You are on page 1of 4

Filipino 4

Kwarter 3- Modyul 5
Nagagamit nang Wasto ang Pang-angkop (ng, -g at na) sa Pangungusap

 Balikan muli natin ang usapan ng magkaibigang Rene at Rosa.


Pansinin ang mga nakaitim na titik sa bawat pangungusap.

1. “Rosa, saan kaya sa tingin mo magandang ilagay ang mga poster?”


• Ano ang titik bago ang nakaitim na kataga?
Ang titik bago ang nakaitim na kataga ay a.

• Paano napag-ugnay ang simuno at panaguri sa pangungusap?


Ginagamit ang ng kapag ang unang salita ay nagtatapos sa patinig gaya
ng (a, e, i, o at u).

2. “Sa palagay ko Rene angkop na ilagay iyon sa mga lugar na madaling


makita.”

• Ano ang titik bago ang nakaitim na kataga? Ang titik bago ang
nakaitim na kataga ay r.

• Paano napag-ugnay ang simuno at panaguri sa pangungusap?


Ginagamit ang na kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa -n.

3. “Sige, siguradong matutuwa si Ma’am kapag maayos nating maikabit


ang mga ito. “

• Ano ang titik bago ang nakaitim na kataga? Ang titik bago ang
nakaitim na kataga ay n.

• Paano napag-ugnay ang simuno at panaguri sa pangungusap?


Ang g ito ay idinudugtong kapag nagtatapos sa -n ang salita.
Pang angkop

PANG-ANGKOP – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang pang-angkop na isang bahagi ng
pananalita, ang kahulugan nito at ang mga halimbawa.

Ito ay isa sa walong mga bahagi ng pananalita na mga katagang nagdudugtong sa magkakasunud-sunod
na salita sa isang pangungusap para magiging magaan o madulas ang pagbigkas nito. Ito rin ang
ginagamit para pag-ugnayin ang mga panuring at mga salitang binibigyan nito ng turing.

Mayroong tatlong pang-angkop: na, ng o -ng at g.

1. NA
Ito ay nagdudugtong ng dalawang salita na kung saan nagtatapos sa katinig ang
nauunang salita maliban sa letrang n. Para sulatin ito, sapat ihiwalay ito sa salitang
pinag-uugnay

Halimbawa:

Ang banal na kaulatan


Ang malinis na hangin
Ang matalim na espada
Ang maitim na dyaket
Ang sikat na artista
Ang kristal na baso
Ang makinis na mukha ni Loisa
Ang mahusay na manunulat
Ang matigas na bato
Ang matinik na cactus

2.1. NG
Ito naman ay isinulat na dinugtungan sa mga salitang nagtatapos sa patinig na mga
letrang a, e, i, o, at u.

Halimbawa:

Ang masaganang halaman


Ang malaking mga ugat ng puno
Ang basang mga nilabadang damit
Ang kotseng pula
Ang berdeng sapatos
Ang dalawang mata
Ang mabagyong panahon
Ang maruming damit
Ang buong istorya ni Jonathan.
Ang salaring tulisan

2.2. -NG
Ito naman ay ginagamit para dugtungan ang magkakasunod na salita na kung saan
nagtatapos sa katinig na n ngunit kinakaltas na ito kaya hindi ang pang-angkop na g ang
ginagamit.

Halimbawa:

luntian ng halaman – luntiang halaman


usapan ng inutil – usapang inutil
malinis na kasuotan – kasuotang malinis

3. G

Ito naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa katinig na n dinurogtungan


Halimbawa:
Kainang nasa kalye
Tulisang kriminal
Pikong mapang-api

You might also like