You are on page 1of 55

ALS-MALABON IV

Tinajeros Elementary School

1:30 PM, THURSDAY, Online


Kumustahan
APRIL 15, 2021

Engagement
Junior High School
-Rudyard Kipling-

Ang salita ang pinakamabisang


gamot na ginagamit ng
sangkatauhan.
Pangungusap:

1. Isang mapayapang nayon.


2. Ang tanawin ay nagbibigay ng
isang masayang kulay.
3. Masayang namumuhay ang
mag-asawa sa bukid.
Pangungusap:
Pangungusap:
Module:
Ang ABC ng
Pagsulat ng
mga
Hugnayang
Pangungusap
Module: The Art of Writing
Ang ABC ng Sentences
Pagsulat ng Building Your Own
Complex Sentences
mga
Composing Paragraphs
Hugnayang Using Complex
Pangungusap Sentences
BASAHING MABUTI ANG
ARALING ITO UPANG
MASAGUTAN ANG MGA
GAWAIN SA ANSWER SHEET
MGA BAHAGI NG PANANALITA
Pangngalan
Panghalip
Pandiwa
Pangatnig
Pang-ukol
Pang-angkop
Pang-uri
Pang-abay
Pantukoy
Pangawing
MGA BAHAGI NG PANANALITA
Pangngalan (Noun)
Panghalip (Pronoun)
Pang-uri (Adjective)
Pang-abay (Adverb)
Pandiwa (Verb)
Pangatnig (Conjunction)
Pang-ukol
Pang-angkop
Pantukoy
Pangawing
MGA BAHAGI NG PANANALITA
PANGNGALAN – ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook,
hayop o pangyayari.
Halimbawa:
Aling Maritess – ngalan ng tao
telebisyon – ngalan ng bagay
Malabon City – ngalan ng pook
aso – ngalan ng hayop
Araw ng mga Puso - pangyayari
PANGUNGUSAP:

1. Ang nurse ay tumutulong sa doctor.


2. Kabilang ang nurse sa nag-aasikaso sa mga
pasyente.
3. Si Rosemarie ay isang nurse sa PGH.
MGA BAHAGI NG PANANALITA

PANGHALIP – bahagi ng pananalita na inihahalili o


ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-
ulit na pagbanggit sa pangalan.
Halimbawa:
sila, tayo, namin, kayo, siya, nila, niya, kaniya, kanila
Kasama ko si Jane at Alice sa pagpunta kina lola. Kami ay
uuwi din mamayang hapon.
PANGUNGUSAP:
MGA BAHAGI NG PANANALITA
Pang-uri – isang bahagi ng pananalita na naglalarawan o
nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
maganda
mabait
matulungin
Si Aira ay mabait at magalang.
PANGUNGUSAP:
MGA BAHAGI NG PANANALITA
Pandiwa – nagsasaad ng kilos o galaw
Halimbawa:
naglalaro
naglalakad
umiinom
nanonood
tumatakbo
PANGUNGUSAP:
MGA BAHAGI NG PANANALITA

Pang-abay – nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o sa


iba pang pang-abay.
Halimbawa:
Ang manggang tinda ni Maria ay masyadong maasim.
(pang-uri)
Dahan-dahan siyang pumanhik sa hagdan. (pandiwa)
MGA BAHAGI NG PANANALITA
Pang-abay na pamanahon – KAILAN?
Halimbawa: Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak.
Pananda: nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang
Pang-abay na panlunan – SAAN?
Halimbawa: Sa tabing-ilog naglaba si Aling Nena.
Pananda: sa, kay, kina
Pang-abay na pamaraan – PAANO?
Halimbawa: Mabilis siyang nagbihis pagdating sa kanilang bahay.
Pananda: nang, na
PANGUNGUSAP:
MGA BAHAGI NG PANANALITA
Pangatnig – mga salita o lipon ng mga salita at kataga na
ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita,
parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa
kapwa pangungusap.
Halimbawa:
ngunit, sapagkat, dahil, at, subalit, kung, upang, dahil sa,
dahil kay,
PANGUNGUSAP:
2 Bahagi ng Pangungusap
SIMUNO - Ito ay ang bahagi ng pangungusap na gumagawa ng aksyon sa
pangungusap o siyang pinag-uusapan sa pangungusap. Maari itong ngalan
ng tao, bagay, pook, pangyayari, at iba pa. Sa Ingles, ito ay tinatawag
na subject.
Halimbawa:
1. Ang EDSA Revolution ay lubos na mapayapa.
2. Si Christopher ay umalis ng maaga upang makarami ng benta.
3. Ang Pasko ang pinakamasayang pagdiriwang sa buong taon.
Tukuyin at salungguhitan ang simuno sa mga
sumusunod na pangungusap.

