You are on page 1of 147

KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 1
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at
loobin kung ano ang dapaat at di-dapat

Kompetensi EsP5PKP-Ia-27
Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan
ng pagsususri sa mga: 1.1 balitang napakinggan
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang
Apektiv Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan
ng pagsususri sa balitang napakinggan
Saykomotor Nakabubuo ng isang balita na naririnig nila mula sa
kanilang lugar
Kaalaman Natutukoy ang katotohanan ng isang balitang
napakinggan sa pamamagitan ng paggamit ng
mapanuring pag-iisip
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Mapanuring Pag-iisip (Balita)
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
p.3-5
CG p.67,TG p.1-2
https://news.abs-cbn.com/news/12/09/17/bata-nabiktima-ng-dugo-dugo-
gang

C.Kagamitang Lumang magasin, tsart, Batayang Aklat


Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Naranasan na ba ninyong makatanggap ng
Pangmotibeysyunal na Tanong masamang balita tungkol sa inyong pamilya?

1
2. Paano ninyo hinarap ang masamang balitang
ito?
Aktiviti/Gawain Ipasagot ang tanong na “Dapat ba ninyong
paniwalaan ang mga naririnig ninyong balita?
Pagsusuri/Analysis 1. Totoo baa ng lahat ng balita?
2. Ano-ano kaya ang mga dahilan kung bakit may
ilang mga balita na hindi dapat ninyo paniwalaan?
3. Paano ninyo malalaman na totoo o hindi ang
isang balita?
B. Paglalahad Basahin ang balita.
Abstraksyon (Pamamaraan ng Bata nabiktima ng 'Dugo-dugo' gang
(https://news.abs-cbn.com/news/12/09/17/bata-nabiktima-ng-dugo-dugo-gang)
Pagtalakay)
MANILA - Halos kalahating milyong pisong cash at alahas ang

natangay ng hinihinalang miyembro ng Dugo-dugo


gang mula sa isang bata na residente ng Quezon City
nang lokohin itong naospital ang ina at kailangan ng
pera.
Ayon sa blotter ng pulisya, tinawagan ng 'di pa
kilalang tao ang 15-anyos na anak ng isang ginang sa
Doña Carmen Subdivision sa Barangay
Commonwealth.
Sinabihan ang anak na naaksidente ang nanay nito at
kailangan ng malaking halaga ng pera para sa ospital.
Inutusan ang bata na kumuha ng pera at alahas at
nagkita sila sa isang mall sa Sucat, Parañaque. Huli na
nang malaman ng bata na hindi naaksidente ang ina.
Naibigay niya ang P100,000 cash, alahas na aabot sa
P60,000 ang halaga at tatlong relo na nagkakahalaga
ng P300,000.
Ayon sa pulis, matagal na ang ganitong modus pero
marami pa rin ang nabibiktima.
Payo nila, huwag i-post lahat ng personal na
impormasyon sa social media dahil dito nalalaman ng
mga suspek ang mga detalye tungkol sa kanilang
target.
Sagutin ang mga tanong.
1. Anong klaseng gang ang bumiktima sa bata?
2. Ano ang sinabi ng Dugo-dugo gang sa bata?
3. Bakit sila nabiktima?
4. Kung ikaw ang bata sa balita, ano ang iyong
gagawin gamit ang iyong mapanuring pag-iisip?
Ang mapanuring pag-iisip ay kakayahang magsuri ng
mga idea at lumutas ng mga suliranin.

2
C. Pagsasanay Suriing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon.
(Mga Paglilinang na Lagyan ng tsek kung nagpapakita ng mabuting
Gawain) pagsusuri at ekis naman kung hindi.
_____1. Nagsasaliksik tungkol sa dahilan ng pagguho
ng lupa na nangyayari sa bansang Pilipinas.
_____2. Nakagagawa ng magandang proyekto sa EPP
dahil sa nabasa niyang halimbawa sa internet.
_____3. Tumulong kay nanay sa mga gawaing bahay.
_____4. Bumili siya agad ng gamot dahil nakagagaling
daw ito sabi ng kanyang kapitbahay.
_____5. Nanghiram siya ng diyaryo sa kapitbahay
dahil babasahin niya ang isyu na kinasasangkutan ng
kanyang kaibigan.
D. Paglalapat
(Aplikasyon) Panuto: Pangkatin sa tatlo ang buong klase. Bawat
pangkat ay bibigyan ng tig-iisang sitwasyon. Mula sa
mga sitwasyon, maglahad ng mga nararapat ninyong
gawin upang masolusyunan ito. Isaisip ang paggamit
ng mapanuring pag-iisip sa bawat gawain.
1. May nagtext sa iyo na nanalo ka daw sa isang
pakontes at kailangan mo na magpadala ng pera sa
kanya upang mapadala na niya ang iyong
napanalunan.
2. Tumawag ang lola mo dahil nagkasakit daw
ang iyong lolo.
3. May pumunta sa inyo na hindi mo kakilala.
Sinabi niya na inutusan daw siya ng iyong nanay na
kunin ang pera sa kwarto at ipadala sa kanya.

E. Paglalahat Bakit kailangan nating suriin ang mga balita?


(Generalisasyon)
IV. PAGTATAYA Sumulat ng isang balita na narinig ninyo sa radyo.
Isulat ito sa inyong papel.
V. KARAGDAGANG GAWAIN Maglista ng 3 halimbawa ng patalastas na
napapanood ninyo sa TV.
VI. PAGNINILAY-NILAY

3
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 2
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at
pagganap ng anumang Gawain na may kinalaman sa sarili at
sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang
Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin
kung ano ang dapat at di-dapat

Kompetensi Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng


pagsusuri sa mga:
1.1 patalastas na nabasa /narinig
EsP5PKP-Ia-27
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Apektiv Nasisiyasat nang mabuti ang bawat sitwasyonng ibinigay
Saykomotor Nakabubuo ng pasya ayon sa sitwasyong ibinigay
Kaalaman Nakapaglalahad ng mga kahalagahan ng paggamit ng
mapanuring pag-iisip sa mga patalastas na nabasa/narinig
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Mapanuring Pag-iisip (patalastas)
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
p.5-6
CG EsP p.67, TG p.1-2
https://karinebashoyan.files.wordpress.com/2011/02/milk-carton-vector.jpg

http://images.all-free-
download.com/images/graphicthumb/cosmetic_container_01_vector_154813.j
pg

http://static8.depositphotos.com/1046573/996/i/950/depositphotos_9960215-
stock-photo-two-kids-reading-the-book.jpg

https://thumbs.dreamstime.com/z/happy-children-browsing-internet-
9797336.jpg

https://pixfeeds.com/images/25/553248/1200-59537382-children-playing-
chess.jpg

https://www.altitudeinc.com/wp-content/uploads/2016/07/boys-and-girl-
playing-in-the-garden-in-fair-weather-e1467399501736.jpg
C.Kagamitang Lumang magasin, Batayang Aklat, produkto(may laman o
Pampagtuturo wala),larawan,tsart

4
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda Nanonood ba kayo ng mga palabras sa telebisyon? Anu-ano
Pangmotibeysyunal na bang mga produkto ang nakikita ninyong iniindorso sa
Tanong telebisyon?
Aktiviti/Gawain Ipakita ang mga larawan.

https://karinebashoyan.files.wordpress.com/2011/02/milk-carton-vector.jpg

SHAMPOO
SHAMPOO SHAMPOO

http://images.all-free-download.com/images/graphicthumb/cosmetic_container_01_vector_154813.jpg

Pagsusuri/Analysis 1. Ano ang tawag natin sa bahagi ng telebisyon kung


saan nag-iindorso ng produkto?
2. Bakit kailangang magkaroon ng patalastas?
B. Paglalahad
Abstraksyon Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay isang
(Pamamaraan ng katangian na maaaring ipagmalaki ng isang tao. Sa dami kasi
Pagtalakay) ng nilalang ng Diyos, tayong mga tao ang may
pinakanatatanging kasanayang gumamit ng mapanuring
pag-iisip sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kabilang na
rito ang pagsusuri sa katotohanan at pagkilala sa kung aling
bagay ang nakabubuti o nakasasama sa atin.

Ang mapanuring pag-iisip ay naipakikita sa pagtatanong,


pagsusuring mabuti sa mga posibleng kasagutan, at
pamimili ng pinakamahusay na sagot bago gumawa ng kahit
ano. Kailangang makapaglaan ng sapat na panahon sa
pagtugon sa kinakaharap na suliranin o gawain gaano man
ito kaliit o kalaki.

5
Ang patalastas ay isang paraan ng pag-aanunsyo ng mga
produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba't ibang anyo ng
komunikasyong pangmasa o pangmadla.
1. Bakit gumagawa ng patalastas?
2. Ano kaya ang maaaring mangyari kapag hindi nag-
iisip bago magsasalita?
3. Bakit kailangan nating maging mapanuri sa lahat ng
bagay o panahon?
C. Pagsasanay Pangkatin ang mga bata sa apat. Pipiili ng isang patalastas
(Mga Paglilinang na na napanood o narinig ninyo mula sa telebisyon o radyo at
Gawain) gayahin ito.
Pangkat 1: shampoo
Pangkat 2: gatas
Pangkat 3: sabon panlaba
Pangkat 4: deodorant
Rubriks
Pamantayan 3 2 1
Seryoso at Lahat ng 1-2 kasapi 3-4 kasapi
disiplinadong ksapi ng ng pangkat ng pangkat
pagtatanghal pangkat ay ay hindi ay hindi
nagpapakita nagpapakita nagpapakita
ng ng ng
kahusayan kahusayan kahusayan
sa paggawa sa paggawa. sa paggawa.
Pagbibigay Naipakita Naipakita Hindi
buhay sa nang nang naipakita
mga tauhan maayos at maayos at ang tamang
sa patalastas may tiyak ngunit may saloobin sa
ang tamang pag- sitwasyon.
saloobin sa alinlangan
sitwasyon. ang tamang
saloobin sa
sitwasyon.
D. Paglalapat 1. Mula sa patalastas na inyong ipinakita kanina, ano
(Aplikasyon) ang kahagahan nito sa buhay ng tao? Ipaliwanag ang inyong
sagot gamit ang mapanuring pag-iisip.
E. Paglalahat Bakit mahalagang gamitin ang mapanuring pag-iisip sa mga
(Generalisasyon) patalastas na nabasa o narinig?
IV. PAGTATAYA Ano ang iyong magiging pasya sa mga sumusunod na
sitwasyon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
1. Binigyan ka ng iyong kaibigan ng isang gamot na
pampaputi na napanood niya sa TV. Ano ang gagawin mo?

6
2. May sakit ang iyong kapatid at kailangan daw na
operahan ngunit may binigay na gamot sa iyo ang pinsan
mo na nakagagaling daw. Ano ang magiging pasya mo?
3. May nagbebenta ng mga mumurahing chocolates.
Gustong-gusto mong bumili ngunit hindi mo maintindihan
ang nakasulat dito dahil ibang lenggwahe ang ginamit. Ano
pasya mo?
4. Lahat ng patalastas sa TV at radyo ay totoo.
V.KARAGDAGANG Maglista ng dalawang halimbawa ng mga programa na
GAWAIN napanood ninyo sa TV.
VI. PAGNINILAY-NILAY

7
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 3
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag
at pagganap ng anumang Gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang
Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at
loobin kung ano ang dapaat at di-dapat

Kompetensi Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng


pagsususri sa mga: 1.2 napanood na programang
pantelebisyon
EsP5PKP-Ia-27
I. LAYUNIN
Apektiv Napagtitimbang-timbang ang katotohanan sa mga
programang napapanood sa telebisyon

Saykomotor Naiisa-isa ang mga paraan kung paano masusuri ang


katotohanan sa mga napapanood sa telebisyon

Nakagagawa ng isang sanaysay


Kaalaman Natutukoy ang iba’t ibang halimbawa ng mga
programang napapanood sa telebisyon
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Mapanuring Pag-iisip (Programang Pantelebisyon)
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
p.7-11
EsP CG p.67, TG p.2-3
https://c8.alamy.com/comp/JRTR7G/group-of-children-browsing-internet-
outdoors-JRTR7G.jpg

http://s3.amazonaws.com/digitaltrends-uploads-prod/2016/10/Students-
reading-from-a-school-book-at-the-elementary-school.jpg

https://thumbs.dreamstime.com/z/group-smiling-school-kids-talking-corridor-
education-elementary-children-break-people-concept-47874577.jpg
C.Kagamitang Batayang Aklat , tsart, larawan
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN

8
A. Paghahanda 1. Narinig na ba ninyo ang pahayag na “Ang
Pangmotibeysyunal na programang ito ay hatid sa inyo ______?”
Tanong 2. Saan ito ninyo narinig?
3. Bakit kaya ito ipinaririnig o ipinalalabas sa
telebisyon?
Aktiviti/Gawain Hayaan ang mga mag-aaral na maglahad ng mga
halimbawa ng programang pantelebisyon na napanood
nila.
Pagsusuri/Analysis 1. Lahat ba ng inyong napanood sa telebisyon ay
makatotohanan?
2. Nakabuti ba sa lahat ang ipinapakita sa
telebisyon? Pangatwiran ang sagot.
B. Paglalahad 1. Pagbabalik aral tungkol sa mapanuring pag-iisip.
Abstraksyon (Pamamaraan A. Ano ang mapanuring pag-iisip?
ng Pagtalakay) B. Bakit mahalagang gamitin ang mapanuring pag-
iisip sa lahat ng bagay at pagkakataon?
2. Ang mapanuring pag-iisip ay hindi lamangg sa
mga magagamit sa mga balitang narinig at sa patalastas
na nabasa o narinig. Magagamit din ito sa pagsusuri sa
mga programang pantelebisyon na napanood ninyo sa
araw-araw.
(Magdagdag ng kaunting input tungkol sa programang
pantelebisyon)
1. Sa tingin ninyo, totoo ba lahat ang ipinakita nila?
Ipaliwanag ang inyong sagot.
2. Nangyayari ba talaga sa totoong buhay ang mga
pinapalabas sa mga telesrye?
3. Paano nakatutulong ang mapanuring pag-iisip sa
pagsusuri sa mga programang pantelebisyon sa
napanood ninyo araw-araw?
C. Pagsasanay Anu-ano ba ang mga paraan upang masuri mong mabuti
(Mga Paglilinang na ang katotohanan sa iyong napapanood sa telebisyon?
Gawain) Maglista ng 4.
1. _________
2. _________
3. _________
4. _________

D. Paglalapat Pangkatin ang klase sa tatlo at ipasadula ang mga


(Aplikasyon) diyalogo. Bibigyan sila ng 5 minuto para maghanda.
Pangkat 1:

9
Hindi iyan
mabuti para sa
Wiling-wili akong iyong
maglaro sa kompyuter kalusugan,
at magsurf sa internet Rico. Masama
nang matagal, Ruth, ang epekto sa
Peter. Hindi ko katawan ng
napansin ang paglipas matagal na
ng oras paggamit ng
kompyuter.

Tama! Dapat inisip mo na


gamitin lamang ang iyong
oras sa paghahanap ng
impormasyon na
magagamit mo sa iyong
pag-aaral.
https://c8.alamy.com/comp/JRTR7G/group-of-children-browsing-internet-outdoors-
JRTR7G.jpg

10
Pangkat 2:

Nabasa mo na Wala akong nabasa


ba, Susan, ang tungkol diyan, Grace.
tungkol sa Komiks lang kasi ang
Aedes Aegypti? hilig kong basahin.
Ano ba iyon?

Talaga? Hindi ba
Lamok iyon. Alam mabagsik ang
mo bang sakit na dengue
nagdadala ng kapag hindi
dengue ang kagat nagamot kaagad?
ng lamok na iyon.
http://s3.amazonaws.com/digitaltrends-uploads-prod/2016/10/Students-reading-from-a-
school-book-at-the-elementary-school.jpg

11
Pangkat 3:
Naghahanda kasi
ang pangkat namin
Bakit ka ba laging para sa aming
nagpupunta sa Investigatory Project
silid-aklatan, Cris? sa Science. Sa isang
buwan na ang
takdang panahon ng
pagpasa.

Sa amin naman,
nagboluntaryo ang mga
kapangkat ko na sila na ang
gagawa. Ako na lang ang
magbabayad ng lahat ng
gastos na kakailanganin ng
pangkat.

Hindi maganda iyon, Jerome. Hindi mo


masasagot ang mga tanong ng mga
hurado.

12
1. Ipasagot ang mga tanong pagkatapos magsadula
(Pasalita).
2. Pagproseso sa pagsasadulang itinanghal.
Pangkat 1:
1. Ano ang pinagkakaabalahan ni Rico bago pa
dumating sina Ruth at Peter?
2. Tama ba ang payo ni Peter? Ipaliwanag.
Pangkat 2:
1. Tungkol saan ang usapan nina Susan at Grace?
2. Sa anong bagay lamang si Grace kay Susan?
3. Ano kaya ang maaaring gawin ni Susan upang
mabago ito? Ipaliwanag.
Pangkat 3:
1. Bakit madalas sa silid-aklatan si Cris?
2. Sang-ayon ka ba sa papel na gagampanan ni
Jerome? Bakit?

E. Paglalahat Paano mo ba masusuri ang katotohanan sa iyong


(Generalisasyon) napapanood sa telebisyon?
IV. PAGTATAYA Pumili ng isang programang pantelebisyon at ipaliwanag
ang kahalagahan nito sa buhay ng tao gamit ang
mapanuring pag-iisip
V. KARAGDAGANG GAWAIN Sagutin.
Ano ba ang ibig sabihin ng mapanuring pag-iisip?
VI. PAGNINILAY-NILAY

13
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 4
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at
loobin kung ano ang dapat at di-dapat

Kompetensi Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan


ng pagsusuri sa mga nabasa sa internet.
1.4. nabasa sa internet
EsP5PKP-Ia-27
I. LAYUNIN
Apektiv Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan
ng pagsusuri sa mga nabasa sa internet.
Saykomotor Nakabubuo ng pasiya upang matugunan ang mga
sitwasyong ibinigay
Kaalaman Naiisa-isa ang mga dahilan kung bakit kailangang
gumamit ng mapanuring pag-iisip sa mga nabasa sa
internet bago magdesisyon
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang
B. Sanggunian Mapanuring Pag-iisip (Nabasa sa Internet)
C. Kagamitang
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 pages
Pampagtuturo
2-11
CG EsP p. 67, TG p. 1-2, aklat, larawan

https://www.google.com.ph/search?q=picture+of+fake+news+alert&rlz=1C1FERN_enPH659PH660&source=l
nms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjmus_b28jeAhXVdHAKHb0sDysQ_AUIDigB&biw=1242&bih=569#imgrc
=vUF6FW4vozoLQM:

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2017/06/08/1707988/pagkilatis-ng-fake-news-posible-na

III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Narinig na ba ninyo ang salitang “Fake News?”
Pangmotibeysyunal 2. Ano ba ang ibig sabihin nito?
na Tanong 3. Bakit tinatawag nila itong fake news?

14
Aktiviti/Gawain Ipakita ang isang larawan.

https://www.google.com.ph/search?q=picture+of+fake+news+alert&rlz=1C1FERN_enPH659PH660&source=ln
ms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjmus_b28jeAhXVdHAKHb0sDysQ_AUIDigB&biw=1242&bih=569#imgrc=
vUF6FW4vozoLQM:

Pagsusuri/Analysis 1. Ano kaya ang mensaheng nais ipabatid ng larawan?


2. Magbigay ng halimbawa ng fake news na narinig
ninyo sa internet.
3. Bakit ba maituturing iyong fake news?
4. Dapat bang paniwalaan agad ninyo ang mga nabasa
sa internet? Pangatwiranan ang iyong sagot.
B. Paglalahad
Abstraksyon Pagkilatis ng ‘fake news’ posible na
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2017/06/08/1707988/pagkilatis-ng-
(Pamamaraan ng fake-news-posible-na
Pagtalakay)
MANILA, Philippines – Upang labanan ang patuloy na
pagkalat ng “fake news” sa social media, inilunsad ng
grupong National Union of Journalists of the
Philippines (NUJP) ang isang paraan upang mapigilan
ang paglaganap nito.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng NUJP ang
pagkaalarma sa patuloy na paglago ng fake news sa
social media.
“Over the past months, unverified posts on social
media have been intentionally spreading
misinformation,” pahayag ng grupo.
Dagdag nila na kahit ang mga news agencies na hawak
ng gobyerno ay kabilang sa mga promotor ng
malisyoso at maling balita.
Ayon sa grupo, dapat ay maging mapanuri ang publiko
sa mga nababasa sa social media kaya naman
ibinahagi nila ang isang paraan upang maharang ang
mga pekeng balita.
“We cannot believe everything that we read. We
need to constantly question. We need to reclaim the
truth. We need to reclaim our newsfeeds,” sabi ng
NUJP.
“The result is the Fakeblok fake news blocker – a
Chrome plug-in that blocks articles from fake news

15
sites on your Facebook newsfeed. It also lets you
submit sites that you think share fake news, for
vetting by an independent group of journalists,”
paliwanag ng grupo.
Hinikayat ng NUJP ang netizens na magtulungan
upang mapigilan ang pagkalat ng mga pekeng balita
na nagdudulot ng kaguluhan at kalituhan.
Mga Tanong
1. Ano ang fake news?
2. Batay sa tinatalakay, paano maaaring
maiwasan ang paglaganap ng fake news sa media?
3. Bakit kailangan ninyong gumamit ng
mapanuring pag-iisip sa mga nabasa sa internet bago
magdesisyon?

C. Pagsasanay Pangkatang gawain


(Mga Paglilinang na Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo. Bawat
Gawain) pangkat ay bibigyan ng isang sitwasyon na mababasa
sa internet. Gamitin ang mapanuring pag-iisip bago
magdesisyon kung ano ang gagawin.

Pangkat 1. Magugunaw na ang mundo sa 2019


Pangkat 2. Gamot na pampatangkad. Mura na,
epektibo pa.
Pangkat 3. Lotion na pampaputi at pampakinis.
Mabibili na sa palengke.
D. Paglalapat Pangkatang gawain
(Aplikasyon) Gamit ang parehong pangkat sa pagsasanay,
magtala ng 3 dahilan kung bakit kailangang gumamit
tayo ng mapanuring pag-iisip sa mga nabasa sa
internet bago magdesisyon.
E. Paglalahat Ang mapanuring pag-iisip ay hindi lamang magagamit
(Generalisasyon) sa mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa o
narinig, o sa napanood na programang pantelebisyon
kundi maging sa nabasa sa internet. Malaking
porsiyento ng mga mamamayan dito sa Pilipinas ang
gumagamit ng internet, bata man o matanda kung
kaya’t nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang
paggamit ng mapanuring pag-iisip para malaman
natin kung alin ang dapat o di-dapat paniwalaan.

IV. PAGTATAYA A. Isulat ang Oo kung ang pahayag ay nagpapakita ng


mapanuring pag-iisip at Hindi kung hindi.

16
_____ 1. Naniniwala agad sa patalastas na napanood
sa internet.
_____ 2. Pagpapahalaga sa opinyon ng iba kahit iba
ito sa opinyon mo.
_____ 3. Pagbili ng mg gamot na nabasa lamang mula
sa internet.
_____ 4. Pagkalap sa iba’t ibang sanggunian ng mga
impormasyon sa tuwing pinagagawa ka ng pag-uulat
sa klase.
_____ 5. Matataranta dahil nabasa sa isang wall sa fb
na magkakaroon ng lindol sa eksaktong alas 4 ng
hapon.

B. Ipaliwanag ang iyong desisyon sa sitwasyon sa


ibaba.
Sitwasyon:
May nabasa kang isang balita sa internet na
nakagugulat. Gusto mong maniwala, pero naisip mo
rin na baka hindi totoo. Ano ang iyong gagawin? Bakit
iyan ang iyong gagawin?

V. KARAGDAGANG GAWAIN Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang inyong paboritong programa sa
telebesiyon?
2. Bakit ba ninyo napili ang programang ito?
Ipaliwanag ang inyong sagot gamit ang mapanuring
pag-iisip?
VI. PAGNINILAY-NILAY

17
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 5
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag
at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at
loobin kung ano ang dapat at di-dapat

Kompetensi Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng


pagsusuri sa mga:
1.2 napanood na programang
pantelebisyon
EsP5PKP-Ia-27
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang
Apektiv Naisasaisip ang pagkamapanuri sa lahat ng pinanonood
na programang pantelebisyon upang matukoy ang
pagkamakatotohanan nito.
Saykomotor Nadudugtungan ang pahayag upang maipakita ang
kahalagahan ng mapanuring pag-iisip pagdating sa mga
napanood ng programang pantelebisyon.
Kaalaman Natutukoy ang mga mabuti at di- mabuting epekto sa
panonood ng mga programa sa telebisyon
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Mapanuring Pag-iisip (napanood na programang
pantelebisyon)
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 sa pahina 2-11
CG EsP p.67,TG p.1-4
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-mag-
aaral.htmlhttps://usercontent2.hubstatic.com/12743309.jpg

https://i.ytimg.com/vi/-E5BZvdq8OI/maxresdefault.jpg
https://www.youtube.com/watch?v=XnFN4rJ6IAc
C. Kagamitang LM, tsart, larawan
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Mahilig ba kayong manood ng palabas sa
Pangmotibeysyuna telebisyon?
l na Tanong

18
2. Ano-ano ang paborito ninyong programa sa
telebisyon?
Aktiviti/Gawain Magpakita ng mga larawan tungkol sa mga sikat na
personalidad na napapanood sa telebisyon.

https://usercontent2.hubstatic.com/12743309.jpg

https://i.ytimg.com/vi/-E5BZvdq8OI/maxresdefault.jpg
Pagsusuri/Analysis 1. Sino-sino ba ang mga nasa larawan?
2. Bakit sila naging kilala?
B. Paglalahad Ipakita ang Video clip gamit ang link sa ibaba.
Abstraksyon (Wansapanataym: Greed of Hubert's Fathe
(Pamamaraan ng https://www.youtube.com/watch?v=XnFN4rJ6IAc)
Sagutin ang mga tanong.
Pagtalakay)
1. Tama ba ang ginawa ng tatay ni Hubert?
2. Gamit ang inyong mapanuring pag-iisip, totoo ba
talaga ang magic? Ipaliwanag.
3. Sa inyong palagay, bakit gustong kunin ng tatay
ni Hubert ang bote?

C. Pagsasanay Pangkatang Gawain


(Mga Paglilinang na Pangkatin ang mga bata sa apat. Bawat grupo ay
Gawain) maglista ng dalawang programa na napapanood sa
telebisyon. Pagkatapos ay suriin ang mga programang
napili gamit ang inyong mapanuring pag-iisip. Gawing
gabay ang mga tanong sa pagsusuri.
1. Alin sa dalawang programa ang may magandang
epekto at alin naman ang hindi?
2. Nakatutulong ba sa inyo ang mapanuring pag-iisip
upang masuri ang dalawang programang pantelebisyon
na inyong napili? Pangatwiranan ang sagot.

