You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

LESSON EXEMPLAR IN EPP 4 – AGRIKULTURA


PRE-TEST

Panuto: Ang mga sumusunod ay mga karaniwang basura sa ating


tahanan. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ito ay
maaaring gawing patabang organiko at ekis (x) kung
hindi.

_____1. balat ng saging


_____2. plastic cup
_____3. pinaglinisan ng isda
_____4. tuyong dahon
_____5. damo
_____6. pinagbalatan ng mga gulay
_____7. plastic bottles
_____8. styro cups
_____9. paper bags
_____10. balat ng itlog

LESSON EXEMPLAR IN EPP 4 – AGRIKULTURA


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Buwan: ______________ Petsa: _______________
Bilang ng araw: 1

Aralin : PAGGAWA NG ORGANIKONG PATABA (Composting)

I. LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa
pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang gawaing
pagkakakitaan.

B. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at
pagsasapamilihan ng halamang ornamental sa
masistemang pamamaraan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


1.8 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng
tanim. (EPP4AG-0e-8)

1.81 pagdidilig, pagbubungkal ng lupa, paglalagay


ng abono, paggawa ng abonong organiko
atbp.
Pagpapahalaga: Pagiging maingat sa paggawa

II. NILALAMAN:
Paggawa ng Organikong Pataba (Composting)

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian:

1. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


Gabay ng Guro pp.158-160

2. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


Kagamitang ng Mag-aaral pp 366-374

3. Compendium of Notes in Agriculture Grade.4- p.11-12

B. Iba pang Kagamitang Panturo:


TV,Video presentation, laptop, powerpoint presentation,
mga larawan, aktuwal na kagamitan

IV. PAMAMARAAN:
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin:


Natalakay sa nakaraang aralin ang dalawa sa masistemang paraan ng
pangangalaga ng tanim. Ito ay ang pagdidilig at pagbubungkal ng lupa.

Isa-isahin ang mga kagamitan sa paghahalaman at ang angkop nilang gamit.

Ano-ano ang masistemang paraan ng pagdidilig ng halaman?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Magpakita ng dalawang halaman. Ilarawan ang dalawang halaman. Ano kaya
ang kulang ng isang halaman?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Sa paghahalaman kailangan din ang abono upang maging mataba at


malago ang mga pananim. Ito ay maaaring magmula sa likas na yaman. Sa
pamamagitan ng composting ang mga sariwa o nabubulok na mga basura tulad
ng balat ng prutas/ gulay, dahon ng halaman at dumi ng mga hayop ay
pwedeng gawing abono.

Ang organikong pataba ay maganda sa lupa at halaman dahil ito ay


nakapagdadagdag ng water holding capacity ng lupa at nakapagpapataba ng
mga halaman. Kaya mainam na sa ating paghahalaman tayo ay mayroong
kaalaman sa paggawa ng organikong pataba sa pamamagitan ng paggawa ng
compost.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #1

Organikong Pataba o Composting ay isang uri ng pataba o organic fertilizer


na nagmula sa nabulok na mga halaman, basura, dumi ng hayop at anumang
uri ng orkanikong materyal. Ito ay maganda sa lupa at halaman.
Nagpapadagdag ito ng water holding capacity ng lupa at nakapagpapataba ng
mga halaman.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Ang Compost Pit ay isang hukay kung saan nilalagay ang pinagsamang mga
nabubulok na basura tulad ng dumi ng
hayop, dahon, balat ng prutas o gulay, damo at iba pang nabubulok na
materyal.

Mga Paraan sa Paggawa ng Compost Pit


1. Humanap ng medyo mataas na lugar.
2. Hukayin ito ng 2 metro ang haba, luwang at lalim.
3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang
nabubulok at mga pinagbalatan ng gulay at prutas.
4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok at
baka.
5. Sabugan ito ng abo at patungan ng lupa.
6. Ulitin ang ganitong pagkasunod-sunod ng damo, nabubulok
na basura, dumi ng hayop, abo at lupa hanggang sa mapuno ang hukay.
7. Patagalin ng 3 buwan o higit pa upang mabulok. Kunin ang
mga compost sa pamamagitan ng pagsasalandra gamit ang
metal screen na maliliit ang butas.

Ganito ring pamamaraan ang gagawin sa paggawa ng compost heap. Ang


compost heap ay hindi nakabaon sa lupa.

Basket Composting ay pinagsamang mga nabubulok na basura para maging


organikong pataba sa isang sisidlan o lalagyan kung walang bakanteng lote.

Mga Paraan sa Paggawa ng Basket Composting


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at


haba na may isang metro ang lalaim.
2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong
dahon, dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng
mga hayop at lupa hanggang sa mapuno ang lalagyan.
3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang
kawayan upang mabulok kaagad ang basura.
4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito
pamahayan ng langaw at iba pang peste.
5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng
sisidlan para magsama ang lupa at ang nabubulok na mga bagay
pagkalipas ng isang buwan.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #2

Ang abono o pataba (fertilizer) ay mahalaga sa pananim. Pinagyayaman nito ang


lupa upang maging sapat ang sustansiyang taglay ng lupa na kailangan ng mga ugat
ng pananim.