1. May kapayapaan ako sa aking sarili.


2. Hindi ako nakikipag-away sa aking mga kapatid.
3. Ayaw kong magkaroon ng mga kaaway.
4. Tahimik ang aming komunidad.
5. Ang People Power Revolution ay naganap noong
1986.
Maaaring payak o tambalan ang simuno.
Ang payak na simuno ay isang pangngalan o panghalip lamang na walang
kasamang salitang naglalarawan.
Halimbawa: Napakatahimik ng aming komunidad. (Ang buong simuno ay “ang
aming komunidad” at ang payak ay “komunidad” lamang.)
Ang tambalang simuno naman ay payak na simunong binubuo ng higit sa isang
pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Nagtutulung-tulong ang United Nations at iba pang mga
organisasyong internasyonal sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mundo. (Ang
mga pangngalang bumubuo ng tambalang simuno ay “United Nations” at
“organisasyong internasyonal.”)
2 Bahagi ng Pangungusap
PANAGURI - Ito ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasaad ng
detalye tungkol sa simuno. Hindi ito nagsisimula sa malaking titik
at maaari itong higit pa sa isang salita.
Halimbawa:
1. Ang EDSA Revolution ay lubos na mapayapa.
2. Si Christopher ay umalis ng maaga upang makarami ng tinda.
3. Ang Pasko ang pinakamasayang pagdiriwang sa buong taon.
Tukuyin at salungguhitan ang panaguri sa mga
sumusunod na pangungusap.

