You are on page 1of 40

GRADE 5

Filipino Virtual Class


Quarter 2, Week 4
Filipino 5
PAKSA:
Pagsulat ng Talatang Nagsasalaysay:

Learning Competencies:
• Nakikilala ang mga bahagi ng Talata
• Nakakasulat ng isang makabuluhang talatang nagsasalaysay
• Nakakasulat ng isang Talambuhay
Pagsulat ng Talatang Nagsasalaysay
Ikaw ba ay
masunuring
anak?
Isalaysay ang
patunay na
ikaw ay isang
masunuring
anak.
Ano ang Talata?

Ang TALATA ay binubuo ng


mga pangungusap o kaisipan
tungkol sa isang paksa.
Halimbawa ng Talata?

Ang aking kaarawan ay napaksaya.Ipinadiwang


ko ito kahapon. Maraming inihandang pagkain
sina nanay at tatay sa akin. Marami din akong
bisita na dumating.May mga regalo silang
dala.Tunay naapakasaya ng aking kaarawan.
Ano ba ang Talatang Nagsasalaysay?

TALATANG NAGSASALAYSAY
Ito’y naglalayong
ay nagsasalasay o magkwento ng
nagkukuwento ng isang naranasan, nabasa,
pangyayari. Isinasaad dito
nasaksihan, narinig o
kung paano, saan at kailan
naganap ang pangyayari napanood.
Ang pagsasalaysay ay
pagpapahayag na may layuning
magkuwento ng mga pangyayari.

May 2 Uri ng pagsasalaysay


1. Pasulat
2. Pasalita
Ang pagsasalaysay ay
pagkukuwento. Bahagi na ng
buhay ng tao ang
paggkukuwento. Ito ay
paglalahad ng sunod-sunod
na pangyayari.
Mga hakbang sa pagsulat ng
talatang nagsasalaysay:

1. Alamin kung ano ang paksang isasalaysay.


Lagyan ng angkop na pamagat upang nakapokus
sa paksang isusulat.

2. Bumuo ng balangkas ng iyong gagawing


pagsasalaysay. Isaisip ang simula, gitna at wakas
ng iyong talata.
Mga hakbang sa pagsulat ng
talatang nagsasalaysay:

3. Laging tandaan na mahalaga sa talata ang


wastong baybay, bantas at paggamit ng angkop na
salita

4. Magiging maganda ang iyong talata kung may


wastong kayarian , wastong pag-uugnay ayon sa
diwa ng sinusundang talata, nagtataglay ng isang
diwa at may kaayusan.
MGA BAHAGI NG TALATA
1.Panimulang Pangungusap o Introduksiyon
ito ang nasa unahan ng isang talata. Dito
nakasaad ang paksa na nais talakayin ng
manunulat at kung ano ang kanyang
ipinaliliwanag, isinasalaysay, inilalarawan o
inilalahad.
MGA BAHAGI NG TALATA
3. Gitnang Pangungusap o Katawan
ito naman ang nasa gitnang bahagi ng isang
komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o
palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng
mga sumusuportang ideya upang ganap na
matalakayang nais bigyang linaw ang manunulat
MGA BAHAGI NG TALATA

3. Pangwakas na Pangungusap o Konklusiyon

ito ang nagbibigay ng huling detalye, buod ng


talata o maaaring nagbibigay ng opinion sa
paksa ng talata
Halimbawa ng Talatang Nagsasalaysay:

Ang mga magsasaka sa Bukidlandia ay nagsasagawa ng Introduksiyon


Organic Farming. Gumagamit sila ng purong organikong
pataba, kaya naman makasisiguradong walang halong
kemikal ang mga aning gulay at prutas sa kanilang taniman. Katawan
Nakatutulong din ito upang magkaroon ng dagdag kita ang
mga magsasaka. Karaniwang ang ipinapakain nila sa kanilang
pamilya ay sariwa at walang halong kemikal. Tunay na
nakakbubuti sa mamamayan ang Organic Farming. Kongklusiyon
KATANGIAN NG TALATA

KAISAHAN – tungkol lamang sa iisang kaisipan o paksang


diwa ang lahat ng mga pangungusap na bumubuo sa tatala

KAUGNAYAN – ang mga nilalamang pangungusap mula sa


umpisa hanggang sa dulo ay magkakaugnay.

INDENSYON – sa simula ng talata ay dapat may pasok o


indensyon. Ito ay hudyat ng bagong talataan
Tukuyin ang mga bahagi ng Talata:

Ang aking saranggola ay matibay. Tuwing mahabang bakasyon ay


umuuwi kaming magkakapatid sa lalawiganng aking nanay. Iginagawa ako
ng saranggola ni lolo.

Hugis tutubi ang saranggola. Mataas ang lipad nito. Naglalaro ito sa
himpapawid at sumasabay sa hangin. Matatag ang mga kamay ko sa
paghigpit sa mahabang pisi. Lumalaban ito ng sabayan sa saranggola ng
aking mga kaibigan. Ang aking saranggola ay matatag.
Paglalahat !

Ano-ano ang
Ano ang Talata? mga bahagi ng
Talata?
Paglalahat !