19
D. Paglalapat Pangkatang Gawain
(Aplikasyon) Basahin ang tula na nasa ibaba. Pagkatapos, punan ng
mga hinihinging impormasyon ang graphic organizer.
MGA PINAGKUKUNAN NG IMPORMASYON: ATING
SURIIN

(http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-mag-
aaral.html)

Kasanayan sa pagbabasa ugaliin natin t’wina,


Nang pahayaga’t, magasin, gayundin ang lathalain.
Kung may nais malaman, mga bagong kaalaman
Ang radyo at telebisyon palagi nating pakinggan.

Ngunit sa paggamit ng ganitong mga kagamitan


Mahalaga ang pagtuklas sa katotohanan.
Sa mga makukuha mong iba’t-ibang kaalaman, Maging
mapanuri, upang di-malihis ng daan.

Kaya kaibigan, kaisipa’y palawakin.


Maging mapagmatyag, mensahe’y timbangin.
Impormasyon at teknolohiya ay biyaya sa atin,
Kaya ating pagyamanin at ‘wag abusuhin.

PAMAGAT NG TULA

Mga Mga dapat


Kabutihang
pinagkukunan gawin upang
dulot ng mga
ng impormasyon matuklasan sa
pinagkukunan
katotohanan
ng impormasyon

E. Paglalahat Dugtungan ang pahayag.


(Generalisasyon) Mahalagang maging mapanuri sa mga pinanonood na
programang pantelebisyon sapagkat
_______________________________.
IV. PAGTATAYA Lagyan ng tsek (/) ang bilang na nagpapakita ng
mapanuring pag-iisip batay sa programang napapanood
sa telebisyon at ekis (x) naman kung hindi ito

20
nagpapamalas ng mapanuring pag-iisip. Gawin ito sa
inyong kwaderno.
____1. Nagtatanong ako sa mga magulang ko kung ang
napapanood kong programa ay totoo.
____2. Iniisip kong mabuti ang magiging resulta kung
gagayahin ko ang mga masasamang eksena na
napapanood ko sa telebisyon.
____3. Pinag-aralan kong mabuti ang sinabi ng doktor
ukol sa epekto ng sobrang panonood ng telebisyon.
____4. Hindi ko na kailangan ng patnubay ng magulang
kung manonood ako ng telebisyon dahil anim na taong
gulang na ako.
____5. Kapag nagustuhan ko ang pinagawa ng tauhan sa
palabas, gagayahin ko.
V. KARAGDAGANG GAWAIN Maglista ng limang (5) paborito ninyong pelikula.
VI. PAGNINILAY-NILAY

21
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 6
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag
at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at
loobin kung ano ang dapaat at di-dapat

Kompetensi Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa


sarili at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin,
napakinggan at napapanood
2.1 diyaryo
EsP5PKP-Ib-28
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Nabibigyang halaga ang sarili at miyembro ng pamilya
sa anumang babasahin
Saykomotor Nakapagbibigay ng mga mabubuting epekto/resulta ang
pagbabasa
Kaalaman Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot ang
pagbabasa kapag hindi ginagamit ang pagkabukas isipan
II. PAKSANG-ARALIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang
A. Paksa Pagbabasa ng Balita sa Diyaryo
( Pagkabukas isipan o Open-mindedness)

22
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p.3-5
CG p.67,TG p.1-2
https://www.google.com.ph/search?q=pamilya+tiklo+sa+baril+Asingan+Pangasinan&s
ource=lnms&sa=X&ved=0ahUKEwj8ndSZ-
KzeAhXVdXAKHZikDdgQ_AUICSgA&biw=1034&bih=615&dpr=1

https://www.utexas.edu/campus-life/student-involvement

https://recordsetter.com/world-record/students-reading-their-high-school-
newspaper/2336

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pahayagan)

(https://alaminmokasi.wordpress.com/2013/12/10/kahalagahan-kabutihan-at-
kagandahan-ng-pagbabasa/

C. Kagamitang Lumang diyaryo, larawan, Batayang Aklat


Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Mahilig ba kayong magbasa ng diyaryo?
Pangmotibeysyuna 2. May mabuti bang maidudulot ang pagbabasa ng
l na Tanong diyaryo?
Aktiviti/Gawain Ipakita ang larawan.

https://www.utexas.edu/campus-life/student-involvement

https://recordsetter.com/world-record/students-reading-their-high-school-
newspaper/2336
Pagsusuri/Analysis 1. Ano ang ginagawa nila?

23
2. Bakit kailangan nating magbasa ng diyaryo?
B. Paglalahad Basahin.
Abstraksyon Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng
(Pamamaraan ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at
Pagtalakay) patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang
halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal
na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw
o lingguhan. ( https://tl.wikipedia.org/wiki/Pahayagan)
Ang pagbabasa rin ay nakatutulong sa pagtaas ng
ating bokabularyo.
Nakatutulong din ang pagbabasa sa pagtaas ng tiwala
sa sarili ng isang tao. Sinasabi na isa umanong chain
reaction ang nangyayari: pag tayo ay laging nagbabasa,
marami tayong malalaman; pag marami tayong
nalalaman, marami ang mga taong hihingi sa atin ng
mga kasagutan tungkol sa iba’t-ibang bagay; pag
maraming tao ang humihingi sa atin ng tulong,
matutulungan tayo nitong mas bumiti ang pagtingin at
tiwala natin sa ating mga sarili. Isa pa sa mga sinasabing
magandang epekto ng pagbabasa ay ang paghasa sa
ating creativity.
(https://alaminmokasi.wordpress.com/2013/12/10/kahalagahan-kabutihan-at-kagandahan-
ng-pagbabasa/)
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang kahulugan ng diyaryo o pahayagan?
2. Ano ang magandang epekto ng pagbabasa?
3. Paano nakatutulong sa tao ang pagbabasa hindi
lamang ng diyryo kundi pati na rin sa ibang mga
babasahin?
C. Pagsasanay Maglista ng 4 na mabuting maidudulot kapag
(Mga Paglilinang nagbabasa ng diyaryo.
na 1. _________
Gawain) 2. _________
3. _________
4. _________.
D. Paglalapat 1. Pangkatin sa apat ang buong klase. Bawat
(Aplikasyon) pangkat ay bibigyan ng kopya ng isang balita mula sa
diyaryo.
2. Suriin ang balita sa pamamagitan ng pagsagot sa
tanong na:
a. Paano ninyo maprotektahan ang inyong pamilya
sa ganitong balita?

24
b. Gamit ang inyong pagkabukas isipan, paano
ninyo maiwasang hindi manghusga sa inyong kapwa
kapag may nabasa kayong hindi maganda sa diyaryo?

Balita: Pamilya, Tiklo sa Baril


Asingan, Pangasinan – Apat na miyembro ng isang
pamilya ang dinakip dahil sa pag-iingat ng baril at mga
bala sa Brgy. Coldit, Asingan, Pangasinan.
Sa report na natanggap ng pulis, nakilala ang mga
suspek na sina Victoriano Aquino, Sr. (74), Victoriano
Aquino, Jr.(34), Vicente Aquino(50) at Leonard Pataray
(43) na pawang taga Brgy. Coldit.
Tatlong search warrant ang inihain ng pulisya laban
sa mga suspek na nagresulta sa pagkakasamsam ng mga
baril, katulad ng isang.45 caliber Caspian pistol at mga
bala nito; at isang .45 caliber Armscor na kargado rin ng
mga bala.
Kakasuhan ang mga suspek ng illegal possession of
firearms.
https://www.google.com.ph/search?q=pamilya+tiklo+sa+baril+Asingan+Pangasi
nan&source=lnms&sa=X&ved=0ahUKEwj8ndSZ-
KzeAhXVdXAKHZikDdgQ_AUICSgA&biw=1034&bih=615&dpr=1
E. Paglalahat Paano ba natin matitiyak na ang binabasa natin ay
(Generalisasyon) nagdudulot ng mabuti sa ating sarili at sa miyembro ng
ating pamilya?
IV. PAGTATAYA Lagyan ng tsek kung mabuti at ekis naman kung hindi
nakabubuti.
_____1. Nagbabasa ng malalaswang kwento sa diyaryo.
_____2. Sinasagot ang Palaisipan o Puzzle na nasa
diyaryo.
_____3. Ginagaya ang mga nababasang balita sa
diyaryo.
_____4. Hindi tumutulong sa mga gawaing bahay dahil
abalang-abala sa pagbabasa ng diyaryo.

V. KARAGDAGANG GAWAIN Magdala ng lumang magasin bukas.


VI. PAGNINILAY-NILAY

25
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 7
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag
at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at
loobin kung ano ang dapaat at di-dapat

Kompetensi Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa


sarili at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin,
napakinggan at napapanood
2.2 magasin
EsP5PKP-Ib-28
I. LAYUNIN
Apektiv Napangangalagaan ang kapakanan ng sarili at miyembro
ng pamilya sa hindi magandang maidudulot ng anumang
babasahin sa magasin
Saykomotor Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga nilalamang
paksa ng magasin
Kaalaman Nasusuri nang mabuti ang mga sitwasyong ibinigay ng
guro hinggil sa pagbabasa ng magasin
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Pagbabasa ng Magasin
B. Sanggunian
CG EsP p.67, TG p.1-4
https://www.google.com.ph/search?q=picture+of+students+reading+magazi
ne&safe=strict&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiRo6PQgq3e
AhWIWbwKHf3LDFEQ_AUIDigB&biw=1366&bih=662#imgrc=R69DremaQA
OsmM:

http://dininget.blogspot.com/2018/

https://www.fotosearch.com/CSP835/k8355336/

http://www.nowloss.com/8-tips-if-too-tired-for-the-gym.htm

http://raingardenalliance.org/planting

C.Kagamitang Lumang magasin, larawan, tsart


Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN

26
A. Paghahanda 1. Mayroon ba kayong magasin sa inyong bahay?
Pangmotibeysyuna (Magpakita ng magasin sa mga bata.)
l na Tanong 2. Paano nakatutulong sa tao ang pagbabasa ng
magasin sa tao?
Aktiviti/Gawain Magpakita ng larawan.

https://www.google.com.ph/search?q=picture+of+students+reading+magazi
ne&safe=strict&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiRo6PQgq3e
AhWIWbwKHf3LDFEQ_AUIDigB&biw=1366&bih=662#imgrc=R69DremaQA
OsmM:
Pagsusuri/Analysis
1. Ano-ano ang kalimitang mababasa natin sa
magasin?
2. Bakit kailangan nating magbasa ng magasin?
B. Paglalahad Basahin.
Abstraksyon (Pamamaraan ng Ang Magasin ay isang peryodikong publikasyon na
Pagtalakay) naglalaman ng maraming artikulo. Karaniwan itong may
maraming palatastas. Ito ay naglalaman ng mga
impormasyong nais malaman ng mga mambabasa
katulad ng sa fashion, mga make -up, tungkol sa
negosyo, tungkol sa sasakyan, tungkol sa tahanan,
paraan ng pagluluto at maraming iba pa.
https://brainly.ph/question/1045369
Mahalaga ang pagbabasa ng magasin dahil
naglalaman ito ng update o impormasyon tungkol sa
negosyo, artista, isyu sa kalusugan at iba pa.
https://brainly.ph/question/588420
Nakukuha mo rin ang opinyon ng ibang mambabasa
mula sa pagbabasa ng magasin.
Malaking impluwensiya sa mga bata ang kanilang
nakikita at nababasa sa iba’t ibang uri magasin kung
kaya’t may mga pagkakataon na ginagaya nila ang
kanilang nababasa.

27
C. Pagsasanay Pangkatang gawain.
(Mga Paglilinang Magbigay ng mga halimbawa ng mga paksa na nababasa
na ninyo sa magasin.
Gawain)

MAGASIN

D. Paglalapat 1. Pangkatin sa tatlo ang buong klase.


(Aplikasyon) 2. Bawat pangkat ay bibigyan ng larawan mula sa
magasin.
3. Sagutin ang mga tanong.
a. Ang pagbabasa ng magasin ba ay nakatutulong
sa iyo?
b. Basi sa larawan, ano – ano ang kabutihang
makukuha ninyo dito?
c. Paano ito makatutulong sa iyong sarili at sa
miyembro ng iyong pamilya?
Pangkat 1: Mga Hakbang sa Pagluluto ng Ginataang
Manok
https://www.fotosearch.com/CSP835/k8355336/

28
Pangkat 2: Epekto ng Pagyoyoga

http://www.nowloss.com/8-tips-if-too-tired-for-the-gym.htm
Pangkat 3: Pagtanim ng mga bulaklak: Proyekto ng mga
Kabataan

http://raingardenalliance.org/planting
E. Paglalahat Paano mo ba mapapahalagahan ang kapakanan ng
(Generalisasyon) iyong sarili at miyembro ng iyong pamilya sa hindi
magandang maidudulot ng mga nababasa mo mula sa
magasin?
IV. PAGTATAYA Suriing mabuti ang mga sitwasyon. Lagyan ng tesk kung
ito’y nakabubuti sa iyong sarili at miyembro ng iyong
pamilya. ekis naman kung hindi.
_______1. Nabasa mo sa magasin ang mga paraan kung
paano lulutuin ang Chicken Curry.
_______2. Madaling araw ka ng nakatulog kagabi dahil
sa kababasa mo ng magasin.
_______3. Sa magasin mo nabasa ang tungkol sa gamot
ng iyong skin allergy.
_______4. Inutusan ka ng mama mo na bantayan ang
ulam na nasa mesa pero nakalimutan mo ito dahil
abalang-abala ka sa pagbabasa ng magasin.

29
V. KARAGDAGANG GAWAIN Maglista ng 5 programa na kalimitang naririnig mo sa
radyo.
1. __________
2. __________
3. __________
4. __________
5. __________
VI. PAGNINILAY-NILAY

30
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 8
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag
at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at
loobin kung ano ang dapat at di-dapat

Kompetensi Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa


sarili at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin,
napakinggan at napapanood
2.3 radyo
EsP5PKP-Ib-28
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang
Apektiv Naisasabuhay sa araw-araw ang mabuting naidududlot
ng anumang napakinggan sa radyo sa sarili at miyembro
ng pamilya
Saykomotor Naiisa-isa ang mga balitang nakapagdudulot ng
kabutihan sa sarili at miyembro ng pamilya
Kaalaman Natatalakay ang mabuti at di-mabuting maidudulot ng
anumang napakinggan sa radyo sa sarili at sa miyembro
ng pamilya
II. PAKSANG-ARALIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
A. Paksa Pakikinig ng programa o balita sa radyo
(Pagmamahal sa Katotohanan)

31
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, CG
EsP p.67,TG p.1-4
Balita: http://balita.net.ph/2018/02/02/isyu-sa-dengvaxia-nakaaapekto-sa-mga-
programang-pangkalusug/

https://www.npr.org/sections/alltechconsidered/2016/10/31/500072478/turn-on-
tune-in-transcribe-u-n-develops-radio-listening-tool

https://news.abs-cbn.com/video/news/09/16/18/ayuda-pinarating-sa-mga-
nasalanta-ng-ompong-sa-alcala-cagayan)

https://news.abs-cbn.com/news/09/13/18/mga-lugar-na-dadaanan-ng-ompong-
naghanda-na)

https://news.abs-cbn.com/entertainment/09/25/18/lani-mercado-naluha-nang-
magbahagi-tungkol-sa-pagkakakulong-ni-bong-revilla)

https://news.abs-cbn.com/business/09/18/18/publiko-hinikayat-na-mamili-na-para-
sa-mga-ihahanda-sa-pasko)

C.Kagamitang Larawan, Batayang Aklat, larawan, tsart


Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Nakikinig ba kayo ng mga balita sa radyo?
Pangmotibeysyuna 2. Ano-ano ang mga programa / balita na inyong
l na Tanong narinig sa radyo?
Aktiviti/Gawain Ipakita ang larawan.

https://www.npr.org/sections/alltechconsidered/2016/10/31/500072478/turn-on-
tune-in-transcribe-u-n-develops-radio-listening-tool

Pagsusuri/Analysis
1. Ano ang ginagawa nila?
2. Sa inyong palagay, bakit kaya napakahalaga sa
tao ang pakikinig ng mga balita?
3. Paano nito nababago ang buhay ng tao?
4. May pagkakataon bang hindi ka naniniwala
sa balitang iyong narinig sa radyo? Pangatwiran ang
iyong sagot.
B. Paglalahad Maraming bagay na ang naimbento upang mapadali
Abstraksyon (Pamamaraan ng ang buhay ng tao, yan ang nagagawa ng teknolohiya sa
Pagtalakay) ating lahat. Isa na doon ay ang radyo, ito ay isang gadyet
na nakatutulong sa ating lahat upang makapaghatid ng
mga balita sa ating bansa , masama man ito o maganda.

32
Bagama’t nakatutulong ito sa atin dahil sa mga
positibong epektong naidudulot nito sa lipunan tulad ng
madali itong makaakses ng mga balita at nakapagbibigay
ito ng opurtunidad sa mga tao na naghahangad maging
isang DJ, hindi pa rin mawawala ang mga masamang
epekto na maaring maidulot nito sa atin at sa lipunan
tulad na lamang ng pagiging biased nito sa mga balita na
maaaring ireport nito, maaring kung anong panig ang
kanilang mas pinaniniwalaan ay ‘yun lamang ang
kanilang ibalita upang yun ang mas paniwalaan ng mga
tagapakinig. Isa pa, dahil sa pagbabagong teknolohiya na
ang radyo ay unti unti ng hindi binibigyang pansin ng
mga tao dahil sa mga sikat na social media tulad ng
facebook, twitter, tumblr at iba pa na nakapagbabahagi
din ng mga balita at ito ay merong larawan na mas
ikiniaaaliw ng mga gumagamit ng mga applications na
ito.
Narito ang halimbawa ng balita.
“Isyu sa Dengvaxia nakaaapekto sa mga programang
pangkalusugan”
(Balita: http://balita.net.ph/2018/02/02/isyu-sa-dengvaxia-nakaaapekto-sa-mga-
programang-pangkalusugan/)
Isiniwalat ng Department of Health na ang isyu at
takot sa bakuna kontra dengue na Dengvaxia ay
nakaapekto sa programa ng kagawaran para sa National
School Deworming Month, na nagtapos nitong
Miyerkules.
Ibinunyag ni Dr. Joshua Brillantes, Department of
Health-Region 9 assistant director, na 60 porsiyento ng
mga magulang ng kabuuang populasyon ng mga
estudyante sa pampublikong paaralan na kailangang
mapurga, ay hindi pumayag na sumailalim sa nasabing
programa ang kanilang mga anak dahil sa takot sa
kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng Dengvaxia.
Sinabi ni Brillantes na ang 60 porsiyento ay bumubuo
sa nasa 400,000 estudyanteng hindi napurga sa buong
Region 9.
Nangamba naman si Brillantes na maaaring manatili
sa katawan ng mga batang hindi napurga ang mga
parasitiko, na makaaapekto sa pag-iisip at sa nutrisyon
ng bata.
Sinabi ni Brillantes na pipilitin ng Department of
Health na kumbinsihin ang mga magulang na payagang
purgahin ang kanilang mga anak.

33
Ang layunin ng programa ay mapurga ang mga bata at
mabawasan ang pagkalat ng helminthiasis, na nakukuha
mula sa lupa, na nagdudulot ng panghihina, kawalang-
gana sa pagkain, pagbaba ng IQ, anemia, at iba pa.
Sagutin ang mga tanong.
1.Tungkol saan ba ang balita?
2.Bakit nga ba naapektuhan sa isyu ng Dengvaxia ang
ibang programang pangkalusugan ng DOH?
3. Bilang bata, ano ang magagawa ninyo upang
mahikayat ang inyong pamilya sa kaibahan ng Dengvaxia
sa purga?

C. Pagsasanay Maglista ng 4 balita na iyong narinig nitong mga


(Mga Paglilinang na nakaraang araw na nakatutulong sa iyo at sa iyong
Gawain) pamilya.
1.____________________
2.____________________
3. ____________________
4. ___________________
D. Paglalapat 1. Pangkatin ang mga bata sa apat.
(Aplikasyon) 2. Bawat pangkat ay bibigyan ng isang balita na
nakuha mula sa pakikinig ng radyo.
3. Maglista ng dalawa kung ano ang maidudulot na
kabutihan sa sarili at sa buong pamilya.
Pangkat 1:
Ayuda, pinarating sa mga nasalanta ng Ompong sa
Alcala, Cagayan.
(https://news.abs-cbn.com/video/news/09/16/18/ayuda-pinarating-sa-mga-nasalanta-ng-
ompong-sa-alcala-cagayan)
Pangkat 2:
Mga lugar na dadaanan ng Ompong, naghanda na.
(https://news.abs-cbn.com/news/09/13/18/mga-lugar-na-dadaanan-ng-ompong-naghanda-na)
Pangkat 3:
Lani Mercado, naluha nang magbahagi tungkol sa
pagkakakulong ni Bong Revilla (https://news.abs-
cbn.com/entertainment/09/25/18/lani-mercado-naluha-nang-magbahagi-tungkol-sa-
pagkakakulong-ni-bong-revilla)
Pangkat 4:
DTI hinikayat ang maagang paghahanda para sa
Pasko(https://news.abs-cbn.com/business/09/18/18/publiko-hinikayat-na-mamili-na-para-
sa-mga-ihahanda-sa-pasko)
Hikayatin ang mga bata na suriin ang bawat sagot ng
bawat grupo. Sa inyong palagay, puro lang ba kabutihan
ang makukuha natin sa pakikinig ng radyo? Ipaliwanag
ang sagot.

34
E. Paglalahat Paano ninyo masasabi na kayo ay naging patas sa
(Generalisasyon) anumang naririnig ninyo sa radyo ?
IV. PAGTATAYA Ano ang iyong gagawin kapag nakarinig ka ng
masasamang balita. Punan ng mga salitang nais mong
sabihin upang mabuo ang pangungusap na nasa loob ng
kahon.
Kung ang marinig kung balita ay tungkol sa mga
masasamang bagay, ang gagawin ko ay
______________________________________
dahil naniniwala ako na
_____________________.
Susundin ko lamang kung sa tingin ko ay
__________________________________________
____
V. KARAGDAGANG GAWAIN Maglista ng 4 na paborito ninyong pelikula.
VI. PAGNINILAY-NILAY

35
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 9
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang
gawain na may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang
Pangnilalaman
Pamantayan sa Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin kung
Pagganap ano ang dapaat at di-dapat

Kompetensi EsP5PKP-Ib-28
• Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at
miyembro ng pamilya ng anumang babasahin, napakinggan
at napapanood
2.5 pelikula
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
Apektiv Napagtitimbang-timbang nang maigi ang mabuti at di-mabuting
maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng napanood na pelikula
o palabas sa telebisyon
Saykomoto Nasusuri ang video clip ng Pinochio sa pamamagitan ng pagtukoy dsa
r mga aral na hatid ng vidyo
Kaalaman Naibibigay ang ibig sabihin ng acronym na G, PG at SPG
II. PAKSANG-
ARALIN
A. Paksa Panonood ng Pelikula

36
B.
Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
CG EsP p.67,TG p.1-4
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-
mag-aaral.html

https://www.google.com.ph/search?q=picture+of+a+kid+watching+TV&sour
ce=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwivwtCykK3eAhWFPXAKHVQ7Db
4Q_AUIDigB&biw=1034&bih=615#imgrc=TCONJBbb83clqM :
https://www.google.com.ph/search?q=picture+of+a+kid+watching+TV&sour
ce=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwivwtCykK3eAhWFPXAKHVQ7Db
4Q_AUIDigB&biw=1034&bih=615#imgrc=TCONJBbb83clqM:

https://www.amazon.com/White-Dwarfs-Disney-Special-
Platinum/dp/B00003CXCQ

https://www.google.com.ph/search?q=PICTURE+OF+PINOCCHIO&tbm=isc
h&source=iu&ictx=1&fir=njT5V-
A4g5UFzM%253A%252Cv2r6CMUN3iNfTM%252C_&usg=AI4_-kRD2-
vt83rzfmzTiKnz_lQt7u9uEQ&sa=X&ved=2ahUKEwjHjeLrkq3eAhXHXLwKH
bhUCQQQ9QEwBnoECAQQEA#imgrc=njT5V-A4g5UFzM

https://www.ebay.com/p/Cinderella-DVD-2005-2-Disc-Set-Special-Edition-
DVD-Platinum-Collection/46420210

https://www.google.com.ph/search?q=FROZEN&tbm=isch&source=lnms&s
a=X&ved=0ahUKEwjzxqvLk63eAhVJUt4KHUoFDaoQ_AUICygC&biw=1034
&bih=615&dpr=1#imgrc=UnuZDFlR9bBmlM

C.Kagamita Larawan, tsart


ng
Pampagtut
uro
III.
PAMAMARAAN
A. 1. Nanood ba kayo ng telebisyon kagabi?
Paghahand 2. Ano ang inyong pinanood?
a 3. Nakadudulot ba ng mabuti sa inyong sarili at miyembro ng
Pang pamilya ang inyong napanood? Paano?
motib
eysyu
nal na
Tanon
g

37
Aktivit Ipapanood ang Video Clip (bahagi lamang) ng Pinochio.
i/Gaw (https://www.youtube.com/watch?v=BPDQl616CBA)
ain

https://www.google.com.ph/search?q=PICTURE+OF+PINOCCHIO&tbm=isch&s
ource=iu&ictx=1&fir=njT5V-
A4g5UFzM%253A%252Cv2r6CMUN3iNfTM%252C_&usg=AI4_-kRD2-
vt83rzfmzTiKnz_lQt7u9uEQ&sa=X&ved=2ahUKEwjHjeLrkq3eAhXHXLwKHbhU
CQQQ9QEwBnoECAQQEA#imgrc=njT5V-A4g5UFzM:
Pagsu: 1. Tungkol saan ang video clip na napanood?
suri/A2. Bakit humahaba ang ilong ni Pinochio?
nalysi3. Isa-isahin ang mga aral na makukuha sa mga ipinakitang video clip
s ng Pinochio.
B. Basahin.
Paglalahad Ang pelikula, kilala din bilang sine, ay isang larangan na sinasakop
Abstraksyon ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang
(Pamamaraan ng bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing
Pagtalakay) tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan
ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang
larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.
Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at
negosyo. Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng
"totoong" tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke)
sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun.
Sa panahon ngayon, marami na tayong mapapanood na pelikula sa
telebisyon at internet. Kaya mahalaga ang patnubay ng mga
magulang dahil may mga pelikula kasi na hindi angkop sa mga bata.
Lalung-lao na ang mga pelikula o palabas na rated PG o SPG. Ibig
sabihin may mga tema ito gaya ng karahasan, sekswal, lengguwahe,
horror o droga.
Ang rated G lamang ang pwede sa lahat ng mga bata.
https://brainly.ph/question/502318#readmore

1. Ano ba ang ibig sabihin ng mga ito?


G-General Audience
PG- Parental Guidance
SPG-Strong Parental Guidance
2. Bakit may nakalagay na Rated G, PG, at SPG bago ipakita ang
palabas o pelikula?

