You are on page 1of 8

3rd Quarter Filipino 6 Reviewer

Mga Bahagi ng Pahayagan


Panuto: Pagtambalin ang bahagi ng pahayagan at ang kaukulang balitang mababasa mo rito.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B

________1. makikita rito ang pangalan ng pahayagan at ang A. Balitang Pandaigdig


mga pangunahin o mahahalagang balita.
B. Libangan
________2. mababasa sa pahinang ito ang mga balitang
nagaganap sa iba't ibang bahagi ng mundo. C. Obitwaryo

________ 3. mababasa rito ang mga balita mula sa mga D. Isports


lalawigan sa ating bansa.
E. Pangmukhang Pahina
________ 4. sa pahinang ito mababasa ang kuru-kuro o puna
na isinulat ng patnugot hinggil sa isang F. Anunsyo Klasipikado
napapanahong paksa o isyu.
G. Balitang Panlalawigan
________ 5. dito mababasa ang mga balita tungkol sa
kalakalan, industriya, at komersyo. H. Editoryal

________ 6. makikita rito ang mga anunsyo para sa iba't I. Balitang Komersyo
ibang uri ng hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan,
at iba pang kagamitang ipinagbibili. J. Lifestyle

________ 7. ang pahinang ito ay anunsyo para sa mga taong


namatay na. Nakasaad dito kung saan nakaburol
at kung kailan ililibing ang namatay.
________ 8. ito ang pahina sa mga balita tungkol sa artista,
pelikula, telebisyon, at iba pang sining. Naririto
rin ang mga krosword, komiks, athoroscope.
________ 9. mababasa sa pahinang ito ang mga artikulong
may kinalaman sa pamumuhay, tahanan,
pagkain, paghahalaman, at iba pang aspeto ng
buhay sa lipunan.
________ 10. naglalaman ito ng mga balitang pampalakasan.
Mga Bahagi ng Aklat
Panuto: Piliin mula sa kahon ang salitang inilalarawan ng mga sumusunod na pahayag.

A. pahinang pamagat E. pabalat I. paunang salita


B. pahina ng pagpalimbag F. katawan ng aklat J.
C. talaan ng nilalaman G. bibliograpiya

D. glosari H. Indeks
_______ 1. Makapal na papel na pantakip ng ng aklat upang hindi agad masira ang loob
nito.Ginagawa itong kaaya-aya upang mahikayat ang mga tao na basahin ang aklat.
________ 2. Nakasulat dito ang pamagat, ngalanng awtor, editor, at tagasalin pati na rinang
taglimbag
________ 3. Nakatala dito ang Karapatang pag-aari o Copyright Notice, kung ilang edisyon o
rebisyon, kailan nilimbag, ngalan ng tagalimbag at ang International Standard
Book Number( ISBN ).
________ 4. Isinusulat ito ng awtor upang ipaliwanag ang mga sadya sa pagsulat ng aklat,
pamamaraang ginamit sa aklat,mga pasasalamat sa mga tumulong sapagbuo ng
aklat at mga gustong ipahiwatig sa magbabasa.
________ 5. Nakasulat dito ang mga aralin, yunit at seksyon ng bawat aklat. Nakakatulong ito sa
paghanap ng gustong basahin.Nakasulat ito ayon sa pahina.
________ 6. Ito ang itinuring pinakamahalaga na bahagi ng aklat.
________ 7. Ito ay ang mumunting diksyunaryo sa aklat na nakatutulong sa pag-unawa ng mga
malalalim na salita na ginagamit sa aklat. Nakaayos ang mga salita ng paalpabeto.
________ 8. Nakasulat dito kung saang website,aklat o source nakuha ang ibang impormasyon.
________ 9. nagsasabi kung saang pahina makikita ang isang paksa
________ 10.

Pandiwa: Palipat at Katawanin

palipat - ito ay may simuno at tuwirang layon.

halimbawa: naglinis ng hardin si nena.

katawanin - ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.

halimbawa: ang matiyaga ay nagwawagi.

Panuto: Isulat ang PL kung ang pandiwang nasa loob ng panaklong ay palipat at KT kung katawanin.

