You are on page 1of 108

DATE: AUGUST 14, 2017 (MONDAY)

7:30-8:20 YAKAL MPS: __________


8:20-9:10 APITONG MPS: __________
10:00-10:50 KAMAGONG MPS: __________
11:50-12:40 TALISAY MPS: __________
12:40-1:30 BALETE MPS: __________
EPP5 - AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 6

KAHALAGAHAN AT PAMAMARAAN SA PAGGAWA


NG ABONONG ORGANIKO

I. LAYUNIN
Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko.
Nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko
(Fish Amino Acid).
Napapahalagahan ang kaalamang natutunan sa paksang tinalakay.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Kahalagahan at Pamamaraan sa Paggawa
Sanggunian: K to 12 BEC 1.4.1, 1.4.2 ,EPP5AG-Ob-4 p.18, Makabuluhang Gawaing
Pantahanan at Pangkabuhayan, pp.66-68, ( May-akda: Evelyn D. Deliarte , et.al )
http://secrets-of-self-sufficiency.com/wp-content/uploads/2011/07/Grow- Vegetables.jpg,
http://3.bp.blogspot.com/-oeO8SdcEd2Y/TxhYZd5K1lI/AAAAAAAACx4/8Kjd7Q0N5qo
Kagamitan: Bidyo , Mga larawan, mga kagamitan sa paggawa ng organikong pataba at rubrics

P Pagpapahalaga: Pagiging malinis sa kapaligiran

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-uulat ng liban
3. Pagsasanay
Pangkatin ang mga larawan ayon sa uri/paraan sa pagtatanim
ng mga halamang gulay gamit ang talaan:

Dahong-gulay Bungang-gulay Bulaklak ng gulay Butong-gulay Bungang-ugat

4. Balik- Aral
Ibigay ang iba’t ibang paraan sa paggawa ng Bio-Intensive gardening .

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
Pagpapakita ng 2 plot na may halamang gulay. Ang isang plot ay malago ang
pagkakatubo ng gulay at ang isa ay hindi malago.
Anong plot ang may pinakamalagong mga halamang gulay?

LCM 2017-2018 Page | 1


Bakit sa tingin ninyo malago ang nasa plot A?

http://secrets-of-self-sufficiency.com/wp-content/uploads/2011/07/Grow-Vegetables.jpg
http://3.bp.blogspot.com/-oeO8SdcEd2Y/TxhYZd5K1lI/AAAAAAAACx4/8Kjd7Q0N5qo/s1600/raised+beds+1+web.jpg

Ano ang nakatulong upang mapalago ang mga alagang halaman dito?
Gusto ba ninyong gumawa tayo ng isang organikong abono?

2. Paghawan ng Balakid
Ang mga sumusunod na salita ay bibigyang kahulugan sa
pamamagitan ng pagmamasid, pagpapakita ng tunay na bagay,
pagpapahula, pantomime, at bugtong.
 fermentation - pagbuburo
 organiko-natural , walang halong kemikal
 compost-abono
3. Paglalahad
3.1 Pagpapakita ng video sa paraan ng paggawa ng abonong organiko
(File Name: 1.4.1, 1.4.2)
3.2 Pangkatin ang mga bata at isulat sa manila paper ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman
sa paggawa ng abono at pagtalakay kanilang ginawa
4. Paglalapat
Pangkatang Gawain:
Paggawa ng organikong abono ng bawat family o grupo.
5.Paglalahat:
Ibigay ang mga paraan sa paggawa ng organikong abono?
Ano ang dapat tandaan bago, habang at pagkatapos gawin ang organikong abono?

IV. PAGTATAYA

RUBRICS SA PAGGAWA NG ABONONG ORGANIKO


KRITERYA Antas ng Kahusayan Marka
3 2 1
Kasangkapan Kumpleto -may kulang -di-kumpleto
Angkop -angkop, ngunit -di-angkop
Wasto ang gamit di wasto ang -mali ang
paggamit Paggamit
Paggawa sinusunod ang di-gaanong hindi
wastong nasusunod nasusunod sa
pamamaraan sa sa paggawa ng paggawa ng
paggawa ng abonong abonong
abonong organiko organiko
organiko
maingat na hindi gaanong hindi naging
sinusunod ang maingat ang maingat sa
hakbang sa hakbang sa pagsunod sa
paggawa paggawa paggawa
Gawi o Kilos may mabuting asal sa -di gaanong nagpamalas ng Hindi nagpamalas ng
paggawa at nakilahok sa kasipagan sa pangangasiwa kasipagan sa
gawain ng proyekto pangangasiwa
ng proyekto

Legend:
15 = 100 % 8 = 53%
14 = 93 % 7 = 46%
13 = 86 % 6 = 40%
12 = 80 % 5 = 33%
11 = 73 %
10 = 66 %
9 = 60 %

V. TAKDANG ARALIN
Magsaliksik ng isang halimbawa ng paggawa ng organikong pataba at isulat ang mga
sangkap at pamamaraan sa paggawa nito.

LCM 2017-2018 Page | 2


MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan:________________________ Baitang at Pangkat :______________


Iskor :________________________ Mastery :______________%

Gawain 1

Isaayos ang wastong hakbang sa paggawa ng Fish Amino Acid. Lagyan ng bilang 1-7 ang
puwang sa tabi ng titik.

____ a. Ilagay ang 3 kilo na tinadtad na sangkap sa palanggana kasunod ang 1


kilo ng magaspang na asukal o panutsa.
____ b. Itabi ang lalagyan sa isang lugar na malamig, madilim at tuyo.
____ c. Tadtarin ang mga sangkap.
____ d. Haluing mabuti ang mga sangkap gamit ang sandok yari sa kahoy.
____ e. Anihin ang burong abono at isalin sa may kulay na garapon.
____ f. Ibuhos ang mga sangkap sa garapon o balde, takpan ng tela o papel at
talian.
____ g. Isulat sa ibabaw ang petsa ng paggawa at ang inaasahang petsa ng
pag-aani.

KARAGDAGANG KAALAMAN PARA SA MABISANG PAGTUTURO

I. Ipakita sa mga bata ang isang video na nagpapakita kung paano ang
paggawa ng Fish Amino Acid at Basket Composting bilang mga paraan sa
paggawa ng abonong organiko.

II. KAHALAGAHAN SA PAGGAWA NG PATABANG ORGANIKO


1. matipid
2. epektibo
3. ligtas
4. walang panganib sa kalusugan

PLOT A

LCM 2017-2018 Page | 3


LCM 2017-2018 Page | 4
LCM 2017-2018 Page | 5
DATE: AUGUST 15, 2017 (TUESDAY)
7:30-8:20 YAKAL MPS: __________
8:20-9:10 APITONG MPS: __________
10:00-10:50 KAMAGONG MPS: __________
11:50-12:40 TALISAY MPS: __________
12:40-1:30 BALETE MPS: __________
EPP5-AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 7

PAGDIDILIG AT PAGBUBUNGKAL NG LUPA

I. LAYUNIN
Natutukoy ang mga hakbang sa wastong pagdidilig at pagbubungkal ng lupa.
Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga
gulay, tamang pagdidilig at pagbubungkal.
Nabibigyang halaga ang pagiging maingat sa pagdidilig at pagbubungkal ng
lupa.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Masistemang Pangangalaga ng Tanim na mga Gulay Tamang
Pagdidilig at Pagbubungkal
Sanggunian: K TO 12 BEC 1.5.1, 1.5.2, EPP5AG-0c-5 ph.18
Umunlad sa Paggawa 5 ph. 128-129
Evangeline de Pano et al – May-akda
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 ph. 126
Cleofe del Castillo et al – May-akda
Kagamitan: Tsart at mga kagamitan sa paghahalaman.
Pagpapahalaga: Pagkamaingat
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pag-uulat ng Lumiban
3. Pagsasanay
Ayusin ang wastong pagkakasunod sunod ng mga hakbang sa
paggawa ng compost.
________ 1. Punuin ang hukay ng iba’t ibang uri ng nabubulok na basura
________ 2. Pumili ng lugar na patag at malayu-layo sa bahay o
anumang anyong tubig
________ 3. Diligin ang compost pit kapag tag araw upang manatili itong
mamasamasa
________ 4. Hukayin ang binungkal na lupa hanggang umabot ito ng
isang metro ang lalim
________ 5. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang
compost pit kapag tag-ulan
4. Balik-aral
Ano ano ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng
abonong organiko?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng mga kasangkapan sa pagbubungkal ng lupa at
pagdidilig ng halaman. Kilalanin at ibigay ang gamit nito
2. Paghawan ng Balakid

LCM 2017-2018 Page | 6


Ang mga sumusunod na salita ay bibigyang kahulugan sa
pamamagitan ng pagmamasid, pagpapakita ng tunay na bagay,
pagpapahula, pantomime, at bugtong.

 asarol
 regadera
 pala
 dulos
3. Paglalahad ng Aralin
3.1 Hatiin ang mga bata sa limang pangkat at ipasaliksik sa aklat
ang mga wastong hakbang sa pagdidilig at pagbubungkal
3.2 Ipaulat sa bawat lider ang mga impormasyong nakalap
3.3 Pagtalakay sa mga paraan kung paano ang wastong
pagdidilig at pagbubungkal
3.4 Pakitang turo ng guro kung paano ang wastong pagdidilig at
pagbubungkal
3.5 Balik pakitang gawa ng mga bata
4. Paglalapat
a. Pagsasagawa ng mga bata ng pagdidilig at pagbubungkal
b. Pagsubaybay ng guro
c. Pagwawasto/pagbibigay ng puna ng guro
5. Pagpapahalaga
Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan upang maiwasaan ang
sakuna habang nagbubungkal ng lupa?
6. Paglalahat
Ano-ano ang mga wastong hakbang sa pagdidilig at
pagbubungkal ng lupa?

IV. PAGTATAYA
Scorecard sa Wastong Pagdidilig at Pagbubungkal ng Lupa
Mga Batayan 5 3 1
1. Wasto at maayos ang pagdidilig
ng pananim
2. Gumamit ng wastong kagamitan
sa pagdidilig
3. Nasunod ang wastong
pamamaraan ng pagbubungkal ng
lupa
4. Ginawa nang buong ingat upang
hindi mapinsala ang ugat
5. Nakaayon ang lalim ng
pabubungkal sa lalim ng tubo ng
halaman
6. Nasunod ang tagubiling
pangkalusugan

21-30 = Lubos na kasiya-siya


11-20 = Kasiya-siya
1 – 20 = Pagbutihin pa

V. TAKDANG ARALIN
Magsaliksik ng iba’t ibang paraan ng paglalagay ng abono. Maaaring

LCM 2017-2018 Page | 7


gumamit ng google o internet.

MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan:________________________ Baitang at Pangkat :______________


Iskor :________________________ Mastery :______________%

GAWAIN I

Isulat ang S kung sang-ayon ka at H kung hindi. Salungguhitan ang bahagi ng


iyong tinututulan.

________1. Gawin ang pagdidilig sa tanghali o hapon.


________2. Gumamit ng mga angkop na kasangkapan sa pagdidilig
________3. Kailangang gawin nang buong ingat ang pagbubungkal upang hindi
mapinsala ang mga ugat.
________4. Tiyakin ang dami ng tubig na ididilig ay angkop sa uri ng halaman upang
hindi mabulok ang ugat ng mga ito.
________5. Ang pagbubungkal sa paligid ng halaman ay hindi nakakatulong upang
makahinga ang mga ugat ng halaman sa ilalim ng lupa.

GAWAIN II

Punan ang patlang ng mga salita na bubuo sa konsepto ng pangungusap. Piliin


ang sagot sa ibaba.

1. Upang magamit nang husto ang sustansyang taglay ng lupa kailangan itong _______.
2. Siguraduhing _________ ang lupa upang madali itong bungkalin.
3. Maiiwasang mapinsala ang ugat ng halaman kung ang pagbubungkal ay gagawin ng
buong ________.
4. Bungkalin ang lupa sa paligid ng halaman isa o __________ beses sa loob ng isang
Linggo.
5. Kailangang iayon ang lalim ng pagbubungkal sa lalim ng ________ ng mga halaman.

tubo, bungkalin, mamasa-masa, dalawa, ingat

LCM 2017-2018 Page | 8


DATE: AUGUST 16, 2017 (WEDNESDAY)
7:30-8:20 YAKAL MPS: __________
8:20-9:10 APITONG MPS: __________
10:00-10:50 KAMAGONG MPS: __________
11:50-12:40 TALISAY MPS: __________
12:40-1:30 BALETE MPS: __________
EPP5-AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 8

PAGLALAGAY NG ABONONG ORGANIKO

I. LAYUNIN
Natutukoy ang mga paraan ng wastong paglalagay ng abonong organiko.
Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay sa
pamamagitan ng paglalagay ng abonong organiko.
Napapahalagahan ang pagiging maingat sa paglalagay ng abonong organiko.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Paglalagay ng Abonong Organiko
Sanggunian: K TO 12 BEC 1.5.3, EPP5AG-0c-5 p. 18
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 ph. 376-377
Teresita B. Doblon et.al.-May-akda
Kagamitan: Tsart, Mga kagamitan sa paghahalaman
Pagpapahalaga: Pagkamaingat
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1.Panalangin
2. Pag-uulat ng Lumiban
3.Pagsasanay
Magbigay ng kailangan ng halaman upang mabuhay ng lumusog
4. Balik-aral
Ano-ano ang wastong hakbang sa pagdidilig at pagbubungkal ng
lupa sa paligid ng halaman?

B. PANLINANG NA GAWAIN

1. Pagganyak
Dalhin ang mga bata sa halamanan at subukan na suriin ang mga
panamin.
Pagpapakita ng larawan.

2. Paghawan ng Balakid
Ang mga sumusunod na salita ay bibigyang kahulugan sa
pamamagitan ng pagmamasid, pagpapakita ng tunay na bagay,
pagpapahula, pantomime, at bugtong.
 organikong pataba
 di-organikong pataba
 abono
 side broadcast

LCM 2017-2018 Page | 9


3. Paglalahad
3.1 Ipabasa sa mga bata ang iba’t ibang paraan ng paglalagay
ng abono sa halaman (nakasulat sa chart o slide show)
3.2 Talakayin ang paksa sa pamamagitan ng iba’t ibang larawan
ng mga paraaan ng paglalagay ng pataba sa halaman
3.3 Pagpapakitang turo ng guro kung paano ang wastong
paglalagay ng pataba sa halaman
3.4 Balik pakitang-gawa ng mga bata kung paano ang paglalagay
ng pataba sa halaman
3.5 Pagsubaybay sa mga bata sa wastong paglalagay ng pataba
sa halaman

4. Paglalapat
Pumili ng isang paraan ng paglalagay ng pataba sa panamim at
ipaliwanag.
5. Pagpapahalaga
Bakit dapat isaalang-alang ang maingat na paglalagay ng pataba
sa mga halaman?
6. Paglalahat
Ang mga paraan sa paglalagay ng abono o pataba sa halaman ay
ang mga sumusunod:
a. Braodcasting method d. Basal application
b. Side dressing method e. Foliar application
c. Ring method

III. PAGTATAYA
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ang lupang taniman ay kailangang masustansiya kaya ito ay
nilalagyan ng pataba. Ang pinakamura at mainam gamitin ay _________.
a. compost b. abo c. asin d. komersiyal na pataba
2. Ang peste at kulisap sa halaman ay kailangang puksain. Ang
pinakamura at mainam gamitin ay ________.
a. abono b. asin c. insecticide d. tubig
3. Ang paglalagay ng abono sa mababaw na hukay sa paligid ng tanim ay
tinatawag na ________.
a. broadcast method c. side method
b. band method d. top or foliar method
4. Sa paglalagay ng abono o pataba , ang lupa ay dapat _____________
a. tuyo b. patag c. buhaghag d. mamasa-masa
5. Ang paraan ng paglalagay ng abono kung saan humuhukay muna
nang pabilog sa paligid ng halaman ay tinatawag na __________.
a. Ring Method c. Side-dressing Method
b. Foliar application e. Basal appplication

V. TAKDANG ARALIN
Isagawa sa sariling halamanan o sa halamanan ng paaralan ang mga paraan
ng pangangalaga ng halaman at magsaliksik tungkol sa wastong paraan ng
pangangalaga sa mga tanim na gulay.

LCM 2017-2018 Page | 10


MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan:________________________ Baitang at Pangkat :______________


Iskor :________________________ Mastery :______________%

GAWAIN 1

Ayusin ang mga titik upang mabuo ang mga salitang natagpuan sa aralin.

1. OOBAN ________
2. COOSTMP ________
3. KONIARGO ________
4. SYATANSUS ________
5. BATAPA ________

GAWAIN 2

Isulat ang S kung sang-ayon ka at H kung hindi. Salungguhitan ang salita o mga
salitang nagpapamali.

________1. Ilagay ang abono direkta sa ugat ng halaman.


________2. Ang broadcasting method ang kadalasang ginagawa sa mga palayan at
maisan.
________3. Ang pinakamagandang panahon ng paglalagay ng pataba ay habang maliit
pa ang tanim o bago ito mamunga.
________4. Maaaring itanim ang pataba bago magtanim, habang nagtatanim, at
pagkatapos mag-ani.
________5. Ang patabang galing sa mga bagay na walang buhay ay inihahalo sa lupa

LCM 2017-2018 Page | 11


KARAGDAGANG KAALAMAN PARA SA MABISANG PAGTUTURO NG GURO

May ibat-ibang paraan ng paglalagay ng abono o pataba sa lupa at halaman.


Narito ang iba’t-ibang pamamaraan ng pagalalagay ng abono:

1. Broadcasting Method
Ang pataba ay ikinakalat sa ibabaw ng lupa. Kadalasang ginagawa ito sa
mga palayan at maisan.

2. Side-dressing Method
a. Ang pataba ay ilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng
halaman sa pamamagitan ng isang kagamitang nakalaan para rito.
b. Ito ay kadalasang ginagawa sa mga halaman na nakatanim na
pahilera at hindi paisa-isa.

3. Foliar Application Method


Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-iispray ng solusyong
abono sa mga dahon ng halaman.

4. Ring Method (Paraang pabilog)


a. Humukay nang pabilog sa paligid ng tanim na may layong kalahati
hanggang isang pulgada mula sa puno o tangkay.
b. Ilagay ang pataba sa lugar na hinukay.
c. Takpan ng lupa ang pataba.

5. Basal Application Method


Paglalagay ng abono sa pamamagitan ng paghahalo ng pataba sa lupa
bago itanim ang halaman. Kapag ang halaman naman ay itatanim sa paso,
ang pataba ay inihahalo muna sa lupa bago itanim ang halaman.

LCM 2017-2018 Page | 12


DATE: AUGUST 17, 2017 (THURSDAY)
7:30-8:20 YAKAL MPS: __________
8:20-9:10 APITONG MPS: __________
10:00-10:50 KAMAGONG MPS: __________
11:50-12:40 TALISAY MPS: __________
12:40-1:30 BALETE MPS: __________
EPP5-AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 9

MASISTEMANG PAGSUGPO NG PESTE AT KULISAP NG MGA


HALAMAN GAMIT ANG PARAANG INTERCROPPING

I. LAYUNIN
Naipapaliwanag ang masistemang pagsugpo ng peste at kulisap ng mga halaman
sa pamamagitan ng intercropping.
Naisasagawa ang isang paraan ng masistemang pagsugpo ng peste at
kulisap ng mga halaman tulad ng intercropping.
Napahahalagahan ang ginawang paraan ng masistemang pagsugpo ng kulisap
at peste ng mga halaman tulad ng intercropping.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Masistemang Pagsugpo ng Peste at Kulisap ng mga Halaman
Sanggunian : K to 12 BEC 1.6 , EPP5AG-Oc-6
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5, p. 65
( Evelyn D. Deliarte , et. ‘al )
Kagamitan : larawan, halaman, at mga kagamitan sa pagtatanim

Pagpapahalaga : Pagkamalikhain

III. PAMAMARAAN :

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pag-uulat ng liban
3. Pagsasanay
Pangkatin ang mga larawan ayon sa uri ng halaman, kung ito ay
halamang ornamental o halamang gulay.