38
C.Pagsasanay Isulat kung anong aral ang iyong makukuha sa bawat pelikula na
(Mga Paglilinang nakalista sa loob ng kahon.
na Paalala: Kung hindi alam ng pangkat ang pelikula, maaaring palitan
ng ibang pelikula na alam ng mga miyembro ng pangkat.
Gawain) Pelikula Aral na makukuha
1. Frozen

2. Cinderella

3. Snow White and


the Seven Dwarfs

4. Brave

D.Paglalapat Pangkatang gawain:


(Aplikasyon)
1. Gamit ang parehong pangkat sa pagsasanay, punan ng mga
hinihinging impormasyon ang grapikong pantulong sa ibaba.

PALABAS/PELIKULA

Mabuting Mga pamagat ng Hindi mabuting


maidudulot sa pelikulang maidudulot ng
panonood napanood panonood

2. Ibahagi sa buong klase ang nagawang awtput.

E. Paglalahat Paano mo ba malalaman kung ang iyong napapanood na pelikula ay


(Generalisasyon) hindi nakabubuti?

39
IV. PAGTATAYA I.Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kung
wasto ang pahayag at Mali naman kung hindi wasto ang
sinasabi.
______1. Ang Rated G ay para sa lahat.
______2. Ang tinatawag nilang Striktong Patnubay ng mga
Magulang ay kailangan ay SPG.
______3. Ang pelikula ay larangan ng mga gumagalaw na
larawan bilang isang anyo ng sining.
______4. Kailangan ng gabay ng magulang ang Rated PG.
II.Akronym
Panuto: Ibigay ang ibig sabihin ng sumusunod na akronym.
1. G - _________________
2. PG - _________________
3. SPG - _________________
III. Pag-iisa- isa
8 10. Magbigay ng dalawang temang posibleng nilalaman ng
isang palabas o pelikula kapag ito’y sinasabing Rated PG o SPG.
V. Magtala ng tatlong mga sikat na online games sa ngayon.
KARAGDAGANG
GAWAIN
VI. PAGNINILAY-
NILAY

40
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 10
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang Gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at
loobin kung ano ang dapaat at di-dapat

Kompetensi EsP5PKP-Ib-28
• Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting
maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya
ng anumang babasahin, napakinggan at
napapanood sa
2.6 internet
I. LAYUNIN
Apektiv Naisasabalikat ang pananagutan para sa
maling paggamit ng internet sa pamamagitan
ng pagbuo ng isang pangako na hindi
aabusuhin ang paggamit nito

Saykomotor Naibabahagi ang kanilang paliwanag kung


mabuti o di-mabuti ang sitawasyong ibinigay

Kaalaman Nakikilala ang mga icon ng apps at websites na


kadalasang ginagamit sa kasalukuyan

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Ang Epekto ng Social Media sa Mag-aaral at
Edukasyon

41
B. Sanggunian
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
CG EsP p.67,TG p.1-4
Kwento: Alab Filipino
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-mag-
aaral.html

https://www.facebook.com/1Bataan/posts/ang-epekto-ng-social-media-sa-mag-
aaral-at-edukasyonibinahagi-ni-lyra-opascual-p/726875184120630/

C.Kagamitang Larawan, batayang aklat, tsart


Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Sino sa inyo ang walang Facebook Account?
Pangmotibeysyunal na Tanong 2. Maliban sa FB, anong apps at websites ang
kadalasan ninyong ginagamit?
Aktiviti/Gawain Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na icon a
kadalasang ginagamit.

https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?n=784975d6&p2=%5E
Y6%5Exdm269%5ES28724%5Eph&pg=AJimage&pn=2&ptb=8C7BB2D1-
021D-4801-9408-
256832640EA9&qs=&searchfor=picture+of++apps&si=EAIaIQobChMI27yg
xd7N3AIVTInCCh0dYQDUEAEYASAAEgK6PvD_BwE&ss=sub&st=tab&tpr
=sbt&trs=wtt&ots=1552555815512

Pagsusuri/Analysis 1. Alin sa mga ito ang palagi ninyong ginagamit?


2. Nakatutulong baa ng mga apps at websites na
ito sa inyo?
Patunayan ang iyong sagot.
B. Paglalahad Ilahad ang kwento.
Abstraksyon (Pamamaraan ng ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MAG -
Pagtalakay) AARAL AT EDUKASYON
https://www.facebook.com/1Bataan/posts/ang-epekto-ng-social-media-sa-mag-aaral-at-
edukasyonibinahagi-ni-lyra-opascual-p/726875184120630/

Sa kasalukuyan, may dalawang bilyong tao ang


aktibong gumagamit ng social media sa buong mundo

42
at ito ay nakaaapekto sa buhay at edukasyon. Ito ay
ayon sa Google.com, isang website sa internet.

Pinaliit ng social media ang mundo, inuulan tayo ng


maraming impormasyon, mas malawak na kaalaman
at mas mabuting oportunidad upang magamit ang
mga ito.

Napag-alaman sa pag-aaral na ang karamihan sa mga


tao sa mundo ay may pattern na sinusunod at ito ay
ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng social media.

Sa mga uri ng social media, ang sinasabing


pinakakilala ay ang “Facebook” na kung saan ang
gumagamit ay maaring magpadala ng mensahe, mag
upload ng mga larawan, videos, makipagchat o
makipag-usap at iba’t-iba pang gamit nito.

Marami pang iba’t-ibang uri ng social media ang


ginagamit ng mga mag-aaral, guro, mga magulang
ganoon din ng iba’t- ibang uri ng tao sa daigdig. Ang
iba pang mga ginagamit ay ang Twitter at Instagram
na may iisang layunin – ang makipag-ugnayan at
makipagtalastasan sa mga tao sa iba’t-ibang parte ng
mundo.

Habang dumarami ang gumagamit ng social media ay


mapapansin na may mabuti at masamang idinudulot
ang paggamit nito. Ayon sa obserbasyon at
pananaliksik, karamihan sa mga gumagamit ng social
media ay nasa gulang na 14-29. Ilan sa mga
mabubuting epekto ay ang madaling pagkalat ng mga
kaalaman o mga impormasyon, mabilis na pakikipag
ugnayan sa mga taong kasama sa trabaho o hindi
man.

Nabibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga


mag-aaral upang lalo pang malinang ang kanilang
pagkamalikhain o pagkamakasining at patuloy na
pagkakaroon ng mga makabagong ideya. Ang mga
kakayahan o talent ng bawat isa ay matutuklasan,
halimbawa kung ang isang tao ay magaling umawit,
maaari syang matuklasan nang mas madali sa
pamamagitan ng videos. Maaari ding gamitin ang

43
Google, isang website upang makapanaliksik ng
tungkol sa iba’t-ibang aralin. At ang mga saloobin ng
bawat isa ay madaling maipahayag.

Sa loob at labas ng silid-aralan ay maaring makipag-


uganayan ang mga guro sa mga mag-aaral para sa
pakikipag-talastasan.

Sa isang banda, may mga kasamaan din bang


makukuha mula sa social media? Unang-una, hindi
mo personal na nakakausap ang isang tao sa social
media sapagkat kayo ay nag-uusap sa pamamagitan
ng screen lamang.

Nawawala din ang pagkakataon na mas matuto pa


halimbawa sa mga detalye ng tamang pagbigkas at
gramatika ng mga salita at pangungusap.

Higit sa lahat ay nagiging sanhi ang social media ng


paggamit ng mahabang oras maaring sa laro at
pakikipag-usap ng isang mag-aaral na magsisilbing
dahilan upang maapektuhan at mapabayaan ang pag-
aaral.

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang sinasabing pinakakilala na uri ng
Social media?
2. Ilang taong gulang ang karamihang
gumagamit ng Social media?
3. Paano nakatutulong ang Social Media sa atin?
4. Maglahad ng mga negatibong epekto ng Social
Media?
5. Mahalaga bang suriing mabuti ang paggamit
ng mga social media?
Pangatwiran ang sagot.

C. Pagsasanay Sumulat ng 2 mabuti at 2 di-mabuting epekto ng


(Mga Paglilinang na social media.
Gawain) Mabuting Epekto Di—mabuting Epekto
1. 1.
2. 2.

44
D. Paglalapat Pangkatin ang mga bata sa apat. Bawat pangkat ay
(Aplikasyon) bibigyan ng isang sitwasyon at ipaliliwanag nila ito
kung nakabubuti o di nakabubuti.
Pangkat 1. Nakapagsasaliksik tungkol sa proyekto
Ng Agham at Teknolohiya.

Pangkat 2. Nakapaglalaro ng online games ng 5


Na oras sa isang araw.
Pangkat 3. Nasusuri ko ang katotohanan sa mga
Balitang naririnig mula sa internet.
Pangkat 4. Nanonood ng mga malalaswang
pelikula sa internet.
E. Paglalahat Oral: Dugtungan ang mga salita na nasa kahon upang
(Generalisasyon) mabuo ang pangungusap. Ito ay tungkol sa isang
panagko na hindi abusuhin ang paggamit ng social
media.
Ako ay nangangako na ____________________
_______________________________________

IV. PAGTATAYA I. Lagyan ng masayang mukha kung ang ideya na


nabanggit sa talakayan ay tama at malungkot na
mukha kung hindi.

_______1. Karamihan sa mga tao sa mundo ay


may pattern na sinusunod at ito ay
ang paggamit ng iba’t ibang uri ng
social media.
_______2. Ang Twitter ang pinakakilala sa social
media.
_____3. May dalawang bilyong tao ang aktibpng
gumagamit ng social media sa buong
mundo.
_____4. Walang negatibong makukuha ang mga
taong gumagamit ng social media.
_____5. Karamihan sa mga gumagamit ng social
media ay nasa gulang na 14-29.

II. Pag-iisa-isa
Ibigay ang mga hinihingi sa bawat bilang.
5-6. Dalawang apps o websites na kadalasang
ginagamit.
7-8. Dalawang magandang maidudulot ng social
media.

45
9-10. Dalawang di-magandang maidudulot ng social
media.

V. KARAGDAGANG GAWAIN Sagutin ang tanong.


Gaano kahalaga ang edukasyon sa buhay ng tao?
VI. PAGNINILAY-NILAY

46
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 11
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali
sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi EsP5PKP-Ic-d-29
• Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong
saloobin sa pag-aaral gaya ng
3. 1 pakikinig
I. LAYUNIN
Apektiv Napananatili ang kawilihan at positibong saloobin
sa pag-aaral sa pamamagitan ng pakikinig
Saykomotor Naipapasa ang tamang mensahe sa larong
message relay
Kaalaman Nasasagot nang may buong pag-unawa ang mga
tanong tungkol sa napakinggang kwento
II. PAKSANG-ARALIN Pangkat ko: Kaisa ko
A. Paksa Pakikinig

47
B. Sanggunian
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon
5
CG EsP p.68,TG p.5-7
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-
ng-mag-aaral.html

https://www.thehindu.com/news/cities/Delhi/rain-relief-for-city-pain-for-
motorists/article19738646.ece

https://www.pinterest.ph/pin/800937114952214551

https://www.google.com.ph/search?q=children+listening+to+the+teacher&
source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjnot2ko63eAhWMzLwKHe
plAo0Q_AUIDigB&biw=1034&bih=600#imgrc=-PyN5fjfG9yXGM:

https://www.alamy.com/school-kids-sitting-on-floor-listening-to-teacher-
read-image221943968.html?pv=1&stamp=2&imageid=B9034845-DA57-
4699-9672-
DFF0BB9C38B0&p=139834&n=0&orientation=0&pn=1&searchtype
(https://prezi.com/stniibxydvb5/kahulugan-at-kahalagahan-ng-
pakikinig/?webgl=0

C.Kagamitang Larawan, tsart, Batayang aklat


Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Ano ang iyong gagawin kapag may nagsasalita?
Pangmotibeysyunal 2. Bakit kailangan nating makinig sa iba?
na Tanong 3. Paano nakatutulong ang pakikinig sa ating pag-
aaral?
Aktiviti/Gawain 1. Paglalaro ng message relay
Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Bawat pangkat ay
bibigyan ng isang pangungusap na siyang ipapasa mula
sa unahang bata hanggang sa hulihan. Kung kaninong
grupo ang mauuna at makakuha ng tamang
pangungusap ang siyang panalo.
Pangkat 1: Ang pakikinig ay isang makapangyarihang
instrumento ng komunikasyon.
Pangkat 2: Ang pakikinig ang pinakamabilis na paraan
upang maunawaan ang impormasyon.
Pangkat 3: Ang pakikinig ay nagbibigay linaw kung ano
ang naging suliranin o balakid.
(Maaari ding gumawa ang guro ng kanyang sariling
pangungusap)
Pagsusuri/Analysis 1. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa
ninyo ang message relay?

48
2. Paano mo makukuha ang tamang mensahe sa
larong message relay?
3. Bakit kailangan nating makinig?
B. Paglalahad Basahin ang kwento.
Abstraksyon (Pamamaraan ng Ang Hilig ni Sito
Pagtalakay) Ni Fatima S. Morados

Araw ng Lunes, tanghali na nang nagising si Sito.


Dali-dali siyang naligo dahil baka mahuli siya sa klase.
Pagdating niya sa paaralan, wala pa ang kanyang
guro. Nakikipaglaro muna siya sa kanyang mga
kaibigan. Pawis na pawis na si Sito nang dumating ang
kanilang guro.
Mahilig talagang maglaro si Sito. Pinagsasabihan
siya ng kanyang guro dahil maaga pa ay pawis na pawis
na siya. Sa klase, hindi siya nakikinig dahil naglalaro
siya sa kanyang upuan. Kung anu-ano na lang ang
kanyang maiisipan na laruin. Naroon ang gagawa ng
bangkang papel o di kaya’y eroplanong papel.
Oras na ng pasulit. Walang maisagot si Sito.
Napakamot na lang siya sa kanyang ulo. Napansin siya
ng kanyang guro kaya tinawag siya nito at kinuha ang
kanyang papel na walang nakasulat na sagot.
Pinagsabihan siya ng guro na sa susunod ay makinig
siya sa klase.
Karagdagang impormasyon para sa guro.
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ang isang makapangyarihang
instrumento ng komunikasyon na nagsisilbing
impluwensya upang makipag-usap ng mabuti.
Ito ay isang aktibong gawain. May nagaganap na
pagpoproseso sa isip ng tagapakinig. Nabibigyang
kahulugan ang mga tunog at salita. Sa tunog na
naririnig ay nabibigyang interpretasyon at nasusuri
ang ating kaalaman sa istruktura ng wika at naisasaisip
ang mensahe, impormasyon at napahihiwatig sa
napakinggan.
Ito ang pinaka mabilis na paraan upang
maunawaan ang talakay ang impormasyon ay
karaniwang ibinibigay ng nagsasalita.
Sa pakikinig , nalalaman natin at nabibigyan linaw
kung ano ang naging suliranin o balakid sa anu mang
gawaing di nagbunga ng inaasahan. Sa pakikinig din

49
masusuri ang suliranin at mula dito ay makakabuo ng
posibleng kalutasan sa nasabing suliranin.
Sa pamamagitan ng pakikinig, ang isang tao ay
nakapagdedesisyon ayon sa hikayat ng pananalita o
dating ng sinasabi. (https://prezi.com/stniibxydvb5/kahulugan-at-kahalagahan-
ng-pakikinig/?webgl=0)

Sagutin ang mga tanong:


1. Sino ang bata sa kwento?
2. Ano ang kanyang palaging pinag-kaabalahan?
3. Bakit kaya siya pinagsabihan ng kanyang guro?
4. Ano sa palagay mo ang mangyayari kay Sito
kung palagi siyang walang maisasagot sa pasulit?
5. Kung ikaw si Sito, gagawin mo rin ba ang
kanyang ginawa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
6. Ano ang kahulugan ng pakikinig?
7. Bakit mahalaga sa tao ang makinig habang may
nagsasalita?
8. Anong aral ang nakuha mo sa kwento?
C. Pagsasanay Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Bawat pangkat ay
(Mga Paglilinang na bibigyan ng larawan. Ipasuri sa mga bata kung ano ang
Gawain) ginawa ng mga mag-aaral habang nagsasalita ang
guro.
Tandaan: Makinig sa opinyon ng inyong mga kaklase.
Pangkat 1:

https://www.pinterest.ph/pin/800937114952214551

Pangkat 2:

https://www.google.com.ph/search?q=children+listening+to+the+teacher&sour
ce=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjnot2ko63eAhWMzLwKHeplAo0Q_A
UIDigB&biw=1034&bih=600#imgrc=-PyN5fjfG9yXGM:

50
Pangkat 3:

https://www.alamy.com/school-kids-sitting-on-floor-listening-to-teacher-read-
image221943968.html?pv=1&stamp=2&imageid=B9034845-DA57-4699-9672-
DFF0BB9C38B0&p=139834&n=0&orientation=0&pn=1&searchtype

D. Paglalapat Maglista ng 4 na kahalagahan ng pakikinig.


(Aplikasyon) 1. _________________________
2. _________________________
3. _________________________
4. _________________________

E. Paglalahat Ang pakikinig ang isang makapangyarihang


(Generalisasyon) instrumento ng komunikasyon na nagsisilbing
impluwensiya upang makipag-usap nang mabuti. Ito
ang pinakamabilis na paraan upang maunawaan ang
impormasyon na karaniwang ibinigay ng nagsasalita.
IV. PAGTATAYA Sagutin ng Tama o Mali.
_______1. Makinig nang mabuti kapag may nagsa-
salita.
_______2. Makipagsabayan sa pagsasalita ng
guro.
_______3. Makikipag-away sa kagrupo kapag hindi
nasusunod ang gusto.
_______4. Makikinig sa opiniyon ng iba kahit ito ay
iba sa iyong opinyon.
V. KARAGDAGANG GAWAIN Magdala ng larawan na nagpapakita ng
pagtutulungan sa mga gawain.
VI. PAGNINILAY-NILAY

51
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 12
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali
sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin


sa pag-aaral gaya ng
3. 2 pakikilahok sa pangkatang gawain
EsP5PKP-Ic-d-29
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Napagsisikapang maisabuhay ang maayos na
pakikilahok sa mga pangkatang gawain.
Saykomotor Nakabubuo ng aksyon basis a kantang ibinigay.
Kaalaman Natutukoy ang mga gawaing nagpapakita ng
pakikipagtulungan at pakikilahok sa pangkatang
gawain.
II. PAKSANG-ARALIN Pangkat ko: Kaisa ko
A. Paksa Pakikilahok sa Pangkatang Gawain
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong
Panahon 5
CG EsP p.68,TG p. 5-7
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-
kagamitan-ng-mag-aaral.html

https://www.google.com.ph/search?q=group+activities&source=lnms&
tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiv9cnNsK3eAhUSdt4KHacrAxEQ_AU
IDigB&biw=1034&bih=600#imgrc=c14SU858TQ3jfM:

https://www.google.com.ph/search?q=group+activities&source=lnms&
tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiv9cnNsK3eAhUSdt4KHacrAxEQ_AU
:
IDigB&biw=1034&bih=600#imgrc=LaO5yE6-BGffsM

C.Kagamitang Larawan, tsart, Batayang aklat mga pahina 12-15


Pampagtuturo

III. PAMAMARAAN

52
A. Paghahanda 1. Ano ang iyong gagawin kapag may
Pangmotibeysyunal na Tanong pangkatang gawain sa inyong klase?
2. Bakit kailangan ninyong makilahok sa mga
pangkatang gawain?
3. Gaano ba kahalaga ang pakikilahok sa mga
pangkatang gawain?
Aktiviti/Gawain Kantahin ang isang awitin na pinamagatang “Tayo na
at Mag-aral” (Tune: Twinkle2x Little Star)
Tayo na at mag-aaral
Para tayo’y matutong
Magbasa at magsulat
Pati na ang magbilang

Tayo na at mag-aral
Buhay nati’y gaganda

Tayo na at lumahok
Sa pangkatang gawain
Magkasamang lutasin
Problema’y haharapin

Tayo na, tayo na


Tumulong sa paggawa

Pagsusuri/Analysis 1. Bakit kailangan nating magtulungan sa mga


pangkatang gawain?
2. Ano kaya ang mangyayari kung nagkanya-
kanya tayo sa pagsasadawa ng pangkatang gawain??
B. Paglalahad Basahin ang kwento.
Abstraksyon (Pamamaraan ng Pangako, Magbabago na Ako
Pagtalakay) Ni Fatima S. Morados

Araw ng Biyernes, maagang nagising si Roy.


Pagdating niya sa kusina, handa na ang pagkain sa
mesa. Kumain na muna siya bago naligo.
Dahil maaga siyang nagising, maaga rin siyang
nakarating sa paaralan. Tumulong siya sa mga gawain
sa paaralan. Mabait na bata si Roy ngunit likas sa
kanya ang hindi makinig sa opinyon ng iba. Ayaw na
ayaw niyang pinagsasabihan siya. Hindi siya nakikinig
sa kanyang mga kaklase.Napansin din iyon ng
kanyang guro.

53
Isang araw, naisip ng guro na pangkatin sila sa
apat. Puro matatalino ang kasama ni Roy. Naisip ng
guro na ito na siguro ang pagkakataon ni Roy na
makinig sa iba niyang kaklase.
Bawat grupo ay binigyan ng isang paksa na siyang
tatalakayin nila sa loob ng 10 minuto. Maingay ang
grupo nina Roy dahil hindi sila nagkakasundo. Lahat
na lang ng sasabihin ng kaklase ni Roy ayaw niyang
pakinggan. Hindi na sila nagpapansinan. Pagkalipas
ng 10 minuto, tapos na ang lahat maliban sa pangkat
ni Roy.
Nilapitan sila ng guro at tinanong kung bakit hindi
sila nakatapos. Walang sumagot sa kanila. Ngunit
hindi nakatiis si Roy, sinabi niya na ayaw niya ang
ideya ni Ana at Liza. “Para po kasing hindi angkop sa
paksa, Teacher, ang sabi ni Roy. “Paano mo naman
nalaman na hindi angkop, Roy? Alam mo na ba kung
ano ang tamang sagot?” tanong ng guro sa kanya.
Hindi nakasagot si Roy. Pagkatapos ng klase,
kinausap siya ng guro.
“Sa susunod Roy, dapat matuto kang makinig sa
opinyon at ideya ng iba”. Dapat maging bukas ka sa
mga talakayan dahil iba-iba ang pananaw natin sa
buhay,” sabi ng kanyang guro.
Lumabas si Roy na sising-sisi sa kanyang ginawa.
Kahit nahihiya siya sa kanyang mga kaklase, lumapit
pa rin siya at humingi ng paumanhin.
“Pasensiya na kayo sa inasal ko kanina Ana, Liza.
Pangako, Magbabago na ako,” ang sabi ni Roy sa
kanyang mga kaklase.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang bata sa kwento?
2. Bakit tanging ang pangkat lamang nina Roy
ang nakatapos sa pangkatang gawain?
3. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ni Roy
sa ideya nina Ana at Liza? Ipaliwanag ang inyong
sagot.
4. Kung ikaw si Roy, hihingi ka rin ba ng
paumanhin sa iyong mga nagawa? Bakit? Bakit hindi?
5. Anong magandang aral ang natutuhan ninyo
mula sa napakinggang kwento?
6. Paano ninyo magagamit ang mga aral na ito
sa inyong buhay.

54
C. Pagsasanay Pangkatin sa apat ang buong klase. Sagutin ang mga
(Mga Paglilinang na tanong. Balikan ang awit na kinanta natin kanina. Sa
Gawain) inyong pangkat, gagawa kayo ng aksyon at ipakita ito
sa klase.
“Tayo na at Mag-aral” (Tune: Twinkle2x Little Star)
Tayo na at mag-aaral
Para tayo’y matutong
Magbasa at magsulat
Pati na ang magbilang

Tayo na at mag-aral
Buhay nati’y gaganda

Tayo na at lumahok
Sa pangkatang gawain
Magkasamang lutasin
Problema’y haharapin

Tayo na, tayo na


Tumulong sa paggawa

D. Paglalapat Itala ang mga dapat gawin kapag makilahok sa mga


(Aplikasyon) pangkatang gawain.
1. _________________
2. _________________
3. _________________
4. _________________
E. Paglalahat Gaano kahalaga ang pakikilahok sa mga pangkatang
(Generalisasyon) gawain?
IV. PAGTATAYA Isulat ang tsek (/) kung nagtutulungan ang bawat
miyembro sa pangkat at ekis (X) naman kung hindi
nagtutulungan.
____1. Bumagsak ang pangkat ni Roy dahil hindi
sila nakapasa ng pangkatang proyekto.
____2. Malaki ang grado naming sa EsP dahil
pinag-uusapan naming mabuti ang aming
gagawin.
____3. Si Ana lamang ang gumawa ng kanilang
puzzle.
____4. Nakapasa agad ang pangkat nina Jose
dahil bawat miyembro nito ay may kanya-
kanyang gawain.

