You are on page 1of 26

Gamit ng Pangngalan

1. Simuno o paksa-Ito ang


pinag-uusapan o paksang
pangungusap.
Hal: Ang basura ay itinapon
sa tamang lalagyan.
-Si ate ay nag aaral ng
mabuti.
-Ang aking kapatid ay
nagaaral.
-Si kuya ay darating na
galing ibang bansa.
-Ang baon ko ay kanin at
pritong manok.
2. Pantawag- kung saan ang
pangalan naman ang
ginagamit na pantawag.
Hal:
- Kuya, halika at kakain na
tayo.
kuya ay isang pangngalan na
ginamit na pantawag
-Totoy, ikaw ba ang naghatid
ng pagkain sa akin kahapon.
Delia, sabihin mo sa tatay mo
na aalis na ako.
3. Pamuno- ang simuno at
pangalan paksa ay iisa.
Hal:
-Si aling Edna, ang aking ina
ay isang tindera sa palengke.
-Si aling Edna at ina ay iisa
-Si Mang Dante, ang pulis na
humuli sa magnanakaw ay
kapitbahay ko.
4. Kaganapang Pangsimuno-
ang simuno at ang isa
pangngalan na nasa loob ng
panaguri ay iisa lamang.
Hal: Ang adidas ay sapatos na
matibay.
-Ang Taekwondo at isang
laro na nagpapalakas ng
katawan.
-Ang Alaska ay masarap na
gatas.
-Ang bata na si Curt ay
mahusay umawit.
-Kailangan ipaliwanag kay
Meriam ang nangyari
kahapon
5. Layon ng pandiwa (tuwirang
layon)-
pangngalang ang
tumatanggap ng kilos sa
pangungusap. Sumasagot sa
tanong na "ano"
Hal:
-Naghugas ng pinggan si ate
kanina.
-Ano ang hinugasan? pinggan
-Nagdala ng pagakain sa akin
si Myra.
-Umaawit ng Lupang Hinirang
si Charice.
6. Layon ng Pang-ukol- ang
kilos sa pangungusap ay
nilalaan sa pangngalan. Ito ay
ginagamitan ng mga pang-
ukol ( sa, para sa, para kay,
kay atbp).
-Ibigay sa mga trabahador
ang tamang sweldo.
-Ang mga laruan na ito ay
iregalo sa mga bata
-Ang mga ari-arian ng Don
Lopez ay ipapamana kay
Carlos.
- Ang asukal ay ihahalo sa
kakanin.
Tukuyin ang gamit ng
pangngalan na may
salungguhit. Isulat ang sagot sa
patlang gamit ang mga titik na
sumusunod: S (simuno o paksa),
KP (kaganapang pansimuno), P
(panawag), PM (pamuno), TL
(tuwirang layon), o LP (layon
ng pang-ukol).
____ 1. Ang mga mamamayan
ay aktibo sa mga gawaing
panlipunan.
____ 2. Ale, nahulog po ang
pitaka ninyo.
____ 3. Droga ang salot ng
maraming lipunan.
____ 4. Binigyan ng pang-
unang lunas ng mga doktor ang
mga sugatan.
____ 5. Nagdiwang ng ika-
sampung anibersaryo ang Holy
Mary School, ang paaralan nina
Trina at Sara.
____ 6. Nagpahinga ang
magsasaka sa ilalim ng
malaking puno.
____ 7. Anu-ano ang mga
adhikain mo para sa bayan?
____ 8. Kapayapaan ang
hangad ng mga karaniwang tao
sa Iraq.
____ 9. Huwag kang
maniwala sa mga sabi-sabi,
Aling Trining.
____ 10. Si Ate Rosita ay
naghanda ng masarap na
meryenda para sa ating lahat.
____ 11. Mahalaga para sa mga
Pilipino ang demokrasya.
____ 12. Sina Roberto at Irene,
ang mga magulang ni Sofia, ay
dadalo sa salu-salo.
____ 13. Ayon sa Saligang-
Batas, libre ang pag-aaral sa
mga pampublikong paaralan.
____ 14. Ang ating
pangangailangan ay
natutugunan ng ating mga
magulang.
____ 15. Ang aming
organisasyon ay naglunsad ng
programa para sa kabataan.

You might also like