Dalawang Uri ng Abono o Pataba (Fertilizer)


1. Organikong Abono o Pataba (Organic Fertilizer) na gawa sa mga
nabubulok na materyal, ligtas itong gamitin at mura ang halaga

2. Di-organikong Abono o Pataba (Inorganic Fertilizer) na may halong kemikal


at nabibili sa mga tindahan o palengke.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Ang organikong pataba ay mga pataba na katulad ng compost na galing sa


mga duming binulok na dahon ng mga halaman at iba pang mga bagay na maaaring
matunaw.

Samantalang ang di-organikong pataba tulad ng urea (46-0-1) at complete


fertilizer (14-14-14) ay inihanda sa prosesong kemikal at mekanikal, subalit
iminumungkahi na huwag masyadong gamitin sapagkat ito ay nakasisira at hindi
ligtas para sa tao

E. Paglinang sa Kabihasaan
Pagpapakitang turo ng guro sa wastong paggawa
ng organikong pataba sa pamamagitan ng basket composting.

Magbigay ng mga pagkalusugan at pangkaligtasang gawi sa


paggawa ng organikong pataba upang makaiwas sa
anumang sakit.

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ipabasa ang sitwasyon at sagutin ang katanungan.

Isang araw, nakita ni Mang Lito ang kanyang mga halamang ornamental
na naninilaw ang mga dahon at hindi namumulaklak. Kung ikaw ang anak ni
Mang Lito, ano ang sasabihin mo sa kanya? Bakit?

G. Paglalahat ng Aralin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano-ano ang mga masistemang pamamaraan sa pag-
aalaga ng halaman?

2. Ibigay ang mga hakbang sa paggawa ng organikong


pataba sa pamamagitan ng compost pit at compost heap.

3. Ano ang kabutihang naidudulot sa atin at sa ating


kapaligiran ang paggamit ng organikong pataba?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

Tandaan na sa pamamagitan ng composting, ang mga sariwa o mga


nabubulok na mga basura tulad ng balat ng prutas at gulay, mga tuyong dahon,
damo at dumi ng mga hayop ay pwedeng gawing abono. Ito ay tinatawag na
organikong abono na nakakaganda sa kalidad o uri ng lupang pagtataniman.

H. Pagtataya ng Aralin
Isasagawa ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan ukol sa paggawa
ng organikong pataba sa pamamagitan ng basket composting. Narito ang
pamantayan.

Pamantayan 5 3 1
1. Ginamit nang wasto ang mga
kagamitan sa paggawa.
2. Naisagawa ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang sa paggawa ng
compost.
3. Nasunod ng wasto ang mga
kaukulang pangkaligtasan at
pangkalusugang gawi sa
paggawa.

I. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Gumawa ng sariling compost pit/ compost heap sa inyong tahanan.


Magpakuha ng larawan o video habang ginagawa ito at ipadala ito sa guro.

V. Mga Tala
____________________________________________________________
____________________________________________________________

VI. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya


Kabuuang Bilang: _____ Nakakuha:______

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa


remediation
Kabuuang Bilang: _____ Hindi Nakakuha: _____

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa


aralin
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
Kabuuang Bilang: ______ Nakakuha:______

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito


nakatulong?
________________________________________________________

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking


punungguro at superbisor?

_________________________________________________________
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?
_________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

POST-TEST

Panuto: Ayusin ang mga jumbled letters para matukoy ang tamang
salita na inilalarawan ng bawat pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang.

1. NAOBO– kailangan ito ng mga halaman upang maging mataba at


malago ang mga pananim._________________________

2. NGITSOPOCM- sa pamamagitan nito, ang mga sariwa o mga


nabubulok na mga basura tulad ng mga balat ng prutas/gulay
dahon ng halaman at mga dumi ng mga hayop ay puwedeng
gawing abono.__________________

3. NGOAGROKIN ANOBO – uri ng abono na galing sa mga nabubulok


na bagay._____________________

4. TOSCOMP TIP- ito ay isang hukay kung saan nilalagay ang mga
nabubulok na bagay upang maging pataba. ____________

5. TEKABS MOPOCSNGIT- ito’y isang sisidlan kung saan nilalagay ang


mga nabubulok na bagay upang maging pataba.

B. Panuto: Isulat ang T sa patlang kung tama ang isinasaad ng


pangungusap at M naman kung ito ay mali.

_______1. May dalawang uri ng abono, ang organiko at diorganikong


abono.
_______2. Ang di-organikong pataba ay galing sa nabulok na prutas,
dumi ng hayop, mga nabubulok at iba pa.
_______3. Ang halaman ay kailangang bungkalin isa o dalawang beses
isang linggo.
_______4. Ang compost pit ay inilalagay sa maayos na lugar para
madaling makita ng mga tao.
_______5. Pinagpapatung-patong na damo, nabubulok na basura,
dumi, ng mga hayop, apog, o abo, at lupa ang tamang
paglalagay sa compost heap/pit.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

You might also like