Panuto: Tukuyin ang uri ng mapa na angkop gamitin sa bawat sitwasyon. Isulat ang: PL kung mapang pisikal PU kung mapang pulitikal PH kung mapang pangkabuhayan PE kung mapang pampangkat-etniko PK kung mapang pangklima PD kung mapang pandaan _______________ 1. May takdang-aralin si Lina tungkol sa mga bulkan na matatagpuan sa bansa. _______________ 2. Gustong malaman ni Mang Nilo kung saang lalawigan nanggagaling ang mga produktong palay, mais, at tubo. _______________ 3. Gustong malaman ni Ben ang mga lalawigang nasa paligid ng lalawigan ng Benguet. _______________ 4. Mula sa E. Rodriguez Sr. Avenue, hinahanap ni Mang Pedro ang kalye ng Quezon Avenue. _______________ 5. Pinag-aaralan ng National Commission for Culture and the Arts kung anong pangkat ng mga katutubo ang may pinakamaraming bilang sa kasalukuyan.
Panuto: Tukuyin ang uri ng mapa na kinakailangang gamitin sa bawat sitwasyon.
____________________ 1. Gumagawa ng proyekto ang grupo ni Amor tungkol sa mga Ilokano at mga Bikolano. Anong mapa ang kanyang kailangan? ____________________ 2. Ipinapakita ni Kuya Kim ang pagkakaiba ng mga klima sa ibat ibang lugar sa bansa. Anong mapa ang ginamit niya? ____________________ 3. Maglalakbay ang Pamilya Reyes sa Tagaytay subalit hindi nila kabisado ang mga lansangan patungo roon. Anong mapa ang dapat nilang gamitin? ____________________ 4. Pinag-aaralan ng mga nasa ikatlong baiting ang hangganan ng bawat relihiyon ng bansa. Anong mapa ang ginagamit nila? ____________________ 5. Ipinakita ni Bb. Roxas kung saan makikita ang mga bundok at mga bulubundukin sa bansa. Anong uri ng mapa ang ginamit niya?