Larawan ng Iba’t ibang uri ng halaman Halamang ornamental Halamang gulay

4. Balik- Aral
Ano ano ang mga paraan sa paglalagay ng abonong organiko ?
Ibigay ang mga kahalagahan sa paggamit ng organikong pataba.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pagpapakita ng dalawang pangkat ng larawan ng mga gulay.

LCM 2017-2018 Page | 13


Pangkat A Pangkat B

Alin sa dalawang pangkat ang may magandang uri ng gulay?


Paano natin masasabi na ang isang pangkat ay di magandang uri ng gulay?
at ano ang mga dahilan nito ? Paano ito maiiwasan ?
2. Paghawan ng Balakid
Ibigay ang kahulugan ng salita:
 Aphids- isang uri ng peste na maaaring makakasira sa dahon ng mga halaman.
 Intercropping- isang paraan ng pagtatanim ng ibang halaman sa pagitan ng mga pananim.
3. Paglalahad
Pagpapakita ng mga larawan tungkol sa intercropping:

LCM 2017-2018 Page | 14


Mga tanong ng guro:
a. Ano ang intercropping?
b. Ano ang mga layunin ng intercropping?
c. Paano nakakatulong sa pagsugpo ng mga peste at insekto ang pagsasagawa
ng intercropping?
c. Ano ano ang mga pangunahing gulay na maaring gamitin at mga halaman
gagamitin bilang pang-sugpo ng mga peste ?
Mga posibleng sagot:
a. Ang intercropping ay isang paraan ng pagtatanim ng ibang halaman sa pagitan
ng mga pananim. Maaaring gagamitin ang halamang ornamental at gulay.
b. Ang layunin ng intercropping ay ang pagsugpo ng peste sa madahong gulay at
mapangalagaan ang mga sustansiya na taglay ng lupang taniman.
c. Maaaring gamitin ang mga sumusunod bilang pangunahing halaman o gulay :
 pechay
 letsugas
 repolyo
 mustasa at iba pang madahong gulay

Mga halamang pang sugpo ng peste o insekto :


 basil
 rose mary
 pandan
 luya
 kenchay at iba pa
 sili

4. Paglalapat
4.1 Pangkatang Gawain: Pangkatin ang klase at isasagawa ng bawat pangkat ang
intercropping na pamamaraan gamit ang iba’t ibang uri ng halaman:
 Pangkat 1- Petsay at Sili
 Pangkat 2- Repolyo at Basil
 Pangkat 3- Mustasa at Pandan
 Pangkat 4- Letsugas at luya
 Pangkat 5- Spinach at tanglad
4.2 Pag-uulat ng mga hakbang na isinasagawa at pagpapakita ng natapos na
pamatay peste.

5. Paglalahat
Ano ano ang kahalagahan ng intercropping sa mga halaman?

IV. PAGTATAYA
Sagutan ng tama o mali.
_____1. Sa intercropping ay maaaring gumamit ng mga ornamental na halaman.
_____2. Karaniwang itinatanim ang halamang herbs upang makaiwas sa mga peste at insekto.
_____3. Ang pagtatanim ng ng pinagsamang gulay at herbs ay di kasiya-siyang gawain .
_____4. Ginawa ang gawaing intercropping upang mapangalagaan ang mga sustansiyang
taglay ng lupa.
_____5. Mainam din gamitin ang mga namumulaklak na halaman at ilagay sa pagitan ng mga
pangunahing gulay .

LCM 2017-2018 Page | 15


V. TAKDANG ARALIN
Gawin ang intercropping sa inyong tahanan gamit ang mga plastic na bote. Kunin
ng larawan at ipakita sa klase ang nagawang intercropping.

MUNGKAHI SA PAGTUTURO
Karagdagang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan:________________________ Baitang at Pangkat:______________


Iskor :_________________________ Mastery :______________%

Gawain 1

Magsaliksik ng iba pang halaman na pwedeng gamitin sa pamamaraang


intercropping.

Gawain 2

Gamit ang internet, kumuha ng video na nagpapakita ng pamamaraang intercropping.

LCM 2017-2018 Page | 16


DATE: AUGUST 18, 2017 (FRIDAY)
7:30-8:20 YAKAL MPS: __________
8:20-9:10 APITONG MPS: __________
10:00-10:50 KAMAGONG MPS: __________
11:50-12:40 TALISAY MPS: __________
12:40-1:30 BALETE MPS: __________
EPP5-AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 10

PAGGAWA NG ORGANIKONG PANGSUGPO NG PESTE AT KULISAP

I. LAYUNIN
Natatalakay ang mga hakbang sa paggawa ng organikong pangsugpo ng peste at kulisap.
Naipakikita ang paggawa ng organikong pangsugpo ng peste at kulisap.
Nabibigyang halaga ang organikong pangsugpo ng peste at kulisap.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Paggawa ng Organikong Pangsugpo ng Peste at Kulisap
Sanggunian : K to 12 BEC 1.6.2 , EPP5AG-Oc-6, p.18
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5, pp.72-73
( Evelyn D. Deliarte , et. ‘al )
Kagamitan : larawan at kasangkapan sa paggawa ng pamatay peste at kulisap
Pagpapahalaga :Pagkamaparaan

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-uulat ng liban
3. Pagsasanay
Ibigay ang mga paraan ng paghahanda ng lupang taniman.
4. Balik- Aral
Ano ang ibig sabihin ng intercropping at ibigay ang mga layunin nito ?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
Pagpunta ng mga bata sa garden ng paaralan. Magmasid at hayaan
ang mga bata na ipahayag ang kanilang mga napansin sa garden ng paaralan .
2. Paghawan ng Balakid
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
 organiko– pampataba ng lupa
 Manure – dumi ng mga hayop
 peste – mga insektong sumusira sa mga halaman
3. Paglalahad
3.1 Maliban sa paggawa ng intercropping bilang pangsugpo ng mga peste
at kulisap , ano pa ang iba pang paraan sa pagsugpo ng peste at kulisap?
3.2 Mga iba pang paraan bilang pangsugpo ng peste at kulisap.
a. Paggawa ng Manure Tea
b. Paggawa ng Botanical Pesticide
c. Dumi ng Kambing
Tingnan sa S.M. ang mga paraan sa paggawa :

4. Paglalapat

LCM 2017-2018 Page | 17


4.1 Pangkatang Gawain :
Gawin ang mga iba’t ibang paraan sa paggawa ng abonong organiko bilang
Pamatay peste at kulisap.
Pangkat 1- Paggawa ng Manure Tea
Pangkat 2 – Paggawa ng Botanical Pesticide
Pangkat 3 - Paggawa na organiko ng pagsugpo mula sa dumi ng kambing
4.2 Pag-uulat n glider ng bawat pangkat at pagpapakita ng natapos na gawa.
5. Paglalahat
Paano mapapanatili ang magandang uri ng halaman?
Ano ano ang mga iba’t-ibang paraan ng paggawa ng abonong organiko
pamatay peste ?

IV. PAGTATAYA

ISKOR KARD

NAKUHANG
MGA BATAYAN PUNTOS PUNTOS NG
PANGKAT
1. Bawat mag-aaral ay may kanya-kanyang 10
ginagampanan na tungkulin.

2. Wasto ang paggamit ng mga kasangkapan 15


at kagamitan sa paggawa.
3. Kumpleto ang mga kagamitang gagamitin 20
sa paggawa ng abonong organiko.
4. Nasunod ng wasto ang mga hakbang sa pag- 15
gawa.
5. Napapahalagahan ang pangkalusugan at 10
Pangkaligtasang gawi.
Kabuuan: 70

Legend :
20 = 100 %
19 = 96%
18 = 90%
17 = 85%
16 = 83%
15 = 80%
14 = 78%
13 = 73%
12 = 68%
11 = 65%
10 = 60%

V. TAKDANG ARALIN
Magsaliksik sa internet kung anong lugar ang kasapi sa agritourism na malapit
sa inyong paaralan. Magmungkahi ng lakbay-aral papunta sa napiling lugar.

LCM 2017-2018 Page | 18


MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan :_________________________ Baitang at Pangkat :_________


Iskor : _______________________ Mastery : ________%

Gawain 1

Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Ang paggamit ng kemikal na pamatay peste sa halaman ay nagdudulot ng__.
a. polusyon sa tubig
b. malubhang sakit sa tao
c. pagkasira ng lupang taniman
d. lahat ng nabanggit

2. Ang mga halamang organiko ay__.


a. kemikal na abono at pamatay peste
b. hindi ginagamitan ng kemikal
c. hindi nabibili sa pamilihan
d. mapanganib sa kalusugan

3. Ang mga dumi ng hayop ay___.


a. maaaring gawing abono
b. nakapipinsala sa pananim
c. kailangang itapon kaagad
d. ilayo sa mga taniman

4. Ang manure tea ay isang likido na__.


a. gamot sa ubo
b. iniinom sa umaga
c. galing sa dumi ng hayop
d. galling sa mga halamang gamot

5. Nakagagawa ng bio-pesticide na pamuksa sa mga pest eng halaman ang__.


a. dahon ng oregano at sili
b. bunga ng siling labuyo
c. laman ng luyang dilaw
d. lahat ng nabanggit

LCM 2017-2018 Page | 19


Gawain 2

Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng Botanical Pesticide.


Lagyan ng bilang 1 ang unang hakbang hanggang bilang lima.

____Ibabad ang solusyon nang 24 oras.


____Ihalo ang 4 na tasang solusyon sa 16 litrong tubig at ilagay sa pambomba.
____Timbangin at tadtarin ang 1 kilong sangkap.
____Pigain ng katsa o manipis na tela ang solusyon.
____Dagdagan ng 2 litrong distilled water ang tinadtad na sangkap bago haluin sa
blender.

Gawain 3

Sagutan ng Tama kung ang pangungusap ay wasto at mali kung di wasto .


____1. Ang dumi ng kambing ay nagtataglay ng mataas na nitrogen, phosphorus at potassium.
____2. Ang organikong halamang gulay ay ginagamitan ng mga kemikal na abono at pamatay
peste.
____3. Ihalo ang manure tea sa pandilig minsan sa isang linggo.
____4. Ang mga dahon tulad ng oregano, mint at siling labuyo ay maaaring gamitin bilang bio-
pesticide.
____5. Ang compost at dumi ng hayop ay di maaaring gamiting pataba sa halaman bilang compost
at manure tea.

KARAGDAGANG KAALAMAN PARA SA MABISANG PAGTUTURO NG GURO

Mga Hakbang sa Paggawa ng Abonong Organiko at Pamatay Peste

Paggawa ng Manure Tea

1. Maglagay ng 32 kilong dumi ng hayop sa isang sako.


2. Sa isang lalagyan ,sumukat ng 120 litrong tubig at ibabad ang sako ng dumi ng hayop.
3. Hayaang nakababad ito sa loob ng isang linggo hanggang isang buwan. Sa isang
linggo, magtataglay ito ng nitrogen sa solusyon mula 300ppm hanggang 400ppm.
Pagkatapos ng isang buwan, ang taglay na nitrogen ay magiging sa 800ppm
hanggang 1000ppm.
4. Ihalo ang manure tea sa inyong pandilig minsan sa isang linggo . Isang litro para sa
madahong gulay at 1 litro hanggang 1 ½ litro para sa namumungang gulay.

Paggawa ng Botanical Pesticide

Maaaring gamitin ang sumusunod bilang bio-pesticide na pamuksa sa mga peste


ng halaman : dahon ng oregano, dahon ng mint, bunga ng siling labuyo, dahon at
bulaklak ng Marigold, tangkay at dahon ng Euphorbia at laman ng luyang dilaw.

Pamamaraan ;

LCM 2017-2018 Page | 20


1. Timbangan at Tadtarin ang 1 kilong sangkap.
2. Dagdagan ng 2 litrong distilled water ang tinadtad na sangkap bago haluin sa blender.
3. Ibabad ang solusyon nang 24 oras.
4. Pigain ng katsa o manipis na tela ang solusyon. Upang lalong maging epektibo,
ihanda ang solusyon isang araw bago gamitin.

5. Ihalo ang 4 na tasang solusyon sa 16 litrong tubig at ilagay sa pambomba. Gamitin


ang solusyong ito minsan sa isang linggo.

Iba Pang Organikong Pataba at Pamatay Peste

Dumi ng Kambing
Ang dumi ng kambing ay nagtataglay ng pinakamataas ng mahalagang sangkap
sa pagpapalusog ng halaman, ang nitrogen, phosphorus at potassium ( NPK ) kung
ikukumpara sa dumi ng baka, usa, kabayo, baboy at manok. Ang halamang gulay na
binobom-bahan ng likidong bio-organic fertilizer at pesticide ay napatunayang higit na
malusog kaysa karaniwang pag-aalaga ng halaman.

Mga kagamitan / Sangkap


 Sariwang dumi ng kambing
 sako
 drum
 tubig
Mga Hakbang sa Paggawa

1. Magtipon ng sariwang dumi ng kambing. Higit na marami ang taglay ng NPK ng


sariwa kaysa tuyong dumi.
2. Durugin ang dumi. Sukatin, ilagay sa sako at talian.
3. Ilagay ang sako ng dumi sa drum na may tamang dami ng tubig. Gumamit ng 1:2
ratio, isang bahagi ng dumi sa dalawang bahagi ng tubig.
4. Ibabad sa loob ng 15 araw.
5. Pagkatapos ng 15 araw, anihin ang likido sapagka’t lahat ng mga mahahalagang
bacteria mula sa dumi ay sumalin na sa solusyon ng tubig kaya ang likido ay puro at
concentrated.

EPP5-AGRIKULTURANG GAWAIN

LCM 2017-2018 Page | 21


IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 11

PALATANDAAN NG TANIM NA MAAARI NANG ANIHIN

I. LAYUNIN
Natatalakay ang mga palatandaan ng tanim na maaari nang anihin.
Naipapakita ang wastong paraan ng pag-aani ng mga pananim.
Nabibigyang halaga ang kaalamang natutunan.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Palatandaan ng Tanim na Maaari nang Anihin
Sanggunian: K-12 BEC 1.7.1/1.7.2 EPP5AG-0d p.18
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan
ph. 131-134
Cleofe del Castillo et.al.- May-akda
Kagamitan: Tsart/ mga kagamitan sa paghahalaman.

Pagpapahalaga: Kasipagan
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-uulat ng Lumiban
3. Pagsasanay
Isa- isahing pakuhanin ng gulay ang mga bata sa basket .
Ilarawan ang mga gulay na kinuha ng bawat isa. Bakit iyan ang inyong
napili?
4. Balik-aral
Magbigay ng mga organikong pagsugpo sa peste o kulisap.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
Pumunta/Ipasyal ang buong klase sa halamanan at bisitahin ang
mga alagang tanim at itala ang kanilang napansin sa mga pananim.
2. Paghahawan ng Balakid
Ang mga sumusunod na salita ay bibigyang kahulugan sa
pamamagitan ng pagmamasid, pagpapakita ng tunay na bagay,
pagpapahula, pantomime, at bugtong.
 pag-ani
 panahon
 maagap
 magulang
3. Paglalahad
Ano ang kahalagahan ng tamang pag-aani sa mga pananim?
Pagbasa at pagtalakay tungkol sa pag-aani ng mga pananim na
gulay?
Pangkatin ang klase sa dalawa.
Pangkat I- Isulat kung kailan dapat anihin ang gulay at prutas
Pangkat II- Isagawa ang tamang paraan ng pag-aani ng pananim.
Pag-uulat ng bawat pangkat tungkol sa kanilang nasaliksik.

4. Paglalapat

LCM 2017-2018 Page | 22


Ibigay ang mga palatandaan kung kalian aanihin ang mga
sumusunod na mga gulay.
Gulay Palatandaan
Labanos
Ampalaya
Patola
Talong
Okra

5. Pagpapahalaga
Bakit mahalaga ang pag-aani sa tamang panahon?
6. Paglalahat
Pagbubuo ng batayang konsepto.

IV. PAGTATAYA
Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat sa patlang.
kaing mamumukadkad punong
namumunga

1. Ang pag-aani ng gulay ay kadalasang ginagawa sa ______ bago


dalhin sa pamilihan.
2. Ang mga bulaklak naman ay inaani kapag ________na.
3. Inaani ang mga ___________ kapag magulang na.
4. Ang mga ibang na inaani ay iniimbak at inilalagay sa _______ o kahon
upang hindi malamog o mabugbog.
5. Ang mga gulay at prutas na pinitas na wala sa panahon ay walang
_________.

V. TAKDANG ARALIN
Magtala ng iba pang paraan /wastong paraan ng pagiimbak ng inani na
pananim.

MUNGKAHI SA PAGTUTURO

LCM 2017-2018 Page | 23


Karagdagang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan:________________________ Baitang at Pangkat:______________


Iskor:_________________________ Mastery :______________%

GAWAIN I

Punan ang patlang ng tamang sagot.

1. Ang mga dahong gulay ay inaani bago mamulaklak o kapag ang dahon ay ________
malulusog at malalaki.
a. berde b. magulang c. tuyo d. sariwa

2. Ang mga bulaklak naman ay inaani kapag ________ na.


a. tuyo b. namumukadkad c. magulang d. buko pa lang

3. Karaniwang ipinagbibili ang mga inaning gulay sa tamang ________ o bilang.


a. gulang b. magulang c. tuyo d. bunga

4. Inaani ang mga ________ kapag ang balat ay berdeng-berde at mahihinog pa


lamang.
a. tuyo b. bunga c. bulaklak d. dahon

5. Mapananatiling sariwa ang mga inaning gulay kung iimbakin sa lugar na ________ at
malilim.
a. tuyo b. basa c. madilim d. maaliwalas

GAWAIN II

Punan ang talahanayan.

Tanim Tanda o Katangian na Maari nang Anihin


1. mais
2. okra
3. repolyo
4. pipino
5. sibuyas
6. mani
7. patola, upo, kalabasa
8. kamatis
9. ampalaya
10. talong

EPP- AGRIKULTURANG GAWAIN

LCM 2017-2018 Page | 24


IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 12

PAGSASA-PAMILIHAN NG INANING GULAY

I. LAYUNIN
Natatalakay ang talaan sa pagsasagawa ng wastong pagsasa-pamilihan ng
inaning gulay.
Nagagamit ang talaan sa pagsasagawa ng wastong pagsasa-pamilihan ng inaning
gulay.
Napahalagahan ang pagsasagawa ng wastong pagsasa-pamilihan ng inaning
gulay.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Pagsasa-pamilihan ng Inaning Gulay
Sanggunian: K-12 BEC 1.8 EPP5AG Od-8 p. 19
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 pp. 131-136
( May-akda: Cleofe Del Castillo et’al )
Kagamitan:Tsart,Talaan
Pagpapahalaga: “ Ang anumang uri ng paglabag ay may kaukulang kaparusahan. “
III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN:
1.Panalangin
2.Pag-uulat ng liban
3. Pagsasanay:
Paglalaro ng Pinoy henyo
Halimbawa: Inaani ako kapag malapit nang malanta ang aking mga
dahon.( Sayote)
4.Balik-aral:
Anu – ano ang mga dapat tandaan sa pagprepresyo at pagbibili ng mga
inaaning gulay?

B. PANLINANG NA GAWAIN:
1.Pagganyak:
Ano ang masasabi ninyo kapag nakaririnig o nakababasa kayo ng
salitang ito.

PAGSASAPAMILIHAN
NG
INANI

2. Paghahawan ng Balakid:
Nakapagtakda Napapanahon
Ahente Tubo
Tinustus

3. Paglalahad

LCM 2017-2018 Page | 25


3.1 Pagbibigay ng pamantayan sa pagbasa
a. Bumasa ng tahimik
b. Unawain ang binabasa
c. Magtala ng mahahalagang bagay habang may bumabasa / nagbabasa
3.2 Pagbasa ng Sanaysay

WASTONG PARAAN NG PAGSASAPAMILIHAN NG INANI

Sa pagbebenta o pagsasapamilihan, dapat tandaan na ang produktong


may pinakamataas na uri ay maaaring makapagtakda ng mataas na
presyo. Karaniwan ang presyo ng isang produkto ay nababatay ayon sa mga
gastusin mula sa pagtatanim, pag – aani , pag – iimpake, at pagbibiyahe.
Idagdag pa rito ang porsyentong ipinatong ng mga ahente. Kung iisipin , higit na
mura para sa mamimili at higit na tutubo ang magsasaka kung siya mismo ang
magdadala sa palengke ng kanyang inani.

