You are on page 1of 12

4

EPP(Agriculture)
Wastong Paraan sa Paghahanda at
Pagtatanim ng Halamang Ornamental
(Lesson 1 | Week 7)

Contextualized Learning Resource

Name: ______________________________
Grade and Section: ____________________

Republic of the Philippines | Department of Education


SCHOOLS DIVISION OF BAGO CITY
1|P ahi na
Republic of the Philippines
Department of Education
Schools Division of Bago City

TLE/EPP-AGRICULTURE 4 LEARNING PACKET

Kwarter 0 Linggo 7, Aralin 1

I. LAYUNIN:

• 1.8 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim


• 1.8.1 Paggawa ng abonong organiko atbp
• Competency Code: EPP4AG 0e 8

II. PAKSANG ARALIN:

PAKSA: Paggawa ng Organikong Pataba (Composting)

III. NILALAMAN:

Ang organikong pataba ay maganda sa lupa at halaman. Ito ay


nakapagdadagdag ng water holding capacity ng lupa at nakapagpapataba
ng mga halaman. Kaya mainam na sa ating paghahalaman tayo ay
mayroong kaalaman sa paggawa ng organikong pataba sa pamamagitan
ng paggawa ng compost. Maliban sa mura at ligtas ang paggamit ng
organikong pataba, maaari rin itong mapagkakakitaan. Sa panahon
ngayon, marami ang gumagamit ng organikong pataba sa kanilang mga
halaman.

IV. PANIMULANG GAWAIN:

PANUTO: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin kung ang mga
ito ay nabubulok o hindi nabubulok. Isulat ang N kung nabubulok at DN
kung hindi nabubulok.

2|P ahi na
1. ________________ 2. ________________ 3. ________________

www.google.com www.google.com www.google.com

4. ________________ 5. ________________ 6. ________________

www.google.com www.google.com www.google.com

V. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Sagutan ang mga tanong.


Larawan A Larawan B

www.google.com www.google.com

a. Ano ang maaari mong gawin sa mga bagay na nasa larawan A?


______________________________________________________
______________________________________________________
b. Pwede bang gamiting pataba ang mga bagay na nasa larawan B?
Bakit?
3|P ahi na
______________________________________________________
______________________________________________________

B. PAGLALAHAD

Sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba at


malabo ang mga pananim. Ito ay maaaring magmula sa likas na yaman.
Sa pamamagitan ng composting, ang mga sariwa o mga nabubulok na mga
basura tulad ng mga balat ng prutas/gulay, dahon nga halaman at mga
dumi ng mga hayop ay pwedeng gawing abono. Tinatawag itong
organikong abono. Ito ay nagpapaganda sa kalidad o uri ng lupang
pagtataniman.

C. PAGTATALAKAY

Pamamaraan sa Paggawa ng Compost Pit:

1. Humanap ng medyo mataas na lugar.

www.google.com

2. Hukayin ito ng 2 metro ang haba, luwang at lalim.

www.google.com
4|P ahi na
3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, nabubulok at mga
pinagbalatan ng gulay at prutas.

www.google.com

4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at baka.

www.google.com

5. Sabugan ito ng abo at patungan ito ng lupa.

www.google.com

6. Ulitin ang ganitong pagkasunod-sunod ng damo, nabubulok na


basura, dumi ng hayop, abo, at lupa hanggang sa mapuno ang hukay.

5|P ahi na
www.google.com

7. Patagalin ng 3 buwan o higit pa upang mabulok. Kunin ang mga


compost sa pamamagitan ng pagsasalandra gamit ang metal screen
na maliliit ang mga butas.

Ganito ring pamamaraan ang gagawin sa paggawa ng compost heap.


Ang compost heap ay hindi nakabaon sa lupa.

Pamamaraan sa Paggawa ng Basket Composting:

1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba.


May isang metro ang lalim.

www.google.com

2. Ikalat nang pantay ang mga pinapatong-patong na tuyong dahon,


dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop, at lupa
tulad din ng compost pit hanggang mapuno ang lalagyan.

