Professional Documents
Culture Documents
Pangngalan
Simuno- kung ang pangngalan ang
pinag-uusapan o paksa sa pangungusap.
HALIMBAWA:
1. Si Anne Curtis ay isang magaling na
aktres.
2. Ang DENR ay naglalayong
mapangalagaan ang ating kapaligiran.
SIMUNO
Pantawag- pangngalang sinasambit o
tinatawag sa pangungusap.
HALIMBAWA:
1. Itigil mo nga iyang pagtatapon mo ng
basura sa hindi naman basurahan,
Mcvher!
2. Uncle Romy, tawag po kayo nina
auntie roon.
PANTAWAG
Pamuno- ang pangngalang tumutukoy
sa simuno at nasa bahagi rin ng simuno
HALIMBAWA:
1. Si Vielle, aking matalik na kaibigan,
ay matulungin.
2. Si Kian, isa sa tahimik kong kamag-
aral, ay masakit ang ngipin.
PAMUNO
Kaganapang Pansimuno- ang simuno
at ang isa pang pangngalang nasa
panaguring ay iisa lamang.
HALIMBAWA:
1. Ang eroplano ay sasakyang
pamhimpapawid.
2. Ang magaling na doktorang iyon ay si
Bb. Dela Cruz.
KAGANAPANG PANSIMUNO
Layon ng Pandiwa o Tuwirang Layon-
kung ang pangngalan ay ang tumatanggap
ng kilos at kasunod ng pandiwa.
HALIMBAWA:
1. Gumagawa ng mga basurahan ang mga
bata para sa proyektong Clean and
Green.
2. Sinusunod ng mga tao ang batas na
ipanatutupad ng barangay.
LAYON NG PANDIWA
Layon ng Pang-ukol- kung ang
pangngalan ay ang pinaglalaanan ng
kilos at kasunod ng pang-ukol.
HALIMBAWA:
1. Ang lahat ng pagsisikap ko sa pag-
aaral ay para sa aking mga magulang.
2. Ang program ay tungkol sa
pangangalaga ng kapaligiran.
LAYON NG PANG-UKOL
Ang Layon ng Pang-ukol ay karaniwang gumagamit ng
mga pang-ukol na:
Para sa
Tungkol sa
Ayon kay
Ayon sa
Para kay
Alinsunod sa
Mula sa
Tungo sa
LAYON NG PANG-UKOL
PAGSUSULIT:
1. Si Gng. Andres ay mabuting guro.
2. Si Bantay, ang aking aso, ay
masunurin.
3. Ang pagsisikap ni Kae ay para sa
kanyang mga magulang.
4. Gumuhit ng napakagandang
larawan ang sikat na pintor.
5. Ang bulaklak na ito ay para kay
Joana.
6. Amira, may sakit ka ba ngayon?
7. Ang aking matalik na kaibigan, si
Beshie, ay isa nang ganap na
doctor.
8. Ang kagubatan ay patuloy na
nasisira dahil sa mga tao.
9. Ayon sa PAG-ASA, may paparating
na malakas na bagyo ngayong
buwan.
10. Ang deforestation ay ang walang
habas na pagputol na mga puno sa
kagubatan.
11. Ang magiting na
tagapagsalita ay pinalakpakan
dahil sa husay niya.
12.Binigay ko kay Jose ang mga
pinaglumaan kong gamit.
13.Ginapas ng magsasaka ang
mga tubo sa halamanan.
14.Luis, halika nga rito.
15. Si Marie, matalik kong
kaibigan, ay nasa Canada na.
16.Ang aking mga kapatid ay kapwa
matatalino.
17.Isang maunawaing ina si Susan.
18.Binili ni Denysse ang mga laruan
sa Hongkong noong bakasyon.
19.Inayos ng ama niya ang mga
nasirang upuan.
20.Namumunga na ang pananim ni
Lolo.