You are on page 1of 2

Paksa: Bahagi ng Pangungusap (simuno-panaguri)

A. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Kilalanin ang mga


nakasalungguhit na grupo ng mga salita. Isulat sa patlang ang Simuno o
Panaguri.

_________1. Nagbigay ng talumpati ang pangulo sa harap ng Kongreso noong


ika-22 ng Hulyo.
_________2. Ang hangarin ni Pang. Benigno Aquino III ay ang malawakang
transpormasyon ng ating lipunan.
_________3. Dadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang mayroon na o
magkakaroon na ng disenteng tahanan.
_________4. Ang pera para sa edukasyon, kalusugan, at serbisyong panlipunan
ay napalago dahil sa tama at mas masugid na pagkolekta ng buwis.
_________5. Ang mga Pilipino na handang makiambag ay siyang ugat ng
pagbabagong tinatamasa natin ngayon.
_________6. Malawakang pagkakataon ang susi sa malawakan at
pangmatagalang kaunlaran.
_________7. Ang malawakang kaunlaran ay ang prinsipyong bukal ng bawat
inisyatiba, kilos, at desisyon ng pamahalaan.
_________8. Umabot sa halos apat na milyon kabahayan ang mga benepisyaryo
ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
_________9. Ang kakulangan sa libro at upuan sa mga pampublikong paaralan ay
nabura na.
_________10. Nag-angkat ang ating bansa ng mahigit dalawang milyong metriko
tonelada ng bigas noong 2010.
B. Panuto: Magbigay ng limang halimbawa pangungusap. Bilugan ang buong
simuno at salungguhitan ang buong panaguri.

1.

2.

3.

4.

5.

You might also like