You are on page 1of 12

MGA PANUNTUNAN SA PAGSALI

SA DISCUSSION FORUM AT CHAT


Suriin ang comic strip na nagpapakita ng pag- uusap ng
dalawang mag- aaral.
• Ano ang pinag-uusapan ng mga mag-
aaral?
• Ano ang webstie na nabanggit ng mga
mag-aarral kung saan sila ay may
tinatawag na group chat?
• Ano ang suliranin na nabanggit sa kanilang
pag-uusap?
• Ano ba ang discussion forum? Ano ang
maitutulong nito?
• Ano ang mga dapat tandaan sa pagsali sa
isang discussion forum at chat?
Ang Discussion Forum
• Ang Discussion forum ay klase ng isang board kung
saan maaaring magpost o mag-iwan ng anumang
mensahe o tanong. Maraming mga website ang
nagbibigay ng ganitong klase ng serbisyo tulad ng Yahoo,
Google at Facebook. Ang bentahe ng ganitong klaseng
forum ay maaaring sumagot o magtanong ang sinumang
miyembro ng grupo saanman o kailanman. Sa isang
discussion forum ang moderator ay may kakayahang
piliin o salain ang mga impormasyong pumapasok sa
forum. Samantalang mayroon mga chatbox na
maaaring pasukin ng sinuman kung kaya importante ring
alamin ang mga dapat gawin.
Ang Chat
• Ang chat ay isang real time na pag-uusap sa
pagitan ng dalawa o higit pang mga tao. Di
gaya ng isang discussion forum, ang pagsagot
sa chat ay agad-agad. Ito ay sa kadahilanang
ang mga taong kasali sa chat ay online o
kasalukuyang nasa harapan ng computer at
konektado sa internet. Karaniwan ding mas
mabilis ang palitan ng sagot sa diskusyon sa
isang chat kumpara sa isang discussion forum.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsali sa Chat o
Discussion Forum
• Siguraduhing hindi makapaninira ang iyong sasabihin sa
board o forum.

• Tiyakin ring nakapaloob sa thread o sa pinag-uusapan o


topic ang tanong. Kung ganun, dapat alamin ang tamang
lugar ng bawat tanong. Dahil bawat tanong ay may iba’t-
ibang thread.

• Hindi maaaring magpost ng mga dokumento o anumang


file na hindi mo pagmamay-ari, kung sakaling magpost
man kailangan ilagay ang kredito ng nagmamay-ari ng file
• Hindi dapat magpost ng mga impormasyong sensitibo
o impormasyong hindi para sa pampublikong gamit.

• Hindi maaaring magpost ng anumang advertisement o


endorsement lalo na’t labas naman sa topic ng forum

• Basahin ang mga naunang tanong o post sa thread


bago magpost ng tanong o sagot upang maiwasan
ang pagdoble ng post, ganun din upang ipakitang
nagbabasa ng post bago magtanong

• Ang indibidwal na nagpost ng anumang mensahe o


pahayag ang siyang may resposibilidad dito.
Punan ang dayagram ng mga panuntunan sa pagsali sa chat o
discussion forum. Ilagay sa kuwaderno.

You might also like