You are on page 1of 3

KAANTASAN NG PANG-URI

 Ang kaantasan ng Pang-uri ay may tatlong (3) antas o kaantasan. Ito ang lantay,
pahambing at pasukdol.

I. LANTAY (o KARANIWAN)

 Ang lantay na pang-uri ay nagpapakita o nagsasaad ng isa o payak na pangngalan o


panghalip na walang pinaghahambingan.
 Ito ay naglalarawan ng isang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari.

MGA HALIMBAWA:

1. Malakas ang kidlat kagabi.


2. Masisipag ang mga mag-aaral ng 7 – Charity.

II. PAHAMBING

 Ito ay pagtutulad o paghahambing sa dalawang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari.

MGA HALIMBAWA:

1. Si Mary ay mas maliit kaysa kay Mysie.


2. Mas malaki ang bilang ng mga lalaki sa aming klase kaysa sa bilang ng mga kababaihan.

DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING

1. PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD

- Ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay patas na katangian ng isang bagay
o anuman.
- Ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing,
at mga salitang paris, wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig, kahawig, mistula,
mukha/ kamukha.
 Ka - nangangahulugan ng kaisa o katulad
Halimbawa: Ang Pilipinas ay kabilang sa pangkat ng Asia.
 magka – nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad.
Halimbawa: Magkamukha ang kanyang kulay sa paa at baywang.
 sing – (sin / sim) gaya rin ng ka-, nagagamit rin ito sa lahat ng uri ng pagtutulad.
Halimbawa: Magkasingganda sina Mysie at Mary.
 kasing – (kasin / kasim) ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng sing- (sin /
sim).
Halimbawa: Kasimbilis ng cheetah ang pagtakbo ni Khyle sa paligsahan.
Kasingkinis ng balat ni Shaina ang nasa litrato.
 magsing – (magkasing / magkasim) ang pinagtutad ay napipisan sa paksa ng
pangungusap.
Halimbawa: Ang Japan at South Korea ay magkasinglakas.

TANDAAN:

 Ang sim, kasim, magsim, magkasim ay ginagamit kung ang sumusunod na salita ay
nagsisimula sa p at b.
Halimbawa: Simputi ng niyebe ang kanyang kutis.

 Ang sin, kasin, magsin, magkasin ay ginagamit kung ang sumusunod na salita ay
nagsisimula sa d, l, r, s, at t.
Halimbawa: Sindami ng palay ang mais na naani ni Mang Tomas.

 Ang sing, kasing, magsing, magkasing ay ginagamit kung ang sumusunod na salita ay
nagsisimula sa mga patinig na a, e, i, o, at u at iba pang patinig na hindi nabanggit sa
mga naunang paghahambing.
Halimbawa: Sing-amo ng tupa ang mga bata nang sila ay humingi ng paumanhin.

2. PAGHAHAMBING NA ‘DI-MAGKATULAD

- Itong uri na paghahambing ay nagbibigay ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o


pagsalungat sa pinatutuyang pangungusap. Ito ay may dalawang uri: hambingang
pasahol at hambingang palamang.

DALAWANG URI:

a). Hambingang Pasahol – Kung ang inihahambing ay may mas mababang katangian sa
pinaghahambingan. Ginagamit ang mga sumusunod upang maipakita ang ganiton uri ng
paghahambing.

Lalo – nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na katangian. Sinusundan


ito ng katuwang na panghambing na kaysa kay kung ngalang tao ang pinaghahambing, kaysa
sa kung ngalang bagay o pangyayari.

Halimbawa: Mas naging matulingin lalo si Alfred kaysa kay Jherico.

Di-gasino – tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao. Sinusundan ito
ng alinman sa mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya, tulad, para o paris na
sinusundan ng panandang ni.

Di-gaano – ginagamit ito sa hambingang bagay lamang.

Di-totoo – nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri. Nagagamit itong


pamalit sa di-gasino at di-gaano.

b). Hambingang Palamang - May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na


pinaghahambingan. Naipapakikita ito sa tulong ng sumusunod:

Lalo – Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung ang


sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakihan, kataasan, kalabisan o kahigtan.
Katuwang nito ang kaysa, kaysa sa at kay.

Halimbawa: Lalong maunlad ang bansa natin kaysa sa isa.

Higit/ mas – Ito ay nagsasaad ng kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing.

Halimbawa: Higit na malinis ang kwarto ko kaysa sa kanya.

Labis – tulad din ng higit o mas.

Halimbawa: Labis ang pagmamahal ng president sa bayan.

Di-hamak – ginagamit ito karaniwan sa isinusunod ng pang-uri.

Halimbawa: Di-hamak na mayayaman ang mga Amerikano sa mga Hapon.


III. PASUKDOL

 Ang pasukdol na pang-uri ay nagsasaad ng katangiang namumukod o nangingibabaw sa


lahat ng pinaghahambingan. Ito ay maaaring negatibo o positibo.
 Ang paglalarawan dito ay sadyang masidhi kaya ginagamit ang mga salitang sobra, ubod,
pinaka, tunay, talaga, saksakan at kung minsan ay inuulit ang pang-uri.

MGA HALIMBAWA:

1. Si Athena ang pinakamatalino sa buong klase.


2. Pinakamasarap magluto ang aking lola.

GAWAIN:

You might also like