You are on page 1of 3

ST. MARY MAGDALENE PAROCHIAL SCHOOL OF AMADEO CAVITE, INC.

A. Mabini St. Amadeo, Cavite


Tel: (046) 483-1363
Email: saintmary.magdalene@yahoo.com

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino IV

Pangalan: ____________________________________ Baitang At Pangkat: _______________

Petsa:___________________ Guro: Bb. Patricia Ann D. Ambata

Kaalaman ____/25 Proseso____/20 Pang-unawa_____/20

Kaalaman

A. Basahing mabuti ang bawat tanong. Itiman ang titik ng tamang sagot.
1. “Ang batang mabait ay si Angela.” Ang may salungguhit sa pangungusap ay anong gamit ng
pangngalan?
a kaganapang pansimuno b layon ng pandiwa c layon ng pang-ukol d simuno
2. “Sandali lang, Jenna! Hintayin mo ako!” Ito ay anong uri ng gamit ng pangngalan?
a kaganapang pansimuno b layon ng pandiwa c layon ng pang-ukol d simuno
3. “Ayon sa Pangulo, holiday ang August 12.” Ang may salungguhit sa pangungusap ay anong
gamit ng pangngalan?
a kaganapang pansimuno b layon ng pandiwa c layon ng pang-ukol d simuno
4. “Si Yssa, ang pinakamatalino kong kaklase, ay nanalo sa isang patimpalak sa pagguhit.” Ang may
salungguhit sa pangungusap ay anong gamit ng pangngalan?
a kaganapang pansimuno b layon ng pandiwa c layon ng pang-ukol d simuno
5. “Ang napakahusay na pintor ay ang batang iyon.” Anong pangngalan ang kaganapang
pansimuno na gamit ng pangngalan?
a batang b iyon c napakahusay d pintor
6. “Ang lapis ko ay matulis.” Ang salitang lapis ay anong uri ng pangngalan?
a basal b lansakan c pambalana d tahas
7. “Ako ay pumapasok sa SMMPS.” Ang SMMPS ay anong uri ng pangngalan?
a basal b lansakan c pambalana d pantangi
8. “Bibili ako ng damit sa SM bukas.” Sa pangungusap, ano ang halimbawa ng pangngalang
pambalana?
a bibili b bukas c damit d SM
9. “Ang Grade 4 ay nanalo sa ginanap na patimpalak.” Ang salitang Grade 4 ay halimbawa ng anong
uri ng pangngalan?
a basal b lansakan c pambalana d pantangi
10. “Ang puso niya ay punong-puno ng kagalakan.” Alin sa pangungusap ang halimbawa ng basal na
pangngalan?
a kagalakan b niya c punong-puno d puso

B. Tukuyin kung anong kasarian ng pangngalan ang sumusunod. Isulat ang PB kung ito’y Pambabae, Pl
kung panlalaki, DT kung Di-Tiyak at WK kung walang kasarian.

________1. guro

________2. kumpare

________3. pinsan

________4. kaibigan

________5. pari
C. Suriin kung ang mga halimbawa ng pangngalang nasa kahon. Hanapin ang naiiba sa bawat bilang,
kulayan ito at Isulat sa kahon na nasa gawing kaliwa kung ang naiiba sa mga nasa kahon ay Tahas,
Basal o Lansakan. (5 puntos)
1. kutsara laptop mga sundalo
2.
pag-ibig laptop katapangan
3.
paaralan hangin cellphone

4.
buwig bulaklak organisayon

5. kahinaan problema choir

D. Tukuyin ang panauhan ng panghalip na panao na may salungguhit. Para sa Panauhan, isulat ang
bilang (1=unang panauhan, 2=ikalawang panauhan, o 3=ikatlong panauhan).

Panauhan

______ 1. Si Rodel ay isang masipag na manggagawa. Siya ay tinutularan ng kanyang mga katrabaho.
______ 2. Ako, si Luisa, at si Teresa ay may isang maliit na negosyo. Nagtutulungan kami sa
pangangasiwa ng aming negosyo.
______ 3. Naiwan ni Hilda ang kanyang I.D. Ibigay mo sa kanya ito pag-uwi niya galing sa eskuwelahan.
______ 4. Mga bata, kayo na ang susunod na magtutula. Inaasahan ko na saulo na ninyo ang buong
tula.
______ 5. Bukas na ang lakbay-aral natin sa The Mind Museum. Huwag ninyong kalimutan na dalhin
ang permit na may pirma ng inyong magulang.

Proseso

A. Gamit ang mga panghalip panao na nasa bawat bilang, gumawa ng sariling pangungusap gamit
ito. (10 puntos)

1. ______: __________________________________________________________________
2. ______: __________________________________________________________________
3. ______: __________________________________________________________________
4. ______: __________________________________________________________________
5. ______: __________________________________________________________________

B. Punan ang kahon sa ibaba. Magsulat ng 5 pangngalang pambalana sa kaliwang kahon at 5 pantangi sa
kanang kahon na nakikita ninyo sa loob ng paaralan. (10 puntos)

PAMBALANA PANTANGI
Pag-unawa

A.

Batay sa mga larawan sa itaas, ano ang reaksyon mo sa mga ito? Ano ang maaari mong gawin upang
ang mga pangyayari sa larawang ito ay hindi natin maranasan? (10 puntos)
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
B. Bilang isang bata, mahalagang kayo ay natututo na maging responsible sa mga gawain sa paaralan
at maging sa maliliit na gawain sa tahanan upang ng sa gayon ay maging mas mabuti at
responsableng mamamayan ng inyong lugar. Iguhit ang mga maaari mong gawin upang
maipakita mong ikaw ay isang responsableng anak at mamamayan. Kulayan ito. (10 puntos)

You might also like