1. Libu-libong tao ang dumalo sa EDSA Revolution.


2. Pagkakaisa at kooperasyon ang kinakailangan sa
pagkakaroon ng kapayapaan.
3. Sumisira ng buhay at ari-arian ang mga digmaan.
4. Mahirap makamit ang kapayapaan.
5. Mapayapa akong nakikitungo sa lahat.
Katulad ng simuno, maaaring payak o tambalan ang panaguri. Ang
payak na panguri ay pandiwang nagsasaad kung ano ang ginagawa
ng simuno.
Halimbawa: Sumisira ng buhay ang mga digmaan. (Ang buong
panaguri rito ay “sumisira ng buhay.” Ang payak na panaguri
naman ay ang pandiwang“sumisira.”)
Ang tambalang panaguri ay may higit sa isang pandiwang
nagsasaad ng ginagawa ng simuno.
Halimbawa: Gumugulo at sumisira sa buhay ang mga digmaan ng
mga tao. (Ang mga pandiwang bumubuo ng tambalang panaguri ay
“gumugulo” at “sumisira.”)
PAYAK NA PANGUNGUSAP (Simple Sentence)
Ang payak na pangungusap ay nakapag-iisa (independent clause). Ito
ay malayang sugnay na may simuno at panaguri ngunit iisa parin ang
diwa.
Halimbawa:
1. Malaki ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya sa bansa.
Sugnay na makapag-iisa: Malaki ang epekto ng COVID-19 sa
ekonomiya ng bansa.
Simuno: COVID-19
Panaguri: Malaki ang epekto sa ekonomiya ng bansa.
PAYAK NA PANGUNGUSAP (Simple Sentence)
Ang payak na pangungusap ay nakapag-iisa (independent clause). Ito
ay malayang sugnay na may simuno at panaguri ngunit iisa parin ang
diwa.
Halimbawa:
2. Dadalo ka ba ng reunion?
Sugnay na nakapag-iisa: Dadalo ka ba sa reunion?
Simuno: ka
Panaguri: Dadalo ba sa reunion
PAYAK NA PANGUNGUSAP
Salungguhitan ang sugnay na makapag-iisa sa bawat payak na
pangungusap. Pagkatapos, tukuyin kung ito ay simuno o panaguri ng
sugnay.
1. Pitong taon pa lamang ako nang maganap ang EDSA Revolution.
2. Napakahirap makamit ang kapayapaan sa mundo.
3. Makapagdudulot ang digmaan ng labis na kalungkutan sa mga
tao.
4. Napanood mo ba ang sineng In Love and War?
5. Nagsasabi sa atin ang kasaysayan ng mga epektong dulot ng
digmaan.
Tambalang Pangungusap (Compound Sentence)
Ang tambalang pangungusap ay may dalawa o higit pang ideyang inilalahad. Ito
ay ginagamitan ng mga pangatnig na at, ngunit at o bilang pang-ugnay sa
dalawang payak na pangungusap. Mauunawaan natin ang mga sugnay kahit sila
ay paghiwalayin pa dahil buo na ang kanilang diwa.
Halimbawa:
1. Nagtungo sa kusina si Marta at siya ay naghugas ng mga pinagkainan.
Mga Sugnay na makapag-iisa:
a. Nagtungo sa kusina si Marta
b. Siya ay naghugas ng mga pinagkainan
Pangatnig na ginamit: at
Tambalang Pangungusap (Compound Sentence)
Ang tambalang pangungusap ay may dalawa o higit pang ideyang inilalahad. Ito
ay ginagamitan ng mga pangatnig na at, ngunit at o bilang pang-ugnay sa
dalawang payak na pangungusap. Mauunawaan natin ang mga sugnay kahit sila
ay paghiwalayin pa dahil buo na ang kanilang diwa.
Halimbawa:
2. Gustong pumasok sa trabaho ni Emily, subalit siya’y nilalagnat.
Mga Sugnay na makapag-iisa:
a. Gustong pumasok sa trabaho ni Emily
b. Siya ay nilalagnat
Pangatnig na ginamit: subalit
Hugnayang Pangungusap (Complex Sentence)
Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at isa o higit
pang sugnay na di-nakapag-iisa. Ang sugnay na di makapag-iisa ay hindi maaaring
tumayo nang mag-isa dahil hindi ito maunawaan o walang buong diwa. Kailangang
may kakabit itong sugnay na makapag-iisa upang maintindihan. Ginagamit na pang-
ugnay ng mga sugnay ang mga pangatnig na habang, bago, kaysa, kung, kapag, pag,
nang, upang, dahil, sapagkat, pagkatapos, kung saan, kahit na, hanggang.
Halimbawa:
Upang magtiwala ang mga mamamayan sa bisa ng bakuna laban sa COVID-19,
kailangang manguna sa pagpapabakuna ang mga lider ng bansa.
Sugnay na makapag-iisa: Kailangang manguna sa pagpapabakuna ang mga lider ng
bansa.
Sugnay na di makapag-iisa: upang magtiwala ang mga mamamayan sa bisa ng
bakuna laban sa COVID-19
Hugnayang Pangungusap (Complex Sentence)
Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang
sugnay na di-nakapag-iisa. Ang sugnay na di makapag-iisa ay hindi maaaring tumayo
nang mag-isa dahil hindi ito maunawaan o walang buong diwa. Kailangang may kakabit
itong sugnay na makapag-iisa upang maintindihan. Ginagamit na pang-ugnay ng mga
sugnay ang mga pangatnig na habang, bago, kaysa, kung, kapag, pag, nang, upang,
dahil, sapagkat, pagkatapos, kung saan, kahit na, hanggang.
Halimbawa:
Pagkatapos ng Junior High School, nag-aral sa TESDA si Nilo kaysa pumasok sa kolehiyo.
Sugnay na makapag-iisa: nag-aral sa TESDA si Nilo
Sugnay na di makapag-iisa:
1. pagkatapos ng Junior High School
2. kaysa pumasok sa kolehiyo
Hugnayang Pangungusap
Salungguhitan ang sugnay na makapag-iisa at bilugan ang sugnay na
di-makapag-iisa sa bawat hugnayang pangungusap.
1. Naibalik sa bansa ang demokrasya pagkatapos ng EDSA Revolution.
2. Habang nagdaraan ang mga taon, lalong lumalapit ang mga tao sa
pagkamit ng pandaigdigang kapayapaan.
3. Kapag may kapayapaan ang tao sa kanyang sarili, maaari siyang
mamuhay nang mapayapa kasama ang iba.
4. Bago ako makapamuhay nang mapayapa kasama ang iba,
kailangang ko muna ng kapayapaan sa aking sarili.
5. Kung saan may pagmamahal, naroon ang kapayapaan.
Pangungusap

1. Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay puspusang


isinasagawa ng mga bisig ng batas.
2. Mabagal tumakbo ang aking aso.
3. Sabay-sabay tayong manalangin na sana ay
matapos na ang pandemyang ito.
Pagtambalin ang mga sugnay sa Hanay A at Hanay B upang makabuo ng hugnayang pangungusap. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
___1. Kung makakapamuhay tayo a. ang kapayapaan ay darating
ng mapayapa kahit b. kung ilalagay mo ang pagibig sa
isang araw lang iyong puso
___2. Posible ang kapayapaan sa c. kapag magsisimulang mamuhay
mundo nang tama ang lahat
___3. Kung gagawa ng paraan ang d. kung ating lulutasin nang
mga tao mapayapa ang ating mga suliranin
___4. Magiging maliwanag ang e. maaari tayong magtulungan
bukas na mapanatili ang kapayapaan
___5. Magkakaroon ng kapayapaan
sa mundo
ARALIN 2: Paggawa ng Sarili Mong Hugnayang Pangungusap

Gawain A. Salungguhitan ang sugnay na makapag-iisa at bilugan ang di-makapagiisa sa mga hugnayang
pangungusap sa ibaba.
1. Kahit na tungkulin ng pamahalaang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa bansa, kinakailangan ding
tumulong ang mga tao.
2. Mula nang matanggal si Suharto sa pagka-pangulo, hindi na muling bumalik sa dati ang Indonesia.
3. Kung saan may kapayapaan, doon may pagmamahalan.
4. Dahil sa digmaan, maraming buhay ang nawala.
5. Pagkakaisa at kooperasyon ang kailangan kung nais matamo ang kapayapaan.

