You are on page 1of 5

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino (Pakikinig)

I. Layunin

Sa loob ng 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakikilala ang mga uri ng pakikinig;

b. Natutukoy ang pagkakaiba ng bawat isang uri ng pakikinig, at

c. Nalalaman ang kahalagahan ng bawat uri ng pakikinig.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Uri ng Pakikinig

Sanggunian: Internet: https://www.slideshare.net/Tempesthorne/uri-ng-pakikinig-


lois

Kagamitang Panturo: Laptop, projector, yeso, pisara at iba mga visual aids

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa
panimulang panalangin,
(Magtatawag ng isang mag-aaral upang  Opo, Ma’am (Sa ngalan ng Ama, ng
pangunahan ang panalangin) Anak at ng Espirito Santo,
Amen……)
2. Pagbati
Magandang Umaga!  Magandang Umaga rin po Ma’am!

3. Pagtala ng mga Lumiban


(Tatawagin ang class monitor)  Wala po, Ma’am.
_________, may lumiban ba sa araw
na ito?

B. Pagbabalik Aral
(Uumpisahan ang talakayan sa
pamamagitan ng katanungan tungkol sa
nakaraang talakayan)
Bago natin umpisahan ang bagong  Ang huli po nating tinalakay ay ang
talakayan, magbabalik aral muna tayo. kahalagahan ng Pakikinig.
Ano ang paksang huli nating tinalakay?
Bakit nga ulit mahalaga ang  Mahalaga ang pakikinig dahil….
Pakikinig? (hayaang magbahagi ng kanyang
Mahusay! Ngayon naman ay kasagutan ang bawat mag-aaral)
pupunta na tayo sa bago nating talakayan.

C. Pagganyak
Class, bago natin umpisahan ang
ating bagong talakayan, nais ko muna
kayong tanungin. Sa inyo bang palagay,
pare-pareho ba ng paraan ng pakikinig  Ako po! (Maglalahad ang mga mag-
ang bawat tao? aaral ng kanya-kanya nilang
(Tatawagin ang mag-aaral na nais opinyon)
magbahagi ng kanyang sagot)

Mahusay!
Ngayon naman umpisahan na natin
an gating talakayan.
D. Talakayan
a. Paglalahad ng Paksa
Ang ating tatalakayin sa araw na ito
ay ang iba’t ibang uri ng pakikinig.
b. Pagtalakay
Class, hindi pare-pareho ang paraan
ng pakikinig ng mga tao. Ito’y dahil may  Opo, Ma’am. Ang (5) limang uri ng
iba’t ibang uri ng pakikinig. Makikita niyo pakikinig ay ang mga sumusunod:
sa powerpoint ang (5) limang uri ng Passiv, Atentiv, Analitikal, Kritikal at
pakikinig. Maaari mo ba itong basahin, Apresyativ.
_______.

Salamat, _________.
Ang una nating tatalakayin ay ang
Passiv, ano ba nga bang ibig sabihin
kapag sinabi nating pakikinig na Passiv o
marginal na pakikinig, Ito ay ang pakikinig
na ito ay pakikinig na ang pinakikinggan ay
di gaanong napagtutuunan ng pansin dahil
sa ibang gawain kayang isinasakatuparan
kasabay ng gawaing pakikinig.
Class, ang ibig sabihin ng Passiv o
marginal na pakikinig ay nakikinig ka
subalit hindi gaano ang nalalaan mong
pansin sa nagsasalita dahil sa ibang
gawain na iyong ginagawa. Kayo ba,
Class, nangyari na ba sa inyo ang  Opo/ Hindi pa po
ganitong pakikinig?

Ang susunod naman ay ang Attentiv,


kapag sinabi nating Attentiv, ito ay ang
pakikinig ng taimtim at puno ng
konsentrasyon ang uring ito ng pakikinig.
Ginagawa ang pakikinig na ito kung ang
layunin ng tagpakinig ay makakuha ng
kawastuan ng pagkaunawa sa isyu,
mensahe o anumang bagay na
pinakikinggan. Malinaw ba?  Opo, Ma’am

Analitikal naman ang susunod, o


pahusgang pakikinig. Layunin ng pakikinig
na ito ang magbigay ng reaksyon sa
napakinggan, magtaya o mag-evalweyt
kung sapat, valid, mahalaga at karapat-
dapat ang napakinggan.

