You are on page 1of 2

Pangalan :___________________Petsa :__________________Marka:_________________

I Pagkilala sa Simuno o Paksa ng Pangungusap



Panuto: Ang mga pangungusap sa ibaba ay mula o hango sa 2013 State of the Nation Address
(SONA) ni Pangulong Benigno S. Aquino III. Salungguhitan ang buong simuno o paksa
(completesubject) at isulat sa patlang ang payak na simuno o paksa (simple subject) ng bawat
pangungusap.

_____________1. Nagbigay ng talumpati ang pangulo sa harap ng Kongreso noong ika-22 ng Hulyo.

_____________2. Ang hangarin ni Pang. Benigno Aquino III ay ang malawakang transpormasyon ng
ating lipunan.

_____________3. Dadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang mayroon na o magkakaroon na ng
disenteng tahanan.

_____________4. Ang pera para sa edukasyon, kalusugan, at serbisyong panlipunan ay napalago dahil
sa tama at mas masugid na pagkolekta ng buwis.

_____________5. Ang mga Pilipino na handang makiambag ay siyang ugat ng pagbabagong tinatamasa
natin ngayon.

_____________6. Malawakang pagkakataon ang susi sa malawakan at pangmatagalang kaunlaran.

_____________7. Ang malawakang kaunlaran ay ang prinsipyong bukal ng bawat
inisyatiba, kilos, at desisyon ng pamahalaan.

_____________8. Umabot sa halos apat na milyon kabahayan ang mga benepisyaryo ng Pantawid
Pamilyang Pilipino Program.

_____________9. Ang kakulangan sa libro at upuan sa mga pampublikong paaralan ay nabura na.

_____________10. Nag-angkat ang ating bansa ng mahigit dalawang milyong metriko tonelada ng
bigas noong 2010.

II PANUTO: Isulat ang uri ng pangungusap at ilagay ang tamang bantas nito.

___________________ 1. Alin kaya dito sa mga damit ang manggugustuhan ni Lucy ___
___________________ 2. Bumili ako ng saging sa tindahan ni Aling Maria___
___________________ 3. Dalhin mo ito bukas sa simbahan___
___________________ 4. Nasusunog ang bahay namin___
___________________ 5. Magkano ang isang kilong bigas___
___________________ 6. Bilangin mo kung ilan nagawa kong kendi___
___________________ 7. Maari mo bang sabihin sa akin ang pangalan ng iyong mga magulang___
___________________ 8. Ako ay nasa ika-apat na baiting___
___________________ 9. Naku___ Nakalimutan ko ang ID ko___
___________________ 10. Magdala kayo ng mga walis at basahan bukas___

III PANUTO: Tukuyin ang ayos ng pangungusap. Isulat ang K kung karaniwan ang ayos ng
pangungusap. Isulat ang DK kung ito ay di-karaniwan.
_______ 1. Si Diego Silang ay isinilang noong Disyemre 16, 1730.
_______ 2. Maagang naulila si Diego Silang.
_______ 3. Inampon siya ng mga pari.
_______ 4. Siya ay namuhay din sa piling ng mga katutubo bilang alipin.
_______ 5. Tinubos ng isang pari si Diego Silang mula sa mga katutubo.
_______ 6. Ang asawa ni Diego Silang ay si Gabriela Cario.
_______ 7. Sa pangalang Gabriela Silang kilala si Gabriela Cario.
_______ 8. Ang layunin ni Diego Silang ay patalsikin ang mga Espanyol.
_______ 9. Si Diego Silang ay pinaslang ng isa niyang kakilala.
_______ 10. Ipinagpatuloy ng kanyang aswa ang pakikibaka at apg-aalsa.

You might also like