You are on page 1of 5

FILIPINO

Ang pang-uri ay mga salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao,hayop,bagay,atb. na


tinutukoy ng pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungsap.

Pang-Uring Magkasingkahulugan ay pares ng pang-uring pareho ang ibig sabihin o kahulugan. Halimbawa: payapang bayan tahimik na pamayanan Masayang magkapatid - masiglang mag-asawa

Pang-Uring Magkakasalungat ay pares ng pang uring magka iba ang ibig sabihin o kahulugan. Halimbawa: bagong bahay lumang kasangkapan Malakas na sigaw - mahinang tawag

Kaantasan Ng pang-Uri Lantay naglalarawan ng iisang katangian lamang ng pangalan o panghalip. Halimbawa: Si Aida ay matulungin. Pahambing naghahambing ng katangian ng 2 pangalan/panghalipna ang isa ay nakakalamang o may parehong katangian. Mga salitang ginagamit sa paghambing ay: MAS, HIGIT, LALO, DI-HAMAK, DI GAANO, DI GASINO, DI LUBHA. MAGSING, MAGKASING, SING, GA, PAREHO, KAPWA. Halimbawa: Di-hamak na mabuti ang batang magalang kaysa walang galang. Mas- gusto ng mga tao ang batang pala-aral kaysa di nag aaral. Di-gasinong malusog ang mga batang di kumakain ng gulay. Magsimbait si Airam at si Eizner. Pasukdol inihahambing ang katangian ng isa o isang pangkat ng pangalan/panghalip sa 2 o higit pa. Mga salitang ginagamit ditto ay: PINAKA, NAPAKA, UBOD NG, HARI NG, PAGUULIT NG PANG-URI AT PAGKA+PANG-URI/SALITANG UGAT.

Halimbawa: Si Eizner ay pinakamataba sa klase. Napakaayos ng sulat ni Airam. Ubod ng lambing ng baby. Hari ng tapang si Daddy.
Kaantasan ng Pang-uri Panuto: Bilugan ang tamang pang-uri para sa kaantasang ipinahihiwatig sa pangungusap. 1. Si Lance ay (mapagbigay, mas mapagbigay, pinakamapagbigay) sa kanyang mga kaibigan. 2. (Mabaho, Masmabaho, Pinakamabaho) ang utot ni Sam sa lahat. 3. (Malaki, Masmalaki, Pinakamalaki) ang tyan ng nanay ko. 4. Tayo ba ay pupunta sa (malayo, masmalayo, pinakamalayong) lugar? 5. (Matulis, Masmatulis, Pinakamatulis) ang lapis ko kaysa sa inyo. 6. (Matangkad, Masmatangkad, Pinakamatangkad) si Maki sa mga batang naririto. 7. Ang pari ay (mabait, masmabait, pinakamabait) sa kanyang mga parokyano. 8. Si Snow White ang (maputi, masmaputi, pinakamaputi) sa kaharian. 9. (Malikot, Higit na Malikot, Pinakamalikot) ang aking bunsong kapatid. 10. Ang pari ay (mabait, masmabait, pinakamabait) sa kanyang mga parokyano. Piliin ang pang-uri at tukuyin ang antas kung lantay, pahambing o pasukdol. 16. 7. 18. 19 20. Pagkaganda-ganda ng Banaue.1 Ito ay higit na malayo kaysa Baguio. Kasintalino ni Clara ang kanyang bunsong kapatid. Ang ama nila ay hari ng sipag. Ang malamig na klima sa Baguio ay nakakaakit ng turista

PANG-ABAY mga salitang naglalarawan o nagbibigay ng turing sa pandiwa, pang-uri at

kapwa pang-abay. Mga salitang nagsasabi kung SAAN, KAILAN, AT PAANO ginanap, ginganap o gaganapin ang kilos o galaw . Halimbawa: Sina Gina at Vicky ay naglalaro sa palaruan. Tuwing hapon sila nagpupunta roon. Masiglang naglaro ang magkakaibigan.

Pagkakaiba ng Pang-abay at pang_uri ang pang-abay ay tumutukoy sa pandiwa, pang-uri at kapwang pang-abay habang ang pang-uri ay tumutukoy sa pangalan o panghalip.

Halimbawa ng Pang -Abay: 1. Pang-abay na naglalaraan ng pang-uri: Madalas maayos ang bihis ng mga bata. 2. Pang-abay na naglalarawan ng pandiwa: Ang mga mag-aaral at tahimik na nagsusulat. 3. Pang-abay na naglalarawan ng kapwa pang-abay Ang ina ay laging masayang nagsisilbi sa pamilya. Halimbawa ng Pang-Uri: 1. Pang-uring naglalarawan ng pangalan: Masaya si Badong habang nanood ng TV. 2. Pang-uring naglalarawan ng Pang-halip Malungkot siya habang naghihintay sa tatay.

Uri ng Pang-abay 1. Pang-abay na Pamaraan tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa. Halimbawa: Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota. 2. Pang-abay na Pamanahon tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa. Halimbawa: Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban. 3. Pang-abay na Panlunan tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan. Halimbawa: Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.

Pang-abay na Pamaraan- nagsasaad kung paano ginanap ang kilos o pangyayari. Halimbawa: 1. Tiklop-tuhod siyang humingi ng tawad. 2. Magalang niyang tinanggap ang mga panauhin. 3. Si Mang Jose ay masipag magtanimsa bukid. 4. Ang sanggol ay malambing na yumakap sa ina. 5. Si Maria ay mahusay sumayaw. Pang-abay na pamanahon - ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng panahon. sa wikang ingles, ito ang adverb of time. Halimbawa: 1.) Luluwas ako ng Maynila bukas. Bukas - pang-abay na pamanahon. 2.) Nanood ako ng sine kahapon. Kahapon - pang-abay na pamanahon. Pang-abay na Panlunan- ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungsap. Halimbawa: 1. Nagpunta sa probinsya ang pamilya upang bisitahin ang kanilang mga kamag-anak. 2. Inilagay ni Ana ang kanyang mga gamit sa bag. 3. Nagluluto ang kanyang ina ng masarap na hapunan sa kusina. 4. Lakas loob na hinarap ng mga manlalaro ang kalaban sa loob ng field. 5. Sa may sideline ginagabayan ng bawat coach ang kanilang mga manlalaro. PANG-ANGKOP Ang na at ng ay mga pang angkop. 1. na - inilalagay sa pagitan ng salitang naglalarawan at inilalarawan na ang nauuna'y nagtatapos sa katinig. Isinusunod sa mga salitang nagtatapos sa katinig maliban sa n. Halimbawa : masarap na pagkain, malinis na bahay, masinop na tao, matatag na kinabukasan, marangal na pag-uugali.

2. ng - ikinakabit ito sa salitang nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u). Ikinakabit sa nauunang salitang nagtatapos sa patinig sa magkasunod na salitang inilalarawan at naglalarawan. Halimbawa : bago+ng bayani - bagong bayani, magandang binibini, mabuting anak, matinding takot, makataong pulitiko.

You might also like