55
V. KARAGDAGANG GAWAIN Ibigay ang kahulugan sa sumusunod na mga salitia.
1. Pakikipagtalakayan
2. Pakikipagtunggali
3. pakikipagdebate
VI. PAGNINILAY-NILAY

56
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 13
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag
at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali
sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa


pag-aaral gaya ng
3. 3 pakikipagtalakayan
EsP5PKP-Ic-d-29
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Nahahasa nang lubos ang kakayahan sa pagsasalita,
pagpapaliwanag at pangangatwiran sa pamamagitan ng
pagsali sa talakayan
Saykomotor Nakagagawa ng paliwanag tungkol sa sitwasyong
ibinigay
Kaalaman Naiisa-isa ang mga dapat tandaan kung nakikisali sa
talakayan
II. PAKSANG-ARALIN Pangkat ko: Kaisa ko
A. Paksa Pagkamahinahon (Calmness)
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
CG EsP p.68,TG p. 5-7
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-
mag-aaral.html

https://prezi.com/yyhbsfgfuqqz/ang-
pagtatalakayan/)https://www.coursehero.com/file/p5r00gk/Mga-dapat-
tandaan-kung-kalahok-sa-pangkatang-talakayan-1-Pakinggan-ang-bawat/

C.Kagamitang Larawan, tsart, Batayang aklat


Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Ano ang dapat ninyong gawin kapag gusto
Pangmotibeysyunal na ninyong magsalita sa loob ng klase?
Tanong

57
2. Bakit kailangang itaas natin ang ating mga
kamay bago magsalita?
3. Paano nakatutulong sa pag-aaral ang
pakikipagtalakayan?
Aktiviti/Gawain Ipakita ang larawan.

https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?&n=784975d6&p2=%5
EY6%5Exdm269%5ES28724%5Eph&pg=AJimage&pn=9&ptb=8C7BB2D1
-021D-4801-9408-
256832640EA9&qs=&searchfor=Using+Photos+With+English-
Language+Learners&si=EAIaIQobChMI27ygxd7N3AIVTInCCh0dYQDUEA
EYASAAEgK6PvD_BwE&ss=sub&st=tab&tpr=sbt&trs=wtt&ots=155257131
9455&imgs=1p&filter=on&imgDetail=true

Pagsusuri/Analysis 1. Ano kaya ang ginagawa ng batang nakatayo sa


larawan?
2. Bakit kailangan nating makisali sa talakayan?
3. Paano natin ipakita ang pagkamahinahon sa
pakikipagtalakayan?
B. Paglalahad Basahin ang sanaysay tungkol sa pakikipagtalakayan.
Abstraksyon (Pamamaraan ng Ang Pakikipagtalakayan
Pagtalakay) Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa
pamamagitan ng pagtatalakayan, nahahasa ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita,
pagpapaliwanag at pangangatwiran.
Ito ay malayang pagpapalitan ng kuru-kuro hinggil sa
isang paksa at walang pormal na mga hakbang na
sinusunod. (https://prezi.com/yyhbsfgfuqqz/ang-pagtatalakayan/)
Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang
talakayan;
1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasa-
ma sa pagtatalakayan.
2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng
katotohanan, huwag manatiling tahimik.
3. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na
maaring makapagpabagal sa talakayan.
4. Magkaroon ng bukas na isipan
5. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip,
huwag sasalungat sa katuwiran ng higit na na-

58
kararami.
6. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-
alitan mga kasama.
https://www.coursehero.com/file/p5r00gk/Mga-dapat-tandaan-kung-kalahok-sa-pangkatang-
talakayan-1-Pakinggan-ang-bawat/
Sagutin.
1. Ano ang pakikipagtalakayan?
2. Ano-ano ang dapat ninyong tandaan kung
nakikilahok kayo sa pangkatang talakayan?
3. May makukuha ka bang kaalaman mula sa ideya
ng ibang tao?
4. Bakit mahalaga ang pakikisali sa mga talakayan
sa klase?
C. Pagsasanay Pangkatin ang mga bata sa apat. Bawat pangkat ay
(Mga Paglilinang na bibigyan ng manila paper. Lagyan ng tsek (/) ang kahon
Gawain) kung ito’y inyong ginawa at ekis (x) naman kung hindi.
Ipaliwanag ang inyong sagot
Sitwasyon Oo Hindi Ipaliwanag
ang sagot
1. Nakikinig kung may
nagsasalita.
2. Sumasali sa talaka-
yan sa klase.
3. Nagsasaliksik sa in-
ternet tungkol sa
paksa upang may
maiaambag sa tala-
kayan.
4. Nakikipag-usap sa
cellphone habang
naghihintay na ma-
tapos ang talaka-
yan.
D. Paglalapat Maglista ng apat (4) na dapat tandaan sa
(Aplikasyon) pakikipagtalakayan.
1.__________
2.__________
3.__________
4.__________
E. Paglalahat Dugtungan ang mga salita na nasa kahon upang mabuo
(Generalisasyon) ang pangungusap.
Paano nahahasa ang iyong kakayahan sa
pangkomunikasyon sa pakikisali sa mga talakayan?

59
Nahahasa ang aking kakayahan na pangkomunikasyon
sa pamamagitan ng
______________________________________.

IV. PAGTATAYA Isulat kung Oo o Hindi ang mga pahayag.


_______1. Ang pakikipagtalakayan ba ay karani-
wang gawain sa loob ng klase?
_______2. Nahahasa ba ang kakayahan ng mga
mag-aaral sa pagsasalita sa pamama-
gitan ng pakikipagtalakayan.
_______3. Hindi ba mahalaga ang pakikisali sa
pakikipagtalakayan.
_______4. May makukuha ka bang kaalaman sa
pakikipagtalakayan?
V. KARAGDAGANG GAWAIN Isulat ang mga dapat isaalang-alang kapag tayo ay
nagtatanong.
VI. PAGNINILAY-NILAY

60
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 14
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag
at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa


pag-aaral gaya ng
3. 4 pagtatanong
EsP5PKP-Ic-d-29
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Nakagagamit ng mabisa at maayos na tanong upang
makuha ang inaasahang sagot
Saykomotor Nakabubuo ng mga tanong tungkol sa larawang ibinigay
sa kanilang pangkat
Kaalaman Natutukoy ang mga kahalagahan ng pagtatanong

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Pangkat ko: Kaisa ko
(Pagakamahinahon o Calmness)
B. Sanggunian
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
CG EsP p.68,TG p.5-7
(https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/1102001115)

https://www.aljazeera.com/news/2018/08/myanmar-tens-thousands-
displaced-floods-wreak-havoc-180802064459954.html

https://actionagainsthunger.ca/urgent-state-of-calamity-in-philippines/

https://www.todaysparent.com/kids/school-age/a-new-way-to-reduce-
playground-bullying/
C.Kagamitang Larawan, tsart, batayang aklat
Pampagtuturo

III. PAMAMARAAN

61
A. Paghahanda 1. Ano ang inyong gagawin kapag hindi ninyo
Pangmotibeysyunal na naintindihan ang leksyon?
Tanong 2. Paano nakatutulong ang pagtatanong sa isang
mag-aaral?
Aktiviti/Gawain Basahin ang tula.
Pagtatanong
Kapag sa leksyon ay naguguluhan
Pagtatanong mo ay kailangan
Ang guro ay lapitan
Upang ika’y maliwanagan

Ang tanong ay dapat naaayon


Kung ano man ang inyong leksyon
Hindi kalianman malilito
Pagkat sa sagot nila ika’y matututo

Pagsusuri/Analysis 1. Basi sa tula, ano ang iyong gagawin kung ikaw ay


naguguluhan sa leksyon?
2. Ano ang mangyayari kung ikaw ay nagtatanong
sa guro?
B. Paglalahad Basahin.
Abstraksyon (Pamamaraan ng Mabisang Paggamit ng mga Tanong
(https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/1102001115)
Pagtalakay)
Gumamit ng mga tanong sa angkop na paraan upang
matamo ang inaasahang resulta. Marahil ang layunin mo
ay upang pumukaw ng pagtugon sa isip. Kung ano ang
itinatanong mo at kung paano mo ito itinatanong ay may
tuwirang epekto sa iyong inaasahang resulta o sagot.
Nakatutulong ang mabibisang tanong upang
maisangkot ang mga tagapakinig. Ang mga sagot sa
mabuting-pagkapili ng mga tanong ay maaaring
magbigay rin ng mahalagang impormasyon sa isang
guro. Gumamit ng mga tanong upang anyayahan ang
estudyante hindi lamang para ilahad ang mga
katotohanan kundi upang maipahayag din kung ano ang
kaniyang saloobin at natututunan.
Palibhasa ang mga tanong ay nangangailangan ng
sagot—maging sa pasalita o sa isipan—nakatutulong ang
mga ito upang maisangkot ang iyong mga tagapakinig.
Ang mga tanong ay makatutulong sa iyo na mapasimulan
ang mga pag-uusap at tamasahin ang pagpapalitan ng
mga ideya sa masiglang paraan. Bilang isang
tagapagsalita at isang guro, maaaring gumamit ka ng

62
mga tanong upang pukawin ng interes, upang
mabigyang katwiran ang isang paksa, o upang higit pang
maidiin ang iyong sinasabi. Kapag ginagamit mong
mabuti ang mga tanong, hinihikayat mo ang iba na
aktibong mag-isip sa halip na basta makinig na lamang.
Ihanda ang iyong isipan, at iharap ang iyong mga tanong
sa paraang makatutulong sayo upang makuha mo ang
mga tamang sagot.
Sagutin.
1. Bakit tayo nagtatanong?
2. Bakit kailangang tama ang paraan ng
pagtatanong?
3. Paano nakatutulong ang pagtatanong sa guro? Sa
mag-aaral?
C. Pagsasanay Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Bawat pangkat ay
(Mga Paglilinang na bibigyan ng isang larawan. Gagawa sila ng tatlong
Gawain) tanong basi sa larawan. Isulat ang mga tanong sa
Manila Paper.
Pangkat 1:

https://www.aljazeera.com/news/2018/08/myanmar-tens-thousands-
displaced-floods-wreak-havoc-180802064459954.html

Pangkat 2:

https://actionagainsthunger.ca/urgent-state-of-calamity-in-philippines/

63
Pangkat 3:

https://int.search.myway.com/search/AJimage.jhtml?&n=784975d6&p2=%5EY6%5Exd
m269%5ES28724%5Eph&pg=AJimage&pn=1&ptb=8C7BB2D1-021D-4801-9408-
256832640EA9&qs=&searchfor=Filipino+games&si=EAIaIQobChMI27ygxd7N3AIVTInCC
h0dYQDUEAEYASAAEgK6PvD_BwE&ss=sub&st=bar&tpr=sbt&trs=wtt&ots=1552576366
093&imgs=1p&filter=on&imgDetail=true

D. Paglalapat 1. Gagawin ang Carousel


(Aplikasyon) 2. Ipasa ang larawan at Manila paper na naglalaman
ng mga na buong katanungan sa isang pangkat upang
sagutan.
3. Iproseso ang ginawang Carousel.
1. Naibigay ba ng ibang pangkat ang inaasahan
ninyong sagot sa mga tanong na nabuo ninyo?
2. Nakatutulong baa ng mabisa at maayos na
pagtatanong para makuha ang inaasahang sagot?
Patunayan.
E. Paglalahat Mahalaga ang pagtatanong upang maisangkot ang
(Generalisasyon) tagapakinig. Ang mga tanong ay makatutulong sa iyo na
mapasimulan ang mga pag-uusap at tamasahin ang
pagpapalitan ng mga ideya sa masiglang paraan.
IV. PAGTATAYA Lagyan ng tsek (/) kung ito ay tama at ekis (x) naman
kung mali.
____1. Hindi magtatanong kapag di mo naintindi-
han ang leksyon.
____2. Hayaan lang ang guro na magtanong tung-
kol sa inyong leksyon.
____3. Naintindihan ko ang leksyon dahil marami
akong itinanong sa guro na ipinaliwanag
naman niya ng mabuti.
____4. Kailangang magtanong upang malaman
mga bahaging nahihirapan ang mga mag-
aaral.
____5. Ang mga tanong ay nangangailangan ng
sagot.

64
V. KARAGDAGANG GAWAIN Sagutin ang tanong at isulat sa kwaderno ang inyong
sagot.
Ano ang ibig sabihin ng “Pagtuturo sa iba”?
VI. PAGNINILAY-NILAY

65
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 15
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali
sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin


sa pag-aaral gaya ng
3.7 pagtuturo sa iba
EsP5PKP-Ic-d-29
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Nakalalahok nang masigla sa pagsunod sa mga
hakbang na itinuturo ng ibang pangkat upang
magawa ang isang autput
Saykomotor Naituturo sa ibang pangkat ang hakbang sa paggawa
ng isang particular na awtput
Kaalaman Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kwentong
binasa
II. PAKSANG-ARALIN Pangkat ko: Kaisa ko
A. Paksa Pagtuturo sa iba
(Pagkamahinahon o Calmness)

66
B. Sanggunian
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
p.15-16 CG EsP p.68,TG p.5-7
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-
mag-aaral.html

http://worldartsme.com/peer-tutoring-clipart.html#gal_post_6639_peer-
tutoring-clipart-1.jpg

https://www.wvi.org/romania/article/keeping-kids-school-through-peer-peer-
tutoring-romania

https://educationforautism.wordpress.com/2008/09/08/peer-tutoring-why-
its-a-good-idea-2/

https://www.google.com.ph/search?q=picture+of+children+having+peer+tut
oring&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwi994a117zeAhVPPnA
KHVTqC9IQ_AUIDigB&biw=1366&bih=662#imgrc=SpyMiiOcRBqgkM:

https://sites.google.com/site/spe341grandef2015/ebp-webpage/classwide-
peer-tutoring

C.Kagamitang Larawan, tsart, batayang aklat


Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Naranasan mo na bang magturo sa iyong
Pangmotibeysyunal na Tanongkaklase?
2. Ano ang iyong naramdaman habang
nagtuturo ka?
Aktiviti/Gawain Ituturo sa guro ang paggawa ng isang Origami Paper
dress sa mga bata.
Paalala: Kapag hindi alam ng guro ang paggawa ng
Origami Paper Dress, maari po manood ng Video Clip
sa link na ito. (https://www.youtube.com/watch?v=Wk2iu0yK4LY
Pagsusuri/Analysis 1. Ano ang ginagawa ko?
2. Gaano kahalaga ang pagtuturo sa iba?
3. Bakit kailangan nating makinig habang may
nagtuturo?
B. Paglalahad Basahin ang kwento.
Abstraksyon (Pamamaraan ng Mahinahon na Si Jose
Pagtalakay) Alam ng mga kamag-aral ni jose na siya ay bugnutin
at madaling magalit. Dahil dito ay marami sa kaniyang
mga kamag-aral ang ayaw siyang kasama sa pangkat.
Natatakot kasi ang mga kamag-aral niya ni hindi
makatapos sa proyekto nila sa Agham dahil hindi
magkakasundo ang mga miyembro ng anumang
pangkat na salihan ni Jose.
Dahil malamang na hindi makasali sa anumang
pangkat si Jose, naisip ng kaibigan niyang si Noel na

67
kausapin ito. Tinuruan niya si Jose kung paano
maiwasan ang pagkabugnutin at pagkamainitin ang
ulo. Tinuruan din siya ni Jose kung paano ang
makisama nang maayos sa mga kasama sa pangkat.
Tinanggap naman ni Jose ang ibig ipaalam ng
kaniyang kaibigan. Ipinangako niyang magbabago na
siya at hindi na magiging bugnutin. Sinabi ni Jose na
magiging mahinahon na siya. Labis na ikinatuwa ng
buong klase nang malaman nilang magbabago na si
Jose.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang bugnutin at madaling magalit?
2. Bakit natatakot sa kanya ang kanyang mga
kaklase?
3. Sa iyong palagay, nakasasama ba kay Jose ang
pagiging bugnutin at mainitin ang ulo? Ipaliwanag ang
sagot.
4. Paano tinulungan ni Noel si Jose?
5. Kung ikaw si Jose, tatanggapin mo ba ang
pakiusap ng iyong kaibigan? Pangatwiran ang sagot.
C. Pagsasanay Pangkatin ang mga bata sa apat. Bawat pangkat ay
(Mga Paglilinang na mag-isip ng mga halimbawa ng Origami/paper
Gawain) folding. Pag-usapan ito sa pangkat. Pagkatapos ay
pumunta sa harap at ituro sa ibang pangkat ang
napiling Origami.
D. Paglalapat Basi sa inyong mga pangkatang gawain, Ano ang
(Aplikasyon) nakuha mong magandang aral . Itala ang mga ito.
1. ________________
2. ________________
3. ________________
4. ________________
E. Paglalahat Ang pagkamahinahon ay ang pagiging kalmado sa
(Generalisasyon) kabila ng nagtutunggaliang ideya. Kaakibat nito ang
pagkamapasensiya at pagkamatiisin.
IV. PAGTATAYA Lagyan ng hugis kung tama ang pahayag at
naman kung mali.
________1. Negatibong pananaw kung ikaw
ay magtuturo sa iba.
________2. Sinisigawan ang kaklase kapag hindi
nakikinig sa iyong tinuturo.
________3. Maging mahinahon sa lahat ng pagka-
kataon.
________4. Taus-pusong magturo sa iba.
________5. Hindi tumatanaw ng tunay na estado

68
ng buhay kapag nagtuturo.
V. KARAGDAGANG GAWAIN Magdala ng mga sumusunod
1. Ginupit ng mga letra, numero at iba pang
bahagi ng keyboard
2. Pandikit
3. Folder o karton
4. Construction paper
VI. PAGNINILAY-NILAY

69
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 16
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag
at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga


proyektong pampaaralan

3.5 paggawa ng proyekto sa paaralan


EsP5PKP-Ie-30
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Napahahalagahan ang pag-aaral sa pamamagitan ng
paggawa ng proyekto sa paaralan
Saykomotor Nakagagawa ng proyekto nang may kawilihan
Kaalaman Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga
proyektong pampaaralan
II. PAKSANG-ARALIN Pagiging Matapat, Isang Mabuting Gawi
A. Paksa Paggawa ng Proyekto sa Paaralan (Pagiging Matapat)
B. Sanggunian
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon
5
CG EsP p.68,TG p.5-7
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-
mag-aaral.html

https://pinoycollection.com/tula-tungkol-sa-pangarap/

http://thearenaweekly.myschoolarena.com/wp-
content/uploads/2017/12/20520667_560d98c3b2_o1.jpg

http://a57.foxnews.com/global.fncstatic.com/static/managed/img/Health/20
09/July/0/0/school_kids_640.jpg

C.Kagamitang Larawan, tsart, batayang aklat


Pampagtuturo

70
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Kayo ba gumagawa ng proyekto at takdang
Pangmotibeysyunal na aralin?
Tanong 2. Bakit kaya may mga pagkakataon na hindi kayo
nakapapasa ng takdang-aralin at
proyekto sa tamang oras?
Aktiviti/Gawain Basahin ang mga pahayag sa ilalim.
1.
Ang paggawa ng proyekto ay ibinibigay
upang makagawa ang isang mag-aaral
ng kaugnay na gawain para sa
isinatalagang tinalakay na aralin.

2.
Ito ay nakatutulong upang mas lalung-
lalong maintindihan ng mga bata ang
leksyon.

Pagsusuri/Analysis 1. Ano ang ibig sabihin ng proyektong


pampaaralan?
2. Paano ito nakatutulong sa mga mag-aaral?
B. Paglalahad Basahin.
Abstraksyon (Pamamaraan ng Ang pangunahing dahilan ng ating pagpunta sa
Pagtalakay) paaralan ay upang matuto tayo. Matuto ng maraming
bagay na maaari nating kailanganin at pakinabangan sa
pagharap natin sa mga hamon sa buhay. Sa paaralan din
higit na hinuhubog at pinag-aralan ang wastong
paikisalamuha sa tao.
Mahalaga ang paggawa ng proyekto dahil
napapaunlad nito ang kasanayan ng mga bata. Ito ay
pagpapatunay na kaya ng mga bata na gumawa ng mga
proyekto na bigay ng guro.
Ang pagiging matapat sa anumang gawaing
nakaatang sa atin ay dapat na ipakita sa lahat ng
pagkakataon. Dapat na ipabatid sa lahat na ang mga
mag-aaral ay gumagawa rin ng kapaki-pakinabang na
mga proyekto. Sila ay matapat sa paggawa ng mga
tungkulin sa loob at labas man ng paaralan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Bakit kailangan nating gumawa ng proyekto?
2. Saan higit na hinuhubog ang mga mag-aaral sa
wastong pakikisalamuha sa tao?

71
3. Ano ang kahulugan ng pagiging matapat?
C. Pagsasanay Pangkatin ang mga bata sa 8. Bawat grupo ay
(Mga Paglilinang na gagawa ng keyboard. Gagayahin ninyo ito gamit
Gawain) ang ipinadadala ko sa inyo kahapon.

http://cliparts.co/cliparts/Lid/jG8/LidjG8j7T.jpg
1. Gumupit ng mga letra, numero at iba pang
bahagi ng keyboard
2. Pandikit
3. Folder o karton
4. Construction paper

D. Paglalapat Pagkatapos gawin ang isang keyboard, pipili ng lider na


(Aplikasyon) siyang magpapakita sa harap ng klase. Ipaliwanag kung
ano ang kanilang ginawa at natapos nila ang kanilang
ginagawa.

E. Paglalahat Dapat tandaan na nagpapaunlad ng dunong ng mga


(Generalisasyon) mag-aaral ang pagiging matapat sa pagganap ng
tungkulin lalung-lalo na sa paggawa ng mga proyektong
pampaaralan.
IV. PAGTATAYA Sabihin kung tama o mali. Isulat ang sagot sa patlang.
_____1. Hindi importante ang proyekto sa klase.
_____2. Gagawin ko ang proyekto na ipinagagawa ng
guro.
_____3. Unahin ko muna ang paglalaro bago ang mga
gawain sa paaralan.
_____4. Hindi nakaaapekto sa aking marka ang hindi ko
pagpasa ng proyekto.

V. KARAGDAGANG GAWAIN Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang ibig sabihin ng Takdang-Aralin?
2. Bakit binibigyan ng guro ang mga bata ng
Takdang Aralin?
VI. PAGNINILAY-NILAY

72
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 17
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali
sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga


proyektong pampaaralan
paggawa ng takdang aralin
EsP5PKP-Ie-30
I. LAYUNIN
Apektiv Napahahalagahan ang pag-aaral sa pamamagitan ng
matapat na paggawa at pagpasa ng takdang aralin sa
tamang oras
Saykomotor Nakapagpapakita ng mga paraan ng pagiging matapat
sa paggawa ng takdang-aralin
Kaalaman Natatalakay ang kahalagahan ng paggawa ng takdang
aralin
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Pagiging Matapat, Isang Mabuting Gawi
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
CG EsP p.68, TG p.5-7
C.Kagamitang Larawan, tsart, batayang aklat
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Naranasan ‘nyo na bang hindi gumawa ng
Pangmotibeysyunal na Tanong takdang-aralin?
2. Bakit kaya may mga pagkakataong hindi kayo
nakagagawa ng takdang aralin?
Aktiviti/Gawain Basahin ang isang diyalogo.
Isang umaga, sa loob ng silid-aralan.
Liza: Ana, nakagawa ka ba ng takdang-aralin?
Ana: Oo, Liza. Nagpatulong ako kay ate. Ikaw?
Liza: Hindi ako nakagawa dahil nanood ako ng Pro-
binsiyano. Paganda nang paganda na kasi

73
ang mga palabas nila.
Ana: Naku, Liza! Dapat inuuna mon a muna ang
paggawa ng takdang-aralin. Ayaw na ayaw
pa naman ni titser ang ganyan.
Liza: Oo nga, Ana. Kinabahan na nga ako dito.
At dumating na ang kanilang guro.
Pagsusuri/Analysis 1. Bakit hindi nakagawa ng proyekto si Liza?
2. Sa tingin ninyo, ano kaya ang susunod na
mangyayari sa diyalogo?
B. Paglalahad Basahin ang tungkol sa Takdang Aralin.
Abstraksyon (Pamamaraan ng
Pagtalakay) Ang takdang aralin ay isa sa mga bagay na
kinatatamaran gawin ng ilang mga estudyante. Ano
nga ba ang kahalagahan ng paggawa ng mga ito? Una,
mahalagang gumawa ng takdang aralin dahil
napapabuti nito ang kaisipan at ang memorya ng isang
mag-aaral. Pangalawa, ito ay makakatulong upang
magkaroon ng positibong kasanayan tungo sa pag-
aaral ang isang mag-aaral. Pangatlo, importante ang
paggawa ng takdang aralin dahil ito ay tumutulong
upang maging handa ang kaisipan ng isang estudyante
sa pagiging responsable sa pag-aaral at sa mga paksa
na tatalakayin sa susunod na klase.
Ang pagbibigay ng takdang-aralin ay makatutulong
upanglalo pang maging pala-aral ang isang estudyante.
Sa halip naaksayahin nya ang oras niya salabas ng silid-
aralan, ay gagawin naniya ang takdang- aralin.
https://brainly.ph/question/764006
https://brainly.ph/question/563727#readmore
Dapat gawin ang takdang aralin sa abot ng iyong
makakaya. Maging matapat sa paggawa nito. Ang
paggawa ng takdang aralin ng taos puso ay
nakatutulong sap ag-unlad ng kakayahan ng isang
mag-aaral. Iwasang mangopya sa kaklase. Walang
magandang maidudulot sa iyo ang pangongopya ng
takdang aralin.
1. Bakit binibigyan ng takdang aralin ang mga
mag-aaral?
2. Paano nakatutulong sa mga mag-aaral ang
pagkakaroon ng takdang aralin? Pangatwiran ang
sagot.
3. Paano mo maipakita ang pagiging matapat sa
paggawa ng takdang aralin?

74
C. Pagsasanay Pangkatin ng tatlo ang buong klase. Bawat pangkat ay
(Mga Paglilinang na bibigyan ng gawain.
Gawain) Unang Pangkat:
Magtala ng limang paraan ng maaaring maging
resulta ng hindi paggawa ng takdang-arali.
Ikalawang proyekto:
Gumawa ng isang tula tungkol sa kahalagahan ng
paggawa ng takdang-aralin.
Ikatlong proyekto:
Sa pamamagitan ng pagsasadula, magpakita ng
paraan ng pagiging matapat sa paggawa ngg takdang-
aralin.
D. Paglalapat Kumpletuhin ang nasa kahon upang mabuo ang
(Aplikasyon) pangungusap.
Ako si, _______________________________,
nangangako na gagawin ko ang aking Takdang
Aralin upang
____________________________________.

E. Paglalahat Ang pagiging matapat sa paggawa ng takdang aralin ay


(Generalisasyon) nakatutulong sa pag-unlad ng iyong kakayahan dahil
mas mapapalalim nito ang kakayahan ng mag-aaral.
IV. PAGTATAYA Lagyan ng bituin ( ) ang patlang kung tama ang
pahayag at bilog ( ) naman kung mali.
______ 1. Ang paggawa ng takdang aralin ay pabigat
lamang sa mga mag-aaral.
______ 2. Hindi kailanman nakatutulong ang takdang
aralin sa buhay ng mag-aaral.
_______ 3. Mahalaga ang takdang aralin dahil
natuturuan ang mga bata na mag-aral sa gabi bago
matulog.
_______ 4. Maaring tayong magpatulong sa mga
magulang o kapatid sa ating takdang aralin.
_______ 5. Si ate lang ang gumagawa ng aking takdang
aralin.

75
V. KARAGDAGANG GAWAIN Basahin ang kwentong “Pagbabago ni Jessica” na nasa
pahina 20-21 sa inyong aklat (Ugaling Pilipino sa
Makabagong Panahon).
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang katangian ni Jessica na angat sa
maraming mag-aaral sa kanilang paaralan?
2. Maituturing bang matapat na bata si Jessica?
Patunayan.
3. Bakit nalagay sa alanganin ang magandang
ugnayan nina Jessica at ang kanyang mga kamag-aral?