Ang mga sumusunod ang wastong pamamahala ng mga inani:

 Dapat madala agad sa pamilihan o sa mga nag – aangkat ng mga produkto


patungo sa pamilihan ang mga napapanahong prutas / bungang kahoy /
gulay.
 Dapat nakabatay sa kalakalang halaga ang pagbibigay ng halaga sa mga
produkto.
 Mahalaga ang pagtimbang o pagbilang ng mga kalakal upang masukat ang
dami o laki ng mga produkto.
 Dapat isama sa kabuuang gastos, paglalapat ng mga halaga bago ito itanim ,
ang ginamit na pataba , sa mga nag – aani at mga papeles sa pamamahala
ang halaga ng ibang prutas pag tinustos sa pagpapalaki o pagpapalago ng
mga pananim.
 Alalahanin ang mga batayan at iba pang alituntuning umiiral o itinakda para
sa mga ahensya ng pamahalaan upang makatiyak. laging isaisap na ang
anumang uri ng paglabag ay may kaukulang kaparusahan.

3. Paglalapat
Punan ang talahanayan.

Mga Tali/Bugkos Sako/Kaing Kilo


Halamang Tumpok
Gulay

1.

2.

3.

4.

5.

5. Paglalahat:

LCM 2017-2018 Page | 26


Anu –ano ang mga wastong paraan ng pagsasapamilihan ng mga inani?

IV. PAGTATAYA:
Isulat ang WP kung wastong paraan ng pagsasapamilihan ng inani at
DWP kung di wastong paraan ang mga sumusunod na pahayag sa kahon
pagkatapos ng bawat patlang.

1. Matapos maani ang mga bungang kahoy


/ prutas / gulay , mas nakabubuting iimbak muna
ang mga ito sa kaingin at hayaang muna ito dito.
2. Dapat alalahanin ang mga alituntuning itinakda
ng mga ahensya ng pamahalaan.
3. Nararapat na timbangin o bilanging mabuti
ang mga kalakal upang masukat ang dami ng
mga produkto.
4. Patungan ng malaking tubo ang mga kalakal
dahil nahirapan naman sa pagdadala nito sa
pamilihan.
5. Sa pagsasapamilihan , dapat tandaan na ang
Produktong may pinakamataas na uri ay maaaring
Makapagtakda ng mataas na presyo.

V. TAKDANG GAWAIN:
Mag-interbyu ng isang tindera sa palengke,alamin ang mga sumusunod na datus:
a. Pinakamabentang produkto
b. Pinakamabentang araw sa palengke
c. Pinakamahirap ibenta at dahilan nito
d. Pinakamadaling masira sa mga produkto
e. Solusyon sa pagkalugi

LCM 2017-2018 Page | 27


MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat__________


Iskor:________ Mastery:________%

Gawain 1
Panuto: Piliin at salungguhitan ang angop na salitang bubuo sa mga ss na
kaisipan:

1. Sa pagtitinda ng anu mang produkto, ikaw ang dapat maging ______ sa mga
mamimili ( mapagbigay, madaldal, matapat )
2. Ang mga produktong paninda ay dapat panatilihing ______ at ______
( marumi at maamoy, mataba at malaki, malinis at maayos )
3. Ang presyo ay nararapat na ______ upang gumanda ang negosyo
( tama lng sa nagastos, may tamangtubo, malaki ang tubo )
4. Ang tamang pwesto sa pagtitinda ay ______
( malapit sa mataong lugar, maliwanag at nag-iisa sa lugar, malapit sa tinitirhan )
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI isinasaalang-alang sa pagproseso ng
produkto( presypo ng ahente, gastos sa pagluluwas, gastos ng anak )

Gawain 2
Panuto: Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot
1. Sa pagtitinda ng anumang produkto, ikaw ay dapat maging ______ sa mga
mamimili:
a. masungit c. matapat
b. mapagbigay d. madaldal
2. Ang ma produktong pagbibili sa pamilihan ay kinakailangang ______ upang ito
ay madaling mapansin at mabili
a.marumi at maamoy b. maliis at maayos
c. mataba at malaki d. lanta at durog
3. Sa pagbebenta at pagpili nga anuman g produkto, ikaw ay kinakailangang
maging______ upang hindi ka malugi.
a. maingat b.mapanuri
b. masiyasat c. lahat ng nabanggit
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting katangian ng isang nagbebenta
a. matapat c. maingat
b. Masaya d. madaya
5. Malaking halaga ang ______kung marunong pumili ng mura ngunit
masusustansyang pagkain
a. matitipid b. maaksaya
c. gugulin d. mawawala

LCM 2017-2018 Page | 28


EPP5 - AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 13

PARAAN NG PAGAPAPAKETE

I.LAYUNIN
Natatalakay ang wastong paraan ng pagpapakete
Napapakita ang paraan ng pagpapakete
Nabibigyang halaga ang wastong paraan ng pagpapakete

II.PAKSANG ARALIN
Paksa: Paraan ng Pagpapakete
Sanggunian: BEC 1.9.1, EPP5AG-0e-9, p.19 Depinisyon ng pakete, Kahulugan
ng pakete www.depinisyon.com
Kagamitan: Mga larawan, mga gulay
Pagpapahalaga: Pagkamaingat

III.PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-ulat ng Liban
3. Pagsasanay
Isagawa ang YES Clap kapag tama ang pahayag at NO Clap naman kung
hindi.
YES Clap - 3 palakpak, 3 padyak pagkatapos ay isigaw ang YES
NO Clap - 3 palakpak, 3 padyak pagkatapos ay sasabihin ang salitang NO.

1. Ang kintsay, dahon ng sibuyas at unsoy ay inaani kapag ang tangkay ay


malutong at pumuputok na o mura pa.
2. Ang labanos ay inaani kapag lanta na ang dahon, husto na sa laki,
matigas at malutong pa.
3. Ang talong, ampalaya, at pipino ay dapat anihin kapag ang bunga ay
dilaw na.
4. Ang sibuyas at bawang ay kailangan anihin kapag ang mga talbos ay
lanta na.
5. Ang patola ay inaani kapag lanta na ang mga dahon.

4. Balik-aral
Paano ang wastong pagsasamilihan ng mga inaning gulay?
A. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
Pahulaan- Ang guro ay magtatali ng mga bunga ng sitaw.
Ano ang aking ginagawa? Bakit sa ganitong paraan ko ginagawa ang
pagtatali ng sitaw?
2. Paghawan ng Balakid
Pagpapakete – paraan ng pagsasapamilihan ng mga inaning gulay
Pagbibigkis- ginagawa ito sa mga inaaning gulay na ginagamitan ng
tali/rubber bond.
3. Paglalahad
Isang laro “Game na ba kayo? Game na”
Pangkatang Gawain – Ang bawat pangkat ay magpapaunahan sa pag-
aayos o pagpapakete sa iba’t ibang gulay na inihanda para sa klase.
Unang pangkat – Mga inaning okra.

LCM 2017-2018 Page | 29


Pangalawang pangkat – kamatis
Pangatlong pangkat – kangkong
Pang-apat na pangkat – mangga
Pang-limang pangkat – buto ng monggo

4. Paglalapat
Nakita mo ang iyong tito na nag-aani ng sitaw sa kanilang bakuran.
Napansin mo na inilalagay ito sa tiklis. Ano ang gagawin mo? Bakit?
5. Paglalahat
Ano ano ang mga paraan ng pagpapakete?

IV. PAGTATAYA
Hanapin sa Hanay B ang wastong paraan ng pagpapakete ng mga prutas
at gulay sa Hanay A.

Hanay A Hanay B
1. Palay a. pagpaplastic
2. Madadahong gulay b. tiklis
3. kamote c. pagtatali
4. pakwan d. bigkis
5. bunga ng sili e. pagsasako
f. paglalagay sa kahon
V. TAKDANG-ARALIN
Magbigay ng tigtatlong halimbawa ng gulay/prutas sa bawat paraan ng
pagpapakete.

LCM 2017-2018 Page | 30


MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan :____________________________ Baitang at Pangkat :_________


Iskor : _______________________ Mastery : ________

Gawain 1

Isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at M naman kung ito ay mali.

_____1. Ang wastong pagpapakete ay nakatutulong upang maiwasan ang pagkasira ng


mga panindang gulay o prutas.
_____2. Ang pagtitiklis ay ginagawa para sa mga madadahong gulay.
_____3. Ang pagsasalata ay ginagawa para sa pag-iimbak ng mga isda.
_____4. Ang itlog ay sinasapamilihan sa pamamagitan ng paglalagay sa tray.
_____5. Ang mga buto ng monggo, palay, mais ay nilalagay sa plastic kapag inaani.

LCM 2017-2018 Page | 31


EPP5 - AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 14

PAGTATAKDA NG PRESYO SA INANING GULAY

I. LAYUNIN
Natatalakay ang mga salik sa pagtatakda ng presyo
Napapakita ang wastong pagtatakda ng presyo
Napapahalagahan ang kita sa inaning gulay

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pagtatakda ng Presyo sa Inaning Gulay
Sanggunian: BEC 1.9.2, EPP5AG-0e-9, P.19, Economics, Author: Mrs. Rowena
Raton-Hibanada, atbp.
http://i-love-eco.blogspot.com/2007/12/aralin-20-mga-salik-sa-pagtatakda-ng.html
Kagamitan: Mga larawan, mga gulay
Pagpapahalaga: Pagkamatapat

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangi n
2. Pag-ulat ng Liban
3. Pagsasanay
Ano ano ang iba’t ibang paraan ng pag-iimbak ng gulay?
4. Balik-aral
Isang laro – “PASSING THE BALL”
Habang inaawit ang EPP MASAYA ang bola ay ipapasa at kung saan
huminto, ang batang may hawak ng bola ang siyang sasagot ng tanong.
Kung ikaw ang mamimli ano ang pipiliin mo gulay na napapanahon o gulay
na hindi napapanahon? Bakit?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
Pagpapakita ng aktwal na gulay at pagkilala dito
Alam ba ninyo kung magkano ang presyo ng bawat isa? Sa inyong palagay
paano ang wastong pagtatakda ng presyo ng mga inaning gulay?
2. Paghawan ng Balakid
Punan ng titik ang mga kahon upang mabuo ang tinutukoy na salita.

- Ito ay isang organisasyon na may kakayahang


pamahalaan gumawa at magpatupad ng batas sa isang
nasasakupang teritoryo.

- Ito ay mga bagay na ginagawa ng isang


produkto produser o isang kumpanya upang mapaunlad
ang kanyang negosyo

- Ito ay halagang pambayad sa isang tiyak na


dami at uri ng isang kalakal o paglilingkod
presyo

LCM 2017-2018 Page | 32


3.Paglalahad

Kwentong Palengke « Pinoy Transplant in Iowa


pinoytransplant.com

3.1 Tignan ang larawan, ano ang makikita ditto? Sino sino sa inyo ang may
karanasan na sa pagtitinda ng mga produkto sa palengke? Parepareho ba ang
presyo o halaga ng kanilang mga paninda? Bakit ito nagkakapareho?

Mga Salik sa Pagtatakda ng Presyo


1. Price Act
2. Price Control
3. Price Ceiling
4. Price stabilization
5. Black Market

3.2 Halimbawa ng Paraan ng Pagtatakda ng Presyo

Pagtatanim ng Chinese Kangkong


Dami Ispisipikasyon Halaga
¼ kilo Mga buto (kangkong) Php 140.00
10 packs pataba Php 100.00
1 bottle Pamatay peste Php 160.00
4 cubic meter patubig Php 150.00
Iba pang gastuisin Php 50.00
Kabuuang Gastos Php 600.00
Dami ng inani:ng bigkis ng chinese kangkong 150 bigkis
Tubo: 15%
P4.00 - Puhunan ng isang bigkis ng chinese kangkong
a. 150 inaning bigkis ng chinese kangkong P600.00 - Kabuuang gastos
600.00
x

b. P4.00 – puhunan ng isang bigkis ng chinese kangkong


X .15 – bahagdang tubo
2000
400
.6000 - halagang idadagdag

c. P4.00
+ .6
4.60 - Halaga ng bawat bigkis ng chinese
kangkong na ititinda

LCM 2017-2018 Page | 33


3.3 Pagasasanay ng mga mag-aaral
Alamin kung magkano ang presyo ng bawat kilo ng kamatis na inani.

Pagtatanim ng Kamatis
Dami Ispisipikasyon Halaga
¼ kilo Mga buto (kamatis)
Php 200.00
20 packs pataba Php 200.00
2 bottles Pamatay peste Php 240.00
4 cubic meter patubig Php 150.00
Kabuuang Gastos Php 790.00
Dami ng inaning kamatis 30 kg
3. Paglalapat
Kung kayo ay mabibigyan ng pagkakataon na makapagtinda sa palengke,
susunod ba kayo sa mga itinakdang presyo ng pamahalaan? Bakit ano ang
maaaring mangyari sa hindi pagsunod?

4. Paglalahat
Ano ano ang mga salik sa pagtatakda ng presyo?

IV. PAGTATAYA
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang sistema kung saan tinakda ng pamahalaan ang maaaring
pinakamataas na presyo ng isang produkto.
a. Price ceiling b. price stabilization c. price control d. price act
2. Ano ang dapat isaalang alang kapag tayo ay nagtitinda sa palengke ng mga
inaning gulay?
a. Mga salik sa pagtatakda ng presyo c. presyo
b. Talaan ng kita d. tubo
3. Kung ikaw ay nagtanim ng ampalaya, at may kabuuang gastos ka ng Php500.00.
Magkano ang iyong tutubuin kung ang dami ng inaning ampalaya ay 25 na kilo?
a. Php50.00 b. Php75.00 c. Php100.00 d. Php150.00
4. Ilang porsyento ang dapat mong idagdag sa puhunan upang maiwasan ang over-
pricing?
a. 10% b. 15% c. 20% d. 50%
5. Ano ang gagawin mo sa bawat kita sa mga inaning gulay?
a. Pambili ng mamahaling damit c. pambili ng
laruan
b. iipunin upang may magamit sa oras ng pangangailangan d. Lahat ng
nabanggit

V. TAKDANG-ARALIN
Kapanayamin ang isang tindero/tindera at alamin kung anong paraan ang
kanilang ginamit sa pag-prepresyo ng kanilang paninda. Ibahagi sa kanila ang inyong
kaalaman at iulat ang panayam sa susunod na pagkikita

LCM 2017-2018 Page | 34


MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan :____________________________ Baitang at Pangkat :_________


Iskor : _______________________ Mastery : ________

GAWAIN I.

Kuwentahin ang maaaring kitain batay sa halaga ng ginastos at pinagbilhan.

1. Mga ginastos:

Halaga ng pananim Php. 275.00


Halaga ng pataba 80.00
Halaga ng pamatay peste/kulisap 40.00
Bayad sa serbisyo 200.00
Iba pang gastusin 100.00

Php.
2. Pinagbilhan
8 kilong petsay (35/kg) Php. 280.00
8 kilong mustasa (35/kg) 280.00
15kilong karots (50/kg) 750.00
8 kilong labanos (40/kg) 320.00

Php.

GAWAIN 2.

Bigyan ng presyo ang bawat kilo ng inaning talong at kuwentahin ang kabuuang
kita o tubo.

Pagtatanim ng Talong
Dami Ispisipikasyon Halaga
¼ kilo Mga buto (talong) Php 200.00
40 packs Pataba Php 400.00
3 bottles Pamatay peste Php 360.00
4 cubic meter Patubig Php 200.00
Iba pang gastusin Php 300.00
Kabuuang gastos Php Php 1,460.00
Dami ng inaning talong 40kg

LCM 2017-2018 Page | 35


EPP AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 15

MGA PARAAN NG PAGSASAAYOS AT PAGTITINDA NG MGA PANINDA

I. LAYUNIN:
Naipakikita ang pagsasaayos ng mga paninda.
Natutukoy ang mga paraan ng pagtitinda.
Napahahalagahan ang pagiging maayos at malikhain sa pag-aayos ng mga
paninda.

II. PAKSANG ARALIN


Paksang Aralin: Mga Paraan ng Pagsasaayos at Pagtitinda ng mga Paninda
Sanggunian:K-12 BEC 1.9.3 – 1.9.4, EPP 5 AG Oe-9 p.19 of 41,
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 (M.G.P.P 5) pp. 83-86
May Akda; Evelyn D. Deliante , et..al
Kagamitan:Tsart , activity card , mga larawan ng iba’t-ibang maaring pagtindahan
ng mga produkto (supermarket,palengke,bangketa,sari-sari store, at kariton) ,
word strips ng mga gulay na nabanggit sa awiting Bahay Kubo , 4 na envelope ,
cut outs ng mga gulay o prutas at iba pang mga produkto o paninda , “book
mark” o star para sa magwawagi sa palaro.
Pagpapahalaga: Pagiging Maayos at Malikhain

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-uulat ng Liban
3. Pagsasanay
Panuto:
Hatiin sa 4 na pangkat ang mga bata. Ipaawit ang Bahay Kubo.
Bigyan ang bawat pangkat ng tig-iisang “envelope” na may laman na word
strips ng mga gulay na nabanggit sa awitin. Mabilis na ipaskil ang
pagkakasunod-sunod ng mga nabanggit na gulay sa pisara. Ang pangkat na
nauna ngunit tama ang sagot ang siyang panalo na bibigyan ng “bookmark”
o star

Bahay Kubo

Pangkat I Pangkat II Pangkat III Pangkat IV

LCM 2017-2018 Page | 36


4. Balik-Aral
Ano ano ang natatandaan ninyong mga paraan ng pagpapakete
ng mga produkto?
Ano ano ang mga salik sa pagtatala ng mga presyo ng mga
paninda?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak:
May mga natatandaan ba kayong mga gulay na nabanggit sa
Bahay Kubo? Ano ano ang mga ito?

2. Paghahawan ng Balakid:
*supermarket
* “whole sale”
* “retail”
* bangketa

3. Paglalahad
3.1 Tanungin ang mga mag-aaral
Saan saan natin makikitao mabibili ang mga produktong pananim
na nabanggit sa Bahay Kubo?

Mga Paraan
ng Pagtitinda

3.2 Venn Diagram. Talakayin ang pagkakaiba nito.

Whole Sale Retail


(bultuhan) MAMIMILI (tingian)

LCM 2017-2018 Page | 37


3.3 Pagpapakita ng mga larawan:

Supermarket Sari-sari Store Bangketa

Kariton Palengke

Ano ang mga napuna ninyong pagkakaiba ng bawat isa sa mga


paraan o ayos ng kanilang mga produkto?
Mahalaga bang matutunan ang pag-aayos ng mga paninda? Bakit?
Paano nakaayos ang mga paninda sa supermarket , palengke , sari-
sari store , kariton at bangketa? Bakit kaya iba-iba ang mga paraan ng
pag-aayos ng mga paninda? Itala ang mga sagot ng mga mag-aaral.

4. Paglalapat
4.1 Pangkatin ang mga mag-aaral sa 4. Bigyan ng Activity Card at
aayusin nila ang mga paninda o produkto sa kanilang
pagtitindahan

PANGKAT I PANGKAT II PANGKAT III PANGKAT IV

SMES Lola Nidora Bangketa Kariton


Supermarket Sari-sari Store Magbenta Ni
Anton

4.2 Bibigyan ng mga cut-outs o mga totoong mga paninda ang bawat
pangkat upang ayusin ito.
4.3 Mamarkahan ng bawat pangkat ang nasa kanilang kanan at
kaliwa na ginagamitan ng rubrics.

