You are on page 1of 12

EDUKASYONG PANTAHANAN

AT PANGKABUHAYAN 5
Agrikultura
Ika-unang Kwarter
Linggo 3

Development and Quality Assurance Team

Developer: Josephine P. Quevedo


Evaluator: Marife R. Garcia,Mavic P. Quijada ,Neriza C. Pagaura Learning
Area Supervisor: Encarnation M. Padua

Illustration Credits:

Title Page: Marieto Cleben V. Lozada Title


Page Graphics: Bryan L. Arreo Visual Cues:
Ivin Mae M. Ambo
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay.
(EPP5AG-0C-6)
1.5.1.pagdidilig
1.5.2.pagbubungkal
1.5.3. paglalagay ng abonong organiko

Mga Layunin:

1. Natutukoy ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay. tulad ng


pagdidilig,pagbubungkal at paglalagay ng abonong organiko.

2. Nailalarawan ang pagsasagawa ng masistemang pangangalaga ng tanim na mga


gulay.

3. Nabibigyang diin ang kahalagahan ng wastong pangangalaga ng tanim na gulay.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Leksyon

MASISTEMANG PANGANGALAGA NG TANIM NA MGA GULAY

www.sli deshare.net pangangalagangtanimnagulay

Ang pagtatanim ng mga gulay ay isang kapaki-pakinabang na gawain upang matustusan ang
pangangailangan ng pamilya. Ngunit kailangan din nating tandaan na may iba’t-ibang sistemang
pagsasagawa upang ito ay mapangalagaan.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

1
Narito ang mga masistemang pangangalaga ng mga gulay:

1.Pagdidilig
Ito ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga pananim upang mabuhay, lumaki
nang malusog at sagana sa bunga. Sa pamamagitan ng pagdidilig madali sa halaman na kumuha ng
bitamina kapag humalo na ito sa tubig. Ang tubig ay ang unang elemento na kinakailangan sa
pagsasagawa ng photosynthesis .Ito din ay magpapababa ng temperatura ng isang halaman upang
ito ay mabuhay sa sobrang init ng klima at nakatutulong din sa paglaki ng buto ng halaman.

www.slideshare.net/ElaineEstacio2/pangangalaganghalaman

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagdidilig


1. Diligan ang mga halaman araw-araw lalo na sa panahon ng tag-init. Ito ay maaring gawin sa umaga o
hapon.
2. Ingatan ang pagdidilig lalo na sa bagong punla upang maiwasang mapinsala at malunod ang ugat
ng mga ito.
3. Kung gagamit ng regadera siguruhing may maliit itong butas upang di-mapinsala ang mga bagong
lipat na punla.
4. Upang mapanatiling mamasa-masa ang lupa, diligan din ang lupang nakapaligid sa tanim.

Iba’t ibang Paraan sa Pagdidilig


1. Tradisyunal na Pagdidilig 2. Self-watering plants (DIY) 3.Pagpapatubig o Irigasyon

www.sli deshare.net.paraanngpangangalaganggulay

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

2
2.Pagbubungkal
Isa pang paraan na mahalaga ang pagbubungkal sa paligid ng halaman upang madaling dumami
ang mga ugat nito. Sa pamamagitan ng pagbubungkal madaling mararating ng tubig ang mga ugat.
Higit na malusog ang halaman kapag maraming ugat at maluwag na nakakapasok ang hangin sa
halaman at madaling makakapasok ang tubig sa mga ugat kasama ang sustansyang taglay ng lupa
tulad ng Nitroheno, Pospuros at Potasyom.

www.slideshare.net/ElaineEstacio2/pangangalaganghalaman

Mga Paraan sa Pagbubungkal ng Halamang Gulay

1. Bungkalin nang bahagya ang lupa sa paligid ng halaman upang makahinga ang mga ugat nito.
Maaring gawin ito sa umaga o sa hapon , isa o dalawang beses sa isang linggo.
2. Iwasang mapinsala ang mga ugat ng mga tanim na gulay sa pagbubungkal.

3. Gumamit ng angkop na kagamitan.

Angkop na kagamitan sa Pagbubungkal ng Tanim

1.Dulos - ginagamit sa pagbubungkal sa paligid


ng tanim ng mga punla. https://images.app.goo.gl/p3USUhJClyi NWqF9

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

3
2.Asarol ay ginagamit pangbubungkal sa kamang taniman.
https://images.app.goo.gl/JVib6pyaGvw1xkxWA

3.Tinidor ay ginagamit pangbungkal o pangbuhaghag ng lupa sa


paligid ng halaman. https://i mages.app.goo.gl /my2gcDQBNm2w2do6A

4.Traktura ay ginagamit sa pagbubungkal ng malawak na lupain


o taniman. https://images.app.goo.gl/LVa4CBEybaleW7

3.Paglalagay ng Abonong Organiko


Ito ay karagdagang paraan na kung saan ay napabubuti ang hilatsa ng lupa at malusog na
paglaki ng mga pananim. Ito ay napakaepektibong pataba na hindi magastos . Ito ay maaring mga
dumi ng hayop o compost. Maari mong gawin ang sarili mong compost. Ang basket composting ay isa
rin sa paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang lalagyan tulad ng compost pit. Maghugas nang
mabuti ng kamay pagkatapos maglagay ng abono.

www.slideshare.net/ElaineEstacio2/pangangalagang halaman

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

4
Mga Paraan sa Paglalagay ng Organikong Abono sa Tanim na mga Gulay

1. Ihalo ang organikong pataba sa lupa.

2. Ang pataba ay maaring ilagay bago magtanim, habang nagtatanim, o pagkatapos


magtanim.

