You are on page 1of 20

ESP 5

PAGMAMAHAL SA
KAPWA
QUARTER 4 – WEEK 1
ALAMIN

Ang tao ay nabubuhay hindi para sa


kanyang sarili lamang. Nabubuhay tayo para
maglingkod sa Diyos at sa ating kapwa. Ang
tunay na pagmamahal sa kapwa ay
naipakikita sa pamamagitan ng pagkalinga at
pagtulong ng bukal sa kalooban. Ang
mabuting pakikipag ugnayan sa kapwa ay
isang gawaing ipinagmamalaki ng mga
Pilipino.
Kailangan nating magtulungan at kalingain
ang bawat isa upang mamuhay tayo ng masaya
sa mundong ating ginagalawan. Katulad ng
pakikipag usap natin sa ating mga magulang
araw- araw, nasisiyahan tayong sabihin sa
kanila lahat ng nangyayari sa atin sa bawat
sandali ng ating buhay. Ganito din ang ginagawa
natin kapag tayo ay nagdarasal sa Diyos.
Nagpapasalamat tayo sa Kanya sa lahat ng
biyayang ibinibigay Niya sa atin.
Sa araling ito, iyong malalaman ang mga paraan
kung paano maipakikita ang tunay na
pagmamahal sa kapwa.
SURII
N Suriing mabuti ang mga larawan.

Ano ano ang ipinakikita sa mga larawang ito?


Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa iyong
kapwa?
Bilang mga responsableng mamamayan, tayo ay
may pananagutan sa ating kapwa. Kaugnay nito,
inilalaan natin ang ating sarili sa ating kapwa upang
magbigay nang lakas sa bawat isa sa pagharap sa
bawat hamon ng buhay.
SUBUKI
N
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawaing
mabuti ang mga pangungusap. Sabihin ang Tama
kung wasto ang ipinahahayag na kaisipan ng
pangungusap at Mali kung hindi wasto.

Tama
_____1. Ang pag-ibig at pagdamay sa kapwa ay
walang pinipiling lugar at panahon.
Tama
_____2. Nagbibigay ng kagalakan sa puso ang
paggawa nang mabuti sa kapwa.
Mali
_____3. Dapat piliin lamang ang mga taong bibigyan
ng tulong.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at
unawaing mabuti ang mga pangungusap. Sabihin
ang Tama kung wasto ang ipinahahayag na
kaisipan ng pangungusap at Mali kung hindi
wasto.
Tama
_____4. Maipakikita ang pakikipag-kapwa at
paglilingkod sa Diyos sa pagsasaalang-alang sa
Mali
kapakanan ng kapwa.
_____5. Maghintay ng kapalit sa mga tulong na
ibinibigay sa kapwa.
TUKLAS
Gawain
IN sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawain
ang sitwasyon. Sagutin ang tanong.

1. Doktor si Elmo sa isang pampublikong ospital.


Napag-alaman niya na may babaeng may
malubhang karamdaman na naghihintay ng
doktor sa isang barangay malapit sa kanya.
Mararating lamang ang barangay na ito sa
pamamagitan ng isang bangkang de-motor kaya
walang makarating agad na manggagamot.
Kung ikaw, si Dr. Elmo ano ang iyong dapat
gawin?
2. Matagal nang ipinagbabawal sa
barangay ang mga video game machines.
Ito ang isa sa nagiging dahilan ng
pagliban sa klase ng mga mag-aaral.
Napag-alaman ni Bb. Riso, isang guro sa
elementarya, na mayroong nagbukas na
bagong computer shop na pumapayag na
maglaro ang mga mag-aaral sa araw na
may pasok. Kung ikaw si Bb. Riso, ano
ang iyong gagawin?
3. Nakakuha si Rhea ng first aid
training sa pamamagitan ng
isang proyektong inilunsad ng
Philippine Red Cross. Isang
araw, habang nakatanaw sa
may bintana, nakita niya ang
isang batang hinimatay. Ano
ang dapat niyang gawin?
4. Papauwi na si Blessy nang
humingi ng tulong sa kaniya si
Aling Annie. Kailangan ni Aling
Annie ng magbabantay sa
kanyang sanggol para makabili
siya ng gatas sa tindahan. Ano
ang maaaring gawin ni Blessy?
5. Nananalo si Rico sa lahat ng
paligsahan sa pagpinta na sinalihan
niya sa loob ng dalawang taon. Isang
araw, nabalitaan niya ang proyekto ng
kapitan ng barangay na pagpipintura
ng mga dingding ng paaralan.
Ipinaliwanag naman niya na susunod
sa health and safety protocols ang
lahat ng sasaling volunteers. Ano ang
dapat gawin ni Rico?
PAGYAMANIN
Gawain Sa Pagkatuto Bilang 3: Sabihin
ang tsek (✓) kung ang mga pahayag ay
nagpapakita ng pagtulong o pagkalinga sa
kapwa at ekis (x) kung hindi.


_____ 1. Magpahiram ng gamit sa taong
nangangailangan ngunit walang pambili.
X Hindi pagsasabi nang totoo sa
_____2.
magulang kapag may nagawang
pagkakamali.
✓ Pag-aabot ng konting tulong
_____3.
sa mga pulubing nakikita sa
lansangan.

✓ Pagbibigay ng pagkain sa
_____4.
kapit-bahay na nawalan ng trabaho.


_____5. Pagtulong sa kaklaseng
nahihirapan sa aralin.
“No man is an island.”
Isang kilalang kasabihan na karaniwan
nating naririnig. Nasasalamin dito na
kailangan natin ang ating kapwa
upang tayo ay mabuhay. Dapat nating
isaalang-alang ang mga
pangangailangan ng ating kapwa tulad
ng pagkalinga natin sa ating sarili.
Maraming paraan ang maari
nating gawin upang maipadama
natin ang ating pagmamahal at
maipakita ang pagkalinga natin sa
ating kapwa. Sa panahon ng mga
kalamidad at hindi inaasahang
pangyayari maari tayong magpaabot
ng tulong na kaya nating ibigay tulad
ng pinansyal, ispiritwal at moral na
Sa mga ganitong pagkakataon,
higit na kailangan ng ating kapwa
ang ating bukas-palad na pagtulong
sa kanila upang mabigyan sila ng
lakas at pag-asa upang ipagpatuloy
ang buhay.
Mahalaga na mabigyan natin ng
pag-asa ang mga taong may
pinagdadaanan sa buhay sa
pamamagitan ng pagdarasal. Ang
pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng
mga biyayang natatanggap ay isang
magandang pag-uugali na
nagpapatunay na tayong mga tao ay
may mataas na pagpapahalaga sa
Dakilang Lumikha.
Salamat sa
pakikinig!

You might also like