Gawain B. Buuin ang mga sumusunod na sugnay na makapag-iisa upang makabuo ng isang hugnayang
pangungusap.
1. Binubuhay nilang muli ang kagubatan
___________________________________________________________________________________________
2. Maiiwasan ang pagiging sakim
____________________________________________________________________________________________
3. Patuloy na magbibigay ng kailangan ang kalikasan
____________________________________________________________________________________________
4. Maraming buhay at ari-arian ang hindi masisira
____________________________________________________________________________________________
5. Sarili lang nila ang kanilang iniintindi
“Ang pamilya ay isang salita na naglalarawan sa grupo ng mga tao
na mayroong iisang biyolohikal na pinanggalingan. Ayon sa ekonomiks
at sa kasaysayan, ang pamilya ay tumutukoy sa pinamaliit at
pinakapangunahing yunit na bumubuo sa isang komunidad o lipunan.
Ito ay madalas na binubuo ng mga magulang, anak, at kung minsan ay
pati ng mga apo at iba pang kamag anak.

Dahil ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng


isang lipunan, mahalaga na mapanatiling maayos ang isang pamilya.
sila ang nagpapatuloy at nagtataguyod sa kabutihan ng bawat
miyembro nito, at maging ng bawat miyembro ng isang lipunan. “
ARALIN 3: PAGGAWA NG TALATANG MAY HUGNAYANG PANGUNGUSAP
Sumulat sa ibaba ng isang talatang binubuo ng lima hanggang pitong pangungusap. Gamiting paksa ang
“Digmaan at Kapayapaan.” Siguraduhing magamit ang natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng paglalagay ng
mga hugnayang pangungusap sa iyong talata.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
A. Pag-aralan ang susunod na talata na nasa loob ng kahon. Tukuyin kung ang mga pangungusap dito ay payak, tambalan o
hugnayan. Isulat ang mga sagot sa patlang.

Pangungusap 1: _____________________________________
Pangungusap 2: _____________________________________
Pangungusap 3: _____________________________________
Pangungusap 4: _____________________________________
Pangungusap 5: _____________________________________
B. Ngayon, subukang ayusin ang talata sa ibaba sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangatnig sa kahon. Gamitin lamang
nang minsan ang bawat pangatnig.

Lunes ng umaga, sa ganap na alas-sais, isang pormasyon ng mga helicopter gun ship ang nagtungo sa Kampo Crame.
Walang magawa ang malalaking grupo ng mga tao sa EDSA upang pigilan ang pagsalakay mula sa himpapawid. (1)________
lumipas ang ilang minuto, sumama sa mga rebelde ang mga gun ship. Nang umaga ring iyon, nakuha ng mga rebelde ang
pangunahing broadcasting complex ng pamahalaan sa Lunsod Quezon. Nabago ang mga pangyayari.
(2)______dumating ang Pebrero 23. Nakipag-usap sa Embahador ng Pilipinas sa Washington ang Sekretarya ng Estados
Unidos na si George Schultz.
(3)_______ Hindi bababa si Marcos sa pagka-Pangulo, maaaring magkaroon ng digmaang sibil sa Pilipinas. Nakatanggap
din si Marcos ng mensahe kay Pangulong Reagan na siya, ang kaniyang pamilya at malalapit na kaibigan ay maaaring
manirahan sa Estados Unidos.
Pagsapit ng Martes ng umaga, Pebrero 25, halos ang buong hukbong sandatahan ng Pilipinas ay mapayapang tumiwalag
kay Marcos bilang suporta kay Cory Aquino. (4)________ Nanunumpa sina Aquino at Laurel sa Club Filipino bilang bagong
pangulo at pangalawang pangulo, gayundin ang ginagawa ni Marcos sa Malakanyang. Ipinakita pa sa telebisyon ang
panunumpa ni Marcos (5)_________ panandalian lamang ito. Naputol kaagad ito pagkatapos simulan.
Thank You!

Reminders:
1. Ang pasahan at kuhaan ng module ay bukas, March 5 , 2021,
mula 2:00 hanggang 5:00 ng hapon.
2. Ang ating Online Kumustahan Engagement ay magaganap
tuwing Martes at Huwebes, 3:00 – 4:00 ng hapon.
3. Magmessage sa guro mula 8 ng umaga hanggang 5 ng
hapon.
4. Sumunod sa mga health protocols at dalhin ang QR Code
kapag pupunta sa school.

You might also like