3. Ilagay ang pataba habang maliit pa ang tanim bago ito mamunga.

ISAISIP

 Ang mga gulay ay nagbibigay ng magandang ani kung inaalagaan nang maayos ang mga
ito.
 Ang wastong pagdidilig sa mga halaman, pagbubungkal sa lupa nito at paglalagay ng
organikong abono ay mahalaga sa mga pananim.
 Gawing regular ang pagtanggal ng mga damong ligaw sa paligid ng halaman upang hindi nito
maagaw ang pataba at tubig na ibinigay para sa halaman.
 Subaybayan ang paglaki ng mga halaman at suriin ang kalagayan nito.

Gawain 1

Panuto: Basahan ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel:

1. Ingatan ang pagdidilig upang hindi mapinsala ang punong didiligan.

2. Upang manatiling mamasamasa ang lupa, diligin din ang lupang nakapaligid sa mga tanim.

3. Sa paghahalaman,binibigyan pansin ang wastong pangangalaga ng mga tanim. Isa na dito ang hindi
paglalagay ng abono sa mga tanim na gulay.

4. Isaisip natin na ang pagbubungkal ay nakatutulong upang madaling mararating ng abono ang mga
ugat. Higit na malusog ang halaman kapag maraming dahoon.

5. Sundin at isasagawa ang masistemang pangangalaga ng mga halamang gulay.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

5
Gawain 2

Panuto:Ilarawan ang mga sumusunod na masistemang pangangalaga sa tanim na gulay. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

6
Gawain 3

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Ibigay ang sagot at isulat ito sa
sagutang papel.

May halamanan ang nanay mo sa inyong bakuran. Napabayaan niya ito dahil sa dami ng
kanyang mga ginagawa araw-araw. Upang matulungan mo na mapangalagaan nang maayos
ang kanyang mga tanim, ano sa tingin mo ang nararapat mong gawin?

Rubrics sa Paggawa

Kategorya 5 3 1

Pagbuo ng Tuwiran at maayos Medyo di gaanong Hindi maayos ang


Kaisipan ang pagbubuo at tuwiran at maayos ang pagkabuo at
paglalahad ng pagkakabuo at pagkalahad ng
nilalayong kaisipan pagkalahad ng nilalayong kaisipan
nilalayong kaisipan

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

7
Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel
ang tamang sagot.

1. Upang maging malusog at maganda ang paglaki ng mga pananim na gulay, ilang beses sa isang
araw isinasagawa ang pagdidilig sa mga pananim?

A .isang beses B.
tatlong beses
C. apat na beses D.
dalawang beses

2. Ang mga sumusunod ay ang mga masistemang pangangalaga ng mga pananim maliban
sa:

A. pag-aabono B.
pagbubungkal C.
pagdidilig
D. pagpupunla

3. Anong paraan ng pangangalaga sa halaman ang maaring gawin upang makahinga ang
mga ugat nito?

A. pagdidilig B.
pagtatanim
C. pagbubungkal
D. paglalagay ng abono

4. Nagtanim ka ng gulay sa bakuran niyo, paano mo ito pangangalagaan upang magkaroon ng


masaganang ani?

A. Ilagay ang pataba kung malalaki na ang mga ito.


B. Bungkalin ng bahagya ang lupa sa paligid ng halaman.
C. Gumamit ng may malaking butas na regadera sa pagdidilig.
D. Diligan ito ng tatlong beses sa isang linggo upang hindi malanta.

5. Bakit mahalaga ang wastong pangangalaga ng mga pananim?

A.lalabo ang mga pananim B.


mapagkakitaan ng pamilya
C.magkaroon ng masaganang ani
D. madaling kapitan ng maraming peste

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

8
Susi sa Pagwawasto

Activity 1.

1. Tama
2. Tama
3. Mali 4.
Tama 5.
Tama

Activity 2.

Inaasahang sagot :

1.Epektibong paraan upang lumaking malusog at sagana sa bunga ang mga tanim.
2.Mahalagang pamamaraan upang higit na malusog ang mga pananim.
3.Mabisang paraan upang maging malusog ang mga tanim.

Activity 3.

Batay sa rubrics

Mga Sanggunian

Peralta,Gloria A. et al.Kaalaman at kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 MELCs ng


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5, EPP5AG-0b-
https://images.app.google/qMYCabLRGwNyViMF6
https://www.youtube.com/watch?v=ftlC_bhOjBM
https://www.youtube.com/watch?v=G3elQKTc5bA

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

9
Pangalan:____________________________ Baitang at Seksiyon: ____________
Paaralan:____________________________ LRN:____________________________
Guro:________________________________ Iskor:___________________________
Petsa ng Pagsagot:__________________ Pirma ng Magulang:____________
9

Sagutang Papel sa EPP 5


Agrikultura Kwarter
3 Linggo 3

Gawain 1
1. 4.
2. 5.
3.
Gawain 2
1.
2.
3.
Gawain 3

Pagsusulit

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.
1. 4.
2. 5.
3.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central
Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

You might also like