You are on page 1of 2

DE LA SALLE LIPA

Integrated School
GRADE 1
nd
2 Quarter – Detalye ng Kwento / Pagsusunod-sunod ng Pangyayari

Name:
Grade/Section:
Panuto: Basahin ang kwentong nasa loob ng kahon at sagutin ang
mga tanong ukol dito.

Si Pol Magalang
Unang araw ng pasukan. Galak na galak si Pol habang
inihahanda ang kanyang sarili sa pagpasok. “Magandang umaga
po Inay!”, masayang bati ni Pol sa kanyang ina. “Halika na anak
at tayo’y mag-agahan na”, tugon ng kanyang ina. Matapos
kumain ay nagsipilyo na si Pol at naghanda pagpasok. “Paalam
po, Inay”, pamamaalam ni Pol sa kanyang ina. Sa kanyang
paglalakad ay hindi sinasadyang naapakan ni Pol ang paa ng
isang matandang babae. “Paumanhin po lola”, bukal sa loob na
paghingi ni Pol ng tawad sa matanda. “Ayos lang iho”,
nakangiting sabi ng matanda. Nagpatuloy sa paglalakad si Pol
hanggang sa makarating siya sa paaralan.

A. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
a. si Pol b. si Mark c. ang lalaki

2. Kailan naganap ang kuwento?


a. unang araw ng pasukan b. Lunes c. Sabado

3. Anong ginawa ni Pol pagkatapos mag-agahan?


a. nagsuklay b. naligo c. nagsipilyo
4. Saan naganap ang kwento?
a. sa daan patungo sa paaralan b. sa silid-aralan c. sa simbahan

5. Anong sinabi ni Pol nang maapakan ang paa ng matandang babae?

a. “Nakahara ka kasi!”

b. “Paumanhin po lola”,

c. “Tabi dyan!”

B. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa tamang


pakakasunod sunod nito sa kuwento. Isulat ang bilang 1-4 sa patlang.

_________ Matapos kumain ay nagsipilyo na si Pol.

_________ Inihahanda ni Pol ang kanyang sarili sa pagpasok.

_________ Nagpatuloy sa paglalakad si Pol hanggang sa makarating siya sa


paaralan.
_________ Sa kanyang paglalakad ay hindi sinasadyang naapakan ni Pol ang
paa ng isang matandang babae.

You might also like