VI. PAGNINILAY-NILAY

76
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 18
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag
at pagganap ng anumang Gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang
Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga


proyektong pampaaralan
EsP5PKP-Ie-30
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Napahahalagahan ang pagiging matapat sa paggawa
Saykomotor Naisasadula ang ugaling matapat sa paggawa
Kaalaman Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga
proyektong pampaaralan
II. PAKSANG-ARALIN Pagiging Matapat, Isang mabuting Gawi
A. Paksa Pagiging Matapat
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong
Panahon 5 p.18-23
CG EsP p.68,TG p.7-8
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-
ng-mag-aaral.html

https://www.dreamstime.com/photos-images/cheating-test.html

https://www.verywellfamily.com/how-to-discipline-your-child-for-
cheating-in-school-4155778

https://www.shutterstock.com/search/class+mates
C.Kagamitang Larawan, tsart, Batayang aklat p.18-23
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Ano ang kahulugan ng pagiging matapat?
Pangmotibeysyunal na 2. Paano ninyo ito maipakita sa inyong kapwa?
Tanong

77
Aktiviti/Gawain Tingnan ang mga larawan.
Pangkatin sa tatlo ang mga bata. Isadula ang nakita
ninyo sa larawan.

Unang pangkat:

https://www.dreamstime.com/photos-images/cheating-test.html

Ikalawang pangkat:

https://www.verywellfamily.com/how-to-discipline-your-child-for-cheating-in-school-4155778

Ikatlong pangkat:

https://www.shutterstock.com/search/class+mates

78
Pagsusuri/Analysis 1. Ano ang ginagawa ng mga mag-aaral?
2. Matapat ba sila sa pagganap ng kanilang
tungkulin bilang mag-aaral?
3. Ano ang maaari mong imungkahi sa kanila?
B. Paglalahad Basahin.
Abstraksyon (Pamamaraan Ano ba ang Kahulugan ng Pagiging Matapat?
ng Pagtalakay)
ANG pagiging matapat ay nangangahulugan ng
pagiging mapagtapat at walang daya. Ang pagiging
matapat ay humihiling sa iyo na ikaw ay maging
makatuwiran sa pakikitungo sa iba—prangka, honorable,
hindi magdaraya o nagliligaw. Ang isang taong matapat
ay isang taong may integridad. Palibhasa’y laging
mapagkakatiwalaan, siya’y hindi kailanman magdaraya
sa kaniyang kapuwa tao. Lahat tayo ay nagnanais na
tratuhin tayo sa ganiyang paraan, di ba? Kaya lilipas pa ba
kaya ang pagkamatapat?
Napangangatwiranan na: Ang pagiging tapat sa salita
at gawa ay pagpapatunay ng pagkakaroon ng
pananagutan sa katotohanan at mabuti/ matatag na
konsensya. Ito ay may layuning maibigay sa kapwa ang
nararapat para sa kanya gabay ang diwa ng pagmamahal.
https://www.coursehero.com/file/p4grlre/Ang-pagiging-tapat-sa-salita-at-gawa-ay-
pagpapatunay-ng-pagkakaroon-ng/
C. Pagsasanay Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Bawat pangkat ay
(Mga Paglilinang na bibigyan ng isang sitwasyon. Lahat ng sitwasyong binigay
Gawain) ay pawang mga mali. Ang gagawin ng pangkat ay isulat
ito ng tama. Iulat pagkatapos ng gawain.
Pangkat 1: Inutusan si Ana ng kanyang guro dahil
pinatwag siya ng kanyang principal. Habang wala ang
guro, nakipagdaldalan si Ana sa kanyang mga kaklase.

Pangkat 2: Nagkakaroon ng pangkatan gawain sa klase


nina Gng. Rosier. Si Lito na pinakamatalino ang ginawang
lider sa unang pangkat. Ngunit hindi siya tumulong sa
kanyang pangkat dahil may ginawa siyang kard para sa
kanyang kaibigan na magbibirtdey sa darating na Linggo.

Pangkat 3: Tinatamad si Roy na gumawa ng kanyang


takdang aralin kaya sinabi niya sa kanyang kaibigan na
hiramin ang kanyang notebook upang kopyahin ang
kanyang mga sagot.

79
D. Paglalapat Lagyan ng tsek (/) kung ito’y nagpapakita ng mabuting
(Aplikasyon) gawi at ekis(x) naman kung hindi.
___1. Ginagawa ko ang aking proyekto upang matapos
ito sa takdang oras.
___2. Kumokupya ako mula sa internet para ipasa bilang
aking proyekto.
___3. Ibinabahagi ko ang aking mga ideya sa aking mga
kapangkat kapag may iniatas sa aming gawain.
___4. Naghihintay ako ng takdang araw bago ako
magpasa ng proyekto.
E. Paglalahat Bakit mahalaga sa tao ang pagiging matapat?
(Generalisasyon)
IV. PAGTATAYA Basahin ang sitwasyon. Isulat sa papel kung ano ang
iyong gagawin kung mahaharap ka sa mga sitwasyong
ito.
1. Itinatanong ng Nanay mo kung bakit bumaba ang
markang nakuha mo sa iyong pagsusulit sa English.
Ano ang iyong sasabihin?
2. May nakita kang ulat tungkol sa “Epekto ng
Makabagong Teknolohiya sa Kabataan Ngayon” na
maaari mong kopyahin na lamang. Ano ang iyong
gagawin?
3. Sinabi ng iyong guro na ikaw ang pambato sa
Science Quiz Bee dahil malaki ang score mo sa test.
Pero hindi alam ng iyong guro na nangopya ka lang.
Ano ang iyong gagawin?
4. May tinalakay na isang mahalagang paksa ang
iyong guro. Nang tinanong ka na kung ano ang
masasabi mo, hindi ka nakasagot. Ano ang iyong
gagawin?
V. KARAGDAGANG GAWAIN Sagutin ang tanong. Maari kayong magtanong sa inyong
pamilya o mga kaibigan
1. Ano ang mangyayari kapag nagsinungaling si
Pinocchio?
2. Bakit humahaba ang kanyang ilong?
VI. PAGNINILAY-NILAY

80
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 19
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang Gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali
sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga


proyektong pampaaralan
EsP5PKP-Ie-30
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
Apektiv Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga
proyektong pampaaralan
Saykomotor Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa binasang
kwento
Kaalaman Nakapaglalahad ng mga karanasan tungkol sa
naranasang pagsisinungaling sa sinumang miyembro
ng pamilya dahil sa takot na mapagalitan
II. PAKSANG-ARALIN Pagigig Matapat, Isang Mabuting Gawi
A. Paksa Pagiging Matapat
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p.18-23
CG EsP p.68, TG p.7-8
C.Kagamitang Larawan, tsart, Batayang aklat p.18-23
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Naranasan na ba ninyong magsinungaling sa
Pangmotibeysyunal na Tanong inyong pamilya?
2. Ano ang dahilan ng inyong pagsisinungaling?
3. May mabuti bang maidudulot ang palaging
nagsisinungaling? Pangatwiran ang sagot.
Aktiviti/Gawain Basahin ang tula.
Ang Batang Matapat
Ang batang matapat sabi ni ina ay pinagpapala
Ang batang matapat sabi ni ama ay may gantimpala

81
Tunay na kahanga hanga at karapat dapat sa
pagtitiwala

Ang batang matapat sa pera at yaman ay hindi


nasisilaw
Sapagkat ang dangal at pangalan ay iniingatan
Ang batang matapat ay malinis ang isipan
Busilak ang kalooban

Ang batang matapat mayaman sa kabutihan


Maraming kaibigan at kinagigiliwan

Turo ng aking guro ang kagandahang asal ay pairalin


Sapagkat ang batang matapat ay binibiyayaan ng
magandang kapalaran
https://www.facebook.com/714976355255398/posts/batang-matapat-ang-batang-
matapat-sabi-ni-ina-ay-pinagpapalaang-batang-matapat-s/718067931612907/

Pagsusuri/Analysis 1. Ano ang pamagat ng tula?


2. Batay sa tulang nabasa, ano ang mensahe nit?
3. Sino kaya ang tinutukoy sa tula?
B. Paglalahad Basahin.
Abstraksyon (Pamamaraan ng Ang pagiging matapat ay ugaling dapat
Pagtalakay) ipagmalaki. Ang taong nagpapakita ng ganitong pag -
uugali saanman at kailanman ay makakamit ang tunay
na kaligayahan at magkakaroon ng isang maayos,
payapa at maunlad na pamumuhay. Iniiwasan niyang
magsinungaling at pagtakpan ang mga maling gawi na
ginawa ng iba. (http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-
grade-5-kagamitan-ng-mag-aaral.html
Ang pagiging matapat na siguro ang
pinakamagandang ugaling naka-sanayan ng tao.
Tinuturuan ka nito kung paano maging totoo sa mga
taong nakapaligid sayo. Inilalayo ka rin nito sa
anumang uri ng kapahamakan. Sabi nga “Ang pag-
sasama ng tapat ay pag-sasama ng maluwat”, mula
dito ang nakabubuo tayo ng isang magandang
komunidad at pag-katao. Gaano ba talaga kahalaga
ang pagigiging matapat? At ano ang kailangan mong
gawin upang maging matapat sa mga taong
nakapaligid sa iyo?
Lubhang napakaganda ng salitang katapatan, mula
dito tayo ay nakalalaya tayo sa anong mang bagay na
bumabagabag sa atin. Ito rin ang dahilan kung bakit

82
pa tayo nag-mamahal, kung bakit natin nasasaktan
ang isang tao. Mag-shashare ako ng story, Nung bata
kasi ako mahilig akong kumuha ng barya kay mama
hanggang sa dumating na gustong-gusto ko mag laro
pero kailangan ko ng pera, kinuha ko yung barya sa
Sto. Nino namin in short nangupit ako. Nalaman ni
mama yun pinagalitan nya ako, ginulpi, pinaluhod,
hinampas ng wire at pinatuluan ng kandila, dahil sa
nag-sinungaling ako. Then nangupit ako tapos
tinanong nya ako kung ako ba talaga ang gumawa
nun, sabi ko oo ang ginawa nya ay pinag-sabihan ako
at tapos at biglang nag flashback ang lahat ng bagay
sa isip ko, kung nung una palang ay nag-sabi na ako ng
totoo edi hindi sana ako nagulpi at sinigawan. Doon
ko nalaman ang kahalagahan ng pagiging matapat.

C. Pagsasanay Basahin ang mga sitwasyon. Isulat sa iyong kwaderno


(Mga Paglilinang na kung ano ang iyong gagawin kung mahaharap ka sa
Gawain) ganitong sitwasyon gamit ang pagiging matapat.
1. Itinatanong ng nanay mo kung bakit bumaba
ang markang nakuha mo sa iyong pagsusulit sa
English. Ano ang iyong gagawin?
__________________________________
__________________________________
__________________________________
2. Mataas ang nakuha mong score sa Araling
Panlipunan. Kaya ikaw ay napiling kinatawan ng
inyong klase sa isang Quiz Bee Competition. Pero
alam mo sa sarili mo na hindi dapat ikaw dahil
pinakopya ka lang ng kaklase mo. Ano ang iyong
gagawin?
______________________________
______________________________
______________________________
D. Paglalapat May mga pagkakataong mapipilitan kang
(Aplikasyon) magsinungaling dahil sa takot na ika’y mapahiya o
mapagalitan. Nararanasan na ba ito?
Pangkatin ang mga bata sa apat. Bawat pangkat ay
bibigyan ng tatlong minuto upang gunitain ang mga
nararanasan nilang pagsisinungaling. Ipaalala ang
kahalagahan ng pagiging matapat sa pagsabi ng
totoo.
E. Paglalahat Gaano ba kahalaga ang pagiging matapat sa paggawa
(Generalisasyon) ng mga proyektong pampaaralan?

83
IV. PAGTATAYA 1.

http://jhaslibrary.blogspot.com/2018/03/

2.

https://smithsystem.com/smithfiles/2016/04/26/how-project-based-learning-puts-
students-in-the-drivers-seat/

3.

https://www.prodigygame.com/blog/classroom-management-strategies/

84
4.

https://www.nytimes.com/2010/09/19/magazine/19video-t.html
5.

http://www.stuff.co.nz/timaru-herald/news/8564609/Comics-cater-to-technological-age

6.

https://www.theguardian.com/technology/2014/jun/02/parents-guide-video-games-
playstation-xbox-wii-apps-children
V. KARAGDAGANG GAWAIN Sumulat ng isang maikling kwento tungkol sa
pagsisinungaling na inyong naranasan.
VI. PAGNINILAY-NILAY

85
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 20
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag
at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali
sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakahihikayat ng iba na maging matapat sa lahat ng uri


ng paggawa
EsP5PKP-Ie-31
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
Apektiv Naisasabuhay ang pagiging matapat sa lahat ng
ginagawa
Saykomotor Nahihikayat ang iba na maging matapat sa lahat ng uri
ng paggawa sa pamamagitan ng pagtatanghal ng rap /
awit at diyalogo at paggawa ng isang poster
Kaalaman Nasasagot nang may buong pag-unawa ang mga
katanungan tungkol sa binasang tula
II. PAKSANG-ARALIN Palagi akong Matapat
A. Paksa Ang Batang Hindi Nagsisinungaling
B. Sanggunian
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
p. 24-29 CG EsP p.69,TG p. 9-11
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-
mag-aaral.html

https://en.wikipedia.org/wiki/Pinocchio:_The_Series

https://thebodyisnotanapology.com/magazine/talking-to-kids-about-mental-
illness/

C.Kagamitang Larawan, tsart, batayang aklat


Pampagtuturo

III. PAMAMARAAN

86
A. Paghahanda 1. Naniniwala ka ba sa kasabihan sa Ingles na
Pangmotibeysyunal na Tanong “Honesty is the best Policy?”
2. May kabutihang dulot ba ang pagiging matapat
sa lahat ng pagkakataon? Pag-usapan ito sa klase.
Aktiviti/Gawain Ipakita ang larawan ni Pinocchio.
https://en.wikipedia.org/wiki/Pinocchio:_The_Series

Pagsusuri/Analysis 1. Kilala ba ninyo si Pinocchio?


2. Bakit humahaba ang kanyang ilong?
3. Sa iyong palagay, paano ang tamang
pagsasabuhay ng katapatan?
4. Nangangahulugan ba ito na ang mga taong
minsa’y nakapagsisinungaling ay hindi na
magtatagumpay sa kanilang buhay?
B. Paglalahad Basahin ant unawain ang tula.
Abstraksyon (Pamamaraan ng Ang Batang Hindi Nagsisinungaling
Pagtalakay) (Malayang salin ni RG Alcantara mula sa tulang Ingles
na “The Boy Who never told a Lie ni Isaac Watts)

Minsan, may isang batang lalaki,


Kulot ang buhok at may mga matang masaya palagi,
Isang batang palaging nagsasabi ng totoo,
At hindi kailanman nagsinungaling.
Kapag umalis na siya ng paaralan,
Magsasabi na ang lahat ng kabataan,
“Ayun pauwi na ang batang may kulot na buhok,
Ang batang hindi kailanman nagsinungaling.”

Kaya nga ba mahal siya ng lahat,


Dahil lagi siyang matapat.
Sa araw-araw, at habang lumalaki siya,
May lagi nang nagsasabi, “Ayun na ang matapat na
Bata.”

At kapag nagtanong ang mga tao sa paligid,


Kung ano ang dahilan at kung bakit,

87
Palaging ganito ang sagot,
“Dahil hindi siya kalianman nagsinungaling.
Sagutin ang mga tanong.
1. Paano mo ilalarawan ang batang lalaki sa tula?
2. Bakit siya minamahal ng mga tao?
3. Katulad ka rin ba ng bata sa tula?
4. Paano mo isinasabuhay ang pagiging matapat
sa lahat ng ginagawa?
C. Pagsasanay Pangkatin sa tatlo ang buong klase. Bawat pangkat ay
(Mga Paglilinang na bibigyan ng kani-kanilang gawain.
Gawain) Unang pangkat:
Magtanghal ng isang diyalogo kung saan pumapaksa
tungkol sa paghihikayat ng iba na maging matapat sa
lahat ng uri g paggawa.
Ikalawang pangkat:
Magtanghal ng isang sariling gawang awit / rap na
naghihikayat ng iba na maging matapat sa lahat ng uri
ng paggawa.
Ikatlong Pangkat:
Gumawa ng isang poster na pumapaksa tungkol sa
paghihikayat ng iba na maging matapat sa lahat ng uri
ng paggawa.

D. Paglalapat Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawain na nasa


(Aplikasyon) ibaba? Sagutin ng palagi, madalas, Bihira o hindi
kailanman ang bawat sitwasyon.
Palagi Madalas Bihira o
Sitwasyon hindi
kailanman
1.Isinauli ang
sobrang sukli
2. Tamang
halaga ang
ibinigay ko
kapag
sumasakay
ako sa
panpublikong
sasakyan
3. Sinasabi ko
ang totoong
dahilan

88
kapag nahuli
ako sa klase.
4. Nagsasabi
ako ng totoo
sa aking mga
magulang
kapag
humihingi
ako ng
pahintulot na
pumunta sa
isang lugar
E. Paglalahat Ang pagiging matapat ay naipapakita sa paggawa. Sa
(Generalisasyon) pamamagitan ng iyong mga ginagawa ay nakahihikayat
ka sa mga tao na gumaya sa paggawa ng tama
IV. PAGTATAYA Sabihin kung sumasang-ayon ka o hindi sa mga
pahayag. Isulat ang Oo o Hindi sa patlang.
________1. Dapat itago ang pagkakamali para hindi
mapahiya.
________2. Kapag may nakitang gamit sa silid-aralan,
dapat ipaalam ito sa guro.
________3. Hindi na isasauli ang gamit na hiniram sa
kaklase.
________4. Isauli ang sobrang sukli sa tindera.

V. KARAGDAGANG GAWAIN Magbahagi ng isang karanasan hinggil sa pagiging


matapat sa iyong ginagawa. Gamitin ang talahanayan
sa ibaba.
Sitwasyon Paano mo Resulta o bunga
ipinakita ang
magiging
matapat
1.
2.
VI. PAGNINILAY-NILAY

89
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 21
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng anumang
gawain na may kinalaman sa sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang
Pangnilalaman
Pamantayan sa Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali sa
Pagganap pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakahihikayat ng iba na maging matapat sa lahat ng uri ng paggawa


EsP5PKP-Ie-31
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
Apektiv Nabibigyang halaga ang pagiging matapat sa pamamagitan ng
pagharap sa katotohanan
Saykomoto Naisasadula ang diyalogo na nagpapakita ng pagiging matapat sa
r pagharap sa katotohanan
Kaalaman Nakahihikayat ng iba na maging matapat sa lahat ng uri ng paggawa
II. PAKSANG-
ARALIN
A. Paksa Pagharap sa Katotohanan
B.
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon
Sanggunian
5 p. 24-29 CG EsP p.69,TG p. 9-11
http://canacopegdl.com/keyword/stealing-something.html

http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-
ng-mag-aaral.html
C.Kagamita Larawan, tsart, batayang aklat
ng
Pampagtut
uro
III.
PAMAMARAAN
A. 1. Palagi ka bang nagsasabi ng totoo? Bakit?
Paghahand 2. Ano ang pakiramdam mo kapag nagsasabi ka ng totoo?
a
Pangmotibeysyu
nal na Tanong
Aktiviti/Gawain Basahin ang mga pahayag tungkol sa pagiging matapat. Isulat ito sa
cartolina strip.

90
1.
Matapat ang taong nagsasabi ng
totoo.

2.
Ang katapatan ay isang mabuting
katangian.

3.
Ang pagharap sa katotohanan ay
daan tungo sa pagkamatapat.

Pagsusuri/AnalysSagutin ang mga tanong.


is 1. Sa iyong palagay, paano ang tamang pagsasabuhay ng
katapatan?
2. Paano naging daan tungo sa pagkamatapat ang pagharap sa
katotohanan?
B. Basahin ang kwento.
Paglalahad Ang Pagharap sa Katotohanan
Abstraksyon Mga Tauhan;
(Pamamaraan ng Tina: 12 taong gulang na mag-aaral
Pagtalakay) Bb. Cruz: Guro ni Tina
Dang: Kamag-aral ni Tina at Caryl
Gng. Gomez: Nanay ni Tina
Caryl: Kaibigan ni Tina

Isang araw, bumisita si Caryl kay Tina.


TINA: Caryl, bakit ka napapunta dito?
CARYL: Tina, pinapunta ako rito ni Bb.Cruz upang sabihin sa iyo na
kailangan mong pumasok sa klase bukas. Mayroon daw siyang
itatanong sa iyo.
TINA: Ngunit nagpadala na ako ng sulat na masama ang pakiramdam
ko. Kaya nga hindi ako nakadalo sa klase niya kaninang umaga.
CARYL: Tina, huwag ka nang magsinungaling. Kaninang umaga, nakita
ka ng kapatid kong babae na nagbibisikleta. Magkaibigan tayo kaya’t
kilalang-kilala na kita.
TINA: May alam k aba kung ano ang itatanong sa akin ni Bb. Cruz?
CARYL: Tungkol siguro sa nawawalang maliit na bag ng lamag-aral
nating si Dang.
TINA: (Biglang nayamot.) At ano naman ang kinalaman ko sa bag ni
Dang?

91
CARYL: May nakakita sa iyo na dala mo iyon nang pauwi ka kahapon.
Sabi ni Dang, iniwan niya sa loob ng silid-aralan ang bag. Nang balikan
niya ito, wala na roon.
TINA: Pinagbibintangan mo ba ako? Paano ka nakatitiyak?
Napagkamalan lang nila na ako ang may dala noon kahapon.
CARYL: Sa totoo lang, ako ang nakakita sa iyo kahapon, kaya hindi ako
nagkakamali. Kilala kita, Tina. Alam kong hindi ka naman talaga
kumukuha ng mga gamit ng ibang tao.
TINA: (Seryoso.) Hindi ko naman talaga sinasadyang gawin iyon.
Napakaganda ng bag ni Dang. Naisip ko lang na titigil na siguro ang
mga pinsan ko ng pagpapainggit sa akin ng bago nilang bag kapag
nakita nilang may bago rin akong bag.
CARYL: Alam kong hindi mo sinasadyang gawin iyon. Pero mali ang
ginawa mo, Tina. Kailangang makipagkita ka kay Bb. Cruz bukas at
humingi ng paumanhin kay Dang.
TINA: Maaari mob a akong samahan sa pakikipag-usap sa kanila
bukas?
CARYL: Sige, makakaasa ka.

Paalis na si Caryl nang dumating si Gng. Gomez.


GNG.GOMEZ: Narito ka pala, Caryl! Mabuti naman at nagkita tayo.
CARYL: Magandang hapon po, Gng.Gomez. Ikinalulugod ko rin pong
Makita kayo.
TINA: Binibisita niya po ako.
GNG. GOMEZ: Naku, salamat Caryl. Ano ang nangyari sa iyo, Tina?
Sabi mo sa akin kaninang umaga na masama ang pakiramdam mo
kaya hindi kita pinilit na pumasok sa klase.. Ngunit magbisikleta ka at
namasyal.
TINA: Paumanhin po, Nanay. Patawarin po ninyo ako dahil
nagsinungaling ako sa inyo. Ayoko lang pumasok sa paaralan dahil
may nagawa akong pagkakamali.
GNG. GOMEZ: Pagkakamali? Anong ginawa mo?
Isinalaysay ng magkaibigan kay Gng. Gomez kung ano ang nangyari.
GNG. GOMEZ: Tina, mali ang ginawa mo. Kailangang pumunta ka sa
paaralan bukas at makipag-usap ka sa iyong guro at kay Dang.
TINA: Natatakot akong magalit sa akin si Dang at parusahan naman
ako ni Bb. Cruz.
GNG.GOMEZ: Kung minsan, marapat lang na parusahan tayo sa
pagkakamaling nagawa natin.
Kinabukasan, sa silid-aralan ….
TINA: (Nahihiya.) Magandang umaga po, Bb.Cruz.

92
Bb.CRUZ: O, Tina, ikaw pala. Magandang umaga rin. At kasama moa
ng nanay mo.
TINA: Bb. Cruz, mayroon po kaming mahalagang sasabihin sa inyo.
GNG.GOMEZ: Magandang umaga, Bb.Cruz. Sinamahan ko ang anak
ko upang humingi ng paumanhin sa nagawa niya.
TINA: Hindi kop o talaga nais kunin ang bag ni Dang. Alam kong mali
po ang nagawa ko. Hindi ako pumasok kahapon dahil natakot akong
malaman ninyo.
Bb.CRUZ: Magandang marinig na nagsasabi ka ng totoo tungkol sa
nangyari.
Sa pagpasok ni Dang.
Bb. CRUZ: Dang, halika. May sasabihin sa iyo si Tina.
TINA: Dang, paumanhin. Alam kong mali ang ginawa ko. Hindi ko na
iyon uulitin.
DANG: Pinatatawad na kita, Tina. Mahalaga ang bag nna iyon sa akin
dahil bigay ni Daddy iyon.
Bb.CRUZ: Dahil inamin mo sa lahat na mali ang ginawa mo at nagsabi
ka ng totoo, hindi na kita papupuntahin sa opisina ng punong-guro.
Pero sa isang kondisyon…
TINA: (Biglang namutla at ninnerbiyos.) Ma’am? Ano poi yon?
Bb.CRUZ: (Nakangiti.) Mula ngayon, hindi ka na dapat lumiban sa
klase.
TINA: Ma’am. Ipinangangako ko na hindi na po ako muling liliban.
Maraming salamat, Bb.Cruz. Maraming salamat, Nanay. Maraming
salamat, Dang.Maraming salamat, Caryl. Totoong kaibigan ka. Naging
matapat ka sa pagsasabi sa akin ng aking pagkakamali kahit alam
mong maaari akong masaktan.

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang ginawa ni Tina? Bakit hindi siya pumasok?
2. Ano ang dahilan ni Tina sa pagkuha ng bag ni Dang? Sapat na
dahilan ba iyon sa pagkuha ng gamit na hindi kaniya?
3. Ano ang nagging epekto ng kaniyang mga kilos?
4. Sa iyong palagay, mabuti ba o hindi ang kaniyang naging kilos?
Bakit Oo / hindi?
5. Ano ba ang payo ng magulang ni Tina sa kanya?
6. Paanong ang pag-amin sa kasalanan ay tamang daan sa
pagpapatawad? Ipaliwanag.

C. 1. Pangkatin sa lima ang buong klase. Basahin nang may


Pagsasana damdamin ang diyalogo na binasa natin kanina.
y
Pangkat 1 : Diyalogo (Isang araw, bumisita si
Caryl kay Tina.

