You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN

SA
EDUKASYONG PANTAHANAN
AT PANGKABUHAYAN
(AGRIKULTURA)

May-akda :

IRENE C. NICOLAS
San Agustin Elementary School

Sinuri ni:

DR. RANDY G.
TAGAAN
Principal IV
Iniwasto ni: Sinang-ayunan ni:

MAYA P. SABINIANO
DR. SALVE T. IMPERIAL
MT-I / QCEPPTA President
Public School District Supervisor

Higit na Sinang-ayunan ni:

ROGER S. TAMONDONG
Education Program Supervisor, EPP/TLE (ELEM)
Banghay Aralin sa EPP 5
AGRIKULTURA

1.6.2 Paggawa ng organikong pagsugpo ng peste at kulisap

I. LAYUNIN

1. Natatalakay ang masistemang paggawa ng organikong pangsugpo ng mga peste at


kulisap
2. Naisasagawa ang masistemang paggawa ng organikong pangsugpo ng mga peste at kulisap
3. Napapahalagahan ang kahalagahan ng organikong pangsugpo ng mga peste at kulisap

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa : Paggawa ng Pangsugpo ng mga Peste at Kulisap
Sanggunian : K to 12 CG p. 18 -EPP5AG-Oc-6 ,
Batayang Aklat ph.70-75 , Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 6 ph. 101-
103,

Online Resources: https://youtu.be/IFm-13V2K2o, https://www.slideshare.net,


https://www.yumpu.com/en

Kagamitan : video presentation, sample ng organic fertilizer at Urea, telebisyon


tsart ,
Araw: 2

Integrasyon: Science, Filipino, EKAWP

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain
1. Balik- Aral
Bakit maraming magsasaka o nagtatanim ng mga halaman ang gumagamit ng sistemang
intercropping?
2. Pagsasanay
Itala ang mga kabutihang dulot ng Bio-Intensive Gardening.

Bio-Intensive Gardening
3. Pag-alis ng Balakid
COMPOST PIT
 Ito ay isang lalagyan ng pinagsama-samang mga nabubulok na basura katulad
ng dumi ng hayop, dahon, balat ng prutas,damo at iba pa
BASKET COMPOSTING
 Isang paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang lalagyan.
COMPOST
 Isang uri ng pataba (organic fertilizer) na nagmumula sa nabulok na mga
halaman, basura, dumi ng hayop at anumang uri ng organikong materyal.

B. Gawaing pagganap
1. Pagganyak
Ipakita ang halimbawa ng organikong abono at kemikal na abono (Urea). Ano ang
pagkakaiba ng dalawang uri ng abono? Ano ang kahalagahan nito sa mga pananim. Ano-ano
kabutihang dulot at di-kabitihang dulot ng paggamit nito sa mga pananim?

Sa ating tahanan ay may mga basurang nabubulok tulad ng mga balat ng gulay at prutas. Ano
ang maaari nating gawin sa mga basurang nabubulok upang lubos na mapakinabangan?

C. Paraan ng Pagganap:

1. Pagpapalalim
Ipanood ang video https://youtu.be/IFm-13V2K2o
Magkaroon ng maikling talakayan patungkol sa pinanood na video. (Brainstorming) Paano tayo

makagagawa ng organikong abono?

Pangkatin ang mga mag-aaral at ipagawa ang gawain nasa baba:

UNANG ARAW:
Pangkat 1 :
Panuto : Itala ang mga kapakinabangan ng organikong abono?
1.

2.

3.

Pangkat 2 :
Panuto : Itala ang mga materyales at mga kasangkapan sa paggawa ng Basket Composting at
paggawa Compost Pit.
Mga Materyal sa Paggawa ng Organikong Abono

Paggawa ng Compost Pit Paggawa ng Basket Composting

Pangkat 3 :
Panuto : Itala ang mga hakbang sa Paggawa ng Compost pit.

1. 2.
3 .

4.
5.
:

Pangkat 4 :
Panuto : Itala ang mga hakbang sa Paggawa ng Basket Composting.

1. 2.
3 .

4.
5.
Pangalawang Araw:

Pangkat 1 & 2 :
Panuto : Ihanda ang inyong mga kagamitan at mga materyales sa paggawa ng Basket
Composting. Magtulungan ang bawat miyembro nang maisakatuparan at matapos ang gawain
sa takdang oras.

Pangkat 3 & 4 :
Panuto : Ihanda ang inyong mga kagamitan at mga materyales sa paggawa ng Compost Pit.
Magtulungan ang bawat miyembro nang maisakatuparan at matapos ang gawain sa
takdang oras.

Tseklist Sa Paggawa :
Antas ng Kahusayan
KRITERYA : 1 2 3 4 5
1.Maayos ba ang pagkakagawa ng basket
Compost o ng Compost Pit?
2.Maayos bang nagamit ang mga kagamita at
mga materyales sa paggawa?
3.Malinis ba ang lugar na pinaggawaan?
Kabuuan:

Bakit mahalaga ang organikong abono sa mga pananim? Paano ito


nakatutulong sa paglago ng mga pananim?

D. Paglalahat
Ano-ano ang mga pakinabang sa paggawa ng organikong abono?
Bakit mas maiging gamitin ang mga organikong pataba kysa sa mga kemikal na
pataba?

IV. PAGTATAYA
Panuto : Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Ilang metro ang lapad dapat ng isang compost pit?
a. 1 metro b. 2 metro c. 5 metro
2. Ano ang ipangtatakip sa compost pit kapag umuulan?
a. Dahon ng malunggay
b. Dahon ng saging
c. Dahon ng gabi
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan kung bakit kailangan lagyan ng pasingawan na
kawayan ang compost pit?
a. Para masikatan ng araw ang compost pit
b. Para mahanginan ang compost
c. Para madaling mabulok ang basura
4. Bakit kailangang diligan ang ibabaw ng compost pit?
a. Para maging malambot ito
b. Para pumatag ito
c. Para maging mamasa – masa ito
5. Ilang buwan ang kailangan hintayin bago magamit ang abono sa compost pit?
a. 1 buwan b. 2 buwan c. 3 buwan
V. KARAGDAGANG GAWAIN

1. Magsaliksik pa ng mga iba pang paraan ng paggawa ng organikong abono.


2. Pag-aralan at itala ang masistemang paraan ng pag-aani ng mga tanim sa pahina 76 – 78 ng inyong
batayang aklat.

You might also like