Kapag naman sinabing Kritikal,


pahusgang pakikinig. Layunin ng pakikinig
na ito ang magbigay ng reaksyon sa
napakinggan, magtaya o mag-evalweyt
kung sapat, valid, mahalaga at karapat-
dapat ang napakinggan.

At panghuli, ang Apresyativ o


pagpapahalagang pakikinig. Ito ay
pakikinig na ginagawa ng tao para sa
kanyang sariling kasiyahan.
Class iyan ang (5) limang uri ng  Opo, Ma’am
pakikinig. Nauunawaan ba ng lahat?
E. Paglalapat
Kung tunay nga ninyong nauunawaan
ang ating talakayan, magkakaroon tayo ng
isang pangkatang gawain. Hahatiin ko ang
klase sa (5) limang pangkat at bawat
pangkat sa loob ng 15 minuto ay gagawa
ng isang maikli ngunit malikhaing pag-
uulat sa uri ng pakikinig na mapupunta sa
bawat pangkat. Maaari kayong magbigay
ng halimbawa, o magbigay ng iba pang
depinisyon at iba pa. Ang nagawang ulat
ay ilalagay sa manila paper, at iuulat
pagkatapos ng nakalaang oras. Isaalang-
alang ang pamantayang ito:
PAMANTAYAN
Nilalaman 20
Pagiging Malikhain 10
Pag-uulat 20
Kabuuan 50

Malinaw ba ang aking panuto?


Kung wala ng mga katanungan, maaari
 Opo, Ma’am
na kayong magsimula.
 Opo, Ma’am
 (Magiging abala ang mga mag-

Tapos na ang oras na ibinigay ko sa aaral sa paghahanda ng kanilang

inyo, maari nang magsimula ang Unang mga ulat)

pangkat, susundan ng Ikalawa, hanggang


sa Ikalimang pangkat.
(Pagkatapos mag-ulat, bibigyan ng  (Mag-uulat na ang bawat pangkat)

marka ang bawat pangkat)

Mahuhusay! Napakagaling ninyo!


F. Paglalahat
Ang tinalakay natin ngayong araw ay
ang (5) limang uri ng pakikinig. Sino sa
inyo ang makakapagbigay ng mga ito at
makapagbibigay ng kanyang buod sa ating
nagging talakayan.
(Tatawag sa mga nais magbahagi ng mga  Ito ay ang mga sumusunod: Passiv,
sagot) Atentiv, Analitikal, Kritikal at
Mahusay! Apresyativ. Bilang buod….

IV. Pagtataya

PANUTO: Tukuyin ang sumusunod na pahayag at sabihin kung ito ba’y PASSIV,
ATENTIV, ANALITIKAL, KRITIKAL o APRESYATIV.

_________1. Tinatawag din itong marginal na pakikinig, ito ay ang pakikinig na ito ay
pakikinig na ang pinakikinggan ay di gaanong napagtutuunan ng pansin dahil sa ibang
gawain kayang isinasakatuparan kasabay ng gawaing pakikinig.

_________2. Ito ay pakikinig na ginagawa ng tao para sa kanyang sariling kasiyahan.

_________3. ito ay ang pakikinig ng taimtim at puno ng konsentrasyon ang uring ito ng
pakikinig.

_________4. Layunin ng pakikinig na ito ang magbigay ng reaksyon sa napakinggan,


magtaya o mag-evalweyt kung sapat, valid, mahalaga at karapat- dapat ang
napakinggan.

_________5. Layunin ng pakikinig na ito ang magbigay ng reaksyon sa napakinggan,


magtaya o mag-evalweyt kung sapat, valid, mahalaga at karapat- dapat ang
napakinggan.

V. Takdang Aralin

PANUTO: Pumili ng isa sa (5) limang uri ng pakikinig at magsaliksik ng isang video o
sitwasyon na nagpapakita nito. Ipapakita ang nasaliksik na video sa klase sa susunod
na araw.

Inihanda nina:

Pangkat 2 (BSED – 2A FILIPINO)

Jasleen L. Intal

Andrea Galvez

Jelleca Gutierrez

Lea Guintu

Guiillermo Isip

Irra Clark Jordan

You might also like