You are on page 1of 12

MGA KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA PAGGAWA

ALAMIN NATIN
Alam niyo ba kung ano ang tawag sa taong may
kaalaman at kasanayan sa paggawa na may
kinalaman sa kuryente?
LINANGIN NATIN
MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG EXTENSION CORD
• Ihanda ang kawad. Paghiwalayin ang magkatabing kawad
ng magkabilang dulo at balatan ang mga ito ng 10
sentimetro. (10-15 sentimetro).
• Luwagan ang turnilyo ng outlet at ibukas. Iikot ang isang
binalatang dulo ng kawad ng kaliwang bahagi at ang isa sa
kanang bahagi. Ipaikot sa turnilyo at ipitin ng mahigpit.
Ilagay ang pansara.
• Buksan ang male plug. Makikita ang dalawang turnilyo,
luwagan ng bahagya at iikot sa magkabilang turnilyo ang
magkahiwalay na kawad sa paggamit ng underwriter’s knot
upang makatiyak na dadaluyan ng kuryente ang terminal.
• Higpitan muli ang turnilyo upang maipit ang
kawad.
• Isara muli ang plag. Subukan sa paggamit ng
tester kung dadaluyan ng kuryente.
• Tingnan mabuti ang lahat ng ikinabit na bahagi
kung hindi nagkamali sa pagsasagawa ng mga
hakbang.
• Sundin ang mga pangkaligtasang gawi sa
paggawa upang maiwasan ang sakuna.
Tandaan Natin:
• Ang wastong kaalaman sa paggawa ng
proyekto ay magpapaunlad ng kasanayan
at nakatitipid ng oras at lakas.
GAWIN NATIN
• Aktuwal na paggawa ng extension cord ng
mga mag-aaral
• Pagsagot sa score card
• SCORECARD SA PAGGAWA NG EXTENSION
CORD
Mga Pamantayan Puntos
Pagsunod sa Wastong Hakbang

Ang mga kagamitan at kasangkapan ay inayos sa ibabaw ng mesa bago 5


gumawa.
Pagsusukat sa pagtatalop ng kawad. 5
Paggawa ng underwriter’s knot. 10
Pagkabit ng kawad sap lag at convenience outlet. 10
Naisagawa sa takdang oras.
Paggamit ng Kasangkapan
Gumamit ng wasto at angkop na kasangkapan sa paggawa. 5
Sinuri ang kaayusan ng kasangkapan. 5

Ginamit sa angkop ng gawain. 5


Ibinalik sa pinagkunan matapos ang gawain ng maayos. 5
Pangkaligtasang Gawi 5

Masigla at tuloy-tuloy sa paggawa.


Ipinapakitang may sistema sa paggawa. 5
Ipinakita ng pag-iingat habang gumagawa. 5
Nilinis ang hapag gawaan matapos ang gawain at isinauli ang mga 5
kagamitan at kasangkapan sa pinagkunan.
5
Uri ng Natapos na Gawain

Ang kawad na ikinabit sap lag at convenience outlet ay may wastong


haba.
An pagkagawa ang underwriter’s knot at ang pagkakabit ng kawad sa 10
turnilyo ay wasto.
Maayos at malinis ang pagkakabuo ng plag at convenience outlet. 5

Naisulat nang wasto ang Plano ng Proyekto 5


Pagyamanin Natin:

• Gumawa ng slogan tungkol sa paggamit ng


kuryente sa matipid na pamamaraan.

You might also like