You are on page 1of 1

Republic of ltte Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIYISION OF PASIG CITY
Caruncho Avenue, Pasig City

MENSAHE PARA SA PAGTATAPOS

Isang maligayang pagbati ang ipinaabot ko sa lahat ng magsisipagtapos ngayong Taong


Panuruan 2017-2018.

Aug inyong mga guro, magulang, maging ang pamunuan ng inyong paaralan ay tunay na
nakadarama rig pagmamalaki at sumasaludo sa inyong tagumpay na nakamit. Para sa inyo ang
Natatanging Pagkilala dahil napagtagumpayan ninyo ang lahat ng pagsubok rig ating Bagong
Kurikulum - ang K to 12 Enhanced Basic Education Program.

Sa inyong Pagtatapos, tanggapin ninyo ang KATIBAYAN na nagpapakilala ng inyong


ginawang pagsisikap at pagtitiyaga sa pag-aaral. Ito ang bunga ng inyong pagsisikhay sa mga
gawain sa loob at labas ng inyong silid-aralan, maging sa pagsunod sa mga batas at pamantayan
rig inyong paaralan. Ngayong kayo ay tapos na sa elementarya, baonin ninyo ang lahat ng
natutunang karanasan at wastong pag-uugali na nakamit ninyo mula sa inyong mga magulang,
guro, pamunuan ng paaralan at ang mga taong sumuporta sa inyo upang ang inyong pangarap ay
makamit. Subalit higit ang inaasahan ay ang inyong akademikong tagumpay na siyang magdadala
sa inyo sa susunod na antas rig inyong pag-aaral.

Ang Pagtatapos na ito ay tanda ng isang panibagong tagumpay ng lahat rig stakeholders
sa Sangay ng Pasig. Ang ipinakitang kakayahan, pagtanggap at makabuluhang pakikiisa at
pagtutulungan ng Kagawaran ng Edukasyon at Pamahalaan rig Lungsod Pasig, ngayon ay
nasasalamin na ang tagumpay at ito ay angkop sa tema ng pagtatapos: "bag-aaral ng K to 12:
Handa sa Hannon ng Buhay."

Nawa’y ang Pagtatapos na ito ay magsilbing patunay na ang Edukasyon ang


pinakamahalaga upang magkaroon tayo rig magandang kinabukasan. Alam kong napakarami
pang pagsubok na kakaharapin subalit ang mga ito ay mapagtatagumpayan sa pananalig sa Diyos
at sarili.

Tandaan lagi ang habilin na ito: Pa ano mang gawin sa buhay huwag kalimutan na
meagre ang Diyos fagi.

DO O C. IJIANAN, CESO VI
Nanunuparang Tagapamanihala rig mga Paaralan sa Lungsod Pasig

You might also like