93
(Mga Paglilinang Pangkat 2 : Diyalogo (Paalis na si Caryl nang du-
na mating si Gng. Gomez.
Pangkat 3 : Diyalogo ( Isinalaysay ng magkaibigan
Gawain) kay Gng. Gomez kung ano ang nang-
yari.
Pangkat 4 : Diyalogo ( Kinabukasan, sa silid- ara-
lan.
Pangkat 5 : Diyalogo ( Sa pagpasok ni Dang…)
Krayterya Napakahus Mahus Hindi Kailanga Mark
ay (4) ay (3) gaanon ng a
g Magsana
Mahus y (1)
ay
(2)
Malikhain at
nakalilibang
Mmaayos.
Maliwanag
at kuha ang
interes ng
mga
nakikinig
Pagtutulung
an ng
pangkat o
Team work
Kabuuang
Marka

2. Iproseso ang pangkatang gawain.

D. Pumalakpak ng tatlong beses kung ang pahayag ay tama at pumadyak


Paglalapat naman ng tatlong beses kung ang pahayag ay mali.
(Aplikasyon) _____1. Dapat aminin ang pagkakamali kahit na
alam mong pagalitan ka.
_____2. Matutong magpaalam kung gagamit ka ng
isang bagay na hindi sa iyo.
_____3. Ipaalam sa pulis kung may makitang pera
sa daan.
_____4. Sulitin ang pagkakataon na gamitin ang
bike ng pinsan mo habang wala siya..
E. Paglalahat Ang katapatan ay isang mabuting ugali na dapat taglayin ng bawat isa.
(Generalisasyon) Ang pagharap sa katotohanan sa nagawang kamalian ay daan tungo
sa pagkamatapat.

94
IV. PAGTATAYA Basahin ang mga sitwasyon. Bilang isang mag-aaral, paano mo
mahihikayat ang iba na maging matapat sa lahat ng ginagawa? Isulat
ang inyong paliwanag sa loob ng kahon.
1. Nakita mong may pinulot na pitaka si Roy. at isinilid niya
ito sa kanyang bag. Alam mo na sa kaklase mo iyon. Paano
mo siya mahihikayat na isauli ang pitaka?

2. Nakita mo ang bolpen ng iyong guro sa bag ng kaklase mo.


Pero natakot ka na baka awayin ka ng iyong kaklase kapag
nagsumbong ka. Ano ang iyong gagawin para mahikayat siya na isauli
ito sa inyong guro?

3. Naiwan sa upuan ang cellphone ng iyong kaibigan. Nang makita


ito ng kaklase mo, kinuha niya ito at sinabing sa kanya daw ang
cellphone. Paano mo sasabihin sa kanya na kaibigan mo ang may-ari
ng cellphone?

V. Gumawa ng isang pangako na magiging matapat sa lahat ng oras.


KARAGDAGANG Isulat ito sa bondpaper. Sundin ang pormat na nasa ilalim.
GAWAIN Bilang isang mabuting mag-aaral, ako ay nangangako na
___________________________
________________________________________.
VI. PAGNINILAY-
NILAY

95
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 22
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at
pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa sarili
at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang
Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa


pagtatapos ng gawain
EsP5PKP-Ie-32
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Napapahalagahan ang pananagutan sa mga pangkatang
gawaing ibinigay ng guro
Saykomotor Nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa pagkakaisa
Kaalaman Nakapagpapahayag ng mga dapat gawin kapag kasali sa
mga pangkatang gawain
II. PAKSANG-ARALIN Nakikiisa ako sa Paggawa
A. Paksa Pagkakaisa
B. Sanggunian
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p. 30-
37 CG EsP p.69 ng 153,TG p. 11-12
http://education.abc.net.au/newsandarticles/blog/-/b/2493098/5-tips-for-getting-
started-with-project-based-learning-

http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-mag-
aaral.html
C.Kagamitang Larawan, tsart, batayang aklat
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Ano ang iyong gagawin kapag miyembro ka ng
Pangmotibeysyunal na isang pangkat?
Tanong 2. Paano ninyo makakamit ang tagumpay ng isang
proyekto sa inyong pangkat?
3. Ano-ano ang mga katangian na dapat mong
taglayin kapag kalahok ka sa isang pangkatang gawain?

96
Aktiviti/Gawain Ipakita ang larawan.

http://education.abc.net.au/newsandarticles/blog/-/b/2493098/5-tips-for-getting-started-
with-project-based-learning-

Pagsusuri/Analysis 1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


2. Saan ba ninyo kalimitang makikita ang ganitong
gawain?
3. Ano kaya ang magiging resulta kapag
nagtutulungan ang bawat isa sa pangkat?
B. Paglalahad Basahin ang pambungad na aralin.
Abstraksyon (Pamamaraan Ang tagumpay ng isang proyekto ay nakasalalay sa
ng Pagtalakay) maraming bagay. Ang ilan sa mga bagay na ito ay ang
pagkakaroon ng kakailanganing gamit, pagkakaroon ng
maayos na plano, pagkakaroon ng mahusay na pinuno at
ilan pang mga bagay. Nugunit ang pinakamahalagang
pangangailangan ay ang pagkakaisa ng bawat miyembro
ng pangkat at pagtutulungan ng bawat isa.
Para sa ikatatagumpay ng anumang gawain, kailangan
ang pagtutulungan ng bawat miyembro ng isang pangkat.
Maliit o Malaki man ang gawain, pagkakaisa ng bawat isa
ang susi sa ikatatagumpay nito.
Ang anumang gawain ay dagling gumagaan kapag
namamayani ang diwa ng pagkakaisa sa pangkat. Dapat
ipabatid sa kabataan na ang bawat miyembro ay may
mahalagang gampanin na dapat gawin. At ang
pagkakaisang paggawa ng isang proyekto ay gawaing
dapat matutuhan ng mga kabataan. Maari itong ipakita sa
iba’
Ang pagkakaisa ay isang pagtutulungan ng isang
gawain. Ito ay sama-samang paggawa upang matamo ang
layunin.
Sagutin ang mga tanong.
1. Anu-ano ang pinakamahalagang kailangan upang
magtagumpay ang isang proyekto?
2. Ano ang susi sa matagumpay na gawain ng isang
pangkat?
3. Bakit kaya gumagaan ang isang gawain sa bawat
pangkat?

97
4. Bilang isang miyembro ng pangkat, ano ang iyong
maitutulong upang mapadali ang isang gawain?
5. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaisa?
C. Pagsasanay Pangkatin sa walo (8) ang buong klase. Hanapin ang apat
(Mga Paglilinang na na katangiang dapat taglayin upang matamo ang
Gawain) tagumpay ng bawat pangkat.

M A K I K I L A H O K
K W Q R T M U P O A R
A D S A F A T Y S U G
P N B C V K X Z L I N
A F D S A I I D O R O
T E W R T K I O P G L
I G H E I I R T Y G U
R A S K D S C B Y U M
A B A R W A T Y I O U
N M D S G L O I L T T
S D H K O I A N M E I
D. Paglalapat Sa parehong pangkat, sagutin ang mga tanong.
(Aplikasyon) 1. Ano-anong katangian ang kailangan sa pangkatang
gawain?
2. Sa inyong palagay, Ano ang ibig sabihin ng
pagkakaisa?

E. Paglalahat Paano ka makatutulong upang mapagaan at mapagdali


(Generalisasyon) ang isang bagay o pangyayari?
IV. PAGTATAYA Isulat ang Oo sa patlang kung ang pahayag sa ibaba ay
tama at Hindi kung mali.
______ 1. Pakikinig sa opinyon ng ibang miyembro sa
pangkat.
______ 2. Patuloy sa paglalaro habang ang ibang kasama
sa pangkat ay abalang- abala sa paggawa.
______ 3. Pagtatago ng mga materyal na kailangan upang
hindi magamit ng kasama.
______ 4. pagsunod sa utos ng pinuno ng pangkat.
V. KARAGDAGANG Basahin ang kwentong “Nagkakaisang mga Batang Bayani
GAWAIN sa mga pahina 32-33.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang gagawin ni Marlo at ng kanyang mga
kaibigan sa mga diyaryo, basyo ng bote, at pira-pirasong
bakal?
2. Ano ang magandang katangian ng mga bata?

98
3. Bakit mahalaga na nagkakaisa ang mga miyembro
ng isang samahan?
VI. PAGNINILAY-NILAY

99
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 23
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon
ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng
anumang Gawain na may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang
Pangnilalaman
Pamantayan sa Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali sa
Pagganap pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos


ng gawain
EsP5PKP-Ie-32
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Apektiv Naisasakatuparan ang pananagutan para sa ikatatagumpay ng
mga gawain
Saykomotor Naisasagawa ang pananagutan bilang mabuting miyembro sa
pangkat
Kaalaman Nakahahanap ng solusyon sa mga sitwasyong ibinigay

II. PAKSANG-ARALIN Nakikiisa ako sa Paggawa (Pagkakaisa)


A. Paksa Tayo‟y Makiisa at Makilahok

B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5


p. 30-37 CG EsP p.69 ng 153,TG p. 11-12
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-
ng-mag-aaral.html

https://www.edutopia.org/article/5-pbl-pitfalls-avoid

https://www.canstockphoto.ie/children-students-with-backpacks-
33661211.html
https://fr.dreamstime.com/illustration-stock-le-gar%C3%A7on-et-la-fille-
avec-l-%C3%A9l%C3%A8ve-de-sacs-%C3%A0-dos-restent-l-%C3%A9cole-de-
bande-dessin%C3%A9e-image73583038

https://br.freepik.com/vetores-premium/menino-jovem-e-menina-
falando_2589875.htm
C.Kagamitang Larawan, tsart, batayang aklat
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda Ipabasa ng malakas ang tula sa mga bata ng may damdamin.
Pangmotibeysyunal Tayo‟y Makiisa at Makilahok
na Tanong

100
Aktiviti/Gawain Tayo‟y makiisa sa mga gawain
Na kailangang tapusin
Sapagkat ang resulta sa bawat gawain
Ay nakasalalay sa bawat isa sa atin.

Ang pasya ng nakararami


Ay dapat laging mamayani
Pakikiisa ay pairalin
Upang matapos ang gawain.
Pagsusuri/Analysis Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang nais iparating ng tula sa mga mambabasa?
2. Bakit mahalaga ang pakikiisa sa mga gawain?
B. Paglalahad Basahin.
Abstraksyon Mahalaga ang pagkakaisa dahil isa ito sa mga susi upang maging
(Pamamaraan ng maayos ang kalabasan ng isang gawain.
Pagtalakay) 1. Bakit kailangan nating makiisa?
2. Ano ang mabuting maidudulot sa pakikiisa sa mga
gawain?
C. Pagsasanay Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Bawat pangkat ay bibigyan ng
(Mga Paglilinang na isang larawan. Bilang isang mabuting miyembro ng pangkat,
Gawain) ano ang inyong isasagot sa bawat tanong na nasa diyalogo?
Isulat ang inyong sagot sa blangko na inilaan para sa inyong
sagot.
Pangkat 1:

_________________
Bago tayo magtalumpati,
_________________
Dapat magsaliksik muna
tayo upang marami _________________
tayong matutuhan sa _________________
tema ng ating talumpati. _________________
_________________
____________

https://www.canstockphoto.ie/children-students-with-backpacks-33661211.html
Pangkat 2:

101
Sabado raw ng hapon
natin gagawin ang ating
proyekto ayon sa ating
lider. Kailangang
matapos natin ang
proyekto sa araw na
iyon.

https://fr.dreamstime.com/illustration-stock-le-gar%C3%A7on-et-la-fille-avec-l-%C3%A9l%C3%A8ve-de-sacs-
%C3%A0-dos-restent-l-%C3%A9cole-de-bande-dessin%C3%A9e-image73583038
Iproseso ang mga sagot ng mga bata pagkatapos ng diyal
Pangkat 3:

Dapat sinabi ko sa __________________


pulong ang gusto kong __________________
mangyari. Kaya lang __________________
masyado akong __________________
nahihiya. __________________
__________________
______

https://br.freepik.com/vetores-premium/menino-jovem-e-menina-falando_2589875.htm
D. Paglalapat Pag-aralan ang bawat sitwasyo. Isulat sa kwaderno ang titik ng
(Aplikasy iyong sagot.
on)

102
1. Nangangalap ng mga bagong miyembro Ang Earthsaver’s
Club. Anong katangian ang dapat mayroon ka upang maging
miyembro ng samahang ito?

a. Tamad b. aktibo c. walang pakialam

2. Umiiyak ang isa ninyong kamag-aral dahil nahihirapan siya


sa pagsagot ng gawain sa Matematika. Ikaw at ang kamag-aral
mong si Dolly ay mahusay sa asignaturang ito.

a. Alukin ng tulong ang kamag-aral sa pagsagot ng gawain


b. Pagtawanan dahil Malaki na ay umiiyak pa sa klase.
c. Huwag itong pansinin.

3. Mahusay ka sa pagguhit. Ano ang magagawa mo upang


ibahagi sa iba ang iyong talent?
a. Gumuhit ng libre
b. Maging mapili sa mga tuturuang gumuhit.
c. Magturo sa mga gusting matutong gumuhit.

4. May programa ang inyong samahan sa isang pamayanan.


Ano ang ituturo ninyo sa mga bata sa nasabing pamayanan?
a. Pagbasa ng tula
b. Choral Recitation
c. Pangkatang pagsasayaw
E. Paglalahat Bakit kailangan nating makilahok sa mga pangkatang gawain?
(Generali
sasyon)
IV. PAGTATAYA Basahing mabuti. Bilang isang miyembro ng pangkat, ano ang
dapat mong gawin sa mga sitawasyong ibinigay. Isulat ang sagot
sa inyong kwaderno.
1. Magkakaroon ng outreach program ang inyong paaralan
sa isang bahay-ampunan. Nananawagan sila sa mga tulong sa
[amamagitan ng mga donasyon.
____________________________________________________
__________________
2. Inutusan ka ng nanay mon a bumili sa tindahan dahil may
ginagawa ang iba mong kapatid.
____________________________________________________
__________________
3. Nangangailangan ng tulong ang iyong kamag-aral dahil
nagkasakit ang kaniyang kapatid at nangangailangan ng malaking
halaga para sa operasyon.

103
____________________________________________________
__________________
4. May gusto kang imungkahi sa pangkat na alam mong
makatutulong sa ikagaganda ng inyong proyekto.

V. KARAGDAGANG Maglista ng apat na katangian na dapat taglay ng isang miyembro


GAWAIN sa isang pangkat.
1. ___________________________________
2. ___________________________________
3. ___________________________________
4. ___________________________________
VI. PAGNINILAY-
NILAY

104
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 24
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali
sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa/


pagsusuri ng mga aklat at magasin
Nagbabasa ng diyaryo araw-araw
EsP5PKP-If-g-33
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Napagtitimbang-timbang ang mga mabuti at d-
mabuting epekto ng pagbabasa ng diyaryo
Saykomotor Nasusuri nang mabuti ang mga nababasang balita
Kaalaman Nakapagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa/
pagsusuri ng mga balita mula sa diyaryo
II. PAKSANG-ARALIN Sa Kapuwa ko, Bukas ang Isipan Ko
A. Paksa Pagbabasa ng Diyaryo araw-araw (Pagkabukas-isipan)
B. Sanggunian
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p. 38-
45 CG EsP p.69 ng 153,TG p. 13-14
https://www.radyolaverdad.com/pag-aalis-ng-fb-ng-ilang-duterte-supporters-page-
di-ikinabahala-ng-malacanang/

https://news.abs-cbn.com/life/06/14/17/matulunging-medic-umani-ng-papuri-sa-
social-media

http://www.bomboradyo.com/guro-inspirasyon-sa-pagtulong-sa-mga-katutubong-
estudyante-sa-south-cotabato/

https://ph.theasianparent.com/good-samaritan-tumulong-sa-mag-asawang-
mindoro/)

C.Kagamitang Larawan, tsart, batayang aklat


Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Nakakita na ba kayo ng diyaryo?
Pangmotibeysyunal na Tanong

105
2. Ano-ano ang kalimitang mababasa natin sa
diyaryo?
3. May mabuti kaya tayong makukuha kapag
nagbabasa tayo ng diyaryo? Ipaliwanag.
Aktiviti/Gawain Magpakita ng tunay na diyaryo.
Pagsusuri/Analysis 1. Bakit tayo nagbabasa ng diyaryo?
2. Ano ang layunin natin kapag nagbabasa?
3. Ang pagbabasa daw ay tumutulong sa pag-
unlad ng ating kakayahan. Sa anong paraan ito
nakatutulong?
B. Paglalahad Basahin ang isang balita mula sa diyaryo.
Abstraksyon (Pamamaraan ng May Pagmamalasakit Din ang mga Musmos
Pagtalakay) Madalas na sinasabi na ang mga musmos ay puro
laro at kain lamang ang alam. Subalit pinatunayan ng
dalawang ulat na ito na mulat din sila sa
pangangailangan ng kanilang kapuwa. Ang dalawang
maikling ulat na ito ukol sa pagmamalasakit na
kaugnay parin sa Bagyong Ylanda ay nagpapatunay na
likas sa sangkatauhan, musmos man o may sapat na
edad, ang pagmamalasakit.
Hiniling ni Shoichi Kondoh, isang anim na taong
gulang mula sa Japan, na tulungan siya ng kaniyang
mga magulang na ibigay ang lahat ng kaniyang
naipong Yen sa piggy bank sa Pilipinas. Ang maliit na
bata, kasama ng kaniyang ina, ay nagpunta sa
Philippine Embassy. Ayon sa ulat, nagulat ang mga
tauhan doon sa simple ngunit taos-pusong tulong
mula kay Kondoh.
Si Benjie, isang street child, halos kardad ni
Kondoh ay nagpunta sa drop-off station ng volunteers
at nagbigay ng kaniyang donasyon. Nagulat ang lahat.
Sa tingin nila, iyon pa lamang ang kaniyang
napagpalimusan. Subalit hindi doon natapos ang
kwento. Pagkatapos ng ilang sandali, muling bumalik
si Benjie sa station at nagdagdag pa ng donasyon.
Marahil, sabi ng manonood, naisip ni Benjie na kulang
ang piso niyang naibigay kaya bumalik siya uoang
dagdagan pa niya ito.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Sa murang edad ng batang si Shoichi, paano
niya naipadama ang pagmamalasakit sa mga biktima
ng Bagyong Yolanda?

106
2. Ano ang espesyal sa pangyayari na ang isang
tulad ni Benjie ay nagawang magbigay ng donasyon
para sa mga biktima?
3. Ano ang magandang naidudulot ng pagbabasa
ng diyaryo.
C. Pagsasanay Pangkatin sa apat ang buong klase. Bawat pangkat ay
(Mga Paglilinang na bibigyan ng isang balita mula sa diyaryo. Bigyan ng
Gawain) pagkakataon ang mga bata na basahin ang balita sa
harap ng klase.

Pangkat 1: Grab taxi driver na naging viral sa social


media dahil sa pagtulong sa mga pulubi,
pinarangalan ng LTFRB
Nakilala kamakailan sa social media ang 25 anyos na
grab car driver na si Carlo Santiago-Diaz matapos i-
post sa facebook ng kanyang pasahero na si Gelica
Manuel Tulauan ang kanyang natuklasan tungkol sa
tsuper.
Kwento ni Gelica sa kanyang post, sumakay siya sa
grab car ni Diaz kasama ng isang kaibigan sa Cubao at
nagpahatid sa Moriones, Tondo.
Habang binabagtas ang Pedro Gil St, sinabi ng driver
na may dadaanan lang sya sandali at nang huminto
ang sasakyan sa isang madilim na bahagi ng kalsada,
dito na natakot si Gelica.
Gayunman, laking gulat niya nang makita na inabutan
ni Diaz ng supot na may lamang pagkain ang isang
matandang nakahiga sa kalsada.
Kumalat sa social media ang pagtulong ni Carlo sa
mga pulubi hanggang ipinatawag ito ng LTFRB upang
bigyang ng parangal sa kanyang mabuting gawain.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez nagdesisyon
silang parangalan si Carlo upang magsilbing
halimbawa at tularan pa ng ibang mga driver.
Ayon kay Carlo madalas nilang ginagawa ng kanyang
kasintahan ang pagbibigay ng pagkain sa mga pulibi
sa kalsada.
Mismong ang kanyang nobya pa ang naghahanda at
nagluluto ng mga ito.
Gusto anilang ibahagi sa iba ang kanilang mga
biyayang natatanggap at masaya ang kanilang
kalooban sa tuwing nakatutulong sa mga taong
walang magkain dahil sa hirap sa buhay.

107
Ayon kay Carlo, wala silang larawan o video ng
kanilang mga ginagawa dahil mas gusto nilang walang
nakaka-alam o pribado.

Sa gitna ng mga negatibong balita tungkol sa pang-


aabuso, pagnanakaw o pananamantala ng ilang cab
driver sa kanilang mga pasahero patunay lang si Carlo
na may mabubuting tao pa rin na maaring
pagkatiwalaan at handang tumulong sa
kapwa(https://www.radyolaverdad.com/pag-aalis-ng-fb-ng-ilang-duterte-supporters-
page-di-ikinabahala-ng-malacanang/)

Pangkat 2: Matulunging medic, umani ng papuri sa


social media
Nag-viral ang social media post ng paghanga sa isang
medic na sumaklolo sa isang babaeng hinimatay sa
MRT station.
Labis na pinasalamatan sa social media post ni Ryan
Estrellado si Albert Santiago, ang medic na tumulong
sa misis niyang hinimatay sa MRT station noong
nakaraang linggo.
Kuwento ni Estrellado, nag-alala siya nang
makatanggap ng tawag mula kay Santiago at sinabing
isinugod niya si Mrs. Estrellado sa ospital.
Kahit nadala na sa ospital, hindi pa rin iniwan ni
Santiago ang pasyente hangga't di dumarating ang
mister.
Laking pasasalamat ni Estrellado kay Santiago. Inalok
niyang bayaran ang serbisyo ng medic pero hindi ito
tinanggap ni Santiago. Kaya sa social media post na
lang ibinuhos ni Estrellado ang pasasalamat sa
estrangherong nagmagandang loob sa misis.
Salaysay naman ni Santiago na isang medic ng ABS-
CBN, nasa MRT Quezon Avenue Station siya noon, off
duty at pauwi na sana, nang mapansin niyang
hinihimatay ang isang babaeng pasahero kaya agad
siyang sumaklolo.
Pinatotohanan naman ng mga kakilala ni Santiago ang
kaniyang kabutihang loob. Sabi ng pamilya at ilang
kaibigan, matulungin na talaga siya kahit noong bata
pa lamang. Ipinagmamalaki rin siya ng kanyang mga
kasamahan sa trabaho.

108
Para naman kay Santiago, ginawa lang niya ang
kanyang tungkulin sa pagtulong sa misis ni Estrellado,
lalo’t mahigit isang taon din siyang nagsanay sa
pagbibigay ng first aid.
Maraming netizen ang natuwa at na-inspire sa ginawa
ni Santiago. Para sa kanila, patunay ito na may mga
taong handa pa ring tumulong sa kapwa nang walang
kapalit, kakilala man o hindi.( https://news.abs-
cbn.com/life/06/14/17/matulunging-medic-umani-ng-papuri-sa-social-media)
Pangkat 3: Guro, inspirasyon sa pagtulong sa mga
katutubong estudyante sa South Cotabato
KORONADAL CITY – Usap-usapan ngayon sa
probinsiya ng South Cotabato ang kakaibang strategy
ng isang guro upang matulungan ang mga Indigenous
People (IP) na mga estudyante ng Lower Tinago
Elementary School.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal
kay Richard Padernal, teacher in-charge ng Lower
Tinago Elementary School, napansin niya ang
pagbubukas ng baon na kanin ngunit walang ulam ng
mga estudyante pagdating ng recess time.
Sinabihan niya umano ang mga ito na sa tanghali pa
sila dapat na kumain ng anin ngunit sinagot siya ng
mga bata na nagugutom na ang mga ito dahil hindi
sila nakapag-agahan at iisahin na lamang umano nila
pati na ang tanghalian.
Sa awa ni Padernal ay nag-isip siya ng paraan upang
matulungan ang mga mag-aaral kaya’t inilunsad nito
ang project barter.
Hinihikaya’t niya ang mga estudyante na magdala ng
kanilang produkto na gulay sa bukid at ibinibenta
naman ng guro sa kanyang mga kababaryo upang
kinabukasan ay may ibibili siya ng bigas at ulam ng
mga bata.
Ayon kay Padernal, layunin ng kanyang project barter
na mabawasan ang pagliban sa klase ng mga mag-
aaral, masolusyonan ang gutom na dinaranas ng mga
ito, mabigyan sila ng income at mahikaya’t ang
kanilang mga magulang na magtanim ng mga gulay at
iba pang produkto.
Ginagawa niya umano ito bilang bahagi ng kanyang
tungkulin at pagmamahal sa mga mag-aaral dahil
ayon sa kanya gaya ng mga ito, nakaranas din siya ng
hirap noon bago nakapagtapos.

109
Napag-alaman na naglalakad ng mahigit tatlong
kilometro ang mga mag-aaral sa nabanggit na lugar
bago makapasok.
Pinuri naman ng pamunuan ng Department of
Education (DepEd)-12 ang pagtulong na ginagawa ng
guro sa kaniyang mga estudyante at posible umanong
mabibigyan ng pagkilala si Padernal sa ginawa nito.
Ayon kay DepEd-12 Information Officer Anton
Maganto maituturing na inspirasyon ng mga kapwa
niya guro si Padernal. http://www.bomboradyo.com/guro-inspirasyon-sa-
pagtulong-sa-mga-katutubong-estudyante-sa-south-cotabato/

Pangkat 4: Good Samaritan: Kilalanin ang mabuting


siklista na tumutulong sa mga nangangailangan sa
daan
Breadwinner ng pamilya si Khelvin Federigan ng
Cavite. Kahit na OFW ang nanay niya, hirap sila sa
buhay. Madalas, kinakapos sila sa renta, kung kaya't
lipat sila nang lipat ng bahay. Ang mga nakababatang
kapatid niya ang nag-aaral pa. At ang pagtustos sa
tuition nila ay isa pa sa mga bagay na kargo ng binata.
Sa kasalukuyan, may dalawang trabaho si Khelvin
para makatulong sa mga mahal niya sa buhay. Kahit
madaming pasanin sa buhay, nakakatulong ang
hobby niya na pagba-bike para samantalang gumaan
ang pananaw niya.
Ikinuwento ni Khelvin kung paano nabago ng
pagiging cyclist ang pananaw niya. Sa pagba-bike niya,
marami siyang nakikitang tao, karamihan walang
tirahan o hirap sa buhay. Tinuro nito sa kanya na may
taong mas mabigat pang pinagdadaanan. Pero higit sa
lahat, na-inspire siyang tumulong sa kapwa. "Akala ko
ako na ang may pinaka-malaking problema sa mundo.
Kung tutuusin, maswerte pa rin pala ako,"
Isang araw, habang nagbibisikleta siya, nadaanan niya
ang isang pedicab sa gilid ng daan. Sa harap nito, may
nakapaskil na panawagan para sa tulong. Nakasulat
dito na galing sila sa Quiapo, Manila at sinusubukan
nilang pumunta ng Batangas pier para makauwi sila
ng Mindoro.
"Halos madurog yung puso ko nung nalaman kong
meron palang tao doon sa pedicab," sabi ni Khelvin.
Nalaman niya na ang nakatira sa pedicab ay ang mag-

110
asawang sina Alfred at Emilia Calderon. "Na-stroke po
pala si nanay."
Sa kagustuhan niyang tumulong, nagpost siya tungkol
dito sa social media. Dahil sa post niya, nahikayat
niyang tumulong din ang mga kapwa niyang siklista sa
Cavite.
Nakauwi na ang mag-asawa sa Mindoro sa tulong ni
Khelvin at ng mga kaibigan niya. Ngunit matapos ang
ilang araw, pumanaw si nanay Emilia. Nag-post din si
Khelvin tungkol sa nakalulungkot na balita, upang
humingi ng tulong para kay manong Alfred at sa
pamilyang naulila ni nanay Emilia.
Isang araw matapos ang paghatid nila sa mag-
asawang Calderon, may isa pang natulungan si
Khelvin: isang binatang nagngangalang Jayjay na isang
linggo na palang hinahanap ng pamilya niya sa
Bulacan. Lubos na nagpapasalamat ang mga
magulang ni Jayjay dahil naibalik ni Khelvin ang
nawawalang anak.
"Si Khelvin ang hinulog ng Panginoon para tulungan si
(Jayjay)," ani Josephine Ylores, ina ng nawawalang
binata.
Hanggang ngayon, patuloy na tumutulong si Khelvin
sa mga nangangailangan na nasasalubong niya sa
daan. Maraming tumuturing na sa kanya bilang
inspirasyon dahil sa mabuti niyang puso, na handang
tumulong sa kapwa.( https://ph.theasianparent.com/good-samaritan-
tumulong-sa-mag-asawang-mindoro/)
D. Paglalapat Sa parehong pangkat, suriin at isulat ang mabuti at
(Aplikasyon) di-mabuting epekto na makukuha sa pagbabasa ng
diyaryo.