Rubrics sa Pagsasaayos at Malikhain sa pag-aayos ng mga Paninda


Kriterya 5 3 1 Marka
*Pagiging Maayos - maayos -inayos ngunit -di inayos at di
at Malikhain sa -malikhain sa di gaanong malikhain sa
pag-aayos ng pag-aayos ng malikhain sa oag-aayos ng
mga paninda mga paninda pag-aayos ng mga paninda
mga paninda
*Naipakikita ang - maingat na -hindi - hindi maingat
pagsasaayos ng naiaayos ang masyadong sa pag-aayos
mga paninda ng mga maingat sa pag- ng mga paninda
may pag-iingat paninda/pananim sasaayos ng

LCM 2017-2018 Page | 38


mga paninda

Legend:

10– 100 % 5 – 50%


9– 90% 4 – 40%
8– 80% 3 – 30%
7– 70 % 2 – 20%
8– 60% 1 – 10%

5. Paglalahat
Ano ano ang mga paraan sa pag-sasaayos ng mga paninda? Paano
napahalagahan ang pagiging maayos at malikhain sa pag-aayos ng mga
paninda? Bakit?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung tama ang tinutukoy sa
pangungusap o ekis (X) naman kung mali ang tinutukoy sa pangungusap.

1. Ang isang Barangay na may maraming mga naninirahan ay may iba’t-


ibang paraan at lugar na mapagtitindahan ng mga produktong
pananim.
2. Likas na sa mga Pilipino ang pagiging malikhain sa pag-aayos ng mga
paninda.
3. Mas napapamahal kung bibili ng “whole sale” o bultuhan.
4. Maraming makabagong pamamaraan sa pag-aayos ng mga
produktong paninda kung magreresearch sa “internet”.
5. Hindi na mahalaga ang ayos ng mga produkto mas mahalaga ang
kumita.

V. TAKDANG ARALIN
Magresearch gamit ang internet o aklat ukol sa makabagong paraan sa
pagtitinda at pagsasaayos ng mga paninda upang dumami ang mamimili. Iuulat
sa susunod na pagkikita.

LCM 2017-2018 Page | 39


MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagan Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan: ___________________ Baitang: _________________


Iskor: ______________________ Mastery: _________________

Gawain 1

Panuto: Ayusin ang mga magkakabaliktad na mga titik upang mabuo ang tamang
salita ng mga paraan ng pagtitinda ng iba’t-ibang produkto..

RIAS–RIAS STORE
_____________1.

_____________2. ETAKNGAB

_____________3. TON ARIK

_____________4.
ALALOKIN

_____________5. KETRAMPERUS

Gawain 2

Iguhit ang smiley face kung tama ang tinutukoy sa pangungusap at sad
face kung mali naman.

1. Ang mga produkto sa supermarket ay mas mataas ang presyo kaysa sa


palengke
2. Ang mga paninda o produkto ay malikhaing inaayos sa mga lalagyan upang
maging kaakit-akit sa mamimili.
3. Maraming makikita sa internet ng mga makabagong pag-aayos ng paninda na
maaring gayahin.
4. Tinatangkilik ng mamimili ang mga produktong magulo at halo-halo ang ayos sa
lalagyan.
5. Mas nakamumura kung bibili ng “whole sale” o bultuhan ang isang nagmamay-ari
ng sari-sari store.

LCM 2017-2018 Page | 40


Gawain 3

Magtala ng mga panindang maari mong itinda , Ano ano ang mga ito?

1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________

Gawain 4

Pumili ng isa o dalawang paraan ng pagtitinda ng mga produkto. Iguhit kung


paano ninyo ito ayusin. Kulayan ito.

PALENGKE SARI-SARI STORE KARITON

BANGKETA

Supermarket

LCM 2017-2018 Page | 41


EPP 5 - AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 16

PAG-AKIT SA MAMIMILI

I.LAYUNIN:
Natutukoy ang mga salik na dapat tandaan upang maakit ang mga mamimili.
Nakagagawa ng plano upang maakit ang mamimili na bumili ng mga ani.
Nabibigyang halaga ang pagpaplano upang maging matagumpay ang mga
gawain.

II- PAKSANG ARALIN


Paksa: Pag-akit sa Mamimili
Sanggunian : K to12 BEC 1.9.5 EPP 5 AG-Oe-9 p 19
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 p 134
Author: Cleofe del Castillo, Ana B. Ventura, Evelyn D. Deliarte, Ma.
Gilmina G. Sotoya, Susana V. Guinea, Placita D. Arandela, Susana M.
Gaddi Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 pp 82-83
Author: Evelyn D. Dekiarte, Ana B. Ventura, Randy R. Emen
Kagamitan: larawan ng iba’t ibang uri ng tindahan, manila paper , pentel pen
Pagpapahalaga: Kasipagan

III- PAMAMARAAN
A.PANIMULANG GAWAIN
1.Panalangin
2.Pag - ulat ng liban
3.Pagsasanay
Ayon sa naging obserbasyon ninyo sa inyong pamayanan. Bakit may
tindahan na marami ang namimili at mayroon naman kaunti ang bumibili?
4.Balik- aral
Ano ano ang iba’t ibang paraan ng pagtitinda?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1..Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng iba’t ibang uri ng tindahan. Pag- aralan kung
paano inayos ang mga paninda.

ww.google.com.ph/search?q=mga+larawan+ng+tindahan&biw=1024&bih=499&tbm

2.Paghawan ng Balakid

LCM 2017-2018 Page | 42


tag price- ang presyo ng paninda na nakasulat sa kapirasong papel o
karton at nakakabit sa mga paninda.

Pamilihan- ay isang lugar kung saan nagkakaroon ng interaksiyon ang mga


mamimili at nagtitinda upang magpalitan ng iba't ibang bagay.
3.Paglalahad
3.1 Pagtalakay ng mga salik na dapat isaalang – alang kapag magpaplano
magtinda upang maakit ang mga mamimili.
1. Tindera
2. Ayos ng paninda
3. Lugar
3.2 Pangkatang Gawain
Pangkat 1- Ipaliwanag kung bakit ang katangian ng tinder ay mahalaga.
Ano ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tinder?
Pangkat 2- Paano inaayos ang mga paninda upang maging kaakit-akit sa
mga mamimili?
Pangkat 3- Bakit mahalagang salik ang lugar sa mga mamimili?
Pangkat 4- Ibigay ang kahalagahan ng plano sa isang binabalak na
gawain.
Pangkat 5- Pagsasadula
3.3 Pag ulat ng bawat pangkat ayon sa kanilang ginawa.
4.Paglalapat
Lagyan ng T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung mali.
________1. Kailangang kaakit akit ang ayos ng mga paninda.
________2.Dapat maging magalang ang tinder sa mga mamimili.
________3.Ang mga paninda ay may nakalagay na presyo upang madaling makita
ng mga mamimili.
_______4. Kasipagan ay kailangan upang plano ay magtagumpay..
________5. Hindi mahalaga ang kalinisan ng lugar sa mga mamimili.
5.Paglalahat
Ano ano ang dapat gawin sa mga paninda upang maakit ang mga mamimili?

IV-PAGTATAYA:
Sagutin . Isulat ang mga kaakit akit na gawain sa tindahan upang maakit ang
mga mamimili.
Gawaing Kaakit akit sa mga Mamimili

V- TAKDANG ARALIN
Makipagpanayam sa mga tindera at tanungin kung ano ano ang kanilang
ginagawa upang maakit ang mga mamimili na bumili sa kanilang tindahan.

LCM 2017-2018 Page | 43


MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay Para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan_______________ Baitang at Pangkat_________


Iskor________________ Mastery__________________

Gawain 1

Isulat ang titik na kukumpleto sa pangungusap.

a. dumami ang suki


b. makatitipid ng panahon
c. matalino ang namamahala
d. makabibili ng tingian
e. unang mabili ang mga ito

_______1. Kailangan marami ang paninda kaya......


_______2. Ang dating paninda ay kailangang ilagay sa harapan ng bagong
paninda
upang____
______3. Madaling uunlad ang isang tindahan kung.....
______4. Marami ang namimili sa maliit na tindahan dahil....
______5. Kailangan ang wastong pakikitungo sa mamimili para....

Gawain 2

Lagyan ng ang wastong katangian ng tindera at kung di wasto.

_________1. Masungit _________6. Mataray

_________2. Magalang _________7. Masinop

_________3. Pilhikan _________8. Madaya

_________4. Madaldal _________9. Matapat

_________5.Magiliw 10. Mainggitin

LCM 2017-2018 Page | 44


Gawain 3
Hanapin sa palaisipan ang sagot sa bawat tanong.

B E N T I L A S Y O N
M A L I N I S D E R T
E R Y N U G N M T W R
H T K D V J Z S G H J
O L E R H X A O E Y
L S P R E S Y O F T B
I S T A N T E D L K N
V R F D W F E F B M M

1. Ang pag-unlad ng tindahan ay nakasalalay sa _________.


2. _________Ito ang pinaglalagyan ng paninda sa isang tindahan.
3. Tiyakin na parating ______ang tindahan upang ganahan bumili ang mga mamimili.
4. Lagyan ng ________ang mga paninda upang malaman ng mga mamimili ang
halaga na kanilang bibilhin.
5. Magkaroon ng sapat na ___________ang tindahan upang maging maginhawa sa
mga mamimili.
6.

Gawain 4
Pumunta sa tindahan na malapit sainyo. Paghambingin ang ayos ng kanilang
paninda. Sino sa kanila ang nagpapakita ng kaakit –akit sa mga mamimili?
Bakit ?

EPP 5 - AGRIKULTURANG GAWAIN


IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 17

LCM 2017-2018 Page | 45


PAGTATALA NG PUHUNAN, GASTOS, KITA AT MAIIMPOK

I.LAYUNIN:
Natutukoy ang mga hakbang sa pagtutuos ng gastos at kinita sa pagtatanim
Naisasagawa ang pagtutuos ng gastos at kinita sa pagtatanim
Napahahalagahan ang pakinabang mula sa pagkatuto sa pagtutuos ng gastos at
kinita

II- PAKSANG ARALIN


Paksa: Pagtutuos ng Ginastos at Kinita sa Pagtatanim
Sanggunian : K to12 BEC 1.9.6 EPP 5 AG-Oe-9 p. 19
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 pp 84- 86
Author: Evelyn D. Dekiarte, Ana B. Ventura, Randy R. Emen
Kagamitan: Talaan ng pagtutuos, tunay na gulay/prutas

Pagpapahalaga:Kung may Hirap may Ginahawa

III- PAMAMARAAN
A.PANIMULANG GAWAIN
1.Panalangin
2.Pag - ulat ng liban
3.Pagsasanay
Bakit kailangang gumawa ng plano ng proyekto?
4.Balik- aral
Ano ano ang mga dapat gawin upang maakit ang mga mamimili ng bumili
sa mga paninda?
B. PANLINANG NA GAWAIN
1..Pagganyak
Naranasan na ba ninyong magtinda? Paano mababatid kung nagtagumpay o
hindi ang pagtitinda?
2.Paghawan ng Balakid
Puhunan- ay ang perang naipon o nakamit para gamiting pag-uumpisa sa
isang negosyo.
Gastos- paraan ng paggamit ng salapi.
Kita- ang tinubo sa isang negosyo.

3.Paglalahad
3.1 Mga hakbang sa pagtutuos ng gastos at kinita sa pagtatanim.
1. Itala ang halaga ng mga ginastos
Halaga ng pananim P 500.00
Halaga ng pataba 100.00
Halaga ng pamatay peste/kulisap 100.00
Bayad sa Serbisyo 500.00
Iba pang gastusin 200.00
Kabuuang Gastos 1400.00

2. Itala ang halaga ng pinagbilhan


30 kilograms ampalaya (30/kl.) P 900.00
30 kilograms mustasa (20/kl.) 600.00

LCM 2017-2018 Page | 46


40 kilograms talong (30/kl.) 1200.00
Kabuuang Gastos 2700.00
3. Ibawas ang halaga ng ginastos mula sa halaga ng kinita ng
Pinagbilhan upang makita ang kabuuang halaga ng kinita
Halaga ng Pinagbilhan P 2,700.00
Halaga ng Ginastos 1,400.00
Kita o Tubo P 1, 300.00

3.2 Pagtalakayan
Pag-usap ang mga hakbang sa pagtutuos ng ginastos at kinita
Bakit kailangang gumawa ng talaan ang isang magsasaka,
manggagawa ukol sa gastos at naibentang produkto?
Sa halimbawang binigay nalugi ba o kumita ang magsasaka sa
pagtatanim? Ipaliwanag ang inyong sagot.
Ano ang maaring mangyari sa kabuhayang pang-ekonomiya ng
bansa kung lahat ng istambay, taong lansangan, taong walang
trabaho ay magtatanim sa bukid.
3.3 Pangkatang Gawain
Bawat pangkat ay gagawa ng talaan ng puhunan, ginastos at
kikitain sa mga ani.
3.4 Pag-ulat ng bawat pangkat ayon sa kanilang ginawa at pagbibigay
reaksyon ng kapwa mag-aaral sa pagsubaybay ng guro..
4.Paglalapat
Lagyan ng tsek (/) kung tama ang isinasaad ng pangungusap at ekis (X)
kung mali.
________1. Kwentahin ang halaga ng mga paninda upang malaman ang kikitain.
________2. Magdagdag ng 25% upang lumaki ang kikitain sa bawat paninda.
________3. Ang pormula sa pagkuha ng tubo ay pinagbilhan-puhunan=
kabuuang tubo.
________4. Ang pamasahe at kuryente ay kasama sa puhunan.
________5. Kwentahin ng may katapatan ang halaga ng puhunan, ginastos
upang malaman ang kikitain.
5.Paglalahat
Ano ang datos na kailangan upang makuha ang kinita sa inaning mga
mga gulay. Bakit mahalagang alamin ito.
Ano ang dapat gawin sa ibang kita upang sa oras ng kagipitan ay may
maasahan.
Bakit mahalagang mag-impok?

IV-PAGTATAYA:
Kuwentahin ang maaring kikitain batay sa halaga ng ginastos at
pinagbilhan.
A. Mga ginastos
Halaga ng pananim P 280.00
Halaga ng pataba 100.00
Halaga ng pamatay peste/kulisap 90.00
Bayad sa serbisyo 150.00
Iba pang gastusin 70.00

B. Pinagbilhan

LCM 2017-2018 Page | 47


10 kilos mustasa (35/kl) 350.00
15 kilos labanos ( 20/kl) 300.00
25 kilos talong (25/kl) 625.00
15 kilos patani (20/kl) 300.00

C. Kikitain / tubo

V- TAKDANG ARALIN
Mag-interbyu ng kakilala ninyong maghahalaman. Kapanayamin ukol sa
tamang pagtatala ng gastos at kinita sa paghalamanan.

LCM 2017-2018 Page | 48


MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay Para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan________________ Baitang at Pangkat_________


Iskor___________________ Mastery__________________

Gawain 1
Gamitin ang mga sumusunod na pormula sa pagkukuwenta ng kabuuang tubo
at netong tubo.

Pinagbilhan – Puhunan = Kabuuang tubo


Kabuuang tubo - Mga gastos = Netong tubo

Pinagbilhan Puhunan (Php.) Kabuuang Mga Netong Tubo


(Php.) Tubo (Php) Gastos(Php) (Php)
1.980.00 340.00 250.00
2. 685.00 245.00 220.00
3.789.00 150.00 100.00
4.775.00 290.00 150.00
5.898.00 267.00 200.00

Gawain 2

Palawakin ang paksa.

Kahalagahan ng Talaan
ng Puhunan at Ginastos
at Kinita

LCM 2017-2018 Page | 49


Gawain 3

Sagutin ang hinihingi ng pangungusap.

1. Anong P ang kailangan para tumayo ang isang tindahan?


2. Anong T ang hangad ng may tindahan?
3. Saang T makikita ang halaga ng nagastos at kikitain?
4. Anong K ang kailangan upang lumago ang negosyo.
5. Saang P mabibili ang mga inani.

Gawain 4

Hanapin ang mga salita na may kaugnayan sa talaan ng mga ginastos at kinita.

P R E S Y O
U A N B H R
H A L A G A
U S D N K T
N E T O C U
A F R D K B
N O P T P O

EPP- AGRIKULTURANG GAWAIN


IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 18

LCM 2017-2018 Page | 50


MGA KAALAMAN, KASANAYAN AT KAWILIHAN SA PAG-AALAGA NG HAYOP NA
MAY DALAWANG PAA AT PAKPAK

II. LAYUNIN
Natutukoy ang kaalaman, kasanayan at kawilihan sa pag-aalaga ng hayop na
may dalawang paa at pakpak
Naipapakita ang kaalaman, kasanayan at kawilihan sa pag-aalaga ng hayop na
may dalawang paa at pakpak
Napahahalagahan ang kaalaman, kasanayan at kawilihan sa pag-aalaga ng
hayop na may dalawang paa at pakpak

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Mga Kaalaman, Kasanayan at Kawilihan sa Pag-aalaga ng Hayop na
may Dalawang Paa at Pakpak
Sanggunian: K-12 BEC 2.1 EPP5AG Oe-10 p. 19
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 pp. 96-97
( May-akda: Cleofe Del Castillo et’al )
Kagamitan:Larawan ng mga alagang hayop na may dalawang paa at pakpak
Pagpapahalaga: Maging Masinop ,mapagmahal

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1 .Panalangin
2. Pag-uulat ng liban
3. Pagsasanay:
Punan ang kahon ng wastong paraan
Produkto Paraan ng Paraan ng Paraan ng
Pag-iimbak Pagtatanghal Pagtitinda
Gulay
1. kamatis
2. sibuyas
3. bawang
4. petsay

4. Balik-aral:
Ano ano ang mga dapat gawin sa mga inaning gulay/produkto bago dalhin
sa pamilihan?

B. PANLINANG NA GAWAIN:
1. Pagganyak:
Sino sa inyo ang may alagang hayop?
Anong uri ng hayop ang inyong inaalagaan at bakit ito ang inyong napili?

2. Paghahawan ng Balakid
Uri Breeder Pagkain Paghahayupan
3. Paglalahad
Pagpapakita ng larawan ng batang kumakain ng kwek kwek o balut
Mga tanong:
Sino ang nasa larawan at ano ang kanyang kinakain?

