You are on page 1of 3

FILIPINO

PAGDADAGLAT
A. Bilugan ang tamang daglat ng bawat salita.

1. Architect a. Arch. b. Arc.


2. Propesor a. Prop. B. Prp.
3. Senador a.Sen. b. Sena.
4. Ginoo a. G. b. Gno.
5. Kagawad a. Kag. b. Kaga.
6. Binibini a. Bb. b. Bib.
7. Heneral a. Hen. b. Hene.
8. Ginang a. Gng. B. Ging.
9. Secretary a. Sec. b. Secr.
10. Engineer a. Engr. B. Engg.
11. Kapitan a. Kap. B. Kapt.
12. Pangulo a. Pangu. B. Pang.
13. Doktora a. Dok. B. Dra.
14. Doktor a. Dokt. B. Dr.
15. Attorney a. Atty. B. Attory.

B. Isulat sa patlang ang tamang daglat ng mga buwan:

1. Enero
2. Pebrero
3. Marso
4. Abril
5. Mayo
6. Hunyo
7. Hulyo
8. Agosto
9. Setyembre
10. Oktubre
11. Nobyembre
12. Disyembre

KAILANAN NG PANGNGALAN – isulat ang I kung isahan, D kung dalawahan at M kung maramihan
1. Ang sanggol ay umiiyak habang binibihisan. ISAHAN
2. Ang mag-ama ay naglaro ng beysbol DALAWAHAN
3. May bago kaming kapitbahay. ISAHAN
4. Nagtutulungan kami kapag ang isa sa amin ay may problema. ISAHAN
5. Masaya ako pag kasama ko ang aking mga kaklase. MARAMIHAN
6. Ipinakilala ko si Lance sa aking mga kaibigan. MARAMIHAN
7. Nakilala niya kaming magkapatid nang minsang maglaro kami sa labas . DALAWAHAN
8. May walong unggoy na naglalambitin sa sanga. MARAMIHAN
9. Humingi siya ng payo kay Helen. ISAHAN
10. Ang mabuting kaibigan ay hindi man maipagpapalit sa sampung ginto. MARAMIHAN
11. Dinala niya ang isang kahong Malaki sa bahay. ISAHAN
12. Si Cris ay umiyak dahil pinalo siya ni Frank. ISAHAN

KAILANAN NG PANGHALIP – Tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay isahan or maramihan.

1. Ang bansang ito ay atin. M


2. Kanya ang pares ng tsinelas na ito. I
3. Kanila ang pinakamagandang mungkahi. M
4. Ang asul na sipilyo ay kanya. I
5. Akin ang maong na may punit sa tuhod. I
6. Inyo nga ang mga kwadernong nasa kahon. M
7. Iyo pala ang naiwang kalat I
8. Ang limang pisong sukli ng tinder ay iyo. I
9. Ang kotseng nakaparada ay akin. I
10. Ang pananiman na may malinis na paligid ay kanila M

PANAUHAN NG PANGHALIP- Bilugan ang panghalip sa pangungusap at isulat ang 1 kung ang panauhan
ay una, 2 kung ikalawa ang 3 kung ikatlo.

1. Gumawa tayo nang mabuti para sa ating magulang.


2. Mag-aral ka nang mabuti at tiyak na matutuwa ang iyong mga magulang.
3. Ikaw at si Tony ang inatasang magplano ng proyektong ito.
4. Ako ang magiging guro ninyo ngayon dahil lumiban si Gng. Reyes.
5. Siya ang hinirang na maging pangulo ng samahan nila.
6. Kayo ang dapat magsabi ng katotohanan.
7. Kaming magkakapatid ay tumutulong din para hindi siya masyandong mahirapan.
8. Ang kaibigan ko ay mahusay magpinta.

PANGHALIP NA PANAO (refer to FL3 G2)

PANGHALIP NA PANTURO/ PAMATLIG (isulat ang tamang panghalip dito, diyan, doon, rito, riyan, roon)

1. Nakita mo baa ng itim na sasakyan sa labas? ______ ang bagong sasakyan ng tito mo.
2. Paborito ko ang damit na suot ko. ______ ang bigay sa akin ng aking pinsan.
3. _______ pantalon na nakasampay sa labas ay bigay ng aking lola.
4. Para sa iyo ang aklat na nasa tabi mo. ______ ay binili ko para sa iyo.
5. ___________________bang dyaryong hawak mo ay bago?
6. Ang ganda ng tanawin ________________ sa Cebu.
7. _____________ mo ilagay sa tabi ko ang aking laptop.
8. Banda ___________sa gilid ko itapat ang electric fan.
9. Nakita mo baa ng isla na hugis puso? ___________ tayo pupunta.
10. Pupunta kami ________ sa bahay ninyo ngayon.
11. Sira ang daan ___________ sa kabilang baryo.
12. Nakaupo _____________ ang bata malapit sa akin
13. ________________ pala sa kabilang lungsod nakatira ang matalik kong kaibigan
14. Halika ____________ sa tabi ko. Wika ng nanay sa anak.
15. Nakapunta na ako sa palaruan. Masarap tumakbo ____________.

You might also like