Mabuti Di-mabuti
1. 1.
2. 2.
3. 3.

E. Paglalahat Mahalaga ang pagbabasa ng diyaryo dahil dito natin


(Generalisasyon) malalaman ang mga pangyayari sa buong mundo.
Nakatutulong din ito upang mahasa an gating isipan
hindi lamang sa pagbabasa kundi pati narin sa
kaalaman.

111
IV. PAGTATAYA Isulat ang kung ito’y nagpapakita ng
pagkabukas isipan sa pagtulong sa kapuwa at
naman kung hindi.
_____ 1. Nagsasaliksik si Kat tungkol sa kanyang
narinig na balita sa kapitbahay.
_____ 2. Naniniwala kaagad si Lolita sa kaniyang
nabasang balita sa diyaryo.
_____ 3. May pinalilibot na kahon mula sa inyong
principal sa bawat klasrum na lalagyan ng pera para
sa nasalanta ng bagyo. Hindi ka nagbigay dahil
P10.00 lang baon mo.
_____ 4. Mahilig si Dolce na mangolekta ng mga
lumang diyaryo sa mga kapitbahay dahil gusting-
gusto niyang magbasa at makakalap ng mga balitang
napapanahon.
V. KARAGDAGANG GAWAIN Manood ng balita sa TV sa bahay. Sumulat ng isang
balita sa inyong kwaderno.
VI. PAGNINILAY-NILAY

112
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 25
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali
sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa/pagsuri


ng mga aklat at magasin
7.2 nakikinig/nanonood sa telebisyon sa mga
“update” o bagong kaalaman
EsP5PKP-If-g-33
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
Apektiv Nabibigyang halaga ang mga balitang napapanood sa
telebisyon
Saykomotor Nakapagpapakita ng pagkabukas isipan o kawilihan sa
pakikinig at panonood ng napapanahong balita o isyu

Kaalaman Naiisa-isa ang mga bagay na maaaring mapagkukunan


ng balita at bagong kaalaman o impormasyon
II. PAKSANG-ARALIN Sa Kapuwa ko, Bukas ang Isipan Ko

A. Paksa Pamagat ng balita: Tingnan ang Antique, 9 taon


matapos ang bagyong 'Frank'
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p.
38 - 45 CG EsP p.69 ng 153, TG p. 13-14
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-mag-
aaral.html

https://news.abs-cbn.com/video/news/09/16/17/libo-libong-pinoy-lumahok-sa-
paglilinis-ng-mga-dalampasigan
https://news.abs-cbn.com/video/sports/06/26/18/ilang-estudyante-nagpupunyagi-
sa-sports-sa-kabila-ng-kahirapan
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/09/10/1850237/super-
bagyo-papasok-sa-pinas
(https://news.abs-cbn.com/video/news/07/18/17/tingnan-antique-9-taon-matapos-
ang-bagyong-frank
C.Kagamitang Larawan, tsart, batayang aklat
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Palagi ba kayong nanonood ng telebisyon?

113
Pangmotibeysyunal na Tanong 2. Tungkol saan baa ng balitang inyong narinig o
napanood sa telebisyon?
Aktiviti/Gawain Basahin ang balita mula sa pahayagan.
(Maaaring pumili ang guro ng napapanahong balita)
Super bagyo papasok sa Pinas
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 10,
2018 - 12:00am
MANILA, Philippines — Nagbabala ang PAG-ASA na
posibleng maging super typhoon ang isang
namataang sama ng panahon habang papalapit ito sa
bansa.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Ge-ner


Quitlong, namataan sa 3,000 kilometers east of
northern Luzon ang Tropical storm Mangkhut na
inaasahang papasok sa Philippine Area of
Res-ponsibility (PAR) sa Miyerkules o Huwebes.

Babala ni Quitlong, posibleng maging super typhoon


si Mangkhut at maging kasing lakas ni Jebi na bagyong
tumama sa Japan.

Sa ngayon, ang Low Pressure Area o LPA ay nasa


Pacific Ocean pa lamang at magdadala ng pag-ulan sa
buong Min-danao at central at western sections ng
Visayas.
Samantalang may panibago ring LPA na namataan
ang PAGASA at maaaring magdulot ng pag-ulan sa
Batanes at Babuyan islands.

Namataan ito 130 kilometers northwest ng Basco,


Batanes at posible rin maging isang ganap na bagyo at
maaari rin magdulot ng pag-ulan at localized
thunderstorms sa Metro Manila, Luzon at eastern
section ng Visayas.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2018/09/10/1850237/super-bagyo-
papasok-sa-pinas

Pagsusuri/Analysis 1. Nakatutulong ba ang balita na ito sa buhay ng


tao?
2. Bakit mahalaga an gang ganitong klaseng
balita?

114
B. Paglalahad Panoorin ang video clip ng balita. Gawing gabay ang
Abstraksyon (Pamamaraan ng link na ito. https://news.abs-cbn.com/video/news/07/18/17/tingnan-antique-9-
taon-matapos-ang-bagyong-frank)
Pagtalakay)
Tingnan ang Antique, 9 taon matapos ang bagyong
'Frank'
C. Pagsasanay 1. Pangkatin ang mga bata sa apat. Bawat
(Mga Paglilinang na pangkat ay bibigyan ng iisang balita.
Gawain) Pangkat 1 at 2: Balita sa telebisyon. Gagayahin ang
napapanood sa telebisyon gamit ang balita na ito.
Pangkat 3 at 4: Balita sa radyo. Gagayahin din ang
naririnig na balita sa radyo.
Mayon, 6 beses nagbuga ng abo
Anim na beses pang nagbuga ng abo ang Mayon
Volcano sa nakalipas na 24 oras.
Ang mga ibinugang abo ay may taas na 200 metro,
500 metro, 200 metro, 500 metro, 700 metro at 300
metro mula sa tuktok ng bulkan, ayon sa
pagkakasunod, bago naipadpad pa-kanluran.
Sa nakaraang 24 oras na pagsubaybay sa pag-
aalburoto ng bulkan, sinabi ng Phivolcs na anim
lamang ang naitalang pagyanig nito, at tatlong
rockfall events.
Nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang sitwasyon ng
bulkan na nangangahulugang walang naramdamang
“moderate level of unrest” nito.
Isinailalim sa Alert Level 2 ang bulkan mula pa noong
Marso 2018.
Inabisuhan pa rin ang publiko, kabilang na ang mga
turista na bawal pa ring pumasok sa 6-kilometer
permanent danger zone (PDZ) at sa 7-kilometer
extended DZ mula Anoling, Camalig hanggang sa Sta.
Misericordia, Sto Domingo bunsod na rin ng
nakaambang panganib ng pagragasa ng bato,
pagdausdos ng lupa, pagbuga ng abo at biglaang
phreatic eruptions.
-Ellalyn De Vera-Ruiz
(http://balita.net.ph/2019/03/14/mayon-6-beses-nagbuga-ng-abo/)
2. Iproseso ang pangkatang gawain.
D. Paglalapat Hanapin ang limang salita sa kahon maaaring
(Aplikasyon) mapagkukunan ng mga balita at bagong
impormasyon.

1. telebisyon
2. radyo

115
3. pahayagan
4. magasin
5. youtube

T E L E B I S Y O N
E B A S U S T Q D A
L M D A H Y O T I C
E A A N A U E U Y T
C G K T Y N S N A I
O A L O R O C A R K
M S A E D R A D Y O
B I T K A I S A O L
D N I T R O J Y K B
I M P O R M A S Y O
E. Paglalahat Mahalaga ang pagbabasa upang maligtas sa
(Generalisasyon) panganib. Hindi lamang sa pagbabasa kundi
pagsusuri na rin sa lahat ng binabasa.
IV. PAGTATAYA Tukuyin kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagkabukas-isip o kawilihan sa panonood ng
napananahong balita o isyu. Isulat ang Oo o Hindi sa
blangko.______1. Hindi nanonood ng balita sa
telebisyon si

Kathy dahil mas’ gusto niyang manood

ng Mr. Bean.
______2. Hindi kaagad naniwala si Ana sa kan-
yang napanood na balita sa telebisyon

______3. Matiyagang nakinig si Roy sa balitang si-


nabi ng kanyang nakababatang kappa-
tid na napanood niya sa telebisyon.
______4. Nagmamadaling tinapos ni Kuya Allan
ang kanyang takdang-aralin dahil mano-
nood pa siya ng balita sa TV.
______5. Kailangang suriin muna ang lahat ng mga
balitang nababasa o napapanood.
V. KARAGDAGANG GAWAIN Ibigay ang kahulugan sa mga sumusunod.
1. internet
2. pagsasaliksik
3. artikulo

VI. PAGNINILAY-NILAY

116
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 26
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali
sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa/pagsuri


ng mga aklat at magasin
7.3 nagsaliksik ng mga artikulo sa internet
EsP5PKP-If-g-33
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Nasisiyasat nang mabuti ang mga nababasang
artikulo mula sa internet
Saykomotor Nakapagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa na mga
artikulo sa internet
Kaalaman Nakapagbibigay ng mabuti at di-mabuting
maidudulot ang pagbabasa at paggamit ng internet
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa “The Best” Pala ang internet”
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p. 38-45
CG EsP p.69 ng 153, TG p. 11-14
C.Kagamitang Larawan, tsart, batayang aklat
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. May mga internet café ba malapit sa inyo?
Pangmotibeysyunal na Tanong 2. Ano-ano ba ang mababasa natin sa internet?
3. Nakatutulong ba ang internet sa buhay ng tao
lalong-lalo na sa mga mag-aaral?
Aktiviti/Gawain
Gamit ang mga icons sa ilalim, buuin ang mga
jumbled letters at isulat ang tamang pangalan sa
blangko.

117
1. k o o b e c a f - ____________

2. loogge - ____________

3. g e r m e s s en ____________

4. byouteu - ____________

Pagsusuri/Analysis 1. Basi sa mga icons na ipinakita, saan natin ito


matatagpuan?
2. Kapag wala kang Cellphone at computer, saan
ka pupunta upang magamit mo ang mga apps na
ipinakita?
3. Nakatutulong ba ang mga ito sa tao? Sa
paanong paraan?
B. Paglalahad Basahin ang isang kwento.
Abstraksyon (Pamamaraan ng “Ang Internet”
Pagtalakay) Fatima S. Morados

Magkaklase sina Beth, Alex at Channy sa ikalimang


baitang. Isang araw, binigyan sila ng takdang aralin
ng kanilang titser sa Science tungkol sa kahulugan ng
mga mahihirap na salita.. Pagkatapos ng klase,
nakasimangot na lumabas si Beth.
“ May problema ka ba, Beth?”, tanong ni Channy sa
kanya.
“Oo, Chan, wala kasi kaming diksyonaryo kaya hindi
ako makakagawa ng takdang-aralin,” sagot ni Beth.
“Pareho pala tayo ng problema, Beth,” ang sabi
naman ni Channy.
Narinig sila ni Alex na nakasunod pala sa kanila
palabas.
“Naku, Beth, hindi iyan problema. May malapit na
internet Café dito sa paaralan natin. Pwede tayong
magsaliksik mamaya pagkatapos ng klase,”
suhestiyon ni Alex sa kanila.
“Oo, nga pala, Beth. Sabi ni ate lahat daw ng
impormasyon na gusto mong malaman ay makikita
daw sa internet. Sabi pa nga niya, sa internet daw

118
siya kumuha ng iba’t- ibang artikulo na proyekto nila
sa Filipino,” dagdag pa ni Channy.
“Totoo, Chan? Kung ganun, “The Best” pala ang
internet. Sige, Alex, Channy, mamaya pag-uwi natin
sa bahay, magpaalam tayo sa mga magulang natin at
magkita tayo sa internet café,” ang masayang sabi ni
Beth.
Sagutin ang mga tanong.
1. Bakit nakasimangot si Beth paglabas ng silid-
aralan?
2. Paano nasolusyunan ang problema nina Beth
at Channy?
3. Sa panahon ngayon, gaano kahalaga ang
internet?

C. Pagsasanay 1. Pangkatin ng apat ang mga bata. Bawat


(Mga Paglilinang na pangkat ay bibigyan ng isang artikulo mula sa
Gawain) internet. Bibigyan ng pagkakataon ang mga batang
basahin ang artikulo sa harap ng klase.
Pangkat 1 at 3:
Adiksyon Sa Internet
Malaki ang naitutulong ng makabagong
teknolohiya sa ating pamumuhay. Nagagawa nitong
mapabilis ang mga paper work hindi lang ng mga
estudyante kundi maging ng mga nag-oopisina.
Kaakibat ng modernisadong panahon ang pag-unlad
maging sa libangan ng mga kabataan. Kung dati
pagsapit ng hapon, magla-labasan na ang mga
kabataan, magla­laro ng basketball, o ‘di kaya’y
patintero o piko, ngunit sa kasalukuyan, unti-unting
nababawasan ang mga kabataang naglalaro sa kalye
at karamihan sa kanila ngayon ay matatagpuan na
lamang sa isang lugar, sa loob ng computer shop.
Sa madaling salita, ang katutubong laro na
nagpapalakas ng katawan at kakayahan gaya ng
patintero, luksong tinik ay napalitan ng moderno at
tila kaakit-akit na online games. Hindi na maitatanggi
ang katotohanan na malaki ang nagiging epekto nito
sa mga kabataan partikular na sa kanilang pag-aaral.
Ngayong taon ay may napabalitaang namatay dahil
sa sunod-sunod na paglalaro ng online game, ayon sa
ulat ang 32-anyos na lalaki ay 72 oras na naglalaro ng
Diablo III nang walang pahinga kaya naman, inatake

119
ito sa puso. Ang inaakalang simple at payak na
pagkahumaling dito ay dapat timba-ngin at kontrolin.
Sapagkat, ang labis-labis na pagkahumaling dito ay
may ‘di-magandang epekto sa iba’t ibang aspeto.
Payo ng mga eksperto balansehin ang mga activiti ng
mga kabataan, siguruhin na mag-ehersisyo upang
hindi magdulot ng masama ang pagbababad sa harap
ng kompyuter.
Wala namang masama sa pagla-laro ng online games.
Alam naman ng ilan ang tama at mali lalong-lalo na
ang mga mag-aaral. Basta, kontrolin lang at unahin
muna ang pag-aaral.
Kapag tapos na at may budget naman silang naitabi
para du’n, okay naman maglaro. Subalit, sa kaisipang
musmos pa, sadyang mahirap kontrolin at supilin ang
kanilang pita sa pag-lalaro.
Nararapat na gabayan sila’t itama ng kanilang mga
kaibigan, guro at mga magulang para timbangin ang
oras ng pag-aaral at paglilibang.
(https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Adiksyon-Sa-Internet/187946)
Pangkat 2 at 4:
KABUTIHANG DULOT NG INTERNET AT SOCIAL MEDIA
SA MGA MAG-AARAL
Sa paanong paraan nga ba nagkakaroon ng
magandang dulot ang mga social media o internet sa
atin bilang mga mag-aaral? Tayo ba bilang mga mag-
aaral, nagagamit ba natin ng may kabuluhan ang ating
mga social media accounts?
Ang internet ay may malaking naitutulong sa pag-
aaral, pananaliksik, paghahanapbuhay,
pangangalakal, libangan, pakikipag-ugnayan at iba pa.
Unang-una na magandang dulot ng social
media para sa akin ay ang pagkakaroon ng malawak
na komunikasiyon sa mga mahal ko sa buhay, saan
man silang parte ng mundo. Ikalawa, ang pagbibigay
ng tamang impormasyon na nakakatulong sa aking
mga ginagawang pananaliksik lalo na sa aking mga
takdang aralin, ngunit mas mainam pa rin ang
pagbabasa ng aklat. Ikatlo, makakatulong ito sa
pagpapalago ng aking self-confidence. Kapag
nagbabahagi tayo ng mga video ng ating mga sayaw,
pagbabahagi ng mga gawa nating mga drawing sa
mga social media, nakakatulong itong maibahagi ang
ating mga talento sa iba. Ikaapat, nakakatulong itong

120
maging malapit tayo sa ating mga guro at magkaroon
ng magandang komunikasyon sa kanila tungo sa ating
pagkatuto.
Limitasyon ang kailangan para hindi magkaroon ng
masamang dulot ang social media sa atin bilang mga
mag-aaral. Kung gagamit tayo ng internet, mas
unahin natin yung may kinalaman sa ating pag-aaral,
hindi yung magbubukas muna tayo ng facebook o
twitter bago natin gawin ang ating mga takdang aralin
o pananaliksik.

Pagiging tamad ang pinakakarinawang masamang


epekto ng paggamit ng social media sa atin bilang
mga mag-aaral dahil imbis na matuto tayong
gumamit ng mga aklat bilang sanggunian gumagamit
na lang tayo ng internet sa pananaliksik. Sa paggamit
natin ng mga aklat bilang sanggunian, mas lumalawak
ang ating kaalaman at nagiging mahusay tayo sa
pagbabasa.
D. Paglalapat 1. Sa parehong pangkat, gamit ang mga
(Aplikasyon) artikulong binasa, isulat ang mga mabuti at di-
mabuting epekto ng internet sa buhay ng tao.

Mabuting dulot ng Di-Mabuting dulot ng


internet sa buhay ng internet sa buhay ng
tao tao
1. 1.
2. 2.
3. 3.

2. Iproseso ang pangkatang gawain.

E. Paglalahat Ang pagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa at


(Generalisasyon) pagsasaliksik ng mga babasahin sa internet ay
malaking tulong upang mapaunlad ang iyong
kasanayan.
IV. PAGTATAYA Sabihin kung tama o mali ang mga sumusunod na
pangungusap.
_____1. Hindi nakatutulong ang pagbabasa ng
mga balita sa internet.
_____2. Puro na lang malalaswa ang mapapanood
natin sa internet.
_____3. Nakatutulong sa mga mag-aaral ang pag-
kakaroon ng internet sa bahay.

121
____ 4. Nagiging madali na lang ang paghahanap
ng mga bagong kaalaman dahil sa internet.
____5. Limitasyon sa sarili ang kailangan upang
hindi maadik sa internet.
V. KARAGDAGANG GAWAIN Magbigay ng halimbawa ng mga sitwasyon sa
pagiging matapat at di matapat.

Matapat Di-matapat

VI. PAGNINILAY-NILAY

122
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 27
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali
sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling


opinyon/idea at saloobin tungkol sa mga sitwasyong
may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan
EsP5PKP-Ig-34
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Naisasapuso ang halaga ng katapatan sa pagsabi ng
totoo
Saykomotor Nakagagawa ng isang slogan tungkol sa isang
katapatan
Kaalaman Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling
opinyon/idea at saloobin tungkol sa mga sitwasyong
may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan
II. PAKSANG-ARALIN Saloobin at Opinyon, Matapat kong Ipinahahayag
A. Paksa Pagiging Matapat sa Sariling Opinyon at Saloobin
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p. 46 -51
CG EsP p.70 ng 153,TG p. 14-16
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-mag-
aaral.html

https://brainly.ph/question/392836
C.Kagamitang Batayang Aklat, tsart
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Ano ang pagiging matapat?
Pangmotibeysyunal na Tanong 2. Bakit binibigyan natin nang hlaga ang pagiging
matapat?

123
3. May mga batayan ba tayo tungkol sa
pagsasabi ng totoo?
Aktiviti/Gawain Pangkatin ang klase sa apat at ibigay ang slogan sa
bawat pangkat. Tulong-tulong ang bawat miyembro
sa pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng slogan na ito.

“Ang katapatan ay sagisag ng bawat tao sa


pamayanan na maari nating pag-aralan at
paghusayan”,

Suriin ang ginawa ng bawat bata.


Pagsusuri/Analysis Basahin ang isang slogan:
“Ang katapatan ay sagisag ng bawat tao sa
mamamayan na maaari nating pag-aralan at
paghusayan.”
B. Paglalahad Ang pagiging matapat na siguro ang
Abstraksyon (Pamamaraan ng pinakamagandang ugaling naka-sanayan ng tao.
Pagtalakay) Tinuturuan ka nito kung paano maging totoo sa mga
taong nakapaligid sayo. Inilalayo ka rin nito sa
anumang uri ng kapahamakan. Sabi nga “Ang pag-
sasama ng tapat ay pag-sasama ng maluwat”, mula
dito ang nakabubuo tayo ng isang magandang
komunidad at pag-katao.
C. Pagsasanay Pangkatin sa apat ang buong klase. Gumawa ng isang
(Mga Paglilinang na slogan na nagpapakita ng katapatan sa lahat ng oras.
Gawain) (Tandaan: Ipakita ang halimbawa ng slogan na
tinalakay ninyo kanina.)
D. Paglalapat Sa parehong pangkat, sagutin ang mga tanong.
(Aplikasyon) 1. Bakit mahalaga na makinig tayo sa saloobin ng
iba?
2. Paano ninyo maipakikita ang pagiging tapat sa
sariling opinyon at saloobin?
3. Bakit kailangan ng katatagan ng loob dsa
pagbibigay puna?
4. Ang pagsasabi ba nang totoo ay daan patungo
sa magandang buhay? Ipaliwanag.
E. Paglalahat Ano ang ibig sabihin ng pagiging matapat?
(Generalisasyon)
IV. PAGTATAYA Sabihin kung MATAPAT o HINDI MATAPAT ang
inihahayag ng bawat pangungusap. Isulat ang inyong
sagot sa patlang.
___________1. Nakita mong nilagay ni Roy ang lapis
ni Lito sa bag ni Kent. Nagalit si Lito nang makita niya

124
ito sa bag ni Kent. Hinayaan mon a lang sila na
magkagulo.
___________2. Nakakuha ka ng mataas na score sa
pagsusulit ninyo sa EPP dahil pinakopya ka ng kaklase
mo. Tuwang-tuwa ang mama mo dahil dito.
___________3. Isinumbong mo sa guro ang
pangongopya ng iyong kaklase sa proyekto ninyo sa
MATH.
___________4. Nag-aral ka nang mabuti upang
makakuha ka ng mataas na grado.
V. KARAGDAGANG GAWAIN Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod.
1. pamilya
2. komunidad
3. paaralan
VI. PAGNINILAY-NILAY

125
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 28
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali
sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling


opinyon/idea at saloobin tungkol sa mga sitwasyong
may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan
Hal. Suliranin sa paaralan at pamayanan
EsP5PKP-Ig-34
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Nabibigyang halaga ang pagiging matapat sa
pamamagitan ng pagsasabi nang totoo
Saykomotor Nakapagsisiyasat nang masusi tungkol sa mga
sitwasyong ibinigay ng guro
Kaalaman Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling
opinyon/idea at saloobin tungkol sa mga sitwasyong
may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan
II. PAKSANG-ARALIN Saloobin at Opinyon, Matapat kong Ipinahahayag
A. Paksa
Tula: Sa Totoo Lang!
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p.
46 -51 CG EsP p.70 ng 153,TG p. 14-16
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-mag-
aaral.html
http://www.thinkstockphotos.co.uk/image/stock-photo-parents-scolding-their-
teenage-son-and-daughter/78631175
C.Kagamitang Batayang Aklat, tsart, larawan
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Palagi ba kayong nagsasabi ng totoo?
Pangmotibeysyunal na Tanong 2. Bakit binibigyang halaga natin ang pagiging
matapat ng isang tao?
3. Nakasisira ba ng samahan ang hindi
pagsasabi ng totoo

126
Aktiviti/Gawain Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Isadula ang mga
sitwasyong binigay ng guro.

Unang Pangkat:
Nakakita ka ng dalawampiso. Ano ang iyong gagawin?
Ikalawang pangkat:
Nakakita ka ng batang. nangungupit ng paninda sa
tindahan, Ano ang iyong gagawin?
Ikatlong pangkat:
Nakita mo na ang iyong kaklase ay kinukuha ang baon
ng iyong kaklase sa loob ng kanyang bag. Ano ang
iyong gagawin?
Pagsusuri/Analysis Mula sa nakitang dula, ano ang ginagawa nila o ang
ipinakita sa unang pangkat, ikalawang pangkat at
ikatlong pangkat?
B. Paglalahad Basahin.
Abstraksyon (Pamamaraan ng Ating makikita sa palibot at ating naririnig mula sa
Pagtalakay) mga matatanda, marami ngayon ang hindi na tapat.
1. Ano kaya ang ang mangyayari kung may isang hindi
tapat sa:
-Pamilya
-Komunidad
-Paaralan
2. Gaano kahalaga ang pagiging tapat sa kapwa?
3. Ikaw, bilang mag-aaral, mayroon ka bang
magagawa nag awing taoat ang hindi tapat?
C. Pagsasanay Pangkatin ang mga bata sa apat. Bawat pangkat ay
(Mga Paglilinang na bibigyan ng isang sitwasyon. Paano ninyo sasabihin na
Gawain) hindi kayo nakasasakit sa damdamin ng iba?
Pangkat 1: Mayroon kang isang kaibigan na may
ugaling hindi marunong magsauli ng hiniram na
gamit. Paano mo tutulungang iwasto ang kanyang
pag-uugali?
Pangkat 2: Mahalaga sa iyo ang pangako. Isang araw
ay hiniling mo sa isang kaibigan na ipagpaalam ka sa
iyong guro sapagkat di ka makakapasok sa paaralan.
Nangako siya na gagawin ito. Pagpasok mo ng Lunes
ay nagulat ka sapagkat pinagsabihan ka ng inyong
guro dahil sa iyong pagliban. Ano ang iyong gagawin
sa pagkukulang ng iyong kaibigan?
Pangkat 3: Hindi mo gusto ang ginawa ng iyong
matalik na kaibigan dahil tinapon niya ang balat ng
saging sa kalsada. Paano mo sasabihin sa kanya ang
tama nang hindi siya masasaktan?