LCM 2017-2018 Page | 51


Sa anong uri ng hayop nanggagaling ang kanyang kinakain?
Ibigay katangian ng isang Manok?
Pagtalakay sa pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak.
4. Paglalapat
Pangkatang Gawain
I. Mga kagamitang gamit sa pag-aalaga ng hayop na may dalawang
paa at pakpak
II. Mga salik na dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng hayop na
may dalawang paa at pakpak
III. Magtala ng mga alagang hayop na may dalawang paa at pakpak
at uri ng pagkain na ipinakakain dito.
IV. Bakit nakakawiling mag-alaga ng hayop na may dalawang paa at
pakpak?
V. Mga pakinabang na nakukuha sa pag-aalaga ng hayop na may
dalawang paa at pakpak

5. Paglalahat:
Paano mo maibahagi ang kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng hayop?

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Rubrics sa pagmamarka ng pangkatang gawain

5 3 1 Marka
Lahat ay Mangilan- Walang
nakikiisa sa ngilan ang pagkakaisa
paggawa ng mga nakikiisa sa
itinakdang paggawa ng
gawain mga gawain
Nasusunod ba di-gaanong Hindi sinunod
ang mga sinunod ang ang mga
panuntunang mga panuntunang
Uri pangkalusugan panuntunang pangkaligtasan
ng at pangkaligtasan at
Pakikilahok pangkaligtasan at pangkalusugan
pangkalusugan sa paggawa
sa paggawa
Naging maingat di-gaanong Hindi nag-iingat
bas a paggawa nag-iingat sa sa paggawa ng
ng itinakdang paggawa ng itinakdang
gawain itinakdang gawain
gawain
Nagpamalas ng di-gaanong Hindi
kasiglahan at nagpamalas ng nagpamalas ng
kasiyahan sa kasiglahan at kasiglahan at
paggawa kasiyahan sa kasiyahan sa
paggawa paggawa

Legend:
20 = 100% 14 = 85% 8 = 65%
19 = 98% 13 = 83% 7 = 60%
18 = 95% 12 = 80% 6 = 50%
17 = 93% 11 = 78% 5 = 40%

LCM 2017-2018 Page | 52


16 = 90% 10 = 75% 4 = 30%
15 = 87% 9 = 70% 3 = 20%

V. TAKDANG GAWAIN
Gumawa ng album ng iba’t ibang uri ng hayop na maaaring alagaan na may
dalawang paa at pakpak.

MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat__________

LCM 2017-2018 Page | 53


Iskor:________ Mastery:________%

Gawain 1
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot
1. Ang mga hayop gaya ng manok, itik, pugo, ay inaalagaan upang
mapagkunan ng __________at iba pang pagaing kailangan ng katawan.
a. karne/itlog c. gatas/ karne
b. itlog/ gatas d. pataba
2. Ang pag-aalaga ng hayop ay dapat pagtuunan ng sapat na panahon at
oras upang maging matagumpay.Alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang?
a. karagdagang kita c. karagdagang libangan
b. karagdagang pagkain d. karagdagang pagod
3. Ang pag-aalaga ng hayop ay hindi lamang nakapagbibigay ng
karagdagang kaalaman kundi nakatutulong din ito sa pag-unlad ng
ating __________ng bansa.
a. ekonomiya c. edukasyon
b. kultura d. lahat ng nabanggit
4. Upang madaling tipunin at linisin ang mga dumi ng hayop na may
dalawang paa at pakpak,nilalagyan ng ____________ ang ilalim ng
kulungan.
a. pangsahod c. pangsala
b. pangpainit d. pangsangga
5. Ang karne, itlog, at gatas ay mga pagkaing nagmumula sa hayop na
mayaman sa ________________.
a. bitamina c. mineral
b. fats d. protina
6. Ang pagpapakain ng alagang hayop ay kailangang_____________ para
hindi ito masayang o maaksaya.
a. sobra c. kulang
b. sapat lang d. paunti-unti
7. Ang mga aalagaang hayop ay kinakailangang ilagay sa ____________na
kulungan.
a. malaki c. maliit
b. malinis d. konkre
8. Ang mga aalagaang hayop ay kinakailangang galing sa mahusay
na___________.
a. presyo c. kulay
b. laki d. lahi
9. Ang _______________sa pag-aalaga ng hayop ay dapat bigyang pansin
upang makatiyak na ligtas ang mga hayop sa anumang sakit na
maaaring dumapo.
a. kalinisan c. kasipagan
b. kabutihan d. kaayusan
10. Sa mahusay at wastong _______________ ay nakasisiguro sa maunlad
at matagumpay na gawain.
a. pangangalaga c. paglilinis
b. gamot d. kulungan
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong

1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman at kasanayan sa pag-


aalaga ng hayop? Ipaliwanag kung paano ito makatutulong sa pagpapaunlad

LCM 2017-2018 Page | 54


ng kabuhayan ng mag-anak at ng buong pamayanan?
2. Ipaliwanag kung paano nakakatulong sa kaunlarang pangkabuhayan ng mag-
anak at ng lipunan ang pag-aalaga ng hayop.

EPP- AGRIKULTURANG GAWAIN


IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 19

LCM 2017-2018 Page | 55


MGA KAALAMAN, KASANAYAN AT KAWILIHAN SA PAG-AALAGA NG ISDA

III. LAYUNIN
Naipapakita ang kaalaman, kasanayan at kawilihan sa pag-aalaga ng isda
Nagagamit ang kaalaman, kasanayan at kawilihan sa pag-aalaga ng isda
Napahahalagahan ang kaalaman, kasanayan at kawilihan sa pag-aalaga ng isda

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pag-aalaga ng Isda
Sanggunian: K-12 BEC 2.1 EPP5AG Oe-10 p. 19
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 pp. 96-97
( May-akda: Cleofe Del Castillo et’al )
Kagamitan:Larawan ng Pugo at itlog nito, Bidyo ,tsart

Pagpapahalaga: Maging Masinop ,mapagmahal

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
1 .Panalangin
2. Pag-uulat ng liban
3. Pagsasanay:
Laro: Paramihan ang kilalang isda. Hatiin ang klase sa dalawang pangat
pagtatala ng mga bata ng pangalan ng isda. Salitan ang pagbibigay ng sagot ng
dalawang pangkat. Ang pangkat na may pinakamaraming sagot ang panalo.

4. Balik-aral:
Magbigay ng kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa mag-anak at
pamayanan.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak:
Magtanghal ng larawan ng palaisdaan, hayaang magbigay ng sariling
palagay ang mga mag-aaral ukol dito batay sa kanilang kaalaman at
kasanayan.
Bigyan ng 5 minuto ang mga mag-aaral na iguhit ang isda na nais nilang
alagaan sa malinis na papel.

2. Paghahawan ng Balakid:
Salik Panustos Topograpiya

3. Paglalahad:
3.1 Gamit ang mga larawan mula sa mga iginuhit ng mga mag-aaral ( Ilahad
sa pisara ang mga larawan iginuhit ng mga bata ) hingin ang kanilang
reaksyon tunkol sa kanilang mga iginuhit na larawan.

3.2 Pagpapaliwanag ng guro tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng


kaalaman, kasanayan at kawilihan sa pag-aalaga ng isda.
Pag-uulat ng bawat pangkat, Pagsusuri ng guro

4. Paglalapat:
Pangkatin ang mga bata at bigyan ng gawain upang maipakita ang kanilang
kaalaman, kasanayan at ang kanilang saloobin sa pag-aalaga ng isda.
I.Pag-aalaga ng tilapia
II.Pag-aalaga ng Bangus

LCM 2017-2018 Page | 56


III.Pag-aalaga ng Hito
IV.Pag-aalaga ng Dalag

5. Paglalahat:
Ang pagkakaroon ng kaalaman, kasanayan at wastong saloobin sa pag-
aalaga ng isda ay isang kapakipakinabang na Gawain.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Rubrics sa pagmamarka ng pangkatang gawain

5 3 1 Marka
Lahat ay Mangilan- Walang
nakikiisa sa ngilan ang pagkakaisa
paggawa ng mga nakikiisa sa
itinakdang paggawa ng
gawain mga gawain
Nasusunod ba di-gaanong Hindi sinunod
ang mga sinunod ang ang mga
panuntunang mga panuntunang
Uri pangkalusugan panuntunang pangkaligtasan
ng at pangkaligtasan at
Pakikilahok pangkaligtasan at pangkalusugan
pangkalusugan sa paggawa
sa paggawa
Naging maingat di-gaanong Hindi nag-iingat
bas a paggawa nag-iingat sa sa paggawa ng
ng itinakdang paggawa ng itinakdang
gawain itinakdang gawain
gawain
Nagpamalas ng di-gaanong Hindi
kasiglahan at nagpamalas ng nagpamalas ng
kasiyahan sa kasiglahan at kasiglahan at
paggawa kasiyahan sa kasiyahan sa
paggawa paggawa
Legend:
20 = 100% 14 = 85% 8 = 65%
19 = 98% 13 = 83% 7 = 60%
18 = 95% 12 = 80% 6 = 50%
17 = 93% 11 = 78% 5 = 40%
16 = 90% 10 = 75% 4 = 30%
15 = 87% 9 = 70% 3 = 20%

V. TAKDANG GAWAIN
A. Gumawa ng album ng iba’t ibang uri ng isda na mainam alagaan.Itala ang
mahalagang impormasyon sa bawat uri ng isda.
B. Alamin ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng isda.

MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

LCM 2017-2018 Page | 57


Pangalan: ___________________________ Baitang at
Pangkat__________
Iskor:________ Mastery:________%

Gawain 1
Panuto: Pagtambalin ang hanay A at hanay B

HANAY A HANAY B

Tilapia

Hito

Karpa

Bangus

Gawain 2
Panuto: Magtungo sa pamilihan. Itala at kilalanin ang mga isdang naroroon.
Magtanung-tanong din tungkol sa iba pang uri ng isdang alat,isdang tabang at isdang
bukid.

LCM 2017-2018 Page | 58


Isdang-alat Isdang-tabang Isdang-bukid

Gawain 3
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel

1. Alin sa mga sumusunod ang isdang HINDI maaaring alagaan.


a. Karpa c. Tilapia
b. Bangus d. Dulong
2. Alin sa mga ito ang isdang pinakamadaling paramihin at alagaan?
a. Karpa c. Bangus
b. Dalag d. Tilapia
3. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO sa pag-aalaga ng isda?
a. Ang pag-aalaga ay nangangailangan lamang ng maliit na espasyo.
b. Ang pag-aalaga ng isda ay hindi maaari sa mga anak
c. Magastos na gawain ng pamilya ang pag-aalaga ng isda
d. Ang pag-aalaga ng isda ay isang maselang na libangan
4. Saan pinakamainam itayo ang isang palaisdaan?
a. sa mabundok na lugar c. sa mabatong lugar
b. sa patag na lugar d. sa itaas ng bahay
5. Alin sa mga isdang ito ang magtatagal kahit wala sa tubig?
a. Hito c. Bangus
b. Tilapia d. Karpa

Gawain 4
Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag at MALI naman kung
mali ito.
________1. Nakadaragdag ng problema ang pag-aalaga ng mga isda
________2. Nakalilibang na gawain ang pag-aalaga ng isda.
________3. Ang pag-aalaga ng isda ay nangangailangan ng maraming tauhan.
________4. Nakadaragdag ng pagkain ang pag-aalaga ng isda
________5. Ang pag-aalaga ng isda ay pangunahing hanapbuhay ng mga taong
naninirahan sa sapa, lawa o ilog.

EPP5 - AGRIKULTURANG GAWAIN


IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 20

LCM 2017-2018 Page | 59


KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG HAYOP NA MAY DALAWANG
PAA AT PAKPAK O ISDA

I. LAYUNIN
Naipapaliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may dalawang
paa at pakpak o isda.
Nakapaglalahad ng karanasan sa kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na
may dalawang paa at pakpak o isda
Napapahalagahan ang pag-aalaga sa hayop na may dalawang paa at pakpak o
isda

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Kabutihang Dulot ng Pag-aalaga ng Hayop na may Dalawang Paa at
Pakpak o Isda
Sanggunian:K to 12 BEC 2.2, EPP5AG-Oe-11 page 19
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan pp 150-153
(May–akda: Evelyn D. Deliarte, et. al)
Kagamitan:Crossword puzzle
Pagpapahalaga:Pagmamahal sa Hayop

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-ulat ng liban
3. Pagsasanay
PUZZLE
Hanapin sa puzzle ang mga sumusunod na salita:
Manok Bibe
Tilapia Pato
Dalag

A L F T G D O

B M B I B E F

C P C L P H M

D A L A G I S

K T O P M J R

M O R I L K U

D E M A N O K

4. Balik-Aral
Pagtalakay sa takdang aralin kahapon.
Ipalabas sa mga bata ang ginuhit nilang hayop na may dalawang paa at
pakpak o isda. Ibahagi ang isinagawang mga hakbang sa pag-aalaga
nito.Tanungin sila kung bakit iyon ang kanilang piniling alagaan.
B. PANLINANG NA GAWAIN:
1.Pagganyak
Pagkukuwento ng mag-aaral ng kanilang karanasan sa pagaalaga ng hayop.

2.Paghawan ng balakid

LCM 2017-2018 Page | 60


Savings (ipon)
Law of supply and demand (Pagkakaunti ang produkto, mahal ang presyo.
Pag marami ang produkto, mura ang presyo)
Livestock (Produktong buhay)
3. Paglalahad
3.1 Bakit kailangan mag-alaga ng mga hayop tulad ng manok o isda?
Ano ang magagandang dulot ng pag-aalaga ng manok o isda?

Mga posibleng sagot ng bata


1. Malaking kabawasan sa mga gastusin ng pamilya
2. Nakakadagdag kita
3. Nakakatulong sa buong pamilya para mapunan ang
pangangailangang nutrisyon
4.Nakakapagbigay aliw / kasiyahan / libangan
5.Nakakatanggal ng stress o pagod
6.Nakakatulong sa pagpaparami ng pagkain sa
pamayanan
7.Nakakaiwas sa masamang bisyo
3.2 Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mga bata sa lima at pabunutin ang lider ng nakabilot na
papel na may nakasulat na bilang. Ipaliwanag ang kabutihang dulot ng
pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak at isda ayon sa
bilang na nakatala sa pisara. Halimbawa kung ang nabunot ay bilang 6
ipaliwanag kung paano ito makakatulong sa pagpaparami ng pagkain sa
pamayanan.
4. Paglalapat
Bilang mag-aaral sa ikalimang baiting, ano ang maari mong gawin para
ikaw ay makatulong sa pamilya?
5.Paglalahat
Ang pag-aalaga ng manok o isda ay may malaking kabutihang
dulot sa sarili, pamilya, pamayanan at bansa.
IV. PAGTATAYA
Tama o Mali. Isulat ang letrang T kung ang pangungusap ay tama at letrang
M kung hindi.

1. Lumalaki ang gastos ng pamilya kapag nag-aalaga ng hayop o isda.


2. Ang pag-aalaga ng manok o isda ay nakakatulong sa kalusugan ng
pamilya at mapunan ang pangangailangan ng sambayanan sa pagkain
3. Ang mga nakatira sa NCR, ay hindi pwedeng makapagalaga ng manok o
tilapia.
4. Ang pag-aalaga ng hayop o isda ay walang magandang naidudulot sa
pamilya kundi pagod lamang.
5. Ang pag-aalaga ng hayop o isda ay nakakatulong na mapunan ang
kakulangan ng supply sa ating bansa.

V. TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik ng iba pang paraan ng pag-aalaga ng hayop o isda na
mapagkakakitaan.

MGA MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay Para sa Malalim na Pagtuto

Pangalan :______________________________ Bilang at Pangkat :______

LCM 2017-2018 Page | 61


Iskor: _________________ Mastery:_______ %

Gawain 1
Punan ang puwang ng tamang sagot.
___________1. (Calcium) Mineral na mula sa mga pagkaing shells at suso na
kinakailangan ng inahing manok o itik para sa kanyang
pangingitlog.
___________ 2. Maaari nang katayin ang manok na ito pagkatapos ng 45 araw
na pag-aalaga.

___________ 3.(Itlog) Pagkain bilog mula sa ibon o manok na punong-puno ng


protina at kadalasan inihahalo din sa iba’t ibang putahe.
___________4.(Balahibo) Bahagi ng ibon o manok na ginagawang palamuti o
head dress o pamaspas ng alikabok.
____________5. (Karne) Pagkaing mula sa laman ng manok na mayaman sa
protina.

Gawain 2
Itala sa ibaba ang iba pang magandang dulot o benipisyong nakukuha mula
sa alagang hayop

Karne Balat / Balahibo


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Itlog Isda
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

EPP5-AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 21

LCM 2017-2018 Page | 62


PAGSASALIKSIK NG MGA KATANGIAN,URI,PANGANGAILANGAN AT
PAMAMARAAN NG PAG-AALAGA NG HAYOP

I. LAYUNIN
Natatalakay ang mga katangian,uri,pangangailangan,pamamaraan ng pag-aalaga
ng hayop.
Naisasagawa ang pagsasaliksik tungkol sa mga katangian,uri,pangangailangan at
pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop.
Nabibigyang halaga ang mga katangian,uri,pangangailangan at pamamaraan ng
pag-aalaga ng hayop.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pagsasaliksik ng mga Katangian,Uri,Pangangailangan at
Pamamaraan ng Pag-aalaga ng Hayop
Sanggunian: K to 12 BEC 2.3, EPP5AG-Of-12 p19
Angat kabuhayan 6 pp165-173
May Akda:Herminia E. Alviar
Kagamitan: larawan ng ibat-ibang uri ng hayop.
Pagpapahalaga:Pagkamasipag

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-ulat ng liban
3. Pagsasanay
Magbibigay ang mga bata ng mga ibat-ibang hayop na makikita sa
kanilang pamayanan.hal. manok, pugo,itik atbp.
4. Balik-Aral
Anu-ano ang mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may 2
paa at pakpak?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
Sino sino sa inyo ang nakapunta na sa mga malalaking farm at
poultry?
Ano anong hayop ang inyong nakita?
2. Paghawan ng balakid
High breed-mataas na lahi ng hayop
Commercial feeds- mga pagkaing nabibili sa poultry supply.
3. Paglalahad
3.1Pangkatin sa 5 grupo ang mga bata at pasagutan ang mga
sumusunod:.
Pangkat 1-Bakit mahalaga na alamin ang katangian ng hayop na
aalagan.
Pangkat 2.Paano nakakatulong ang uri/lahi ng hayop sa
pagpaparami nito?

Pangkat 3.Anu ano ang mga pangangailangan ng mga hayop?


Pangkat 4.Anu ano ang mga hakbang sa pag-aalaga ng hayop?
Pangkat 5.Paano makakatulong sa inyong sarili,pamilya at

LCM 2017-2018 Page | 63


pamayanan ang pag-aalaga ng hayop.
3.2 Pag-uulat ng lider ng bawat pangkat
3.3Pagbibigay puna/reaksyon sa inulat.
4. Paglalapat
Sa pagsasaliksik na gamit ang internet ay marami tayong
matutunan na ibat ibang paraan sa pag-aalaga ng mga hayop
na 2 paa.
5. Paglalahat
Ang wastong kaalaman sa pagsasaliksik sa uri,pangangailangan
at pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop ay magbubunga ng
sapat na produksyon at magandang kalidad.

IV. PAGTATAYA
Tama o Mali. Isulat ang letrang T kung ang pangungusap ay tama at letrang
M kung hindi.

1. Ang wastong paraan ng pag-aalaga ng hayop ay isang pamamaraan


upang. makakaiwas sa pagkalugi.
2. Mahalagang gumamit ng mataas na uri ng hayop para sa mataas na
kalidad.
3. Ang pag-aalaga ng hayop ay gawaing nakakalibang.
4 .Sa mabilis at malusog na paglaki dapat maibigay ang mga pangunahing
pangangailangan ng hayop na aalagaan.
5. Ang mga katutubong lahi ng hayop ay matibay sa mga sakit?

V.TAKDANG-ARALIN
Humanap ng mga impormasyon tungkol sa mga maaaring pagkunan ng mga
hayop na aalagaan. Hal. Internet, farms atbp.

MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay sa Malalim na Pagkatuto

LCM 2017-2018 Page | 64


Pangalan___________________ Baitang at Pangkat______
Iskor_______________ Mastery__________

GAWAIN 1
Isulat ang titik ng tamang sagot sa puwang.

. 1. High breed________________ a,paggamit ng internet

2.Backyard farm_____________ b.mataas na lahi ng hayop

3.Veterinary_________________ c.malakihang alagaan ng mga

4.Corporate farm___________ d.hayop

5.Online.marketing___________ e.simpleng magsasaka sa


pamayanan

e.doktor ng mga hayop

GAWAIN 2

Magbigay ng opinyon sa mga katanungan sa ibaba.

A. Nalugi si Mang TONIO sa kanyang itinayong BALUT INDUSTRY,Ano sa


palagay mo ang dahilan?

B.Ano sa palagay mo ang mainam na paraan ng pagkalap ng impormasyon


sa paghahayupan? At bakit?