6|P ahi na
www.google.com

3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan


upang mabulok kaagad ang basura.

www.google.com

www.google.com

4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang


hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.

www.google.com
7|P ahi na
5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan
para magsama ang lupa at ang nabubulok na mga bagay pagkalipas
ng isang buwan.

www.google.com

D. PAGSASANAY

Gawain A

PANUTO: Ibigay ang mga hakbang sa paggawa ng compost pit.

1. ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
2. ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
3. ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
4. ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
5. ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

8|P ahi na
6. ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Gawain B

PANUTO: Basahin ang sumusunod na hakbang sa paggawa ng


basket composting. Ayusin ang mga hakbang sa wastong
pagkakasunod-sunod ng mga ito. Lagyan ng titik A – E ang patlang sa
bawat aytem.

1. ______ Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman


ng sisidlan para magsama ang lupa at ang nabubulok na mga bagay
pagkalipas ng isang buwan.
2. ______ Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan
upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.
3. ______ Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang
kawayan upang mabulok kaagad ang basura.
4. ______ Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki
at haba. May isang metro ang lalim.
5. ______ Ikalat nang pantay ang mga pinapatong-patong na tuyong
dahon, dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop,
at lupa tulad din ng compost pit hanggang mapuno ang lalagyan.

E. PAGSASANIB

Mahalagang may sapat na kaalaman at marunong gumawa ang


naghahalaman sa paggawa ng organikong abono. May mga di-organikong
abono na maaaring bilhin sa tindahan ngunit makapagdudulot ito ng
pagkasira ng lupa at masama sa tao. Ang paggamit ng organikong abono
ay mura at ligtas gamitin.

9|P ahi na
F. PAGLALAHAT

Ang organikong abono ay nakapagpapaganda sa kalidad ng lupa. Ito


ay makukuha sa paggawa ng compost.

VI. PAGTATAYA

PANUTO: Basahin nang mabuti ang sumusunod na pahayag. Iguhit


ang masayang mukha kung ito ay tama. Iguhit naman ang malungkot
na mukha kung ito ay mali.

________ 1. Sa paghahalaman, hindi kailangan ang abono upang maging


mataba at malabo ang mga pananim.

________ 2. Sa pamamagitan ng composting, ang mga sariwa o mga


nabubulok na mga basura tulad ng mga balat ng prutas/gulay, dahon nga
halaman at mga dumi ng mga hayop ay pwedeng gawing abono.

________ 3. Ang organikong pataba ay maganda sa lupa at halaman. Ito


ay nakapagdadagdag ng water holding capacity ng lupa at
nakapagpapataba ng mga halaman.

________ 4. Hindi mainam na sa ating paghahalaman tayo ay mayroong


kaalaman sa paggawa ng organikong pataba sa pamamagitan ng paggawa
ng compost.

________ 5. Ang paggamit ng di-organikong abono ay mura at ligtas


gamitin.

VII. PANGWAKAS NA GAWAIN

PANUTO: Pag-aralan ang pamantayan sa paggawa ng Compost Pit.


Sundin ang mga hakbang sa paggawa.

10 | P a h i n a
Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Compost Pit.

- Ihanda ang mga materyales na gagamitin.


- Mag-ingat sa paggamit ng materyales lalong lalo na sa matutulis na
kagamitan upang hindi masugatan o makasugat.
- Iligpit ang mga kasangkapan pagkatapos.
- Linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng Gawain.

VIII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

Maliban sa paggawa ng compost pit at basket composting, mayroon


pang ibang paraan sa paggawa ng mga organikong abono.
Tunghayan ang iba pang halimbawa ng paggawa ng organikong
pataba na maaari ninyong gamitin upang maging malusog at malago ang
inyong mga halamang ornamental.

www.google.com www.google.com

11 | P a h i n a
www.google.com www.google.com

www.google.com

12 | P a h i n a

You might also like