You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

Summative Test No. 2


Quarter 2 S.Y. 2023-2024

Name: ______________________________________________________________ Score: ____________


Grade & Section: _________________________ Date: ___________ Parent’s Signature: ____________

I. Panuto: Iguhit ang masayang mukha 😊 kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagiging bukas palad sa mga

nangangailangan at iguhit ang malungkot na mukha ☹ kung hindi.

__________1.Nagbigay ng tulong ang ang isang barangay kagawad sa mga pamilyang nasunugan habang
kinukuhanan ito ng video na gagamitin niya sa darating na eleksiyon.
__________2. Patuloy ang pagtulong ni Lita sa lahat ng mga nawalan ng trabaho sa kanilang lugar sa
pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods.
__________3.Si Alice ay isang magsasaka na nagbabahagi ng kaniyang mga napitas na gulay sa kaniyang mga
kapitbahay.
__________4. Ibinahagi ni Ana ang kaniyang natanggap na gantimpala sa isang patimpalak sa mga nasalanta
ng bagyong Rolanda.
__________5.Pinamigay ni Alex ang mga laruan niyang luma at magagamit pa sa mga batang lansangan.

II. Panuto: Tukuyin ang mga pahayag sa bawat bilang kung ito ba ay nagpapakita ng pagmamalasakit o
paggalang sa kapwa. Isulat ang PM kung ito ay nagpapakita ng pagmamalasakit at PG kung ito ay nagpapakita
ng paggalang.

____________6. Madalas tulungan ni Sebastian sa pagtawid sa kalye ang sinumang matandang nakakasabay
niya sa pagtawid.
____________7. Pinakikinggan ni Maria ang opinion ng kanyang kasama.
____________8. Tinuruan ni Helen ang kanyang katabi na nahihirapan sa araling tinatalakay.
____________9. Hindi namimili ng aasikasuhing pasyente ang bagong nars sa klinika sa bayan.
____________10. Pinakikinggan nang mabuti ni Tasyo ang dayuhang nagpapahayag ng kanyang saloobin.

III. Panuto: Basahin ang sitwasyon at sabihin kung anong damdamin mayroon sa sumusunod na uri ng
pagbibigay.
A. Napipilitan lamang magbigay.
B. Nagbigay nang bukal sa kalooban.
C. Nakikigaya sa ibang nagbibigay.
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan.
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.

______11.
May dumating na donasyon galing sa bansang Japan para sa mga biktima ng lindol. Ang nais ng mga Hapones
ay sila ang mag-aabot sa mga biktima sapagkat may listahan sila ng bilang at pangalan ng mga bibigyan.
______12. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot, damit, at higaan para sa mga biktima.
Nagpunta sila sa evacuation center upang makausap ang mga inilikas na biktima. Nararamdaman nila ang
pagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa sila ng susunod na pagdalaw sa mga ito.
______13. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang nagdadala ng relief goods sa covered court ng
barangay. May inilikas na mga nasunugan at walang nailigtas na gamit ang mga ito. Inutusan niya ang kaniyang
kasambahay na ilabas ang mga damit na hindi na nasusuot at ang mga de-latang malapit nang masira.
______14. Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya ni Mang Oca sa mga biktima ng bagyo. Nalaman ito
ng kanilang kapitbahay kaya nagpadala rin sila ng dalawang sakong bigas at mga damit.
______15. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan ng isang samahang
nagkakawanggawa sa mga mahihirap subalit may kasipagan at kakayahang mag-aral. Ipinadadala sa iyong
paaralan ng samahang ito ang mga kailangan ninyo sa pag-aaral.

III. Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang kaisipang nais iparating ng aralin.
Piliin ang sagot na nakasulat sa ibaba.

talento bukas-palad kapalit kapuwa


pisikal na pagtulong kayamanan kalooban maibibigay
bukas-palad maitutulong pangangailangan

A. Bilang isang indibidwal, ating tandaan na lahat tayo ay may (16)______________. Walang
tao ang nagtataglay ng lahat ng kailangan niya sa buhay. Ang pagiging mahirap ay hindi nangangahulugang
wala ka ng (17)______________ o (18)_______________ sa ibang tao at mga kaibigan. Ang pagiging
(19)_____________ ay pagbibigay ng kung ano ang mayroon ka nang bukal sa (20) ______________.

B. Ako, bilang isang mag-aaral ay magiging (21) _____________ sa pagtulong sa mga taong higit na
nangangailangan. Bagama’t salat ako sa (22) _______________ ay makapagbibigay parin ako ng munting
regalo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kung ano ang mayroon ako at (23) ____________ sa aking (24)
_______________. Ibabahagi ko sa iba ang (25) na mayroon ako ng walang hinihinaty na (25)
________________.

You might also like