EPP5-AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 22

LCM 2017-2018 Page | 65


PAGSASALIKSIK NG MGA KARANASAN NG MGA TAONG
NAG-AALAGA NG HAYOP

I. LAYUNIN
Nakakalap ang mga impormasyon sa mga taong may karanasan sa pag aalaga
ng hayop.
Naisasagawa ang pagkuha ng mga impormasyon sa mga taong may karanasan
sa pag-aalaga ng hayop.
Napapahalagahan ang mga nakuhang impormasyon para sa pag-aalaga ng
hayop.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa:Karanasan ng mga Taong Nag-aalaga ng Hayop
Sanggunian:K to 12 BEC 2.3, EPP5AG-Of-12 p19
Angat kabuhayan 6 pp165-173
May Akda:Herminia E. Alviar
Kagamitan: larawan ng ibat-ibang uri ng hayop
Pagpapahalaga:Pagkamaparaan
III. PAMAMARAAN:
A.Panimulang Gawain:
1.Panalangin
2.Pag-ulat ng liban
3.Pagsasay
Pagsagot sa mga datos na kailangan sa ibaba:
Pangalan____________
Tirahan______________
Edad/kaarawan________
Paboritong hayop na inaalagaan__________
Uri ng pagkain na ibinibigay_____________
4. Balik-Aral
Ano-ano ang mga katangian , uri at pamamaraan sa pag- aalaga ng hayop?
B.Panlinang na Gawain
3. Pagganyak
Sino sino sa inyo ang nasubukan ng mag interview tungkol sa
pag-aalaga ng hayop?
4. Paghawan ng balakid
Data-datos
Respondent- mga taong magbibigay ng mga sagot sa datos na
hinihingi.
Researcher-tagapagsaliksik
3. Paglalahad
3.1 Ipakita sa mga bata ang halimbawa ng mga datos na kanilang
Kakailanganin sa pakikipagpanayam sa mga taong may karanasan
sa pag-aalaga ng hayop.

Pagkalap ng impormasyon sa pag-aalaga ng hayop.


Pangalan ng respondent_____________
Hanapbuhay______________________
Edad__________________________
Tirahan__________________________
MGA DATOS:
1.Uri ng hayop na inaalagaan____________________________
2.lahi ng hayop na inaalagaan____________________________
3.Paraan ng pag aalaga_________________________________

LCM 2017-2018 Page | 66


4.Mga pagkain na ibinibigay______________________________
5.Gamot at bitamina na gamit para sa hayop_________________

Para saan ang mga datos?At paano makakatulong ang mga ito sa
Inyong proyektong paghahayupan?
3.2 Pagsasadula ng mga bata na nagpapakita ng tagapagsaliksik at
Respondent na ang paksang tinatalakay ay pag-aalaga ng hayop.
4. Paglalapat
Ano ano ang mga datos na kailangan sa pagsasaliksik ng mga
impormasyon sa pag-aalaga ng hayop?
5. Paglalahat
Ang wastong kaalaman sa pagsasaliksik sa uri,pangangailangan
at pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop ay magbubunga ng
magandang produksyon.

IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.Bakit kailangang magsaliksik ukol sa katangian,uri at pamamaraan ng pag
aalaga ng hayop.?
a.Para maiwasan ang pagkalugi sa negosyo.
b.Upang malaman ang mga peste at sakit ng hayop.
C.upang maragdagan ang kaalaman sa pagpaparami ng hayop.
d.Lahat ng nabanggit.
2.Ano ang tawag sa mga taong magbibigay ng datos tungkol sa pag-aalaga
ng hayop?
a, researcher
b.respondent
c.estudyante
d.guro
3.Alin sa mga sumusunod ang hindi kailangan sa pag aalaga ng hayop?
a.uri ng pagkain
b.kulungan
c.lahi ng hayop
d.pabango/perfume
4.Ang pananaliksik ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng:
a. survey
b.interbyu
c.internet
d.lahat ng nabanggit
5.Ang mga impormasyon na nakalap ay:
a.basehan para sa matagumpay na paghahayupan
b.makakatulong upang makita ang kakulangan sa paghahayupan
c.magsisilbing pamantayan sa pagpaparami ng hayop
d.lahat ng nabanggit.

V. TAKDANG-ARALIN
Isulat sa kwaderno ang kahalagahan ng internet sa pagkalap ng mga
impormasyon
Paano makakatulong ang makabagong teknolohiya sa isang mag-aaral na
tulad mo?.

MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay sa Malalim na Pagkatuto

LCM 2017-2018 Page | 67


Pangalan___________________ Baitang at Pangkat______
Iskor_______________ Mastery__________

GAWAIN 1
Pagsunod sunurin ayon sa bilang 1-5. sa mga datos na kailangan sa
pakikipagpanayam

sa taong may karanasan sa pag-aalaga ng hayop.

____1.Lahi ng hayop na aalagaan

____2.Medisina at pagkain sa alagang hayop

____3.Lugar na pag-tatayuan ng kulungan

____4.Paglalaan ng puhunan

____5.Pagsasapamilihan ng produktong hayop.

GAWAIN 2

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan

A.Gaano kahalaga ang pakikipagpanayam sa mga taong may karanasan sa


pag-aalaga ng hayop?At Bakit?

B.Paano mo mapapataas ang kalidad ng iyong produktong hayop? Anong


paraan para tangkilikin ng mga mamimiil ang iyong produkto?

EPP5-AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 23

LCM 2017-2018 Page | 68


PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYANG INTERNET SA PAGKALAP NG
IMPORMASYON SA PAGPILI NG HAYOP/ISDA NA AALAGAAN

I. LAYUNIN

Natutunan ang paggamit ng teknolohiyang internet sa pagkalap ng impormasyon


sa pagpili ng ng hayop/isda na aalaagan.
Nakagagamit ng teknolohiyang internet sa pagkalap ng impormasyon at sa
pagpili ng hayop/isdang aalagaan
Napapahalagahan ang paggamit ng teknolohiya sa pagkalap ng impormasyon

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Paggamit ng Teknolohiya Internet sa Pagkalap ng Impormasyon at sa
Pagpili ng Hayop/Isda
Sanggunian:K to 12,2.3 p. 19,EPP5AG-0f-13
http://wenn-mgahanguanngimpormasyon.blogspot.com/2012/01/mga-hanguan-ng
impormasyon.html
Kagamitan: Computer, Internet Access, Manila Paper

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-ulat ng liban
3. Pagsasanay
A. Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan? Tsekan (/)
ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung
hindi pa.

Kaalaman at Kasanayan

Naipaliliwanag ang konsepto ng computer,


internet, at ICT
Nailalarawan ang mga kakayahan ng computer,
internet, at ICT
Nakikilala ang iba’t ibang kapakinabangan ng
ICT
Natutukoy ang mga paraan ng pagkolekta sa
iba’t ibang uri ng impormasyon

B. Lagyan tsek (/) kung ang hayop na nasa larawan ay maaring alagaan
sa ating bakuran at ekes (x) kung hindi.

LCM 2017-2018 Page | 69


4. Balik-aral
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Ano ano ang mga pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop/isda.
2. Saan saan maaring mapagkunan ng mga hayop na aalagaan.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. PAGGANYAK
Ano ano mga larawan na inyong nakikita?
Ano ang masasabi ninyo sa bawat larawan?
Nasubukan ninyo na bang gumamit ng internet para sa inyong takdang
aralin?
Paano? Anong website o webpage ang inyong napuntahan?

2. PAGHAWAN NG BALAKID
Picture Clue

Web browser
Internet
Youtube
Website/URL
3.PAGLALAHAD
(Ipapakitang muli ng guro ang mga larawan na nasa taas)
Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng gabay na tanong:

LCM 2017-2018 Page | 70


3.1. Kapag pinagsama-sama natin lahat ang tatlong larawan, ano anong
mga salita o ideya ang mabubuo ( pangangalap,internet,
impormasyon,hayop, isda,)
(Tatanggapin ng guro ang lahat ng sagot ng mga bata at isusulat sa
pisara at gabayan sa pagbuo ng isang pangungusap base sa mga
salitang nabanggit para matukoy ang aralin).
3.2. Paano makakatulong ang makabagong teknolohiya sa pangangalap ng
iba’t ibang impormasyon at sa pagpili ng hayop/isdang aalagaan.
3.3. Talakayin ang mga sumusunod:
 Internet
 Uri ng website o URL ang iyong pupuntahan
 Hakbang sa pangangalapap ng impormasyon
4. PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang (5) pangkat. Gamitin ang
computer
na may access sa internet at magsaliksik o mangalap ng tatlo hanggang
limang uri ng hayop at isda na maaring alagaan sa ating kumunidad.
Sagutan ang talaan sa ibaba at ilagay ang sagot sa manila paper.
Search engine na ginamit
Pangalan ng website
URL Address
May Akda

5. PAGLALAHAT
Paano makakatulong ang makabagong teknolohiya sa pangangalap ng
iba’t ibang impormasyon at sa pagpili ng hayop/isdang aalagaan
IV. PAGTATAYA
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Anong website ang maaring puntahan kung gusto mong mapanood ang isang
videotungkol sa pag-aalaga ng itik.
a. facebook b. google c. yahoo d. youtube
2. Anong website ang maaring puntahan kung gusto mong makita ang larawan ng
mga uri isda at hayop.
a. facebook b. google c. yahoo d. youtube
3. Gusto mong maka-access sa iba’t ibang website, ano ang kailangan mo?
a. Computer b. Internet c.Cellphone d. lahat ng nabanggit
4. Isa sa pinakamalawak at mabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos
a. Computer b. Internet c. libro d. Encyclopedia
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Search Engine?
a. Google b. Bing c. Yahoo d. Skype
IV.TAKDANG –ARALIN
Magsaliksik pa ng mga hayop at isda na maaring alagaan sa ating lugar (Urban).
Ibigay kung anong website ang ginamit at sino ang may akda.

MUNGKAHI SA PAGTUTURO
Karagdagang Pagsasanay sa Malalim na Pagkatuto

LCM 2017-2018 Page | 71


Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:__________
Iskor:________ Mastery:________%

Gawain 1
Isulat sa labas ng bilog ang mga bagay na maaring pagkunan ng mga impormsyon
ukol sa pananaliksik.

Gawain B
Piliin ang angkop na sagot sa kahon at isulat sa patlang.
Youtube Pananaliksik
Google Mananaliksik
Teknolohiya

_________1. Tawag sa hakbang o gawain na kung saan ang isang tao ay


gumagamit ng aklat o teknolohiya para maliwanagan o magkaroon
ng kasagutan sa anumang katanungan,
_________2. Tawag sa tao na nagsasagawa ng pananaliksik
_________3. Gamit sa makabagong paraan ng pananaliksik
_________4. Website na nagpapakita ng kasagutan sa pamamagitan ng
larawan.
_________5.Website na nagpapakita ng kasagutan sa inyong mga tanong
tungkol sa video

KARAGDAGANG KAALAMAN PARA SA MABISANG PAGTUTURO NG GURO

Hanguang Elektroniko o Internet

Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na


hanguan ng mga informasyon o datos.Sa isang pindot lamang ng daliri ay may
mayamang informasyon ka nang makukuha. Ang teknolohiyang ito ay bunga ng

LCM 2017-2018 Page | 72


kumbinasyon ng servisyong postal, telefono, at silad-aklatan. Sa internat ay maari ka
ring magpadala ng liham-elektroniko o e-mail sa alin mang panig ng mundo.
Samakatwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala ng informasyon sa
pamamagitan ng koreo na aabutin ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-aklatan sa
malalayong lugar o kaya’y pangangalap ng mga datos gamit ang telefono. Kung ang
internet ay maaaring pagkunan ng informasyon o datos, nangangahulugan lamang na
malaking tulong ito sa pananaliksik.
May ilan lamang katanungan sa kawastuhan ng paggamit nito, gaya lamang ng mga ss.:
Narito ang mga ilang payo hinggil sa bagay na ito:

Anong uri ng website ang iyong tinitingnan?


Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula sa
institusyon ng edukasyon o akademiko.
        Halimbawa:   http://www.university_of_makati.edu/
2. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sa
komersyo o bisnes.
        Halimbawa:                
                          www.knightsofcolumbus.org
                           www.yahoo.com
3. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalahaan.
        Halimbawa:  www.makaticity.gov
                             http://www.tourism.gov/
Sino ang may akda?
          Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang informasyon sa internet
nang sa gayo’y masuri kung ang informasyon ay wasto at kumpleto. Kadalasan kasi ay
kalakip ng informasyong isinulat ng may-akda ang kanilang mga kredensyal at
kwalifikasyon. Kung gayon, maaaring iverifay ang mga informasyon hinggil sa kanilang
pagkatao. Kung wala ito, mahirap paniwalaan ang kanilang akda.

Mga Hakbang sa Pagsasaliksik Gamit ang


Internet
1. Pumili ng Search Engine tulad ng:
Ask Deepnet Explorer
Bing Avant Browser
Blekko
Dogpile
DuckDuckGo
Google Chrome
Yahoo
Internet Explore
Firefox
Opera
Safari
Rockmelt
Maxthon

2. Pindutin ang ENTER


pagkatapos ma-search ang
ang anumang gusto.

LCM 2017-2018 Page | 73


3. Ilagay ang iyong pagpiling
mga salita sa Search Bar.

4. I-click ang Search o pindutin ang


Enter key sa iyong keyboard.

EPP- AGRIKULTURANG GAWAIN


IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 24

LCM 2017-2018 Page | 74


PLANO SA PAG-AALAGA NG HAYOP

I. LAYUNIN
Natutukoy ang mga bahagi ng ginawang plano sa paghahayupan.
Nakagagawa ng plano sa pag-aalaga ng hayop.
Nabibigyang halaga ang mga planong ginawa.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Plano sa Pag-aalaga ng Hayop
Sanggunian: K-12 BEC 2.5 EPP5AG Og-14 p. 19
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 pp. 90-91
( May-akda: Cleofe Del Castillo et’al )
Kagamitan: Flash Card at Pocket Chart
Pagpapahalaga: Maging mapanuri at mapamaraan

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN:
1 .Panalangin
2. Pag-uulat ng liban
3. Pagsasanay:
Hanapin at bilugan ang mga salitang
K P U G O E L T
A S I S I W A A
P A T U K A H B
I T L O G S I L
T G A S T O S A
A P L Y W O O D
L U G A R U R I
K U L U N G A N
( Mga salita na maaaring mabuo )
Pahalang: Pugo Pababa: Kapital
Sisiw Tabla
Patuka Lahi
Itlog
Plywood
Kulungan
Uri
Lugar

4. Balik-aral:
Gaano kahalaga ang pagpili ng uri ng hayop na aalagaan?

B. PANLINANG NA GAWAIN:
1. Pagganyak:
Upang makabuo ang archetech ng isang bahay, anong bagay ang dapat
muna niyang ihanda at Bakit?

LCM 2017-2018 Page | 75


2. Paghahawan ng Balakid:
Salik Panustos Topograpiya
Plano Gabay
3. Paglalahad:
3.1 Ipaliwanag ang kahalagahan sa paggawa ng plano sa pag-aalaga ng
Hayop
3.2 Isa-isahin ang mga salik na dapat isaalang-alang sa paggawa ng plano
sa pag-aalaga ng hayop.
3.3. Pangkatin ang mga bata at pagawain ng plano ng aalagaang hayop na
na nais nilang alaagan.
Pag-uulat ng bawat pangkat at pagsusuri ng guro
Malayang talakayan tungkol sa paksa
4. Paglalapat
Pagsunod-sunurin ang mga bahagi ng plano na nakasulat sa flash card gamit
ang pocket chart.
5. Paglalahat:
Ano ano ang kahalagahan ng plano sa gawaing paghahayupan?

IV. PAGTATAYA:
Panuto: Tama o Mali
_______1. Gumamit ng plywood, yero at chicken wire sa paggawa ng kulungan
ng aalagaang hayop.
_______2. Sa mahusay at wastong pagpaplano ay nakasisiguro sa maunlad at
matagumpay na gawain.
_______3. Hindi kailangang planuhin ang pag-aalaga ng hayop.
_______4. Sa pagpaplano kailangan isaalang-alang ang salik ng hayop na nais
alagaan.
_______5. Ang pagkakaroon ng kaalaman,kasanayan at wastong saloobin sa
pag-aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na gawain.
V. TAKDANG GAWAIN:
Gumawa ng sariling plano sa pag-aalaga ng paboritong hayop.

MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

LCM 2017-2018 Page | 76


Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:__________
Iskor:________ Mastery:________%

Gawain 1
Panuto: Gumawa ng planong pamproyekto para sa napiling hayop na
alagaan.Gamitin ang sumusunod na talaan.

Planong Pamproyekto sa Pag-aalaga ng Hayop

Pangalan ng Proyekto: __________________________________________


Petsa Sinimulan: _____________ Petsa ng Pagsasapamilihan:_________
Mga Kagamitan: _______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
Pamamaraan: _______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
Mga Hakbang sa Paggawa: ______________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
Talaan ng Ginastos: _____________
Kabuuan: _____________
Pagtutuos ng kinita:

 Halaga ng Pinagbilhan _______


 Halaga ng Ginastos _______
 Kinita _______

Gawain 2
Panuto: Isulat ang mga salik na dapat isaalang alang sa pagpaplano ng pag-aalaga
ng hayop. Ipaliwanag ang iyong sagot.

EPP- AGRIKULTURANG GAWAIN


IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 25

LCM 2017-2018 Page | 77


MGA HAYOP NA MAAARING ALAGAAN

I. LAYUNIN
Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan
Naisasagawa ng maayos at may sigla ang pangkatang gawain
Napahahalagahan ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Mga Hayop na Maaaring Alagaan
Sanggunian: K-12 BEC 2.6 EPP5AG Og-15 p. 19
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 pp. 87-91
( May-akda: Cleofe Del Castillo et’al )
Kagamitan:Larawan ng iba’t ibang hayop

Pagpapahalaga: Pagiging responsible sa pag-aalaga ng hayop

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1 .Panalangin
2. Pag-uulat ng liban
3. Pagsasanay
Ano ang magandang naiidulot sa pag-aalaga ng hayop?
4. Balik-aral:
Pumili ng ilang mag-aaral na basahin ang kanilang ginawang takdang aralin
at pagbibigay ng reaksyon ng kapwa mag-aaral.

B. PANLINANG NA GAWAIN:
1. Pagganyak
Tanungin sa klase:
Sino ang may alagang hayop sa bahay?
Ano ang kagandahang naidudulot sa pag-aalaga ng hayop sa pamilya?
2. Paghahawan ng Balakid
Uri lahi Pangangasiwa

3. Paglalahad
Talakayin ang iba’t ibang hayop na maaaring alagaan at ang kahalagahan
ng pag-aalaga nito.
Mga tanong:
a. Ano anong uri ng hayop ang maaaring alagaan?
b. Ano ang kabutihan makukuha sa pag-aalaga ng hayop?
c. Bakit mahalaga ang pag-aalaga ng hayop?
4. Paglalapat
Pangkatang Gawain: Ipaulat ang mga sumusunod:
I. Mga hayop na pwedeng alagaan sa rural na lugar
II. Mga hayop na pwedeng alagaan sa urban na lugar
III. Kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop
IV. Mga hayop na maaaring alagaan sa bahay
V. Mga hayop na mainam alagaan para sa karagdagang kita
5. Paglalahat
Ang pagkakaroon ng kaalaman, kasanayan at wastong saloobin sa pag-
aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na Gawain.

LCM 2017-2018 Page | 78


IV. PAGTATAYA
Panuto: Piliin at Isulat ang titik ng tamang sagot
1. Bakit mahalaga ang pag-aalaga ng mga hayop?
a. nagsilbing libangan b. mabuting ehersisyo
b. dagdag na kita ng mag-anak c. dagdag na Gawain
2. Para sa baguhang mag-aalaga,lagging____sa mga may kaalaman upang
walang masayang na pera at pagod.
a. sumangguni
b. umaasa
c. humingi
d. makipagkwentuhan
3. Ang hayop ay may damdamin.Sila ay ______at bigyan ng pangangailangan.
a. mahalin
b. malasakitan
c. tugunan
d. lahat ng nabanggit
4. Ang mga manok, pugo, pato at itik ay inaalagaan upang mapagkunan ng
_________at iba pang pagkaing kailangan ng katawan.
a. Karne/itlog c. gatas/ karne
b. Itlog/ gatas d. pataba
5. Ang pag-aalaga ng hayop ay hindi lamang nakapagbibigay ng karagdagang
kaalamang pang-agham ito ay nakatutulong din sa pag-unlad ng ating_____.
a. turismo c. kultura
b. edukasyon d. ekonomiya

V. TAKDANG ARALIN
A. Gumuhit ng isang hayop na nais mong alagaan.Pangalanan ito at
isalaysay sa klase kung bakit ito ang iyong napiling alagaan.

MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

LCM 2017-2018 Page | 79


Pangalan: ___________________ Baitang at Pangkat__________
Iskor:________ Mastery:________%

Gawain 1
Panuto: Gumupit ng ng mga larawan ng mga hayop na my dalawang paa at
pakpak.Isulat ang mga pamamaraang isasagawa sap ag-aalaga nito.

Gawain 2
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel

1. Alin sa mga sumusunod ang hayop na HINDI maaaring alagaan.


c. Manok c. Pato
d. Lion d. Ibon
2. Alin sa mga ito ang hayop pinakamadaling paramihin at alagaan?
c. Kalapati c. Manok
d. Pugo d. Itik
3. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO sa pag-aalaga ng hayop?
e. Ang pag-aalaga ng hayop ay nangangailangan lamang ng maliit na
espasyo.
f. Ang pag-aalaga ng hayop ay nakakaabala sa mag anak
g. Magastos na gawain ng pamilya ang pag-aalaga ng hayop
h. Magsuot ng angkop na kasuotan tuwing maglilinis ng kulungan ng
mga alagang hayop.
4. Ang hayop na pinakamainam na alagaan sa urban na lugar.
c. Baboy c. Kalabaw
d. Manok d. Kambing
5. Alin sa sumusunod ang hindi kauri ng manok.
a. Broiler c. Japanese seatle
b. white leghorn d. Cobb

KARAGDAGANG KAALAMAN PARA SA MABISANG PAGTUTURO NG GURO

LCM 2017-2018 Page | 80


Mga kapakinabangan Makukuha sa pag-aalaga ng Iba’t ibang uri ng hayop na maaaring
alagaan

a. Nakakatulong sa pag-unlad n gating kabuhayan.


b. Nagdudulot ng karagdagang kaalamang pang-agham at pang-ekonomiya
c. Karagdagang kita sa pamilya
d. nakakatipid anh mag-anak sa pagkain
e. magandang libangan
f. nakakaiwas sa masamang bisyo

EPP AGRIKULTURANG GAWAIN


IKALAWANG MARKAHAN

LCM 2017-2018 Page | 81


Banghay Aralin Bilang 26

Paggawa ng Talaan ng mga Kasangkapan at Kagamitan sa Pag-aalaga ng Hayop

I.LAYUNIN
Natatalakay ang talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na dapat ihanda
upang makapagsimula sa pag-aalaga ng hayop o isda
Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng
hayop o isda.
Napapahalagahan ang kaalaman upang makumpleto ang mga at kagamitan
bago magsimula ng pag-aalaga ng hayop o isda.

II.PAKSANG ARALIN
Paksa: Paggawa ng Talaan ng mga Kagamitan at Kasangkapan sa Pag-aalaga
ng Hayop
Sanggunian: BEC 2.7, EPP5AG-Oh-16, p.20 ,
https://www.scribd.com/doc/83891320/EPP-V
Kagamitan: Mga larawan, tsart
Pagpapahalaga: pagkamasinop

III.PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-ulat ng Liban
3. Pagsasanay
Talahanapan: Mga hayop at isda na maaaring alagaan
M M W A B A L A K P
A G Q I M A G E H A
N S W P K S H A I O
O R E A O D N C T T
K M B L L F U Z O A
B B G I I B M A K P
B U R T J B O X A M
A P U G O M P M M P
4. Balik-aral
Ano ano ang mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng mga hayop?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
“HULAAN MO”
Ang guro ay pipili ng mag-aaral at ipababasa ang kasangkapan o
kagamitan na nakasulat sa pirasong papel. Ilalarawan niya ito at huhulaan
ng mga kapwa mag-aaral kung ano ito.
Ulitin ang Gawain ng 2 beses na iba naman ang pinahuhulaan

2. Paghawan ng Balakid
Kulungan- tirahan ng mga hayop
Online selling- paraan ng pagtitinda
3. Paglalahad
Pangkatin ang klase sa limang pangkat.
Gamit ang manila paper at pentel pen. Ipasulat ang alam nilang
kagamitan o kasangkapan sa pag-aalaga ng hayop o isda. Hayaang iulat ng
bawat lider ang kanilang ginawa at pagkatapos ay gabayan ang mga bata na

LCM 2017-2018 Page | 82


ilagay sa tamang talaan ang mga kasangkapan at kagamitan na kanilang
nabanggit.

Pangkat 1-Mga Kasangkapan at Kagamitan sa Pag-aalaga ng Hayop


Kasangkapan Kagamitan
a. Kulungan a. pala
b. Pagkain b.walis ting-ting
c. Panustus na tubig c.itak
d. Mga panlinis sa kulungan d.tali
Pangkat 2-Mga kasangkapan at kagamitan sa pag-aalaga ng isda
Pangkat 3-Iguhit ang mga kasangkapan at kagamitan sa pag-aalaga ng
hayop
Pangkat 4- Iguhit ang mga kasangkapan at kagamitan sa pag-aalaga ng isda
Pangkat 5- Ipaliwanag – Bakit kailangan kumpletuhin ang mga kagamitan at
kasangkapan bago magsimulang mag-alaga ng hayop o isda?
4. Paglalapat
Bakit kailangan natin pahalagahan ang mga kasangkapan sa pag-aalaga ng
hayop? Ano ano ang dapat gawin upang ito ay tumagal?
5. Paglalahat
Ano ano ang mga kasangkapan at kagamitan sa pag-aalaga ng hayop at
isda?

IV. PAGTATAYA
Gumawa ng talaan ng mga sumusunod na kasangkapan at kagamtan sa pag-
aalaga ng hayop.

Kulungan martilyo timba

Walis pala pagkain

Tubig itak patukaan

Kasangkapan Kagamitan
1. 1.
2. 2.
3. 3.

V. TAKDANG-ARALIN
Gumawa ng lalagyan ng mga kasangkapan o tool box.

Mungkahing Gawain

LCM 2017-2018 Page | 83


Karagdagang Pagsasanay Para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan:__________________________ Baitang:_________________________
Iskor:______________________________ Mastery:_________________________

Gawain 1

Tama o Mali

________1. Nakadaragdag kita sa kabuhayan ng mag-anak ang pag-aalaga ng mga


hayop.
________2. Mahalagang malaman ang iba’t-ibang local na materyales upang makagawa
ng kulungan sa alagang hayop
________3. Mas mahal ang materyales na local kaysa sa imported.
________4. Kung gagawing permanente ang kulungan, mabuting gawing konkreto ito.
________5. Pumili ng mga materyales na nakapagbibigay ng mababang temparatura
para sa alagang hayop

Gawain 2
Gumawa ng mga talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na kakailanganin sa
pag-aalaga ng hayop o isda.

Kasangkapan kagamitan

EPP 5 AGRIKULTURANG GAWAIN

LCM 2017-2018 Page | 84


IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 27

WASTONG PAMAMARAAN SA PAG-AALAGA NG HAYOP

I. LAYUNIN
Natatalakay ang mga paraan ng wastong pag- aalaga ng hayop na napiling
alagaan.
Naipapakita ang wastong pamamaraan sa pag aalaga ng hayop na napiling
alagaan.
Nabibigyang halaga ang mga paraan ng pag aalaga ng hayop.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Wastong Pamamaraan sa Pag-aalaga ng Hayop
Sanggunian: K to 12 BEC 2.8.1, EPP5AG-Oi-20 p.20
Angat Kabuhayan pp 165-181
May akda;Herminia E. Alviar et al
Kagamitan:Mga bidyo ng pag aalaga ng ibat ibang hayop
Pagpapahalaga:Pagkamasipag

III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-ulat ng liban
3. Pagsasanay
Anu ano ang mga hayop na pwedeng alagaan sa ating tahanan o sa
isang
siyudad?
4. Balik-Aral
Anu ano ang mga kasangkapan at kagamitan na dapat ihanda bago
magsimula ng pag aalaga ng hayop.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
Pumili ng ilang bata upang magkwento ng kanilang karanasan sa pag
aalaga ng hayop.
2. Paghawan ng balakid
Gloves—proteksyon sa kamay
. working clothes---damit sa paggawa
3. Paglalahad
3.1 Panoorin ang bidyo ng pag aalaga ng hayop.(file name 2.8.1)
3.2 Pangkatin ang mga bata at ipakita ang mga hakbang sa pag
aalaga ng kanilang napiling hayop
3.3Pag uulat ng bawat pangkat.
4. Paglalapat
Si Mario ay may alagang mga manok ngunit napansin nya na sunud-
sunod ang pagkamatay ng mga ito.Ano ang dapat nyang gawin?
5. Paglalahat
Mahalagang sumunod sa mga pamantayan ng pag aalaga ng
hayop.

IV.PAGTATAYA

LCM 2017-2018 Page | 85


Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba at sagutan ng tama o
mali.

_____1. Mahalagang pag aralan muna ang mga hakbang bago mag alaga ng
hayop.
_____2. Sumangguni sa beterinaryo kapag may sakit ang alagang hayop.
_____3. Bigyan ng gamot ang hayop na walang sakit.
_____4. Mabilis lumaki ang alagang hayop kung bibigyan ng tamang pagkain
ito.
_____5 Ang kasipagan sa pag aalaga ng hayop ay pwedeng pagkakitaan.

V.TAKDANG ARALIN
Anu ano ang mga tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag aalaga ng
hayop?

MUNGKAHI SA PAGTUTURO

LCM 2017-2018 Page | 86


Karagdagang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan___________________ Baitang atPangkat ______


Iskor_______________ Mastery__________

GAWAIN 1

Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pag-aalaga ng hayop. Lagyan ng


bilang mula 1-5.

____1.Bigyan ng tamang pagkain ang alagang hayop.

____2.Linisin ang kulungan araw-araw upang makaiwas ang alagang hayop sa

sakit.

____3.Gumawa ng kulungan ayon sa dami ng hayop na aalagan.

____4.Pumili ng lugar na mainam para sa hayop na napiling alagaan..

____5.Sumangguni sa mga beterinaryo kung ang alagang hayop ay may sakit.

GAWAIN 2

Magbigay ng mga kasagutan sa mga sumusunod na sitwasyon.

1.Napansin mo na marami ng insekto ang lumilipad sa kulungan ng iyong

alaga.Ano ang iyong gagawin at Bakit?

2.Nakita mo ang iyong ama na gumagawa ng kulungan, Ano ang iyong gagawin

at Bakit?

LCM 2017-2018 Page | 87


EPP 5 - AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 28

MGA TUNTUNING PANGKALUSUGAN AT PANGKALIGTASAN SA


PAG-AALAGA NG HAYOP

I.LAYUNIN
Natatalakay ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga
ng hayop.
Nasusunod ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga
ng hayop
Napahahalagahan ang pagsunod sa mga tuntuning pangkalusugan at
pangkaligtasan upang maiwasan ang aksidente.

II- PAKSANG ARALIN


Paksa:Tuntuning Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Pag-aalaga ng Hayop
Sanggunian : K to12 BEC 2.8.2 EPP 5 AG 01-17 p.20
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6 p126
Author: : Cleofe del Castillo, Ana B. Ventura, Evelyn D. Deliarte,
Ma. Gilmina G. Sotoya, Susana V. Guinea, Placita D. Arandela, Susana Gaddi
Kagamitan: larawan ng mga alagang hayop
Pagpapahalaga: Kalinisan

III- PAMAMARAAN
A.PANIMULANG GAWAIN
1.Panalangin
2.Pag - ulat ng liban
3.Pagsasanay
Ano ano ang kabutihang dulot ng pag-aalga ng hayop?
4.Balik- aral
Ano ano ang mga salik na dapat isaalang –alang sa pag-aalaga ng manok?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1..Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng hayop. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?

http://www.google.com.ph/search?q=larawan+ng+mga+hayop&biw=1024&bih=499&tbm

LCM 2017-2018 Page | 88


2.Paghawan ng Balakid
Kalusugan- magandang kondisyon ng katawan na walang sakit o
karamdaman .
Kaligtasan- malayo sa anumang uri ng kapahamakan.
3.Paglalahad
3.1 Pagtalakay sa mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-
aalaga ng hayop
3.2 Pangkatang Gawain
Pangkat 1 Ipaliwanag kung bakit mahalagang sundin ang mga tuntuning
pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop.
Pangkat 2- Gumawa ng talahanayan ng gawaing pankalusugan.
Pangkat 3 Gumawa ng talahanayan ng gawaing pangkaligtasan..
Pangkat 4- Gumawa ng slogan tungkol sa pagsunod sa mga tuntuning
pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop.
3.3 Pag- uulat ng bawat pangkat. Pagbibigay reasksyon ng mga mag-aaral sa
pagsubaybay ng guro.
4.Paglalapat
Sagutin . Isulat ang mga kabutihang dulot ng pagsunod sa mga tuntuning
pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop.

Kabutihang Dulot ng Pagsunod sa mga


Tuntuning Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa
Pag-aalaga ng Hayop

5.Paglalahat
Ano ano ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-
aalaga ng hayop?

IV-PAGTATAYA:
Lagyan ng T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung mali.
________1. Gumamit ng mga kasangkapan na nasa maayos na kondisyon.
________2.Maglagay ng takip sa bibig at ilong kung gumagamit ng mga pamatay
peste sa alagang hayop
________3.Gumamit ng damit pantrabaho at bihisan pagkatapos gumawa.
_______4. Kumain ng hindi naghuhugas ng kamay.
________5. Hayaang nakakalat ang mga kagamitan sa isang lugar.

V- TAKDANG ARALIN
Gumawa ng poster tungkol sa mga panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop.

LCM 2017-2018 Page | 89


MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay Para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan________________ Baitang at Pangkat_________


Iskor___________________ Mastery__________________

Gawain 1

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung naisagawa ang sumusunod na panuntunang


pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop at ekis (X) naman
kung hindi.

______1. Tiyaking malinis ang kulungan at lalagyan ng pagkain ng mga alaga upang
hindi magkasakit.
______2. Kailangan idisimpek ang kulungan upang mamatay ang mga mikrobyong sanhi
ng sakit.
______3. Ibukod agad ang manok na mahina at sakitin upang hindi makahawa ng iba.
______4. Sunugin o ibaon sa lupa ang mga patay na hayop sanhi ng sakit.
______5.Tiyaking malinis ang lahat ng kagamitan bago magsimulang gatasan ang
baka..

Gawain 2
Lagyan ng puso ang bilang ng pangungusap kung naisagawa ang tuntunin
at tala kung hindi.

_______1.Naisagawa ko ba ang wastong tuntunin sa sanitasyon tulad ng maayos


na pagtatapon ng mga dumi?
_______2.Nagawa ko bang sumangguni sa sa Bureau of Animal Industry kung may
sakit ang alagang hayop?
_______3.Nagawa ko bang idisimpek lahat ng kagamitan sa kulungan ng hayop?
________4.Nabigyan ko ba ng sapat na pagkain at inumin ang alagang hayop?
________5.Hinayaan ko bang magutom at maulanan ang mga batang kambing na
inalagaan ko?

LCM 2017-2018 Page | 90


EPP 5 - AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 29

TALAAN NG PAGLAKI NG ALAGANG HAYOP GAYA NG PUGO

I.LAYUNIN
Natatalakay ang pag-aalaga ng hayop gaya ng pugo gamit ang isang talaan.
Nakagagawa ng isang talaan tungkol sa paglaki ng alagang hayop gaya ng pugo.
Napahahalagahan ang kaalamang natutunan sa .paksang tinalakay.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Talaan ng Paglaki ng Alagang Hayop Gaya ng Pugo
Sanggunian : K to12 BEC 2.8.3 EPP 5 AG 01-17 p 20
Agap at Sikap 6 Instructional Materials Development Center pp108-110
Unang Edisyon 1988
Kagamitan: larawan ng mga alagang pugo
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa hayop

III. PAMAMARAAN
A.PANIMULANG GAWAIN
1.Panalangin
2.Pag - ulat ng liban
3.Pagsasanay
Ayusin ang mga letra upang mabuo ang tamang salita na may
kinalaman sa pag-aalaga ng hayop.
a. GAKULUN
b. AGPAKIN
c. AGULNG
d. HAPANYUPAHAG
e. HALI
4.Balik- aral
Ano ano ang mga tuntuning pangkalusugan at pang kaligtasan sa pag-
aalaga ng hayop?
B. PANLINANG NA GAWAIN
1..Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng pugo. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?

http://www.google.com.ph/search?
q=larawan+ng+mga+hayop&biw=1024&bih=499&tbm=isch&
2.Paghawan ng Balakid
Kulungan- tirahan ng mga alagang pugo na yari sa chicken wire
Talaan- listahan ng mga pagbabagong nagaganap sa bawat araw ng
alagang pugo.
3.Paglalahad

LCM 2017-2018 Page | 91


3.1 Pagtalakay sa pag-aalaga ng pugo gamit ang talaan.
Halimbawa ng Talaan
Gulang Pugong Hapon Pugong Kano
(bawat isa) (bawat isa)
1-15 araw 2 ½ X 2 ½ pulgada 2 ½ X 2 ½ pulgada
16-35 araw 3X3 pulgada 3½X3½

36-araw o higit pa ½ X 3 ½ pulgada 4½X4½

3.2 Pangkatang Gawain


Sa pamamagitan ng ibinigay na halimbawa na talaan bawat
pangkat
ay gagawa ng graph.
3.3 Pag ulat ng bawat pangkat ayon sa kanilang ginawa.
4.Paglalapat
Lagyan ng tsek (/) kung tama ang isinasaad ng pangungusap at ekis(X) kung
mali.
_______1. Bigyan ng sapat na kulungan ang alagang pugo.
_______2. Gawing katamtaman ang dami ng patukang ipakakain sa alagang
pugo habang lumalaki.
_______3. Mas malaki ang pugong Hapon kaysa pugong Kano.
_______4. Alagaan ng may pagmamahal ang alagang pugo.
______ 5. Pabayaan lamang na pagala gala sa kulungan ang alagang pugo.
5.Paglalahat
Bakit mahalagang subaybayan ang paglaki ng alagang pugo?

IV-PAGTATAYA:
Sagutin ang mga tanong ayon sa talahanayan na nasa itaas.
Gulang Pugong Hapon Pugong Kano
(bawat isa) (bawat isa)
Habang sisiw pa 7 gramo/araw 10 gramo/araw
Habang pinalalaki 17 gramo/araw 32 gramo/araw
Habang nagigitlog 23 gramo/araw 45 grmo/araw
1.Ilang gramo ng patuka ang ipakakain sa pugong Kano habang sisiw pa?
2.Habang pinalalaki ang pugong Hapon ilang gramo ng patuka ang dapat
ipakain?
3.Ang pugong Kano ang dapat pakainin ng _________habang nagigitlog.
4. Ilang gulang dapat pakainin ng 7 gramo ng patuka ang pugong Hapon?
5. Anong uri ng pugo ang pinakakain ng 23 gramo ng patuka habang
nagingitlog?

V- TAKDANG ARALIN
Makipagpanayam sa mga may alagang hayop gaya ng manok, itik at iba pa
kung paano nila inaalagaan ang kanilang mga alagang hayop.

MUNGKAHI SA PAGTUTURO

LCM 2017-2018 Page | 92


Karagdagang Pagsasanay Para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan_____________ Baitang at Pangkat_________

Iskor_________________ Mastery__________________

Gawain 1
Ibigay ang mga datos na maaring itala upang masubaybayan ang paglaki ng
alagang hayop.

Mga Datos na Dapat

Itala

Gawain 2
Magbigay ng mga kabutihang dulot ng pagtala ng mga pagbabago sa alagang
hayop.
1.
2

3.

4.

5.