127
Pangkat 4: Nagpatawag ng meeting ang inyong guro.
Sinabi mo ito sa papa mo ngunit hindi siya nakadalo
dahil nakalimutan niya ito. MAsakit na masakit ang
kalooban mo. Paano mo sasabihin sa papa mo ang
iyong saloobin?
D. Paglalapat Suriing mabuti ang mga sitwasyon kung ito ba ay
(Aplikasyon) nakabubuti o hindi sa iyo.
_______1. Pinakinggan mo ba ang payo ng iyong mga
magulang na umiwas sa mga kaibigan na madalas
lumiliban sa klase?
_______2. Ipinipilit mo ba ang gusto mo kahit hindi
sang-ayon ang iyong mga kapatid?
_______3. Malugod mo bang tinatanggap ang isang
pasiya para sa kabutihang panlahat nang may
katatagan ng loob?
_______4. Nagrereklamo k aba sa lider matapos
magkaroon ng desisyon ang nakararami?
E. Paglalahat Ang pagpapahayag ng opinyon at saloobin nang may
(Generalisasyon) katapatan ay nakatutulong upang masolusyunan ang
mga suliranin sa paaralan at pamayanan.
IV. PAGTATAYA Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang Tama kung
ito’y nagpapakita ng pagpapahalaga sa saloobin ng
iba at Mali naman kung hindi.
_____1. Tinanggap mo nang may katatagan ng loob
ang mga puna sa iyo nang nakararami.
_____2. Ipinilit mo na tanggapin ng nakararami ang
iyong rekomendasyon sa isang plano ninyong
proyekto.
_____3. Nakikinig ako sa opinyon ng iba kong mga
kasamahan sa Student Council.
_____4. Sinigiwan ko ang lider naming dahil ayaw niya
sa suhestiyon ko.
V. KARAGDAGANG GAWAIN Basahin ang kwento na nasa pahina 54 sa inyong
aklat. Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang naging kasalanan ni Kevin?
2. Bakit niya ipinagtapat ang kanyang kasalanan
sa mga magulang?
3. Kung ikaw si Kevin, ipagtapat mo rin baa ng
iyong ginawa? Bakit?
4. Ano ang kaparusahan sa kaniyang naging
kasalanan?
5. Bakit mahalaga na marunong tayong umamin
sa pagkakamali?
VI. PAGNINILAY-NILAY

128
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 29
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag
at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa
sarili at sa pamilyang kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang mga kilos, gawain at pahayag na may
kabutihan at katotohanan

Kompetensi Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa


kalooban gaya ng:
9.1 pagkuha ng pag-aari ng iba
EsP5PKP-Ih-35
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralain, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Napatitibay ang kalooban sa pagpapahayag ng purong
katotohanan
Saykomotor Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa
kalooban gaya ng pagkuha ng pag-aari ng iba
Kaalaman Naiisa-isa ang mga damdamin ng bawat karakter sa
kwento
II. PAKSANG-ARALIN Pagkakamali ko, Tinatanggap ko
A. Paksa Kwento: Huli ka, Kevin!
(Pagkuha ng Pag-aari ng Iba)
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p. 52 -59
CG EsP p.70 ng 153,TG p. 16 - 19
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-mag-aaral.html

C.Kagamitang Batayang Aklat, tsart larawan


Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Bakit may mga taong nangunguha ng mga gamit
Pangmotibeysyunal na Tanong o pera?
2. Ano-ano kaya ang kanilang mga dahilan?
3. Bilang bata, mabuti ba ang magnakaw,
manguha ng mga bagay na hindi sa atin?
Aktiviti/Gawain
Tingnan ang mga larawan.

129
http://www.naijaloaded.com.ng/others/please-help-my-child-steals-from-everyone-
what-should-i-do

https://simbatoysindia.wordpress.com/2017/06/28/ways-to-deal-with-habit-of-theft-in-kids/

Pagsusuri/Analysis 1. Ano ang ginawa ng mga bata sa larawan?


2. Tama baa ng kanilang ginawa? Ipaliwanag ang
inyong sagot.
3. Ano-ano ang maaaring maging bunga sa ginawa
nilang pagkuha ng mga bagay na hindi sa kanila?
B. Paglalahad Basahin ang kwento ni kevin kung paano niya nalaman
Abstraksyon (Pamamaraan ng ang kahalagahan ng pagsasabi ng katotohanan.
Pagtalakay)
Huli ka Kevin!
Dahan-dahang lumabas si Kevin mula sa kwarto ng
Daddy niya. Dahan-dahan din ang kaniyang pagbaba
habang may ibinubulsa siya. “Kevin?” Nagulat siya nang
tumawag mula sa tabi ng pinto ang Mommy niya.
Nakita siya nito, ngunit hindi siya sinita. “B-Bakit po?”
ang tanong ni Kevin na medyo kinakabahan.

“Magbihis ka na. Pupunta tayo sa Sampaloc.


Kaarawan ni Tita Betty mo. Doon na tayo magkikita-kita
ng Daddy mo. Sige, habang nagbibihis ka, kukunin ko
ang wallet ng Daddy mo na nakalimutan niya.”

130
“Naku po! Paano kung mahalata ni Daddy na kulang
ng isandaan and pera niya? Kapag mahalata niya iyon,
baka doon pa ako mapagalitan sa ibang bahay.” Hindi
pa man nangyari, kabadong-kabado na si Kevin habang
nagbibihis.

Hindi pa rin siya pinatahimik ng kaniyang


konsensiya habang nasa biyahe sila. “ Bakit mo ginawa
iyon? Alam mo naman na masama ang mangupit o
magnakaw.” Nangatwiran siya sa sarili. “A, hindi
mahalata ni Daddy na kulang ng isandaan ang pera
niya. Ang kapal ng mga nakita ko roon. Pero kung
mahalata nila, nakita ako ni Mommy na galling sa
kwarto nila. Kung magtapat naman ako na kinuha ko
para pambayad sa utang, mapagagalitan pa rin ako
dahil nakipagpustahan ako sa basketball. Ayaw din ni
Daddy iyon. Paano na?”

Noong gabing iyon, hindi nakatulog si Kevin. Alam


niya, matutuklasan din ng Daddy niya ang kaniyang
ginawa. Upang maalis ang kaniyang alalahanin,
bumangon siya at nagtungo sa silid ng kaniyang mga
magulang. Gising pa ang mga ito.

“Bakit?” ang tanong ng mag-asawa. “Mommy,


Daddy, may ipagtatapat po ako. Ayaw kong itago ito
dahil ayokong magsinungaling sa inyo dahil alam kong
mali po iyon at napag-aralan po namin sa paaralan na
ang pagsasabi raw po nang tapat ay pagsasama ng
maluwat, ang sabi ni Kevin.

Hinintay muna ng mag-asawa na matapos ang


pagtatapat ni Kevin. Pagkatapos ay buong seryosong
nagsalita ang kaniyang ama. “Anak sa bahay pa lamang
ni Tita Betty mo, nalaman na naming na kulang ng
isandaan ang laman ng pitaka ko dahil nagbilang ako ng
pera upang ibayad sa tita mo. Bilang na bilang ko ang
laman ng pitaka ko. Alam naming na ikaw ang kumuha
dahil nakita ka ng Mommy mo. Pero hindi ka niya
pinagalitan o hindi rin siya nagtanong man lang.
Pinagkasunduan naming hintayin kang magtapat ng
iyong kasalanan. Dalawa ang naging kasalanan mo, ang
magsugal sa pagpusta sa basketball, at ang pagkuha ng
hindi sa iyo, na parehong ipinagbabawal ng Diyos.”

131
“Masakit man sa kalooban namin, dahil gusto ka
naming bigyan ng aral, babawasan namin ng ang
kalahati ang iyong baon saloob ng isang lingo hanggang
makabayad ka sa Daddy mo.”

“Opo. Tanggap ko po. Pasensiya na po, hindi na po


mauulit. Salamat sa pag-unawa at pagpapatawad.”

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang naging kasalanan ni Kevin?


2. Bakit niya ipinagtapat ang kanyang kasalanan sa
mga magulang?
3. Kung ikaw si Kevin, ipagtapat mo rin baa ng
iyong ginawa? Bakit?
4. Ano ang kaparusahan sa kaniyang naging
kasalanan?
5. Bakit mahalaga na marunong tayong umamin sa
pagkakamali?

C. Pagsasanay Pangkatin ang mga bata sa apat. Bawat pangkat ay


(Mga Paglilinang na bibigyan ng isang sitwasyon. Ano ang iyong gagawin
Gawain) kung kayo ang tauhan sa sitwasyon?
Pangkat 1 at 2: Kinuha mo ang pera na nilagay ng mama
mo sa mesa bago ka umalis papuntang paaralan. Pag-
uwi mo sa bahay, nagtanong sa iyo ang mama mo. Ano
ang iyong gagawin?
Pangkat 3 at 4: Gusto mong kumain ng ice cream kaya
dinagdagan mo ang bayaran sa paaralan ninyo para
ipambili mo ng ice cream. Nalaman ito ng mga
magulang mo. Ano ang iyong gagawin?
D. Paglalapat Gamit ang parehong pangkat, bubunot ng isang
(Aplikasyon) cartolina strips na may nakasulat na damdamin.
Magbibigay sila ng pangyayari mula sa binasang
kwento na angkop sa nabunot na damdaming
nakasulat sa strip.

Pagkatakot Pangyayari: _____________

_____________________

132
Pangyayari: _____________
pagsisi ____________________

Pangyayari: ___________
Pagkadismaya
____________________

E. Paglalahat Mahalaga ang pagsasabi ng totoo kahit masakit ito sa


(Generalisasyon) kalooban. Ang importante naging totoo ka at tapat.
IV. PAGTATAYA Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang Oo
kung ginagawa mo at Hindi kung hindi mo ginagawa.

_____1. Dinaragdagan ang presyo ng pambili ng


gamit sa paaralan.
_____2. Nangungutang sa kamag-aral dahil may
gustong bilhin na gamit.
_____3. Kinuha mo ang pera ni ate na nilagay niya
sa mesa ng kanyang kwarto.
_____4. Isinauli mo ang sobrang sukli sa tindera.
_____5. Binili mo ng pagkain ang napulot na pera
sa paaralan kahit alam mo kung sino ang
may-ari nito.
V. KARAGDAGANG GAWAIN Sumulat ng isang karanasan kung saan
nakapagsinungaling ka sa iyong mga magulang dahil
natakot ka na mapagalitan. Isulat ito sa iyong
kwaderno.
VI. PAGNINILAY-NILAY

133
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 30
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon
ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag at pagganap ng
anumang gawain na may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang
Pangnilalaman
Pamantayan sa Naisasabuhay ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali sa
Pagganap pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain

Kompetensi Nakapagpapahayag kahit masakit sa kalooban gaya ng:


Pangongopya sa oras ng pagsusulit
EsP5PKP-Ih-35
I. LAYUNIN Sa katapusa ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Napahahalagahan ang pag-aaral sa pamamagitan ng pag-
aaral nang mabuti maiwasan ang pangongopya
Saykomotor Nakapagpapahayag kahit masakit sa kalooban gaya ng
pangongopya sa oras ng pagsusulit

Kaalaman Naiisa-isa ang magiging resulta kung hindi magiging tapat


sa lahat ng ginagawa.

II. PAKSANG-ARALIN Palagi Akong Matapat


A. Paksa Pangongopya sa Eskwela: Ang dulot nito sa Lipunan
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p.24-29
CG EsP p.68,TG p.7-8
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-mag-aaral.html

C.Kagamitang Larawan, tsart, batayang aklat


Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. Ano ang ibig sabihin ng pagkamatapat?
Pangmotibeysyunal na 2. Paano mo malalaman na matapat ang isang tao?
Tanong

134
Aktiviti/Gawain Tingnan ang larawan at basahin nang sabay-sabay.

https://www.google.com/search?q=picture+of+children+cheating+during+test&sour
ce=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjwm8LuvYPhAhU37XMBHSVoDB0Q_A
UIDigB&biw=988&bih=611#imgrc=GtEWZW8qu4nZFM:

Pagsusuri/Analysis Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang ginawa ng bata sa larawan?
2. Matapat ba siya sa kanyang ginawa?
Pangatwiran ang sagot.
B. Paglalahad
Abstraksyon Basahin ang kwento.
(Pamamaraan ng
Pagtalakay) Patawad Po!

Araw ng pagsusulit, kinabahan si Rose dahil hindi siya


nakapag-aral. Kaya kinalabit niya ang kanyang katabi na si Kim.

“Kim, pakopyahin mo naman ako. Hindi ko talaga alam ang


sagot. Hindi kasi ako nakapag-aral kagabi,” pakumbaba na sabi
ni Rose.

“Naku, hindi puwede, Rose dahil baka pagalitan tayo ni


Titser,” sagot ni Kim.

At nagsimula na ang pasulit. Walang naisagot si Rose.


Napakamot na lang siya sa kanyang ulo. Kaya naisip niyang
buksan ang kanyang aklat at nangopya siya ng mga sagot doon.

135
Nahuli siya ng kanyang guro at tinawag. “Rose! Ano ang iyong
ginagawa?”, tanong ng guro.

Nanginginig si Rose sa takot. Hindi niya alam kung ano ang


kanyang gagawin. Umiyak na lang siya.

“Patawad po, Titser. Hindi ko na po uulitin,” ang sabi ni Rose.

Sagutin ang mga tanong.

1. Bakit kinabahan si Rose?


2. Ano ang kanyang ginawa?
3. Tama ba na mangopya sa oras ng pasulit?

C. Pagsasanay 1. Pangkatin sa apat ang mga bata.


(Mga Paglilinang na 2. Panuto: Punan ng mga hinihinging detalye ang grapikong
Gawain) pantulong.

Pangkat 1 at 2:

Ano ang magiging resulta


kung mangongopya ka sa
oras ng Pagsusulit?

Pangkat 3 at 4:

136
Mga Paraan upang
maiwasan ang mangopya
sa oras ng pagsusulit.

3. Iproseso ang pangkatang gawain.

D. Paglalapat Magthumbs up kung ang pangungusap ay naglalahad


(Aplikasyo
ng katapatan at magthumbs down naman kung hindi.
n)
______1. Hindi dumalo ang mama mo sa meeting sa
inyong paaralan. Kaya hindi niya lam na may babayaran kayong
P10.00 para sa tanod. Kaya pagdating mo sa bahay, sinabi mo
kaagad sa mama mon a may bay babayarang kayong P20.00.
______ 2. Nakalimutan ni Artur na gawin at sagutin ang lanyang
Takdang Aralin. Kaya naman nang hiningi ng guro ang mga papel.
Sinabi niya na naiwan ito sa bahay.
______ 3. Tahimik lamang na nakaupo si Letty sa kanyang upuan
kahit wala ang kanyang guro.
______ 4. Isinumbong ni Liling sa guro ang pangongopya ni Lucy
sa pagsusulit.

E. Paglalahat Dapat maging matapat tayo hindi lang sa oras ng pasulit kundi
(Generalis sa lahat ng pagkakataon.
asyon)

137
IV. PAGTATAYA Gumawa ng sanaysay tungkol sa pagiging matapat sa
pamamagitan ng hindi pangongopya sa oras ng pagsusulit.
Ilahad kung ano ang inyong gagawin upang mahikayat ninyo ang
inyong kaklase na maging matapat sa lahat ng oras lalung-lalo
na oras ng pagsusulit.

Rubriks sa Paggawa ng Sanaysay

Krayterya Napakahu Mahus Hindi Kailanga Mar


say ay gaano ng mag- ka
(4) (3) ng aral
Mahus nang
ay (2) mabuti
(1)
Ang
sanaysay
ay tungkol
sa hindi
pangongop
ya sa oras
ng
pagsusulit.
Ang
sanaysay
ay
naghihikay
at sa mga
mag-aaral
na hindi
mangongo
pya sa oras
ng
pagsusulit.
Tama ang
gamit ng
mga salita
at

138
pagkakasul
at ng
talata.
Kabuuang
Marka

V. KARAGDAGANG Sumulat ng isang karanasan tungkol sa pagsisinungaling sa


GAWAIN sinumang miyembro ng pamilya.
VI. PAGNINILAY-NILAY

139
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 31
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang mga kilos, gawain at pahayag na
may kabutihan at katotohanan

Kompetensi Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa


kalooban gaya ng:
9.3 pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng
pamilya at iba pa
EsP5PKP-Ih-35
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Nakasusunod nang mabuti sa mga pangkatang
gawain
Saykomotor Nakabubuo ng mga salita gamit ang mga ibinigay na
pahayag.
Kaalaman Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa
kalooban gaya ng:
9.3 pagsisinungaling sa sinumang miyembro ng
pamilya at iba pa
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Pagsasabi ng Totoo
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p.
52 -59 CG EsP p.70 ng 153,TG p. 16 – 19
http://kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/esp-grade-5-kagamitan-ng-mag-
aaral.html
C.Kagamitang Batayang Aklat, tsart larawan
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. May kasalanan ba kayong ginawa na
Pangmotibeysyunal na Tanong hanggang ngayon ay hindi pa ninyo nasabi sa inyong
mga magulang?
2. Ano ang dapat ninyong gawin kung kayo ay
nagkakamali?

140
3. Bakit kailangang matuto tayong tumanggap sa
ating mga pagkakamali?
Aktiviti/Gawain Basahin ang tula.
“Ang katapatan ay magandang kaasalan
Na dapat tandaan ng mga kabataan
Katapatan sa miyembro ng pamilya.
Isang pagpapahalaga sa isa’t isa.”
Pagsusuri/Analysis 1. Anong kabutihang – asal ang nakapaloob sa
tula?
2. Paano mo mapapahalagahan ang bawat
miyembro ng iyong pamilya?
B. Paglalahad Basahin ang sanaysay.
Abstraksyon (Pamamaraan ng Pagsasabi ng Totoo
Pagtalakay) Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao, may
pagkakataon na hindi naiiwasan na siya ay
nakagagawa ng pagkakamali lalung-lalo na sa
pamilyang kinabibilangan. Ang mahalaga ay matuto
kang ituwid ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng
totoo kahit masakit ito sa iyong kalooban. Ang
mahalaga naging tapat ka hindi lamang sa isip kundi
pati narin sa lahat ng iyong ginagawa.
Napakahalaga na maging bahagi ng pagkatao ng
bawat isa ang katapatan. Ito ay moral na obligasyon
ng tao sa kaniyang pamilya, sa kanyang kapuwa at sa
Diyos. Ang taong matapat ay mapagkakatiwalaan at
maaasahan na gaganap ng kaniyang gawain nang
walang kahalong pandaraya o pagsisinungaling.
May nakatingin man o wala, alalahanin natin na
may Diyos sa taas na siyang nagbabantay at
nagmamasid sa lahat ng ating ginagawa. Kaya naman,
simulan mo ang pagiging matapat sa iyong sarili,
tungo sa miyembro ng iyong pamilya at sa kapwa.
1. Ano ang ibig sabihin ng katapatan?
2. Paano mo maiuugnay ang katapatan sa
pagsasabi ng totoo? Ipaliwanag ang inyong sagot.
3. Bakit sinasabi nilang ang taong matapat ay ay
napagkakatiwalaan?
4. Bakit tinatawag na matapat ang mga taong
nagtutuwid sa mga kamaliang nagawa?

C. Pagsasanay Sagutin ang mga sumusunod at kumpletuhin ang


(Mga Paglilinang na salita na nasa loob ng kahon. Gawin ito ng
Gawain) pangkatan.

141
1.
k
Magandang kaasalan na dapat ugaliin ng
ng mga kabataan.

2. G
Nakatakdang proyekto.

3. P

Paggawa nang di inuutusan.

4.

Ito kalagayan ng pagiging matapat o matuwid ng


isang tao.
D. Paglalapat Dugtungan ang mga salita upang mabuo ang
(Aplikasyon) pangungusap. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon.

Katangian mapagkatiwalaan tao


1.Kanino
Ang tapatpagkakamali
na tao ay taas noo kahit _______.
katapatan
2. Ang taong matapat ay ___________.
3. May kapanatagan ng loob ang matapat
na______.
4. Ang katapatan ay magandang _________.
5. Ang pagtuwid sa nagawang kasalanan ay may
kalakip na ____________.

E. Paglalahat Ano ang iyong gagawin kung ika’y nagkamali?


(Generalisasyon) Bakit mahalaga ang magsasabi ng totoo?
IV. PAGTATAYA Isulat ang Oo kung ang pahayag ay tama at Hindi
naman kung mali. Ipaliwanag ang inyong sagot.
____1. Nakauunawa ako kapag itinatama ng aking
pamilya ang aking mga nagawang pagkakamali dahil
alam kong ginagawa nila iyon para sa kabutihan ko.

____2. Nakita mo ang iyong kapatid na hindi


sinasadyang nabasag niya ang flower vase na bagong

142
bili ng ate mo. Sa takot nito, itinago niya ito sa ilalim
ng upuan.

____3. Isumbong sa mga magulang na


nakikipagsuntukan ka sa paaralan dahil binangga ka
ng iyong kaklase.

___4. Natakot kang magsumbong sa papa mo tungkol


sa ginawa ng iyong kaklase. Kinain niya kasi ang baon
mo.

V. KARAGDAGANG GAWAIN Maglista ng limang katangian ng isang taong


matapat.
1. _______________________________
2. _______________________________
3. _______________________________
4. _______________________________
5. ________________________________

VI. PAGNINILAY-NILAY

143
KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 32
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa
pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na
may kinalaman sa sarili at sa pamilyang
kinabibilangan
Pamantayang Pangnilalaman
Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang mga kilos, gawain at pahayag na
may kabutihan at katotohanan

Kompetensi Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng kabutihan sa


pagsasama nang maluwag ang pagsasabi nang tapat
EsP5PKP-Ii-36
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Apektiv Nakahihingi ng tawad sa mga magulang, kaibigan,
kaklase o guro pamamagitan ng liham tungkol sa mga
pagkakamaling nagawa
Saykomotor Nakabubuo ng mga paninindigan tungkol sa
pagsasabuhay ng katapatan
Kaalaman Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng kabutihan sa
pagsasama nang maluwag ang pagsasabi nang tapat
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Mga Katangian ng Isang Taong Matapat
B. Sanggunian Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p. 52 -59
CG EsP p.70 ng 153, TG p. 16 - 19
C.Kagamitang Batayang Aklat, tsart larawan
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda 1. May mga pagkakataon bang dumating sa
Pangmotibeysyunal na Tanong punto na hindi mo gusto ang ginagawa ng iyong
kaibigan pero hindi mo ito masabi sa kanya?
2. Ano ang iyong naramdaman?
3. Bakit kailangang nating magsabi ng totoo?
Aktiviti/Gawain Basahin ang mga nakasulat sa cartolina strip.

Pasensiya ka na.

144
1
Patawad po!

Sabihin mo ang totoo.

Huwag kang magsinungaling.

Pagsusuri/Analysis 1. Ano ang magiging resulta kapag ganito ang


mga sinasabi ng iyong kapwa?
2. Bakit ba minsan nag-aaway ang magkaibigan?
3. Paano mo mapanatili ang mabuting relasyon
sa iyong kapwa?
B. Paglalahad
Abstraksyon (Pamamaraan ng Basahin ang mga katangian ng isang taong matapat.
Pagtalakay) Ang Mga Katangian Ng Isang Taong Matapat.
1. Pagiging maunawain at matapat sa pakikipag-
usap.
2. Pag-iwas sa tsismis at kuwentong walang
katotohanan.
3. Paggalang sa usapang dapat tuparin.
4. Pagtatago ng lihim na ipnagkatiwala ng iba.
5. Pagbibigay ng puri na mula sa puso.
6. Pagsasabi ng totoo, kahit nakasasakit, ngunit
makatutulong upang magbago ang sinabihan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ang pagsasabi ba ng totoo ay sang matapat na
gawain? Bakit?
2. Paano natin malalaman na ang pagbibigay ng
puri ay mula sa puso?

C. Pagsasanay Pangkatin sa apat ang buong klase. Suriing mabuti


(Mga Paglilinang na ang bawat sitwasyon. Isulat ang M kung ito ay
Gawain) nagpapakita ng katapatan at HM kung hindi. Ihayag
ang inyong paninindigan sa pagsasabuhay ng
katapatan.

M- Paliwanag/
Mga Sitwasyon
Matapat Paninindigan

145
HM-
Hindi
Mtapat
1. Taos-pusong
humingi ng tawad sa
kasalanang nagawa.

2. Ginagamit ang
gadget ng kasama sa
bahay habang wala ang
may-ari.

3. Humihiram ng
gamit ng iba dahil
walang pambili.

4. Nagsisinungaling
upang hindi
mapagalitan.

D. Paglalapat Basahin ang mga katangian ng taong matapat. Pumili


(Aplikasyon) ng katangian na nagawa na ninyo at magbigay ng
halimabawa.
Katangian Halimbawa
1. _______________ ________________
2. _______________ ________________
3. _______________ ________________
4. _______________ ________________
E. Paglalahat Basahin.
(Generalisasyon) Ang katapatan ang pinakamahusay na panuntunan
Ang tapat na tao, taas noo kahit kanino
Ang taong matapat ay mapagkatiwalaan
Hindi nandaraya ang taong matapat
Nagsasabi ng katothanan ang taong matapat kahit na
siya ay mapagalitan
May kapanatagan ng loob ang matapat na tao
IV. PAGTATAYA Alalahanin mo ang iyong mga naging kasalanan sa
magulang, guro o kaibigan na ipinagtapat mo at
inihingi mo ng tawad. Ikuwento ang naging rsulta ng
iyong pagtatapat. Isulat ito sa isang buong papel.
Bigyang-diin ang mga natutuhan sa karanasang ito.
Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba na
magsisilbing balangkas ng iyong sulat.

146
Mahal kong__________
Taos puso po akong humihingi ng tawad sa mga
nagawa ko sa inyo, gaya ng

Umaasa po kayo na gagawan ko ng paraan na hindi


na ito maulit pa. Muli, ang akin pong paumanhin.

V. KARAGDAGANG GAWAIN Basahin ang kwentong pinamagatang “Tulong Para sa


mga Biktima ng Bagyong Yolanda” sa mga pahina 63-
65. Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang dalawang bata sa USA na gumawa ng
maraming bracelet na goma?
2. Ano ang dahilan nila sa paggawa ng maraming
bracelet na goma?
3. Kung ikaw ay magbabalak tumulong sa mga
nasalanta ng bagyo, ano ang susubukan mong gawin?
VI. PAGNINILAY-NILAY

147

You might also like