You are on page 1of 2

Division Pangasinan II

Natividad District
Luna Elementary School
Jan 14, 2019
Monday
FILIPINO V (A&B)
(1:30-2:20 - 2:20-310)
I. Layunin
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pag-uulat ng nasaksihang pangyayari.

Paksang Aralin:
Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pag-uulat ng Nasaksihang Pangyayari
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide sa Filipino 5
K to 12 at Learner’s Guide sa Filipino 5
Online sources/internet
Kagamitan: Laptop, flat screen monitor, bond paper, pentel pen

III. PAMAMARAAN
Balik aral
Ano ang sanhi? Ano ang bunga?
Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay sanhi o bunga.
1. Ang ating bansa ay dumaranas ng matinding kalungkutan.
2. Paglaganap ng iba’t ibang sakit sa aming lugar.
3. Tumaas ang kanyang marka sa Matematika.
4. Naging mas magada at sariwa ang hangin sa kapaligiran.
5. Mahusay na pintor si Waldo.

Pagganyak
Nakasaksi ka na ba ng isang pangyayaring labag sa iyong paniniwala? Tungkol saan ito?
Ibahagi sa klase.
Paglalahad
Ipaskil ang usapan sa pisara
Lea: Inay, habang ako po ay naglalaro sa kagubatan, nakita ko po ang mga di kilalang tao
na nagpuputol ng mga puno. Tiyak kong ito ay di alam ng ating barangay sapagkat
narinig ko sa kanilang usapan. Ano po ang gagawin natin?
Ina: naku! Masama iyon! Higit na maaapektuhan sa kanilang maling gawain ay tayong mga
mamamayan sapagkat kung darating ang malakas na ulan, madaling babaha rito sa atin.
Maaari pang magkaroon ng pagguho ng lupa. Nararapat na agad na malaman ito ng mga
lokal na opisyal upang ipatigil ang kanilang ginagawa. Halika, sumama ka at magpunta
tayo sa barangay hall upang isalaysay ang iyong mga nakita.
Lea: sige po inay, halina po kayo!
Pagtatalakay
Sino ang dalawang nag-uusap?
Tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawa?
Ano ang nasaksihan ni Lea?
Ano ang tugon ng ina nang itanong ni Lea kung ano ang gagawin nila sa kaniyang
nasaksihan?
Paano iniulat o isinalaysay ni Lea ang kanyang nasaksihang pangyayari?
Ano-anong mga salita ang ginamit ni Lea sa kanyang pag-uulat?
Paano ka magsasalaysay ng isang pangyayaring nasaksihan? Paano mo ito ibinabahagi sa
iba?
Ano-ano ang pamantayan sa pag-uulat ng isang nasaksihang pangyayari?
Gawin ninyo
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.
Bumuo ng isang duladulaan tungkol sa isang nasaksihang pangyayari mula sa ibibigay na paksa
ng guro.
Gumamit ng magagalang na pananalita sa iskrip. Isulat ang iskrip sa malinis na papel. Humanda
sa pagsasadula sa klase.
Paksa ng bawat pangkat:
Pangkat 1 sunog
Pangkat 2 aksidente
Pangkat 3 Paligsahan
Pangkat 4 Paglabag sa Batas
Gawin Mo
Sa isang malinis na papel, isulat ang isang nasaksihang pangyayari bago pumasok sa
paaralan sa pamamagitan ng paggamit ng magagalang na pananalita. Humanda sa
pagbabahagi nito sa klase.
Paglalahat
Sa pag-uulat ng nasaksihang pangyayari, kinakailangang ito ay malinaw, detalyado o kumpleto
at organisado. Magkakaroon ng kaguluhano kalituhan kung ang iuulat na nasaksihang
pangyayari ay kulang-kulang, magulo at di malinaw ang pagkakaulat nito. Higit sa lahat huwag
kalimutang gumamit ng magagalang na pananalita habang naguulat.
Pagtataya
Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay nagpapakita ng tamang pag-uulat ng nasaksihang
pangyayari at ekis (x) kung hindi.
__1. Nakita ko yung si ano, na nagtapon ng basura doon.
__2. Nakita kop o na kinuha ni Ben ang pitaka sa bulsa ng mama na iyon at inilagay sa kanyang
bag.
__3. Dahil po sa naiwang may sinding kandila kaya nasunog ang bahay ng pamillya Perez.
__4. Ang batang iyon ang may kasalanan kung bakit siya naaksidente. Ilang beses ng sinbihan na
huwag maglalaro sa kalye ay di nakinig. Hayun, nasagasaan tuloy siya ng trak.
__5. Nahuli po si Ginoong Guttierez ng mga pulis dahil sa paglabag nito sa batas trapiko.
Takdang aralin
Sa pag-uwi mula sa paaralan, tumingin-tingin sa paligid at mag-obserba sa mga nagaganap na
pangyayari.
Pagdating sa tahanan, sumulat ng maikling talata tungkol sa nasaksihang pangyayari gamit ang
magagalang na pananalita.
Gamitin ang pamantayan sa pagsulat ng nasaksihang pangyayari.
Gawin ito sa kwaderno.

You might also like