________1. ( Tumatawag ) sa telepono si Arnie nang dumating ang kaibigan niya.

________2. ( Nagtuturo ) ng libre sa mga matatandang hindi marunong magsulat at magbasa ang
pampublikong guro.

________3. Masayang ( naghahabulan ) ang mga batang-kalye.

_________4. ( Nagbigay ) ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo ang mga mag-aaral ng Sto. Niño
Academy.

________5. Ang magkakaibigan ay ( magtatanghal ) ng sayaw sa darating na palatuntunan.

________6. Si Lola Preciosa ay ( nagbabasa ) ng bibliya tuwing umaga.

________7. Ang dalawang binata ay seryosong ( nag-uusap ) sa sala.


________8. ( Nagmungkahi ) ng bagong teknolohiya sa pagsasaka sa mga kanayon niya si G. Andres.

________9. Maagang ( nakatulog ) si Dennis dahil sa sobrang pagod.

________10. ( Pumunta ) kami sa Boracay.

Pandiwang Tukuyan at Balintiyak

Tukuyan - ginaganap ng simuno ang isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa: Si Karl Zeiss ang nagtayo ng unang “planetarium” noong 1913.

Balintiyak - hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad.

Halimbawa: Ang pagtatayo ng “planetarium” ay pinasimulan ni Karl Zeiss noong 1913.

Panuto: Isulat sa patlang ang tinig ng pandiwa kung Tukuyan o Balintiyak, pagkatapos ay gawing
balintiyak ang tinig kung ang tinig ay tahasan at tahasan kung ito’y balintiyak

_____________1. Ang hapunan ay inihanda ni Kap. Tiago para kay Ibarra.

__________________________________________________________________

______________2. Masigasig na nagpapatupad ng mga tungkuling pansimbahan si Pari Salvi.

___________________________________________________________________

______________3. Nag- aaral ng pilosopiya si Pilosopo Tacio.

___________________________________________________________________

______________4. Sabik na hinintay ni Sisa ang pagdating ng mga anak.

__________________________________________________________________

_____________5. Si Crisostomo ay inalipusta ni Padre Damaso.

_________________________________________________________________

ASPEKTO NG PANDIWA

Ang pandiwa ay nagbabanghay sa tatlong aspekto na tumutukoy sa panahong ikinagaganap, ikagaganap,


o ikinaganap ng kilos.

1. Aspektong PERPEKTIBO o naganap – nagsasaad ng kilos na nasimulan na o ng kalagayang nangyari na.

Halimbawa: Napanood ko ang pagsayaw ni Clare kanina.

2. Aspektong IMPERPEKTIBO o nagaganap – nagsasaad ng kilos na ginagawa sa kasalukuyan o ng kilos na


palagiang ginagawa.

Halimbawa: Napapanood ko ang pagsasayaw ni Clare ngayon.


3. Aspektong KONTEMPLATIBO o magaganap- nagpapahayag ng kilos na gagawin o mangyayai pa
lamang.

Halimbawa: Mapapanood mo ang pagsasayaw ni Clare sa Linggo.

Panuto: Piliin ang titik ng wastong aspekto ng pandiwang nasa panaklong.

1. ( Kumakain ) sa kusina ang mag-anak na Lopez nang pumasok si Arnold.

A. Perpektibo B. Imperpektibo C. Kontemplatibo

2. ( Pumunta ) sa bukid ang magkapatid na Julio at Dondon.

A. Perpektibo B. Imperpektibo C. Kontemplatibo

3. ( Magsasabit ) ng banderitas ang mga kabataan para sa nalalapit na kapistahan.

A. Perpektibo B. Imperpektibo C. Kontemplatibo

4. ( Nag-aawitan ) ang mga bata nang ako ay dumating.

A. Perpektibo B. Imperpektibo C. Kontemplatibo

5. Ang Unibersidad ng Normal ay ( itinatag ) noong 1901 ng mga Amerikano.

A. Perpektibo B. Imperpektibo C. Kontemplatibo

Pokus ng Pandiwa
Pokus - relasyong semantika ng pandiwa at simuno
Pokus sa actor o tagaganap – ang paksa ang siyang tagaganap ng kilos. Ginagamitan ito ng mga
panlaping nag-, mag-, -um-, ma-, mang-, maka-, makapang-

Pokus sa layon o gol – ang layon ng pandiwa ang siyang nagiging paksa ng pangungusap. Ginagamitan
ito ng mga panlaping i-, -in/-hin, -an/-han, -ipa, ma-, paki—at pa-

Pokus sa ganapan – ang pokus ay nasa lokasyon. Ginagamitan ito ng mga panlaping –an/-han at –in/-
hin.

Pokus sa tagatanggap o benepaktib – ang binibigyang-diin ay ang bagay o taong pinaglalaanan ng kilos.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ipag-, at ipinag-.

