You are on page 1of 2

ESP 4TH QUARTER

WEEK 1-4
NAME:_________________________________________SECTION:_________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kung wasto ang ipinahahayag na kaisipan ng
pangungusap at Mali kung hindi wasto. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_____1. Ang pag-ibig at pagdamay sa kapwa ay walang pinipiling lugar at panahon.
_____2. Nagbibigay ng kagalakan sa puso ang paggawa nang mabuti sa kapwa.
_____3. Dapat piliin lamang ang mga taong bibigyan ng tulong.
_____4. Maipakikita ang pakikipag-kapwa at paglilingkod sa Diyos sa pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa.
_____5. Maghintay ng kapalit sa mga tulong na ibinibigay sa kapwa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


Basahin at unawain ang sitwasyon. Sagutin ang tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Doktor si Elmo sa isang pampublikong ospital. Napag-alaman niya na may babaeng may malubhang karamdaman na
naghihintay ng doktor sa isang barangay malapit sa kanya. Mararating lamang ang barangay na ito sa pamamagitan ng
isang bangkang de-motor kaya walang makarating agad na manggagamot. Kung ikaw, si Dr. Elmo ano ang iyong dapat
gawin? ______________________________
2. Matagal nang ipinagbabawal sa barangay ang mga video game machines. Ito ang isa sa nagiging dahilan ng pagliban sa
klase ng mga mag-aaral. Napag-alaman ni Bb. Riso, isang guro sa elementarya, na mayroong nagbukas na bagong
computer shop na pumapayag na maglaro ang mga mag-aaral sa araw na may pasok. Kung ikaw si Bb. Riso, ano ang
iyong gagawin? __________________________________
3. Nakakuha si Rhea ng first aid training sa pamamagitan ng isang proyektong inilunsad ng Philippine Red Cross. Isang
araw, habang nakatanaw sa may bintana, nakita niya ang isang batang hinimatay. Ano ang dapat niyang gawin?
________________________________________________________________________________
4. Papauwi na si Blessy nang humingi ng tulong sa kaniya si Aling Annie. Kailangan ni Aling Annie ng magbabantay sa
kanyang sanggol para makabili siya ng gatas sa tindahan. Ano ang maaaring gawin ni Blessy?
____________________________________________________________________________________________
5. Nananalo si Rico sa lahat ng paligsahan sa pagpinta na sinalihan niya sa loob ng dalawang taon. Isang araw,
nabalitaan niya ang proyekto ng kapitan ng barangay na pagpipintura ng mga dingding ng paaralan. Ipinaliwanag naman
niya na susunod sa health and safety protocols ang lahat ng sasaling volunteers. Ano ang dapat gawin ni Rico?
____________________________________________________________

Gawain Sa Pagkatuto Bilang 3:


Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung ang mga pahayag ay nagpapakita ng pagtulong o pagkalinga sa kapwa at ekis (×)
kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_____ 1. Magpahiram ng gamit sa taong nangangailangan ngunit walang pambili
_____2. Hindi pagsasabi nang totoo sa magulang kapag may nagawang pagkakamali
_____3. Pag-aabot ng konting tulong sa mga pulubing nakikita sa lansangan
_____4. Pagbibigay ng pagkain sa kapit-bahay na nawalan ng trabaho
_____5. Pagtulong sa kaklaseng nahihirapan sa aralin

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


Iguhit ang puso () kung tama ang gawain at bilog () kung hindi tama.
_____ 1. Nakikipag-ugnayan tayo sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal.
_____ 2. Humihingi tayo sa Diyos na pagkalooban tayo ng maraming biyaya.
_____ 3. Ang sama-samang pagdadasal ay mabisang paraan ng pagtawag sa Diyos.
_____ 4. Tatahimik ako sa sambahan habang may nagdadasal lalo’t di ko alam sundan ang kanilang dasal.
_____ 5. Nagpapasalamat tayo sa lahat ng Kanyang kabutihan at biyayang ipinagkakaloob.
_____ 6. Dumudulog tayo sa Kanya upang tulungan tayo sa ating mga pangangailangan.
_____ 7. Hindi na ako sasama sa pagdadasal kapag madami na ang nagdadasal.
_____ 8. Hindi natin isinasaalang-alang ang ating kapwa sa mga ginagawa natin.
_____ 9. Iba ang relihiyon ko kaya hindi ko kailangang makiisa sa nagdarasal.
_____ 10. Hindi pagsunod sa kautusan ng Diyos.

