You are on page 1of 15

WASTONG GAMIT

Ang kawastuang pambalarila ay


kaalaman sa wastong gamit ng mga
salita gaya ng mga katha,pasulat
man o pasalita.Upang maging
malinaw at tama ang isang
pagpapahayag ito ay ginagamitan
ng wastong gamit ng mga salita
Sa pakikipagtalastasan,di
mapapasubalian na
madalas na nagkakamali
ang maraming tao sa
paggamit ng mga salita.
MGA SINUSUNOD
NA TUNTUNIN SA
PAGGAMIT NG
WASTONG SALITA
1. NANG AT NG
Nang
Ang ‘NANG’ ay siyang
ginagamit sa panimula ng
sugnay na di makapag’iisa at
pangatnig sa hugnayang
pangungusap na katumbas ng
salitang “when’ sa ingles.
Halimbawa:
Nang ako’y dumating sa
bahay,nagising ang mga bata.
Ang ‘nang’ na nagbuhat sa
inangkupan ng ‘ng’ ang siyang
ginagamit na pang-abay na
pamanahon.Ito’y katumbas ng
salitang ‘already sa Ingles.
Halimbawa:
Marami nang (na+ang)
panauhin sa bulwagan.
NG
Ang ‘NG’ ay isang bahagi ng
pananalita na gumaganap
bilang pantukoy at pang-ukol
ayon sa gamit sa loob ng
pangungusap.
Halimbawa:
Ang magsasaka ay
nagbubungkal ng lupa.
Bilang pantukoy na palayon ng
mga tagaganap ng pandiwang
balintiyak.Ito’y katumbas ng ‘by’
sa Ingles.
Halimbawa:
Ang silid-aralan ay nililinis ng mga
mag-aaral.
2.KUNG at KONG
KUNG
Ang ‘KUNG’ ay pangatnig na panubali at ginagamit sa
karaniwan sa hugnayang pangungusap,kung kaya’t ito’y
matatawag ding pangatnig na panghugnayan.
Halimbawa:
Kung tayong lahat ay magmamahal
sa wikang Filipino ay lalong uunlad
ang Pilipinas.

KONG
Ang kong ay nanggaling sa
panghalip na panaong ‘ko’ at
inaangkupan lamang ng ‘ng’.
Halimbawa:
Ibig kong makatulong sa pag-
unlad ng Pilipinas.

3.MAY AT MAYROON
Ito ay mga pandiwang walang
banghay.Ang mga ito’y may
kahulugan ngunit ang dalawa ay
may pagkakaiba ng paggamit sa
mga pangungusap.
MAY-
Kapag ito’y sinusundan ng
pangngalan,pang-
uri,pandiwa,pang-abay at
katagang mga.
Halimbawa:
May inaasaaahang bukas ang
mga taong masipag.
MAYROON-
Kapag ito’y sinusundan ng kataga o
panghalip na panao sa kaukulang
palagyo.

Halimbawa:
Mayroon pa sanang ibig sabihin si
Andrew kay Lolo Tomas.
4.SUBUKIN/SUBUKAN
Ang subukin ay
nangangahuluganng isang
pagsasagawa ng isang bagay sa
ayos na kalagayan At ito ay inuuri
sa tao,anyo,at bagay.
Halimbawa:
Subukin nating mamili sa bagong bukas na Department
Store.

Ang subukan ay nangangahulugan ng pag-espiya sa isang


tao kung ano ba ang kinikilos nito.

You might also like