You are on page 1of 1

Paggamit ng Advanced Features ng Isang Search Engine sa Pangangalap ng

Impormasyon

Ang Search Engine ay isang programang ginagamit upang maghanap ng dokumento gamit ang isang keyword
o salita. Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap ng impormasyon gamit ang web browsers at search
engines.Sa pamamagitan ng computer at internet,maaari tayong makapagsaliksik at mangalap ng
makabuluhang impormayon sa mabilis na paraan.
 Ang search engine ay isang programa sa computer na tumutulong upang maghanap ng mga
dokumento, musika, video, imahe o larawan sa pamamagitan nang paglalagay ng mga salitang
hahanapin o keyword. Ayon sa pag-aaral, may tatlong nangungunang search engine, ito ay ang
Google, Yahoo Search at Bing.
 Narito ang ibat-ibang kakayahan at katangian ng tatlong nabanggit na search engine na maaaring
makatulong sa mas mabilis at mabisang pangangalap ng impormasyon

 Ito ang itinuturing na pinakakilalang search engine.


 May kakayahan ang search engine na ito na magsagawa ng advanced search.
 Ito ay may espesyal na feature para sa paghahanap ng mga pang-akademiko at mas siyentipikong akda
gamit ang Google Scholars.
 Naglalabas ito ng mga resultang nakabatay sa pinaka-popular o pinaka-madalas dalawin na websites.
 Ito ay maaaring magsalin-wika ng mga pahina batay sa atomatikong wika na itinakda sa setting.
 May kakayahan din itong maghanap ng mga video dahil isa rin sa kanilang produkto ang Youtube

Ang nasa itaas na mga hakbang ay pagpapakita lamang ng ilang paraan upang gamitin ang Advanced
Features ng search engine na Google. Bagaman may ganitong feature ang search engine, marapat pa ring
mag-ingat sa mga kukuning mga impormasyon o datos mula sa internet upang ipakita ang pagiging
responsable sa paggamit nito.
Advanced Feature ng Google.

 Matatagpuan ang advanced feature ng Google sa “Mga Setting” na makikita sa bandang ibaba ng
pahina.
 I-click lamang ang “Mga Setting” at may lalabas na isang box kung saan makikita ang iba’t ibang
pamimilian. Piliin ang “Advanced na Paghahanap”.
 Pagkatapos pindutin ang “Advanced na Paghahanap”, dadalhin kayo nito sa susunod na pahina.
 Sa unang kahon o box dapat ilagay ang mga salita o salitang nais hanapin sa internet.
 Sa sumunod na kahon naman dapat ilagay ang salitang nais hanapin sa loob ng quote (“). Ito ay
nangangahulugan na ang salitang nakasulat sa loob ng box na ito ang eksaktong salitang iyong
hinahanap.
 Samantalang sa ikatlong kahon naman dapat ilagay ang mga salitang nais hanapin. Kailangang ilagay
ang “or” sa pagitan ng mga salita upang ipakita na alinman sa mga salitang ito ay maaaring hanapin ng
Google.
 Ang pangalawa sa huling pahina naman ay ginagamit upang tukuyin alin sa mga salita ang ayaw o
hindi kasama sa mga hahanapin sa internet. Ginagamitan ito ng simbolo na (–).
 Ang sumunod na bahagi ng Advanced Feature ng Google ay matatagpuan o maaaring piliin ang
lengwahe o wika ng dokumento o impormasyong hinahanap, rehiyon, huling update, site o domain,
mga terminong lumilitaw, Safe Search, uri ng file, at karapatan sa paggamit.
 Ang search engine ay isang programa sa computer na tumutulong upang maghanap ng mga
dokumento, musika, video, imahe o larawan sa pamamagitan nang paglalagay ng mga salitang
hahanapin o keyword. Ayon sa pag-aaral, may tatlong nangungunang search engine, ito ay ang
Google, Yahoo Search at Bing.

You might also like