You are on page 1of 30

Layunin:

• Naisasagawa ang
intercropping bilang
masistemang paraan sa pagsugpo
ng peste at kulisap sa pananim
EPP5AG-OC-6
Paksang Aralin:
Masistemang Pagsugpo ng
Peste at Kulisap sa mga
Halaman sa Pamamagitan ng
Intercropping
Sanggunian :
Curriculum Guide ph. 19 Learning Material ph 33-36
Tteacher’s Guide ph.59-61

Kagamitan:
Video , laptop
larawan
Powerpoint Presentation
II.Panimulang Pagtatasa :
Energizer:
A. Pagsasanay:
Pagpapabasa ng mga
salita

kulisap, peste, pang-akit, panlaban


Balik- Aral :
Ano ang kabutihang
dulot ng organikong
abono?
Pagganyak :
Pagpapanood ng video
•https://www.youtube.com/watc
h?v=hMUisHn44LU&list=RDCM
UCZ5nS-qCO481Y-1R5RLDhag
&index=1
• Pagsusuri ng larawan :
• Ano-anong halaman ang
itinanim?
• Bakit isinasagawa ang ganitong
uri ng pagtatanim?
• Paano nila ginagawa ang mga
ito?
Paglalahad:
•Paano nasusugpo ang mga peste at
kulisap ng mha tanim gamit ang
intercropping.
•Paglalakbay -aral sa taniman o
pagpapakita sa video o internet ng
ibat-ibang halimbawa ng intercropping
Tanong “
•Ano ang Intercropping?
•Ano-anong mga tanim
ang itinanim?
•Paano ito isinasagawa?
Pagtatalakay:
Ang “intercropping” ay
isang paraan ng
pagtatanim ng dalawang o
higit pang mga pananim sa
isang lupang taniman
•Ito ay makakatulong sa
pagpigil ng mga peste
at kulisap na pumunta
sa inyong mga tanim.
•Maaaring magtatanim ng
halamang ornamental o
halamang gamot upang
lumayo ang mga kulisap sa
halamang gulay.
• May mga halamang
ornamental din na
humihikayat sa mga kaibigang
kulisap tulad ng ladybug,
gagamba at earwig
•Mga halamang
maaaring “iintercrop”
sa halamang gulay
bilang panlaban sa
mga kulisap
Halamang Gamot – ito ay
karaniwang mga halaman na
nakatutulong itaboy ang mga
peste. Kabilang rin dito ang
mga halamang nakapang-aakit
ng mga kaibigang kulisap.
Panlaban sa Pesteng Insekto

Marigold Neem Bawang Sibuyas


Pang-akit sa mga kaibigang kulisap

Basil Tarragon Coriander

cosmos Zinnia Sunflower


• Ang pagtatanim ng
halamang nagtataboy ng mga
kulisap ay makakatulong
upang makatipid sa pagbili ng
komersiyal na pamatay peste.
•Mahalagang piliin ang mga
halamang iintercrop dahil
maaaring lalong lapitan ng
peste ang iyong halamang
gulay kapag hindi wasto ang
iyong naitanim.
Paglalapat:
•Bakit maraming magsasaka
o nagtatanim ng mga
halaman ang gumagamit ng
sistemang intercropping ?
•Bawat pangkat ay lalabas
upang maihanda ang pagsa-
sagawa ng intercropping sa
pagsugpo sa kani-kanilang
plot sa Gulayan sa Paaralan.
Rubrick (LM- ph.36 ) /
Paglalahat :
• Sa inyong palagay,
nakakatulong ba ang
intercropping sa pagsugpo
ng mga peste at kulisap
Pagtataya:
•Panuto: Piliin at isulat
sa patlang ang titik
ng tamang sagot.
___1. Paano nakakatulong ang pag-intercrop sa
ating paghahalaman?
A. Walang kabutihang dulot sa mga halaman.
B. Nakatitipid sa pagbili ng komersyal na
pamatay peste.
C Hindi nakakatulong sa pagtaboy ng mga peste
at insekto.
D. Nakadagdag puwerhesyo sa ibang itinamim na
mga halaman.
____2.Maraming lamok sa inyong
paligid. Anong panlaban sa
lamok ang ilalagay mo?
A. Dahon ng Neem Tree
B. bulaklak ng marigold
C. Dahon ng sibuyas
D.Dinikdik na bawang
___3. Paano nakakatulong ang
intercropping sa ating kapaligiran?
A. Maiiwasan ang polusyon sa hangin
B. Hindi nakakatulong sa kapaligiran.
C. Lalong magiging marumi ang hangin.
D. Malaki ang magagastang salapi.
___4. Paano makakatulong ang intercropping sa
pamumuhay ng mag-anak?
A. Walang maitulong sa pamumuhay ng
mag-anak..
B. Makakatipid ang pamilya sa pagbili ng
pamatay peste.
C.Lalong nagpapabigat sa pamumuhay ng mag-
anak.
D. Aksaya sa Salapi
___5. Bakit mahalaga ang intercropping?
A. Upang hindi lapitan ng peste ang mga
pananim
 B. Makakatipid sa pagbili ng pamatay
peste.
C. Naragdagan nito ang sustansya ng lupa
D. lahat ay tama
•Makipanayam sa kakilalang
magsasaka at nagtatanim ng
gulay sa kumunisad ukol sa
intercropping na isinasagawa para
sa pansugpo ng mga peste at
kulisap sa pananim na gulay.
•Ibahagi ito sa klase.

You might also like