na ginampanan sa kwento ?
4. Paano nagsimula ang suliranin sa kwento ?
5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni ambo ano ang gagawin mo ?

E. Paglalapat

Suriin ang isang sitwasyon sa ibaba at magbigay ng kongkretong sagot sa


tanong

Si ambo ay ilang buwan ng hindi makuha ang kaniyang sweldo pababalik balik
na siya sa opisina ngunit hindi parin ito ibinibigay sa kanya kung ikaw si ambo
anong gagawain mo ?

F. Pagbabahagi
Tatawag ang guro ng ilang mag aaral upang magbahagi ng sagot sa klase

G. Paglalagom sa paksang tinalakay ( One Sentence Summary )

Tatawag ang guro ng ilang magaaral upang magbahagi ng isang pangungusap na


pagbubuod ng maikling kwento

IV. Pagtataya
Isulat ang inyong saloobin sa nabasang maikling kwento limang pangungusap (15pts)

V. Kasunduan

1. Basahin ang maikling kwento


2. Alamin at tukuyin ang paksang nakapaloob sa maikling kwento
3. Isulat ang sagot sa isang papel
Camitan, Rosalie B.
BSED-ll FILIPINO

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

I .Layunin
d. Nasusuri ang nilalaman ng kwento kabilang na ang tauhan, tagpuan, suliranin at
kaisipang nakapaloob.
e. Nauunawaan ang aral na nais ipabatid ng kwentong binasa.
f. Nakapaglalahad ng sariling damdamin batay sa pangyayaring naganap sa
binasang kwento.

II. Paksang Aralin


a. Paksa - Ambo ( Maikling Kwento ni Wilfredo Pa. Virtusio )
b. Sangunian – PLUMA IV Wika at Panitikan
c. Kagamitan – Kopya ng Kwento, mga larawan, at tsart

III. Istratehiya

Gawaing- Guro Gawaing- Mag-aaral

A. Pagganyak

Magandang umaga mga mag-aaral Magandang umaga rin po

B. Paghahawan ng Sagabal

Ang mga larawan nabuo ninyo ay may Ang larawan naman po na aming nabuo
kaugnayan sa paksang tatalakayin natin ay isang larawang nagpapakita ng mga
mamaya. Ang mga larawang ito ang tungkol sa lipunan. Naglalarawan ito sa
magsisilbing gabay niyo upang sa gayon dalwang tao na hindi magsundo.
ay maintindihan ninyo ang paksang ating
pag-aaralan.
Ngunit bago ang lahat ay nais ko muna
kayong bigyan ng mga kaalamang mas
makatutulong pa sa inyo upang sa gayon
ay mas mapadali ninyo ang inyong pag-
unawa at pag-intindi sa maikling
kwentong pag-aaralan.

C. Unang Pagbasa ng Maikling Dati-rati ay alas singko pa ng umaga ay


Kwento gising na si Ambo at handang-handa na
pumasok sa kanyang trabaho. Ngunit sa
Tatawag ang guro ng isang estudyante araw na ito ay nag iba na si Ambo
na magbabasa ng kwento. ngayong umaga, kalong kalong na ng
sarisaring ingay ang kalapit nilang mga
kwarto ay nakababad paron sa kaniyang
kwarto. Tinanong ng asawa nitong si
Marta kung anong nangyayari sa kanya,
at sinabing may awa ang Diyos kaya’t
sumunod na si ambo na bumalik sa
opisina at magbakasakali muling
makukuha ang inaasam na sweldo.

D. Pagtatalakay sa Nilalaman ng
Kwento

Dito tatalakayin ang gabay ng mga


kwento tatalakayin ang kaisipang
ipapahiwatig ng kwento.

E. Pagtatakay sa Kwento Isang anyo ng panitikan na naglalayong


Ano ng aba ang kwento ? magsalaysay ng isang mahalaga at
nangingibabaw na pangyayari sa buhay
ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng
isang kakintalan sa isip ng mga
Ano ng aba ang kaugnayan ng kwento sa mambabasa.
totoong buhay?
Ang kwento ay isang akdang
pampanitikan na likha ng guni-guni at
bungang isip na hango sa isang tunay na
karanasan o pangyayari sa buhay.

F. Pagpapahalaga Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao


Anong masasabi niyo tungkol sa na binibigyan ng katangian o
lipunan ? paglalarawan sa mga huwaran ng mga
pagkakaugnay ng bawat isa na
binabahagi ang naiibang kultura at/o mga
institusyon.

IV. Pagtataya
Tama o Mali. Sagutin kung tam aba o mali ang isinasaad ng sumusunod na mga
pangungusap.

_____1. Dati-rati ay alas sais na gumising si Ambo at handang handa sa pagpasok sa


trabaho.
_____2. Si Marta at Ambo ay may sampong anak.
_____3. Nanlaban si Ambo sa mga pulis kaya siya pina angilan ng sandata ng mga ito.
_____4. May kaligayahang sumuno sa dibdib ni Ambo nung makabaril siya.
_____5. Malupit na bumaril ang mga sandata ng pulis kahit hindi lumaban si ambo.
_____6. Sunod sunod na pinagbabaril ni Ambo ang mga tao sa loob ng opisina sunod
na nagdatingan ang mga pulis
_____7. Dahil ayaw pumirma ni Mr. Reyes binarily ni Ambo
_____8. Apat na buwan ng hindi nakukuha ni Ambo ang kaniyang sweldo.
_____9. Sa opisina nagtatrabaho si Ambo
_____10. Maria ang pangalan ng asawa ni Ambo.

V. Takdang Aralin
Sa isang malinis na puting papel (bond paper) Iguhit ang mga larawan na nagpapakita
ng katangian ni Ambo .

You might also like