Ano-ano ang
Ano ano ang
mga hakbang sa
mga katangian
pagsulat ng
ng Talata?
talata?
Gawain 1

1. Ano ang tawag sa isang talata na nagkukwento o


nagpapahayag ng mga pangyayari?
A. Kaisahan
B. Kaugnayan
C. Nagsasalaysay
2. Ano ang tawag sa katangian ng talata na nagsasabi
na ang nilalaman ng mga pangungusap mula sa
umpisa hanggang sa dulo ay magkakaugnay ?
A. Kaisahan
B. Kaugnayan
C. Nagsasalaysay
3. Anong bahagi ng talata ang tinatawag na
pangwakas na pangungusap?
A. Introduksiyon
B. Katawan
C. Kongklusiyon
4. Anong katangian ng talata ang nagsasabing tungkol
lamang sa iisang kaisipan o paksang diwa ang lahat ng
mga pangungusap na bumubuo sa talata.
A. Kaisahan
B. Kaugnayan
C. Katawan
5. Ito ay binubuo ng mga pangungusap o kaisipan
tungkol sa isang paksa
A. Pangungusap
B. Talata
C. Tula
Gawin ang Pagtataya sa pahina 20 sa
inyong Modyul.
Performance Task: Filipino 5
Tiyaking masasagot ang sumusunod na
mga tanong:
Sumulat ng isang talatang 1. Ano ang ipinadiriwang
nagsasalaysay tungkol sa inyong 2. Kailan at saan ito ipinahdiriwang
karanasan sa pagdiriwang ninyo 3. Sino-sino ang mga nakilahok sa
ng Pasko at Bagong Taong sa pagdiriwang na ito.
panahon ng Pandemya. 4. Bakit mahalaga sa iyo at iyong
pamilya ang pagdiriwang na ito
5. Paano ito ipinagdiriwang..
CONTINUATION
TALAMBUHAY
-ito ay salaysay ng mga
mahahalagang pangyayari sa
buhay ng tao mula ng siya ay
isilang hanggang sa
kasalukuyan o kanyang
kamatayan
TALAMBUHAY
-ito ay isinulat ng ibang tao upang
mas mapalalim na makilala ng
mambabasa ang taong pinapaksa
para magbigay ng inspirasyon at
aral mula sa kasaysayan ng buhay
nito
Ano-anong mga detalyeimpormasyon ang
mahalagang maisasama sa pagsulat ng
talambuhay?

Edukasyon Pamilya
Pangalan,
(saan siyan (Pangalan ng
Kapanganakan
nag-aral at kanyang mga
( Kailan at Trabaho
ano ang magulang,kapa
saan siya
tinapos niyang tid, asawa at
ipinanganak)
kuro) mga anak)
Upang mas makilala ng mga mambabasa ang
pagkatao ng taong pinapaksa, isama rin ang
impormasyon tungkol sa:

Mahalagang
Talento
nagampanan, Plano
Libangan
Karanasang di Pangarap
Katangian
malilimutan
Upang mas makilala ng mga mambabasa ang
pagkatao ng taong pinapaksa, isama rin ang
impormasyon tungkol sa:

Mas magkakaroon ng “kurot” kung


babangiting ang mga suliraning
napagtagumpayan, mga hamon at
tagumpay sa buhay at mga karanasang
tunay na kakaiba.
Liwanag sa Dilim: Ang Kuwento ni Roselle Ambubuyog

Si Maria Gennett R. Ambubuyog ay ipinanganak noong


ika-12 ng Enero, 1980 sa Maynila. Anak siya ninan Gemme
F. Ambubuyog at Deanna B. Rodriguez. Naging masaya at
tahimik ang unang mga taon ng kanyang kabataan,
kasama ang kanyang mga magulang at tatlong kuya na
sina Glemm, Glen at Garry.
Noong anim na taong gulang si Rosselle, nagkasakit siya
at binigyan ng apat na gamut. Bumuti ang kanyang
pakiramdam, subalit pagkatapos ng dalang lingo, muli
siyang nagkasakit. Tinawag na Steven Johnson’s
Syndrome, o labis na reaksiyon ng katawan sa mga
gamot na kanyang ininom ang kanyang sakit. Dahil dito,
nawala ang kanyang paningin. Dinala siya ng kanyang
mga magulang sa iba’t ibang doctor, subalit hindi na
muling nakakita si Rosselle.
Sa kabila nito, sinikap ni Rosselle at ng kanyang mga magulang
na maipagpatuloy ang dati niyang buhay.Umalis ang kanyang
ama mula sa dating trabaho upang tulungan si Rosselle na
muling matutuhan ang mga pang araw-araw na
gawain.Nakbalik siya sa pag-aaral at nagtapos bilang
balediktoryan ng Paaralang Elementarya ng Batino noong
1992at sa Paaralang Sekondarya ng Ramon Magsaysay noong
1996. Pagkatapos nito ay nagtungo siya Pamantasang Ateneo
de Manila upang mag-aral ng Matematika.
Nagbunga ang pasisikap ng buong pamilya dahil noong
2001, nagtapos si Rosselle bilang balediktoryan mula sa
Pamantasang Ateneo de Manila . Sa kanyang talumpati
bilang balediktoryan, pinasalamatan niya ang kanyang
buong pamilya, lalo na ang kanyang ama na nagsilbing
mga bituin sa kanyang paglalakbay.Pagkatapos nito,
nagpakadalubhasa siya sa matematika sa Unibersidad
ng Pilipinas.
Ngayon, isa siyang consultant para sa isang
kumpanyang gumagamit ng makabagong teknolohiya
upang gumawa ng kagamitan para sa mga taong may
kapansanan. Nagagamit niya ang kanyang karanasanat
kaalaman para tulungan ang ibang taong katulad niya.
PERFORMANCE TASK 2

Sumulat ng talambuhay ng iyong nanay o tatay. Sundan


ang balangkas na ito upang maisulat mo ng wasto ang
kanilang talambuhay.
I. Mga Personal na Impormasyon
a. Pangalan
b. Kapanganakan
c. Pamilya
d. Talento
II. Ang kanilang Plano
a. Sa sarili
b. Sa Pamilya
c. Sa Bansa
Thank You.

You might also like