Pokus sa instrumento o gamit – ang paksa ay an ginagamit sa pagganap ng kilos. Ginagamitaan ito ng
mga panlaping ipang- o pang-.

Pokus sa Sanhi o kusatib – ang paksa ay nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap.

Pokus sa direksyon – ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng pandiwa sa pangungusap. Ginagamitan


ito ng mga panlaping –an, -han, -in at –hin.

Tukuyin ang SIMUNO at PANDIWA sa mga pangungusap. Isulat ang aspekto ng pandiwa ng bawat isa.

___________1. Gumigising kami nang maaga araw-araw.


___________2. Ipinambalot ni Maia ng regalo ang giftwrapper ko.
___________3. Kami ay ipinagluluto ni Kareena ng Ginataang Halo-Halo.
___________4. Pupuntahan namin ang Museo ng Louvre sa Paris.
___________5. Ikinalungkot ni Maria ang pagkamatay ng kanyang alagang ibon.
___________6. Nilagyan ng parol ang mga bintana ng bahay.
___________7. Ipinangligo niya ang tubig sa balde.
___________8. Aawitin ng mga estudyante ang “Bahay Kubo” sa programa.
___________9. Gagawan nila ang kanilang titser ng Christmas card.
___________10. Nag-aaral si Geleen sa Media Center tuwing hapon.
Pagkilala sa Pang-uri
Panuto: Ang pang-uri (adjective) ay salitang naglalarawan sa isang pangngalan (noun) o panghalip
(pronoun). Salungguhitan ang pang-uri sa bawat pangungusap. Gumuhit ng arrow mula sa pang-uri
hanggang sa pangngalan o panghalip na inilalarawan nito.

1. Ang paninigarilyo ay masama sa katawan.

2. Nalaglag ang mga hinog na bunga ng punong-kahoy.

3. Maraming tao ang napinsala ng lindol.

4. Tahimik ang buhay nila sa kabukiran.

5. Si Pedring ay masipag na mangingisda.

Kayarian ng pang-uri

Panuto: Salungguhitan ang pang-uri sa pangungusap at tukuyin ang kayarian nito. Isulat

ang titik P sa patlang kung ang pang-uri ay payak, M kung ito ay maylapi, I kung ito ay

inuulit, at T kung ito ay tambalan.

_______1. Ang gusaling iyon ay kasintaas ng bundok!

_______2. Nakita ko sa labas ang basahan na pira-piraso.

_______3. Nais niyang tumira sa bayan na payapa.

_______4. Abot-kaya na ngayon ang mga paninda niya.

_______5. Humingi ng tulong sa kanyang kaibigan ang babaeng litung-lito.

_______6. Nakahanda na ba ang mga dadalhin mo sa paaralan?

_______7. Hindi nakikipag-away si Regina dahil pusong-mamon siya.

_______8. Totoo ang mga sinabi niya sa iyo.

_______9. Malayung-malayo ang bayan ng San Felipe mula dito.

_______10. Ang talento niya ay bukod-tangi kaya may mga humahanga sa kanya.

Mga uri ng pang-uri


Uri ng pang-uri
Ang PANG-URI ay salitang naglalarawan sa katangian o bilang ng pangngalan at panghalip.

uri ng pang-uri.

1.PANLARAWAN-nagsasabi tungkol sa hitsura ,laki,lasa,amoy,hugis at iba pang katangian ng


pangngalan at panghalip.

Halimbawa: Ang mababait na kapitbahay ay tumutulong sa magkakapatid.

2.PAMILANG-nagsasabi ng dami o bilang ng pangngalan at pang-halip.

Merong anim na pamilang.


1. Patakaran/Kardinal - bilang sero hanggang trilion hal. isa ,dalawa, tatlo

2. Patakda/tiyak na bilang - inuulit ang unang pantig ng salitang bilang.


hal. iisa,tatatlo,dadalawa,aapat

3. Pahalaga - pera ang tinutukoy


hal. mamiso,mamiseta,piso

4. Pamahagi - paghahati-hati o pagbabahagi


hal. 1/4 - sangkapat,3/4 - tatlong kapat,8/10 - walong kasampu

5. Panunuran/Ordinal - pagkakasunod-sunod ng mga bilang


HAL. una,ikalwa,ikatlo / pangalawa,pampito,pangwalo

6.Palansak - grupo o maramihan;inuulit ang unang salita o nilalagyan ng panlapinh


han/an.
hal. tatlu-tatlo , pitu-pito / waluhan,limahan

3.PANTANGI- may anyong pangngalang pantangi na naglalarawan sa isang pangngalan.

