Ito’y isang masistemang gamit sa pakikipagtalastasan na binubuo ng mga simbolo at panuntunan. Ito’y paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao (Panganiban). Henry Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
George Lakoff: Ang wika ay politika,
nagtatakda ng kapangyarihan, kumukontrol ng kapangyarihan kung paanong magsalita ang tao at kung paano sila maunawaan. Jose Villa Panganiban: Ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao.
Nenita Papa: wika ang ginagamit natin upang
malayang maipahayag ang ating iniisip at nadarama.
Pamela Constantino at Monico Atienza: ang wika ay
mahalagang kasangkapan sa pag-unlad kapwa ng indibidwal at ng bansa. Ayon kay Archibal A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Na binanggit sa aklat ni Alcomtiser P. Tumangan et.al., ang wika ay pangunahing anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nililikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura. Sa depinisyon ni Gleason na binanggit sa aklat ni Rolando A. Bernales et.al, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama- sama, maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis naman ang tawag sa makaagham na pinag-ugnay-ugnay na mga pangungusap. Diskors naman kapag nagkaroon ng makahulugang palitan ng dalawa o higit pang tao. Ayon naman kay San Buenaventura (1985) mula sa Wikipediang Tagalog: “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugaan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak dito, sa madaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t kailanman ito’y tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng isang bansa. ANTAS NG WIKA 1. PABALBAL/BALBAL- may katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika. -Mga salitang pangkalye o panlansangan. -Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita. -Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan. -Karaniwan itong nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap. Halimbawa: parak- pulis eskapo- takas sa bilangguan istokwa- naglayas juding- bakla tiboli- tomboy balbonik- taong maraming balahibo brokeback- lalaki sa lalaking relasyon lobat- lupaypay 2. KOLOKYAL/PAMBANSA- mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita. -Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maari rin naman maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap. -Ginagamit sa okasyong impormal at isinaalang-alang dito ang salitang madaling maintindihan. Halimbawa: alala, lika, naron, kanya-kanya- antay, lugal, utol, atsay, tisay