You are on page 1of 12

Kaukulan ng

Pangngalan
Simuno- kung ang pangngalan ang
pinag-uusapan o paksa sa pangungusap.
HALIMBAWA:
1. Si Anne Curtis ay isang magaling na
aktres.
2. Ang DENR ay naglalayong
mapangalagaan ang ating kapaligiran.

PALAGYO
Pantawag- pangngalang sinasambit o
tinatawag sa pangungusap.
HALIMBAWA:
1. Itigil mo nga iyang pagtatapon mo ng
basura sa hindi naman basurahan,
Lina!
2. Uncle Romy, tawag po kayo nina
auntie roon.

PALAGYO
Kaganapang Pansimuno- ang simuno at
ang isa pang pangngalang nasa
panaguring ay iisa lamang.
HALIMBAWA:
1. Ang eroplano ay sasakyang
pamhimpapawid.
2. Ang magaling na doktorang iyon ay si
Bb. Dela Cruz.

PALAGYO
Pamuno- ang pangngalang tumutukoy
sa simuno at nasa bahagi rin ng simuno
HALIMBAWA:
1. Si Neil, aking matalik na kaibigan, ay
matulungin.
2. Si Shawn, isa sa tahimik kong kamag-
aral, ay masakit ang ngipin.

PALAGYO
Layon ng Pandiwa o Tuwirang Layon-kung
ang pangngalan ay ang tumatanggap ng
kilos at kasunod ng pandiwa.
HALIMBAWA:
1. Gumagawa ng mga basurahan ang mga
bata para sa proyektong Clean and
Green.
2. Sinusunod ng mga tao ang batas na
ipanatutupad ng barangay.

PALAYON
Layon ng Pang-ukol- kung ang
pangngalan ay ang pinaglalaanan ng
kilos at kasunod ng pang-ukol.
HALIMBAWA:
1. Ang lahat ng pagsisikap ko sa pag-
aaral ay para sa aking mga magulang.
2. Ang program ay tungkol sa
pangangalaga ng kapaligiran.

PALAYON
Ang Layon ng Pang-ukol ay karaniwang gumagamit
ng mga pang-ukol na:
 Para sa
 Tungkol sa
 Ayon kay
 Ayon sa
 Para kay
 Alinsunod sa
 Mula sa
 Tungo sa

PALAYON
Ito ang kaukulan ng pangngalan
kung ang pangalawang pangngalan
ay nagpapakita ng pagmamay-ari.
HALIMBAWA:
1. Ang kabaitan ni Keena ang isa sa
mga nagustuhan ng mga tao
sakanya.
2. Si Jaime ay pinsan ni Tony.

PAARI
Ang kaukulang PAARI ay
karaniwang gumagamit ng
mga salitang ni, nina,
kay, at kina bago ang
pangngalan.

PAARI
PAGSUSULIT:
1. Si Gng. Andres ay mabuting guro.
2. Si Bantay, ang aking aso, ay
masunurin.
3. Ang pagsisikap ni Kae ay para sa
kanyang mga magulang.
4. Gumuhit ng napakagandang
larawan ang sikat na pintor.
5. Ang katawan ng puno ay
ginagawang furniture.
1. PALAGYO
2. PALAGYO
3. PALAYON
4. PALAYON
5. PAARI

You might also like