ESP 4TH QUARTER


WEEK 1-4
NAME:_________________________________________SECTION:_________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:


Isulat ang TOTOO kung ang pahayag ay tama at HINDI TOTOO kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_________ 1. Ang mga taong naglilingkod nang taos-puso ay laging nakararanas ng ibayong kagalakan.
_________ 2. Ang kusang loob na paglilingkod ay gawain na iniaalay sa kapwa lalo na sa nangangailangan.
_________ 3. Tayong lahat ay nilikha upang maglingkod sa iba, lalo’t higit kung tayo ay babayaran.
_________ 4. Kahit pa sino, anuman ang edad, ay magagawang maglingkod sa iba.
_________ 5. Nakadarama tayo ng pagtatagumpay dulot ng paglilingkod sa ating kapwa

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at MALI
kung di wasto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_____ 1. Ang Diyos ang ating patnubay at liwanag sa ating mga ginagawa sa araw-araw.
_____ 2. Ang dasal ay napakahalaga sa ating buhay.
_____ 3. Hindi maiiwasan ang mga tukso sa pamamagitan ng pagdarasal.
_____ 4. Nagdarasal tayo sa Diyos tuwing tayo ay may mga problema lamang.
_____ 5. Ang pakikiisa sa sama-samang pagdarasal ay pagpapakita ng malasakit sa kapwa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad at MALI kung hindi wasto.
1. ______ Pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo
2. ______ Iwanan ang kapatid na may sakit upang makipaglaro sa mga kaibigan.
3. ______ Sasalubungin at ipagdadala ang gurong madaming dalang gamit.
4. ______ Hindi makikipaglaro sa kaklaseng may kapansanan.
5. ______ Tutulungan ang sinumang nahingi ng tulong.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng tsek (✓) kung ang ipinakikita ay ang
pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at ekis (X) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Ako ay maglilingkod at hindi maghihintay ng kapalit sa lahat ng aking ginawa.


_____ 2. Sasali lamang ako sa mga outreach program kung ang talaan sa pagpasok o attendance ay itsetsek ng guro.
_____3. Isasaisip ko ang kapakanan ng mga tao ngayong panahon ng pandemya at kung paano ako makakatulong sa
kanila.
_____4. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na magbigay ng mga laruan at damit sa mga biktima ng kalamidad.
____ 5. Higit kong paglalaanan ang tungkol sa ikasisikat ko sa paaralan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 9: Iguhit ang puso () kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagkalinga at pagsasaalang-
alang sa kapwa at bituin (★) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_____ 1. Paglalaan ng oras upang makiisa sa panalangin para sa mga naapektuhan ng pandemya.
_____ 2. Pagwawalang bahala sa taong nahingi ng tulong.
_____ 3. Tutulong lamang sa kapwa kung may kaukulang bayad.
_____ 4. Pag-aalaga sa maysakit na miyembro ng pamilya.
_____ 5. Pagtulong sa matandang tatawid ng kalsada kahit walang nakakakita.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 10: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang MABUTI kung ito ay
nagpapakita ng pagtulong sa kapwa at MASAMA kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
__________1. Binibigyan ko ng sagot sa aming mga gawain sa modyul ang aking kaklase.
__________2. Ginagaya ni Rosa si Marie sa pagbibigay sa mga pulubi kahit di naman ito bukal sa kalooban niya.
__________3. Tumutulong lamang si Mark sa kapwa kapag alam niya na may ibibigay itong kapalit.
__________4. Ang pagbabahagi ng pagkain sa mga batang lansangan ay dapat na tularan ni Mary.
__________5. Ang pagbibigay ng oras sa isang taong nangangailan ng kausap ay paraan din ng pagtulong at pagkalinga.

You might also like