Gawain 3
Makipapanayam sa mga may alagang hayop. Tanungin kung ano ginagawa nila
upang malaman ang paglaki ng mga alagang hayop.

EPP 5 - AGRIKULTURANG GAWAIN

LCM 2017-2018 Page | 93


IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 30

PLANO SA PAGPAPARAMI NG ALAGANG HAYOP


I.LAYUNIN:
Natatalakay ang kahalagahan ng pagpaplano sa pagpaparami ng hayop.
Nakagagawa ng plano sa pagpaparami ng hayop
Napahahalagahan ang ginawang plano sa pagpaparami ng hayop.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Plano sa Pagpaparami ng Alagang Hayop
Sanggunian : K to12 BEC 2.8.4 EPP 5 AG 0i-17 p 20
Makabuluhang Gawain Pantahnan at Pangkabuhayan 4 p.95
Kagamitan: larawan ng mga alagang pugo
Pagpapahalaga: Pagkamalikhain

III. PAMAMARAAN
A.PANIMULANG GAWAIN
1.Panalangin
2.Pag - ulat ng liban
3.Pagsasanay
Bakit mahalagang sundin ang mga panuntunang pagkalusugan at
pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop?
4.Balik- aral
Ayusin ang mga titik upang mabuo ang tamang salita.Ito ay may
Kinalaman sa pagkuha ng talaan sa pag-aalaga ng pugo.
1. MTINGAB 4. KIAL
2. NGGUAL 5.IHAL
3. GATIB
B. PANLINANG NA GAWAIN
1..Pagganyak
Naranasan na ba ninyong gumawa ng proyekto sa paaralan na walang
plano kung ano ang mga gagawin? Nagtagumpay ba kayo o hindi? Pag-
aralan ang larawan. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?

http://www.google.com.ph/search?
q=larawan+ng+mga+hayop&biw=1024&bih=499&tbm=isch&tbo=u&source=univ&sa=X&
ved=
2.Paghawan ng Balakid
Plano- isang balangkas ng mga gawain.
3.Paglalahad
3.1 Pagtalakay tungkol sa mga gabay sa pagpaplano sa pagpaparami ng
alagang hayop
a. Uri ng hayop
b.Kapaligiran

LCM 2017-2018 Page | 94


c.Lugar
d. Pagkain
e. Uri ng produkto
e.Kikitain
3.2 Pagtalakay sa halimbawa ng mga bahagi ng plano sa pagpaparami ng
hayop.
1- Pangalan ng Proyekto
II- Layunin
III -Larawan ng Proyekto
IV- Mga Kagamitan
VI- Mga Hakbang sa Paggawa
VII-Talaan ng Ginastos
Kabuuan
Pagtutuos ng Kinita
Halaga ng Pinagbilhan
Halaga ng Ginastos
Halaga ng Kikitain
3.3 Pangkatang Gawain
Bawat pangkat ay pipili ng hayop na maaring paramihin. Gumawa
ng plano ng pagpaparami tungkol sa napiling hayop.
3.4 Pag-ulat ng bawat pangkat. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa
pagsubaybay ng guro.
4.Paglalapat
Tseklist para sa Ginawang Plano
Pamantayan Oo Hindi
1. Nakasunod ka ba sa mga bahagi ng plano ng
pagpaparami ng hayop?
2. Napanatili bang maayos at malinis ang lugar
na ping-gawaan?
3. Angkop ba ang ginawang layunin sa
pagpaparami ng hayop?
4. Angkop ba ang mga kagamitan na gagamitin
sa paggawa ng plano?

5. Natitiyak ba na mapaparami mo ang hayop


na napili?

5.Paglalahat
Bakit mahalagang magkaroon plano ang isang gawain bago simulan?

IV-PAGTATAYA:
Panuto: Ibigay ang tamang sagot.
________1. Dito makikita ang talaan ng mga materyales na kakailanganin sa
paggawa.
________2. Ito ang gagabay upang magawa ng isang plano.
________3. Dito malalaman kung magkano ang halagang nagastos at kikitain.
________4. Ito ang bahaging magtuturo kung paano gagawin ang isang
proyekto.
________5. Dito malalaman kung anong proyekto ang iyong gagawin.

V- TAKDANG ARALIN
Makipagpanayam sa mga may alagang hayop gaya ng manok, itik at iba pa
kung may sinusunod silang plano sa pagpaparami ng hayop.

LCM 2017-2018 Page | 95


MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay Para sa Malalim na Pagkatuto

Pangalan________________ Baitang at Pangkat_________


Iskor___________________ Mastery__________________

Gawain 1. Ibigay ang mga bahagi ng plano sa pagpaparami ng hayop.

Bahagi ng Plano sa
Pagpaparami
ng Hayop

Gawain 2. Magbigay ng mga kabutihang dulot ng pagsunod sa plano ng mga gawain.

1.

3.

4.

5.

LCM 2017-2018 Page | 96


Gawain 3. Hanapin sa palaisipan ang mga salik sa pag-aalaga ng hayop.

K U L U N G A N
A P A K I O P M
G D A D T D S L
A R H N S T K A
M T R T A V F H
I G P B R H G I
T U E I O N O T
A P A G K A I N
N T B K E Y S L
N E Y I N G H O

EPP AGRIKULTURANG GAWAIN


IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 31

LCM 2017-2018 Page | 97


PALATANDAAN NG ALAGANG HAYOP NA MAAARI NANG IPAGBILI

I.LAYUNIN
Naipaliliwanag ang palatandaan ng alagang hayop na maaari nang ipagbili
Naisasagawa ang pangkatang gawin tungkol sa mga palatandaan ng alagang
hayop na maaari nang ipagbili
Nabibigyang halaga ang kaalaman tungkol sa mga palatandaan ng alagang
hayop na maaari nang ipagbili

II.PAKSANG ARALIN
Paksa: Palatandaan ng Alagang Hayop na Maaari nang Ipagbili
Sanggunian: BEC 2.9.1, EPP5AG-Oj-18, p.20
https://www.scribd.com/doc/83891320/EPP-V
Kagamitan: Mga larawan, tsart
Pagpapahalaga: pagkamasipag

III.PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-ulat ng Liban
3. Pagsasanay
Ano ano ang mga tuntuning pagkaligtasan at pangkalusugan sa pag-aalaga
ng hayop?

4. Balik-aral
Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang mabuo ang uri ng hayop na
maaaring ipagbili.

dais amibngk

nokma otap

abak guop

bawkala ikbi

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak

https://www.google.com.ph
Tignan natin ang mga larawan. Ano ang napapansin ninyo dito?
Sa mga larawan na ito, alin dito ang maaari nang ipagbili? Bakit?

2. Paghawan ng Balakid
Palatandaan - senyales
Matagumpay - nakamit
Nangangasiwa - nangangalaga

LCM 2017-2018 Page | 98


3. Paglalahad
3.1.Pangkatang Gawain
May mga strips ng cartolina sa mesa, kukunin ng bawat pangkat at
bubuo ng pangungusap tungkol sa palatandaan ng alagang hayop na maaari
nang ipagbili.
Unang Pangkat

Ang pag-aalaga ng hayop ay Nakadaragdag-kita.

Pangalawang Pangkat

Ang baboy ay maaaring ipagbili

kapag mayroong apat na buwan

at katamtamang laki.

Ikatlong Pangkat

Ang
Ang tilapya
tilapya
tilapya ay
ay maaaring ipagbili sa

loob ng tatlo hangang apat na buwan.

Ikaapat na pangkat

Ang baka ay maaaring ipagbili sa

loob ng anim na buwan.

Ikalimang Pangkat

Ang hito ay maaaring ipagbili sa

loob ng apat na buwan.

3.2. Pagbasa ng bawat pangkat sa kanilang nabuong pangungusap


3.3. Masusing talakayan
4. Paglalapat
Ano ang palatandaan ng mga sumusunod na alagang hayop kapag maaari
nang ipagbili?
a. Baboy
b. Kambing
c. Bibe

5. Paglalahat
Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit kailangan natin ipagbili ang mga alagang hayop sa takdang panahon? Ano
ang kahalagahan nito?

LCM 2017-2018 Page | 99


2. Bakit kailangan natin maging masipag at matiyaga kapag mag-aaalaga tayo ng
hayop?

IV. PAGTATAYA
Isulat ang tamang sagot sa patlang
______1. Anong K ang ginagamit para hindi gumala at nakakapanira ang mga
alagang hayop?
______2. Anong T ang pinaglalagyan ng inuman ng alagang hayop?
______3. Anong K ang maaring gawing kulungan ng manok?
______4. Anong P ang maaaring ibubong sa kulunga ng pugo
______5. Ang N na ito ay mainam gamitin sa paggawa ng kulungan.

V. TAKDANG-ARALIN
Magtipon ng bababasahin na galing sa Technology and Livelihood Resource
Center (TLRC) tungkol sa pag-aalaga ng iba’t ibang hayop na angkop sa kakayahan ng
mag-anak. Ibahagi ito sa susunod na pagkikita.

Mungkahing Gawain

Karagdagang Pagsasanay Para sa Malalim na Pagkatuto

LCM 2017-2018 Page | 100


Pangalan:__________________________ Baitang:__________________________
Iskor:______________________________ Mastery:_________________________

Gawain 1

Panuto: Ipaliwanag sa isang maikling pangungusap ang mga palatandaan ng


alagang hayop o isda na maaari nang ipagbili.

1. Pugo - ___________________________________________________________
2. Manok - _________________________________________________________
3. Kambing - ________________________________________________________
4. Hito - ____________________________________________________________
5. Karpa - __________________________________________________________

Gawain 2

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Gumawa ng istratehiya sa pagsasapamilihan ng mga alagang hayop o isda
na maaari ng ipagbili
2. Paano mo ito mapapangasiwaan?
3. Ipaliwanag ang online selling? Paano ito isinasagawa?

EPP-5 AGRIKULTURANG GAWAIN


IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 32

LCM 2017-2018 Page | 101


MGA ISTRATEHIYA SA PAGSASAPAMILIHAN NG PRODUKTONG HAYOP

I.LAYUNIN
Natatalakay ang mga estratehiya sa pagsasapamilihan ng produktong hayop.
Nakagagawa ng istratehiya sa pagsasapamilihan ng produktong hayop.
Nabibigyang halaga ang mga estratihiya sa pagsasapamilihan ng produktong
hayop.

II. PAKSA ARALIN


Paksa:Mga Istratehiya sa Pagsasapamilihan ng Produktong Hayop
Sanggunian:K to 12 BEC 2.9.2, EPP5AG-OJ-18 p20
Makabuluhang Gawain sa edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
pp136-137, May akda:Cleofe B. del Castillo
Kagamitan:Larawan ng ibat ibang istratehiya ng pagbebenta ng produkto..
Pagpapahalaga:Pagkamaparaan

III. PAMAMARAAN

C. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2.Pag-ulat ng liban
3.Pagsasanay
Magbigay ng mga paraan ng pagbebenta ng produkto.
Hal. Manok, karne, isda. Itlog
4.Balik-Aral
Anu-ano ang mga palatandaan na maari ng ipagbili ang iyong alagang
hayop?

D. PANLINANG NA GAWAIN
5. Pagganyak
Sinu sino sa inyo ang nakaranas nang magbenta ng anumang uri
produkto sa palengke?
Pagpapakita ng larawan ng ibat ibang paraan ng pagbebenta ng
produktong hayop.(itlog karne,atbp)file name (B.E.C 2.9.2)

6. Paghawan ng balakid
Sales talk---- mga salitang pang akit upang mabili ang produkto.
Online sales---- paggamit ng internet upang maipagbili ang
produkto
Hal. LAZADA,, SULIT.COM
T.V Advertisement – Paggamit ng media o television
Whole sale—pakyawan
Retail—tingiang pagbebenta

3. Paglalahad
3.1 Pangkatang gawain:Igrupo ang klase sa una hanggang limang
pangkat.
Pagawain ang bawat pangkat ng mga istratehiya sa pagbebenta
ng produktong hayop.Maaaring isadula o isulat sa manila paper.
Pangkat 1 online marketing
Pangkat 2 retail
Pangkat 3 whole sale

LCM 2017-2018 Page | 102


Pangkat 4 T.V advertisement
Pangkat 5 house to house marketing

3.2 Pag-uulat ng bawat pangkat sa kanilang natapos na gawain.


Pagbibigay reaksyon ng kapwa mag-aaral at pagsubsybay ng
guro.
4. Paglalapat
Bakit mahalagang malaman ang ibat-ibang istratehiya sa
pagsasapamilihan ng mga produkto?

5. Paglalahat
Ang paggamit ng ibat-ibang istratehiya ay makakatulong sa
pagbebenta ng produkto upang mahikayat ang mas marami pang
mamimili.
Ang paggamit ng ibat ibang istratehiya ay makakatulong sa
pagbebenta ng produkto sa mataas na halaga.

IV. PAGTATAYA
Isulat ang tamang sagot sa puwang.
____1.Ito ay pagbebenta ng produkto ng lahatan.
____2.Pagbebenta gamit ang internet.
____3.Ang produkto ay ipinagbibili ng papiraso.
____4.Paggamit ng media.
____5.Paggamit ng matatamis na salita sa pagbebenta ng produkto.

V. TAKDANG ARALIN
Gumupit sa magazine o pahayagan na nagpapakita ng istratehiya sa
pagsasapamilihan.

MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

LCM 2017-2018 Page | 103


Pangalan___________________ Baitang at Pangkat______
Iskor_______________ Mastery__________

GAWAIN 1
Lagyan ng tsek kung ang isinasaad ay tama.at ekis naman kung mali.

-----1.Dalhin ang produkto ng maaga sa pamilihan habang ito ay sariwa.

------2.Ang produktong itlog ay binabalot sa plastic bag.

-------3.Tataas ang kalidad ng produkto kung ito ay ebebenta gamit ang internet.

------4.Mabilis ang paninda kung ito ay pakyawan.

-------5.Dapat sumunod sa kalakarang presyo ng anumang produkto.

GAWAIN 2

Magbigay ng opinyon sa mga katanungan sa ibaba.

A. Kung ikaw ay papipiliin anong istratehiya ang iyong gagamitin sa pag


titinda ng iyong produkto? At bakit?

B. May kapansanan ang iyong magulang kung kayat hirap silang dalhin ang
inyong produkto sa pamilihan.Ano ang gagawin mo upang ikaw ay makatulong
sa kanila?

EPP5-AGRIKULTURANG GAWAIN
IKALAWANG MARKAHAN
Banghay Aralin Bilang 33

LCM 2017-2018 Page | 104


MGA PARAAN NG PAGTUTUOS NG PUHUNAN,GASTOS AT KITA

I. LAYUNIN
Natatalakay ang mga paraan sa pagtutuos ng puhunan,gastos at kita.
Naisasagawa ang wastong paraan ng pagtutuos ng puhunan,gastos at kita.
Nabibigyang halaga ang pagtutuos ng puhunan,gastos at kita.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa:Mga Paraan ng Pagtutuos ng Puhunan,Gastos at Kita
Sanggunian:K to 12 BEC 2.9.3, EPP5AG-Oj-18 p20
Makabuluhang Gawain sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
pp.84-86
May akda (Cleofe B. del Castillo, et al)
Kagamitan:Calculator , talaan na nagpapakita nang wastong paraan ng pagtutuos
ng ginastos at kinita.
Pagpapahalaga:Makapag impok mula sa kita

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pag-ulat ng liban
3. Pagsasanay
Pagkwekwenta ng mga bata sa mga sumusunod na gastusin.
Kulungan at sweldo sa karpintero—4,000
Pagkain------------------------------------ 6,000
Pamasahe------------------------------------200
Sahod ng tagapag alaga—------------8.000
4. Balik-Aral
Anu-ano ang mga istratehiya sa pagsasapamilihan ng mga alagang
hayop?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
Ayon sa isinagawang pagsasanay matapos kwentahin ang mga
gastusin anong mga datos ang kailangan mo upang mabatid kung
kumita
o hindi kumita?

2. Paghawan ng balakid
Vitamins/antibiotics--- gamot na ibinigay upang lumusog at
malayo sa sakit.
Labor cost-------------- sahod ng tagapag alaga
Animal feeds-----------pagkain ng hayop
Transportation---------sasakyan para sa produkto
Expenses--------------gastusin
Capital------------------puhunan
Total sales------------ kabuuang benta
Net profit---------------kabuuang kita
3. Paglalahad
3.1.Halimbawa ng pagkwenta sa ginastos at kita.
. Gamot at bitamina----P1000
Pagkain/feeds----------P5000

LCM 2017-2018 Page | 105


Tubig at kuryente------P2000
Serbisyo------------------P2000
Pamasahe-----------------P200

Kabuuang gastos_______
Kabuuang benta P18,000
Kabuuang kita= kabuuang benta—kabuuang gastos=_________
3.2. Pangkatin ang bawat grupo ayon sa kanilang inalagaang hayop at
isagawa ang wastong pagtutuos ng mga ginastos,puhunan at kita
gamit ang manila paper at pentelpen.
3.3.Pag-uulat ng bawat pangkat.
4. Paglalapat
Bakit mahalagang malaman ang gastusin sa pag-aalaga ng hayop?
Paano mo malalaman kung ikaw ay kumita sa iyong produkto?
5.Paglalahat
Anu ano ang mga hakbang sa pagtutuos ng puhunan,gastos at kita?

IV.Pagtataya
Ipatuos sa mga bata ang mga datos sa ibaba

A.Mga ginastos:

Halaga ng pagkain ng hayop-----P1500


Halaga ng gamut at bitamina-----P1000
Bayad sa kuryente at tubig------- P 800
Bayad sa serbisyo------------------P 1500
Pamasahe sa produkto------------P 200
________________________________

Kabuuang gastos___________________

B. Pinagbentahan ng produkto P12,000


C.Kabuuang kita = B--A= ________________

V. Takdang Aralin
Gumawa ng halimbawa ng talaan ng gastusin sa inalagaang hayop.

MUNGKAHI SA PAGTUTURO

Karagdagang Pagsasanay para sa Malalim na Pagkatuto

LCM 2017-2018 Page | 106


Pangalan___________________ Baitang at Pangkat______
Iskor_______________ Mastery__________

GAWAIN 1

Ipatuos sa mga bata ang mga sumsusunod at sundan ang halimbawa sa ibaba

A Mga ginastos: Kulungan------P1000.00

Pagkain--------P3000.00

Gamot/bitamina-400.00

Serbisyo ------P 1500.00

. Pamasahe-----P 300.00

70 Sisiw-------P 700.00

B.Bilang ng naitindang ulo ng itik---70 ulo ng itik

Halimbawa ng pagtutuos:

A.Kabuuang gastos – P8,000

B.Bilang ng manok na naitinda –80 ulo ng manok

C.Puhunan sa isang manok

--P8,000/80= P100

D.Halagang idadagdag sa puhunan

100 x 0.15 = P15.00 (15 Percent na pinaiiral ng batas na idadagdag sa

puhunan).

E.Halagang ititinda sa bawat ulo ng manok

P100.00 + P15.00 = P115.00

F.Kabuuang benta

P115.00 X 80 ulo ng manok =P9,200.00

G.Kabuuang kita

P9,200.00 – P8,000.00 = P1,200.00 Kita

GAWAIN 2

Basahin ang mga suliranin sa ibaba at hanapin ang kabuuang kita.

LCM 2017-2018 Page | 107


1.Nakita ni Jay na marami na ang itlog ng kanyang alagang pugo, kung kaya
agad nya itong dinala sa palengke upang ebenta.Ang kanyang kabuuang benta
ay P400.00.samantalang ang puhunan nya ay P435.00, Sa inyong palagay
kumita ba sya o hindi at Bakit?
2.Alamin ang kabuuang kita sa mga sumusunod na datos.

A.Mga ginastos:

Halaga ng10 ulo ng sisiw --- P150.00

Patuka –P200.00

Gamot – P100.00

B.Kabuuang benta P720.00

C.Kabuuang kita ____________

LCM 2017-2018 Page | 108

You might also like