Halimbawa: Ang bus ay biyaheng Bicol.

Panuto: Piliin ang titik ng wastong uri ng pang-uri na nasa panaklong.Biligan ang titik ng tamang sagot.

1 ( Matarik ) ang bundok na inakyat ng mga bata sa ika-6 na baitang.

A. panlarawan B. pantangi C. pamilang

2 ( Isang daang piso ) na lang ang natira sa pera ko.

A. panlarawan B. pantangi C. pamilang

3 Bumili kami ng ( pansit Malabon ) para sa mga panauhin.

A. panlarawan B. pantangi C. pamilang

4 Ang presyo ng bawat kilo ng bangus ay ( walumpu't limang ) piso.

A. panlarawan B. pantangi C. pamilang

5 Masarap ang ( lumpiang Shanghai ) na niluto ni Tita Angie.

A. panlarawan B. pantangi C. pamilang

Pang-uring Pamilang: Bilugan ang mga pang-uring pamilang sa bawat pangungusap.


1. Ang lahat ng mga mansanas sa lamesa ay pito.

2. Bumili si nanay ng isang basket na mga gulay.

3. Binuhat ni Miguel ang dalawang sakong bigas sa kanyang likod.

4. Milyon ang nakuha ng babaeng nanalo sa paligsahan.

5. Binigyan kami ni lola ng tig-lilimang daad nung pasko.

Itala sa patlang ang PT kung ang katapat na pang-uring pamilang ay patakaran, PK kung patakda, PN
kung panunuran, PM kung pamahagi at PS kung palansak.

________ 1. Isang dosenang itlog ________ 6. kalahating tasa

________ 2. buong lugar ________ 7. lahat ng kasali

________ 3. trak-trak na inumin ________ 8. mamisong barya

________ 4. isang-kapat na suka ________ 9. isangkapat na papel

________ 5. pangatlong babae ________ 10. dadalawang kahon

Pagtukoy ng kaantasan ng pang-uri

1. Lantay - Naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang


pinaghahambingan.
Halimbawa:

Kabigha-bighani ang pook na ito.

2. Pahambing - Nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

Ganggamunggong pawis ang namuo sa king noo.

a. Pahambing na magkatulad

Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-/kasing- /magkasing-/magsing-. Ipinakikilala ang
magkapantay na katangian ng dalawang bagay na pinaghahambingan.

Halimbawa:

Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin.

b. Pahambingna di-magkatulad

Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng pinaghahambingan.

c· Pahambing na palamang

May katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang higit at lalo at
tinutulungan ng kaysa o kaysa kay.

Halimbawa:

Lalong kahali-halina ang mga bulaklak ditto kaysa sa nakita ko sa Parke.

d· Pahambing na pasahol
May katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan. Tinutulungan ito ng mga salitang gaano, tulad ni,
o tulad ng.

Halimbawa:

Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig

Panuto: Isulat sa patlang ang titik L kung ang pang-uri na may salungguhit ay nasa lantay na antas, PH
kung ito ay nasa pahambing na antas, at PS kung ito ay nasa pasukdol na antas.

______1. Ang pangkat ni Ramon ay mas mabilis magtrabaho kaysa sa pangkat ni Gary.

______2. Ang larawan na gawa nina Paul at Sheena ay makulay.

______3. Sino ang nakakuha ng pinakamaraming tamang sagot?

______4. Ubod ng linis ang bahay ni Ate Dina!

______5. Ang mga gulay at prutas sa tindahan ko ay mas sariwa kaysa sa palengke.

______6. Ang kalahok na mananalo sa paligsahan na ito ay napakasuwerte!

______7. May kilala ka bang mananahi na mahusay?

______8. Higit na malayo ang bayan ng San Andres kaysa Santo Tomas.

______9. Ang Bulkang Mayon ang pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas.

______10. Mapayapa ang buhay ng mag-anak sa bago nilang tirahan.

Pagpili ng naiibang pang-uri

Panuto: Dalawa sa tatlong pang-uri sa bawat bilang ay magkasingkahulugan. Bilugan ang naiibang pang-
uri.
1. mabuti mainam masama

2. sari-sari pare-pareho iba-iba

3. mabaho mabango mahalimuyak

4. malakas mahina matibay

5. kontra laban sang-ayon

6. baluktot deretso tuwid

7. masuwerte mapalad kapus-palad

8. mataba payat buto't balat

9. labis-labis iilan kakaunti

10. maliit malaki munti

You might also like